Ang walang hanggang bangungot ay hindi tumalab kay Bi Qiaoyu.
Binuksan ng Head ng pamilyang Bi ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim.
Sa mga sandaling iyon, kalahati ng katawan ni Bi Qiaoyu ay halos makita na sapagkat amg kalahati ng kaniyang mga damit ay sira na.
Ang mga gutom na mga katawan ay naapektuhan ng 'Drunken God Perfume' kaya sila'y napahinto sa paglalakad at hindi nagawang makakilos.
Isang malamig na pakiramdam ang nakalampas sa kanilang mental energy at nagpalagablab ng init ng katawan mula sa kanilang mga isipan.
Matapos mangyari ang lahat ng iyon, umiwas ng tingin si Zhao Feng.
Gayon pa man, isang nag-aalab na pakiramdam sa loob ng kaniyang katawan na halos sumunog sa kaniyang mental energy level nang napagtanto niyang hinahalikan siya ni Bi Qiaoyu.
Ang 'Drunken God Perfume ay nakakatakot-kaya rin nitong maabot ang mental energy level. Para sa mga kababaihan, ang epekto nito ay dodoble, ibig sabihin na kahit na ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi makakayang iwasan ito.
Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at hindi nagbigay pansin kung paano makaramdam ang kaniyang katawan dahil siya ay mahina pagdating sa mga mental energy attacks.
Ng may panlalamig sa kaniyang puso, pinagmasdan niya si Bi Qiaoyu gamit ang kaniyang yelong bughaw na mata.
Nanigas ang katawan ni Bi Qiaoyu nang bumalik ang kaniyang diwa at sinubukang makahanap ng butas para ibaon ang aniyang sarili sa ilalim.
Walang emosiyong binalutan ng damit ni Zhao Feng si Bi Qiaoyu.
"Itong taong to… Gawa ba sa yelo ang puso niya?"
Nakaramdam ng konting pagkabigo at panliliit si Bi Qiaoyu. Ito ba'y dahil siya ay
hindi talaga kaakit-akit?
Nang tumingin si Zhao Feng sa kaniya gamit ang kaliwang yelong mata, ito'y parang nakatingin siya sa tumpok ng mga puting mga buto.
Miao miao!
Ang maliit na pusang magnanakaw ay biglang lumitaw sa kawalan at nagsimulang amuyin ang Drunken God Perfume.
Biglang nagbago ang ekspresiyon ni Zhao Feng. Ang Drunken God Perfume ay isang napakalakas na gamot na kayang maapektuhan kahit ang mga nasa True Spirit Realm, kaya ang lohika, pati ang mga hayop ay naaapektuhan din.
Nang halos pigilan na niya ito, natagpuan niya ang pusang maliit na magnanakaw na tumatalon ng masaya nang may kontentong damdamin.
Ang sitwasiyong ito ay nagdulot kay Master Bi, kay Bi Qiaoyu, at sa Daoist na naka suot ng asul na kapa para maging kakaiba ang kanilang mga ekspresiyon.
Nang lumipas ang mga oras, ang amoy ng Drunken God Perfume ay unti-unting nawawala o kaya naman'y nalanghap lahat ng pusang maliit na magnanakaw.
Ang parehong partido ay hindi nakaramdam ng anumang pagkatalo, sila'y pagod at nanghihina lamang.
Ang Severed Blood Pirate at ang mga tao sa Transverse Water Stronghold ay umuposa lapag ng naka dikwatro upang magpahinga bago magpatuloy sa paglalakbay.
Ayon sa pagsusuri ng taong naka asul na kapa, kapag nalampasan nila ang pasilyo, mararating nila ang sentro ng kuweba.
Gayon pa man, ang pasilyo ay mas mahaba kaysa sa kanilang inaasahan at mayroon ring nakalalasong insenso na maaaring magdulot ng kamatayan sa mga taong nasa 6th o kaya sa 7th Sky.
Maingat na naglakad paharap ang grupo, natatakot na maaktiba ang mga nakamamatay na amoy.
