"Master Bi, ano ang dapat nating gawin? Talaga bang hahayaan natin ang mga piratang iyon na makuha ang Water Moon Treasury?"
"Ang Transverse Water Bay ay teritoryo natin. Bakit natin ibibigay ang treasury itong sa mga pirata?"
"Subalit labis na napinsala si Master Bi…"
Nagusap-usap ang mga nakatataas na echelon ng stronghold.
Maraming tao ang sakim at hindi makapaghintay sa Water Moon Treasury, ayaw nilang makuha ito ng mga pirata.
Kung tutuusin, ang Water Moon Treasury ay nasa teritoryo nila. Paanong manonood lamang sila habang kinukuha ito ng mga pirata?
"Water Moon Treasury? Ano ang alamat na ito?"
Hindi mapigilang magtaka ni Zhao Feng.
Lahat ng tao rito ay alam ang tungkol sa Water Moon Treasury. Si Zhao Feng lamang ang tanging walang alam na kahit ano.
Subalit, mula sa pinsala na natamo ni Master Bi, maaaring makita na ang Water Moon Treasury ay kaakit-akit kahit para sa mga taong nasa True Spirit Realm.
Nagliwanag ang mga mata ni Master Bi habang nagsalita siya sa mababang tono: "Ang Severed Blood Water Leader Bald Eagle ay nakapawais. Naglagay siya ng isang patibong upang tuksuhin ako atsaka nila ako sinugod. Subalit, napinsala rin siya dulot sa pag-atake ko pabalik."
Sa pagkarinig nito, mas marami pang mga tao ang nagmungkahi na umatake at nakawin ang kayamanan.
Kahit na naisahan si Master Bi ng Severed Blood Bald Eagle at ngayon ay hindi na gumagana ang isa kaniyang mga binti, ang huling nabanggit ay napinsala rin.
Sa kabuuan, si Master Bi ay may hindi magandang kalagayan ngunit ang stronghold ay mas maraming elites.
Agad na, nakapagpagaling si Master Bi samantalang pinagtipon-tipon naman ng Head ng pamilya ng Bi ang mga nakatataas na echelon at ang mga eksperto.
Sa pamamagitan ng ilang diskusyon, nagdesisyon na ang stronghold na magpadala ng mga elites nito upang ipaglaban ang treasury. Siyempre, mayroong mga taong matitira para protektahan ang stronghold.
Mabilisan itong nagawa.
Nagtipon ng isang makapangyarihang batalyon ang Transverse Water Bay. Mayroong kabuuan ng apat na nasa half step True Spirit Realm, labingpitong nasa 7th Sky, at dose-dosenang mga cultivators na nsasa 6th Sky.
Halata na papunta ang Transvere Water Stronghold sa landas ng mga elites.
Sa isang banda, ang stronghold ay nangangailangan ng mga taong poprotekta rito at sa kabilang banda naman, para lamang ito sa sariling kapakanan.
Kung mas maraming tao ang pupunta ibig sabihin nito na ang paghahati sa mga kayamanan ay mas magiging kakarampot.
"Master Bi, ano ang gagawin natin sa hindi kilalang batang ito?"
Ilang mga nakatataas na echelons ang may poot na tumingin sa batang may asul na buhok.
Ang batang mayroong asul na buhok ay mayroong suot na isang takip sa mata at mayroon siyang malamig na ekspresyon – hindi rin siya mukhang isang mabait na tao.
"Master Bi, sa mga ganitong sitwasyon, mas nanaisin kong pumatay ng isang inosente kaysa magpakawala ng isang nahuling isda."
Isang malamig na liwanag ang kumislap sa mga mata ng isa sa mga ekspertong nasa 7th Sky.
Ang mungkahing ito ay hindi kalaunan sinangayunan ng nakararami. Ang ilan pa nga ay nakatitiyak na si Zhao Feng ay isang pirata.
Bahagyang nagulat si Zhao Feng habang hinihimas niya ang kaniyang baba.
Miao miao!
Umupo ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Zhao Feng at winagayway ang mga paa nito sa pagkamuhi niya.
Katapat ang mga grupo ng eksperto, ang nag-iisang pusa at nag-iisang tao na ito ay napakakalmado.
"Hmph! Ako ang nag-ahon sa kaniya mula sa tubig at kasama ang isang ganito ka-cute na pusa, paano sila naging mga pirata?"
Si Bi Qiaoyu lamang ang tumayo at nagtanggo kay Zhao Feng.
Nang inahon si Zhao Feng, personal na tiningnan ni Master Bi si Zhao Feng at natuklasan na ang batang ito ay mayroong isang bloodline power.