Ang pasilyo ay natapos nilang lakarin sa loob ng daan-daang yarda, at isang kulay-abong ilog ang kanilang nakita.
Sandali, ang ilog ay gawa sa 'di mabilang na mga kulay-abong kulisap na pinupuno ng 'bug river'.
Ang mga kulisap ay halos kasing sukat ng kuko ng hinlalaki at ang iba ay mayroon pang kambal na mga pakpak. Mayroon ding siksik at sama-sama na tila kayang bumalot sa buong mundo.
Walang siglang huminga ang lahat ng grupo.
Ang ilog ay napupuno ng 'di mabilang na kulay-abong mga kulisap na humaharang sa dadaanan ng grupo.
Tumingin sa paligid si Zhao Feng at natagpuan ang isang libingan sa gitna ng bug river na nagtatansiya sa dalawampu hanggang tatlompung sukat.
Sa sentro ng libingan, mayroong lilang pilak na kabaong na kasing laki ng palasiyo.
Nanlaki ang mga mata at napanganga ang parehong partido. Ito ang unang beses na nakakita sila ng ganoong kalaking kabaong.
"Hahaha… nandirito narin tayo. Ang lugar na ito siguro ang deathbed ng Water Moon Pirate."
"Mahirap isipin kung gaano karaming bagay ang nasa loob ng malaking kabaong na iyan maliban pa sa Water Moon Pirate."
Nagsimulang tumawa ang mga pirata habang nanginginig pa sa sobrang saya, hindi nila maitago sa kanilang mga mukha ang kasakiman.
Ang lahat ng tao sa Transverse Water Stronghold ay nagniningning ang mga mata.
Ang lilang pilak na kabaong na kasing sukat ng palasiyo ay nasa sentro ng bug river, may sukat na dalawampu hanggang tatlompung yarda na layo mula sa lahat.
"Brothers, sugod!"
Hindi na makapaghintay pa ang mga Severed Blood Pirates.
"Sandali! Ang mga kulisap ay isang low level Dead Corpse Bugs na may sabrang pagkasensetibo sa dugo ng mga buhay na tao. Libo-libong Dead Corpse Bugs ang nandito na kayang kumain sa lahat ng laman at dugo ng tao sa konting oras lamang.
Ang Daoist na naka asul na kapa ay tila sobrang sanay na at agad na binalaan sila.
Ang mga kulisap sa ilog na nasa kanilang harap ay hindi bababa sa milyong bilang at bawat isang kulisap ay may kaniya-kaniyang aura na maihahalintulad sa 1st Sky.
"Daoist, isa kang Grave Robber Master. Wala ka bang ibang paraan para masolusiyunan itong problema?" Tanong ng Severed Blood Bald Eagle.
Grave Robber Master?
Nang marinig ang bansag sa kaniya, ang lahat ay nagulat. Hindi kataka-takang ang Daoist na naka asul na kapa ay tila sobrang sanay na at hindi man nagkaroon ng anumang pagkakamali.
"Ang lahat ng may dugo ay mararamdaman ng mga Dead Corpse Bugs. Sa ganiyang karaming bilang, malamang ay wala ng solusiyon. Mayroon akong kakaunting pakete ng pulbura na tanging makakapagpabawas ng tiyansa na tayo'y aatakihin kapag inilagay natin ito sa ating mga katawan."
Pagkatapos niya itong sabihin, ang Daoist na naka asul na kapa ay naglabas ng kaunting pakete ng pulbura.
Sa mga ganitong sitwasiyon, ang lahat ng tao sa Transverse Water Stronghold ay nagbago agad ang ekspresiyon.
Sa kakaunting pakete ng pulbura, ang mga pirata ay lubhang masuwerte. Sa kabutihang-palad, mayroon lamang sapat na pakete na kasiya lamang sa lima hanggang anim na katao.