Sa Canopy Great Country, ang mga bloodlines ang kumakatawan sa pagiging maharlika. Ang mga taong ito ay tinatanggap kahit saan. Kailangan ba niyang maging isang pirata sa ganito kabatang edad?"
Dagdag dito, sa ilalim ng mga poot ng lahat ng taong ito, nakapagtatakang kalmado pa rin sila at ito ang ikinagulat ni Master Bi.
Hindi niya mabasa si Zhao Feng, ngunit lahat ng ito ay posibleng mangyari. Ang misteryosong batang ito ay maiiwan ng walang kontrol sa stronghold.
"Munti kong kaibigan, interesado ka bang sumama sa aming magpunta sa treasury?" Tinanong ni Master Bi habang nakangiti.
Hindi mapigilang mag-isip ni Zhao Feng tungkol sa katalinuhan ni Master Bi.
Dahil hindi siya kampante kay Zhao Feng, bakit hindi na lamang dalhin ang nabanggit kasama nila?
Kung si Zhao Feng ay mayroon talagang ibang motibo, madali lang nila siyang mapapatay sa batalyon na mayroon sila.
Subalit, kung inosente si Zhao Feng, ang kaniyang cultivation at bloodline power ay magiging malaking tulong sa kanila.
"Sige ba."
Tumango si Zhao Feng. Hindi niya alam kung ano ang Water Moon Treasury, kaya naman tinanong siya tungkol dito.
"Hindi talaga alam ng batang ito ang tungkol sa Water Moon Treasury?"
Nagulat ang mga elites ng stronghold.
Kung wala talagang alam si Zhao Feng tungkol sa Water Moon Treasury, mangangahulugan lamang ito na hindi nagmula sa lugar na ito si Zhao Feng at maaaring wala rin siyang kahit anong relasyon sa mga pirata.
"Ang Water Moon Treasury ay nagmula sa sikat na Flower Picking Moon Pirates noong daan-daang taon nang nakalipas…" Paliwanag ng Head ng pamilya ng Bi.
Isang daang taon nang nakalipas, mayroong isang Flower Picking Pirate na ikinagulat ng buong Canopy Great Country – ang Water Moon Great Pirate.
Ang Water Moon Great Pirate ay naglakbay sa buong bansa, gumawa ng hindi mabilang-bilang na mga krimen, nagnakaw ng mga kayamanan at dinumihan ang mga batang babae.
Kahit hindi nakaabot ang Water Moon Great Pirate sa tugatog ng kaniyang cultivation, ang kaniyang bilis at paggalaw ay napakahusay kaya't nakatakas siya mula sa ilang mga True Lord Ranks.
Alam na agad ni Zhao Feng kung ano ang nangyari matapos makinig sa kalahati pa lamang ng istorya.
May kamangha-manghang speed at movement ang Water Moon Great Pirate at dinumihan niya ang ilang mga magagandang dilag pati na rin nagnakaw ng hindi mabilang-bilang na mga kayamanan.
Noong namatay siya, inilagay niya ang lahat ng kaniyang kayamanan sa isang tagong lokasyon at ito ay ang Water Moon Treasury.
Subalit, bahagyang nagtaka si Zhao Feng. Kung nasa tugatog ang bilis ng Water Moon Great Pirate, paano siya namatay?
Inihayag ng Head ng pamilya ng Bi ang susi sa palaisipang ito.
"Ang Mystic Flower Treasured Bible na cinultivate ng Water Moon Great Pirate ay isang masamang skill na malapit na sa Spiritual Grade High Level. Kapag nagcultivate ng skill na ito ang isang tao maaari niyang manakaw ang mga Yin sa mga babae at pasiglahin ang kaniyang sarili. Sa ilang dekada lamang, ginamit ng Water Moon Great Pirate ang skill na ito para makarating sa True Mystic Rank. Subalit, sa huling mga yugto ng skill na ito kinakailangan ng mga kababaihang mayroong matataas na cultivation at isang araw, ang kaniyang pakay ay naging si 'Empress Qin'."
Empress Qin.
Bumilis ang paghinga ni Zhao Feng. Hindi niya naisip na ang pagkamatay ng Water Moon Great Pirate ay may kinalaman sa taong pagbibigyan niya ng liham.
"Si Empress Qin ang pinakamagandang babae sa Canopy Great Country at ang kaniyang cultivation ay nasa True Spirit Realm. Mayabang na pumasok ang Water Moon Great Pirate sa mga mahahalagang lugar ng Imperials at sa lugar kung saan nakatira si Empress Qin. Subalit, sa pagkakataong ito, pumalpak ang Water Great Pirate."