Napangisi ang Daoist na naka asul na kapa: "Tanging ang mga nasa True Spirit Realm lamang ang may 100% na tiyansang makaligtas. Ang mga nasa half-step True Spirit Realm naman ay may 40-50% na tiyansa. At para sa mga normal na cultivators sa 7th Sky, ay mayroon lamang 10% na tiyansa."
Pinagmasdan niya si Zhao Feng.
Bumuntong hininga si Zhao Feng, mukhang ang balanse ay napanatili ng Transverse Water Stronghold at ang Severed Blood Pirates ay malapit ng magkahiwalay-hiwalay.
"Mayroon akong klase ng 'cracking grenade' dito na maaaring sumabog at ang lahat ng malapit mula sa kaunting yarda ang layo ay sasabog na parang walang nangyari. Ang apoy na elemento sa loob nito ay makakatulong para mabawasan ang mga Dead Corpse Bugs."
Naglabas naman ng pito o walong dark red balls na kasukat ng kamao ng sanggol mula sa kaniyang interspatial ring.
At saka naman niya ito ibinigay sa lahat.
Bagama't ang paggamit ng cracking grenades ay hindi kasing galing ng pulbura galing sa Daoist na naka asul na kapa, ito'y madaling gamitin at makakatulong kapag naging kritikal na ang sitwasiyon.
Ang iba sa mga elites na nasa Transverse Water Stronghold ay nagkaroon din ng cracking grenade na hawakchawak sa kanilang mga kamay.
Dahil limitado lamang ang bilang, marami tao sa stronghold ay hindi nagkaroon ng mga armas at bilang outsider, hindi rin nakakuha si Zhao Feng.
"Master Bi, kahit na sumama ako, ang aking cultivation ay mawawalan ng silbi. Mas magandang ibigay nalang ito cracking grenade kay Brother Feng." Iminungkahi ni Bi Qiaoyu.
Napangiti si Master Bi: "Malakas si Zhao Feng at mayroon siyang bloodline power – naniniwala akong kaya niyang makalampas sa ilog ng ligtas. Pagkatapos nating malampasan ang lilang pilak na kabaong na ito ay kakailanganin ka pa namin."
Bilang isang outsider, ang pagtitiwala ni Master Bi kay Zhao Feng ay limitado at hanggang dito lamang, ang pakinabang niya ay nagawa na niya.
Samakatwid, si Master Bi ay wala talagang pakialam sa buhay ni Zhao Feng. Siyempre, kung magagawa niyang makarating sa lilang pilak na kabaong, edi mas maganda.
Ang asul na buhok ni Zhao Feng ay lumipad sa hangin at buhay na buhay nang lumapit siya sa libingan na puno ng panganib.
Hindi niya inintindi na hindi siya nakakuha ng cracking grenade.
Nagtataka lamang siya kung bakit nakatutok si Master Bi sa pagdala kay Bi Qiaoyu mula pa sa umpisa.
At ngayon ay siya pa mismo ang pumoprotekta ay Bi Qiaoyu para makalampas.
Ceng~Sou—Sou--
Ang dalawang partido mula sa Severed Blood Pirates at Transverse Water Stronghold ay pumunta patungo sa lilang pilak na kabaong na nasa sentro ng bug river.
Ang iba mula sa True Spirit Realm, ay dalawampu hanggang tatlongpung yardang hinga lamang para marating ito.
Ang Severed Blood Pirates ang naunang makarating kasama si Master Bi habang pinoprotektahan si Bi Qiaoyu sa likod niya.
Sa likod nila ay ang mga tao na nasa half-step True Spirit Realm at mga nasa pinakamataas na cultivators sa 7th Sky.
Sobrang delikado nito para sa mga eksperto para lamang makalampas sa ilog kaya mga ulap ng Dead Corpse Bugs ang bumalot at kumain sa kanilang mga katawan at sa kanilang True Force.
"Ahhhhh! Ahhhhhhh!"
Mga sigaw mula sa bug river ang bumalot dito dahil sa 'di mabilang na mga kulisap na tumapos sa mga eksperto na nasa 7th Sky.
Halos bawat paghinga ay maririnig ang kanilang mga sigaw.
At panghuli.
Tanging apat na half-step True Spirit Realm at halos one-third ng mga cultivators na nasa 7th Sky, na nasa lima hanggang anim na kataong pinakamataas sa 7th Sky , ang nagtagumpay na nakarating sa lilang pilak na kabaong.
Sinadya talaga ni Zhao Feng na bagalan ng konti ang kaniyang pagdating kaya kasabay niya ang mga huling grupo na nasa pinakamataas sa 7th Sky.
"Zhao Fen, alam kong hindi mo ako bibiguin."
Ngumiti si Mster Bi ngunit may halo itong pagkagulat sa kaniyang puso. Ang ibang eksperto na nasa 7th Sky ay halos sugatan at ang isa o dalawa pa nga ay nawalan ng kanilang mga paa. Sa kabilang banda, si Zhao Feng naman ay hindi nagtamo ng kahit anumang sugat.
Ang Daoist na naka asul na kapa ay nagulat din nang makita si Zhao Feng.
Ang isa bata na nasa 7th Sky na wala man lang dala na espesiyal na kapangyarihan galing sa kaniya o ang cracking grenade ni Maste Bi ay walang dudang mamatay sa bug river, ngunit nagawa niya paring makarating sa lilang pilang na kabaong ng walang kahirap-hirap.
Sa mga oras na iyon, kung ikokompara ang dalawang partido, malinaw na mas higit na masuwerte ang mga pirata dahil mas epektibo ang pulbura ng Daoist na naka asul na kapa.
Samakatwid, hindi lang si Bi Qiaoyu ang buhat-buhat ni Master Bi pati na rin ang iba pa nilang kasamahan.
Matapos marating ang lilang pilak na kabaong, ang Dead Corpse Bugs nakakalat kung saan-saan bago ito nagsibalikan sa bug river.
Sunod, ang parehong partido ay nag-usap kung paano nila mapapasok ang higanteng lilang pilak na kabaong.
Ang lilang pilak na kabaong ay nagmukhang hingateng kabaong, ngunit ang totoo ito'y isang palasiyong libingan at mayroon itong malalaking pintuan sa bawat direksiyon nito.
Hindi makatotohanan ang pagwasak sa Lilang pilak na kabaong dahil kahit na ang mga atake mula ng nasa True Spirit Realm ay nahirapan ding magasgasan man lamang ito.
Samakatwid, kapag ginamit ang extreme force ay maaaring magdulot ito ng 'di inaakalang mga pinsala.
"Hmmm? Bawat pinto ay may maputlang palad na nakatatak sa gitna nito." Ang sabi ng pirata.
Ang mga palad na nakatatak ay tila bago at mukhang iniwan lamang.
Sa apat na mga pintong iyon, tanging tatlo lamang na palad ang nakatatak at ang mga sukat nito ay iba-iba
Ang una ay kasukat na parang sa binatang lalaki.
Ang pangalawa ay tila galing sa isang batang babae at ang pangatlo ay luma at matanda, na parang nanggaling ito matandang tao.
Habang tinigtignan ang mga palad na nakatatak, napaisip si Zhao Feng nang maalala niya ang kaniyang palad na nakatatak sa stone sign.
Ang unang palad na nakatatak ay pag-aari niya, ang pangalawa ay kay Bi Qiaoyu, at ang pangatlo ay sa Daoist na naka asul na kapa.
"Naiintindihan ko!"
Sa halos buong oras na iyon, ang Daoist na naka asul na kapa at ang Severed Blood Pirates ay sumisigaw.
Ang stone sign sa pasukan ay kunektado dito at ang tatlong palad na nakatatak ay kumakatawan sa tatlong susi sa pasukan ng lilang pilak na kabaong.
Agad na tumayo si Master Bi sa harap ni Bi Qiaoyu nang maintindihan niya ang nangyayari at tumingin kay Zhao Feng ng may galit sa kaniyang mga mata.