"Sa katapusan, kinailangan niyang sunugin ang Qi ng kaniyang True Spirit at makatakas ng mayroong malalang mga pinsala bago ilagay ang lahat ng kaniyang kaalaman at kayamanan sa isang tagong lokasyon."
Nang marinig ng lahat ang kuwento mula rito, lahat sila ay napabuntong-hininga.
Nagpalipat-lipat ang Water Moon Great Pirate sa buong Canopy Great Country, subalit sa dulo, masiyado siyang naging high-key at naglakas-loob hawakan ang asawa ng Emperor.
Namatay ang Water Moon Great Pirate nakaraang isang daang taon nang nakalipas. Ang mga kayamanan niya ay sapat na para maudyok ang puso ng isang nasa True Lord Rank. Ang kaniyang kayamanan ay maaaring mas marami pa kaysa sa mayroon ang mga normal na ekspertong nasa True Lord Rank.
"Personal man o hindi, hindi natin puwedeng hayaan ang Blood Bald Eagly na kuhanin ang kayamanan ng Water Moon Pirate. Kung ang isang masamang skill gaya ng Mystic Flower Treasured Bible ay kakalat, magiging banta ito sa ating stronghold." Itiniim ni Master Bi ang kaniyang mga ngipin.
Sumang-ayon ang lahat dito.
"Tama 'yan, kailangan nating pigilan ang mga pirata sa pagkuha ng treasury."
"Kailangang magtulong-tulong ang stronghold para ipaglaban ang treasury at sirain ang Mystic Flower Treasure Bible." Makatarungang sinabi ng grupo at hindi kalaunan bumuo ng isang makapangyarihang partido para sa labanan.
Nakatindig na nakatayo si Zhao Feng sa tabi at malamig na nagmasid na parang isang manonood.
Kahit ang lahat ng mga taong ito ay makatarungang kumikilos, alin sa kanila ang hindi sakim at hindi talaga binibigyang-pansin ang Water Moon Treasury? Kung nasa kanila talaga ang Mystic Flower Treasured Bible, sino ang magsusuko nito?
Kailangang malaman ng isang tao na ang mga Spiritual grade skills ay napakabihira na sa kontinenteng ito.
Kahit ang Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay maikukumpara lamang sa isang High tier Spiritual grade skill. Ang Mystic Flower Treasured Bible ay isang masamang skill na maaaring makapagdulot upang mabilis na tumaas ang cultivation ng isang cultivator sa loob lamang ng maikling panahon.
Hindi kalaunan, ang partido ng Transverse Water Stronghold ay sumugod patungo sa kailaliman ng dalampasigan sa ilalim ng pag-uutos ni Master Bi.
Kabilang sa mga elites na ito ay ang 'panlabas na tulong' ni Zhao Feng.
Nararamdaman pa ni Zhao Feng na mayroong halos apat na tao sa grupo na nagmamanman sa bawat galaw niya. Bukod kay Zhao Feng, si Bi Qiaoyu ay kasama rin sa partido.
Ang batang babaeng ito na labingdalawa hanggang labingtatlong gulang ay talentado at nakaabot na agad sa 5th Sky ng Ascended Realm.
Subalit sa mga mata ni Zhao Feng, ang pakikilahok ni Bi Qiaoyu kasama ng lakas at karanasang mayroon siya ay pabigat lamang.
Marami sa mga nakatataas na echelons ang naguluhan at ang Head ng pamilya ng Bi ay labag dito, subalit ini-utos ni Master Bi mismo na sumama si Bi Qiaoyu.
"Si Qiaoyu ay matalino at sanay na sanay sa mga arrays at sa mga mechanics, dulot sa pagkatuto mula sa isang mechanic master. Batay sa mga nalalaman ko, ang Water Moon Pirate ay isang beterano sa mga mechanics at arrays. Maaaring isipin na ang kaniyang treasury ay puno ng patibong at mga mekanismo." Pagpapaliwanag ni Master Bi.
Siya lamang ang natatanging nasa True Spirit Realm dito at ang kaniyang posisyon ay hindi nagagalaw sa Transverse Water Stronghold.
Dahil si Master Bi ang gumawa ng desisyion, walang nagreklamo.
Si Bi Qiaoyu ay inosente at puro. Sa pagkarinig na makikipaglaban siya sa mga pirata, natuwa siya at tinaggap ito.
Habang nasa daan, nakipaglaro siya sa munting pusong magnanakaw at ang mga tunog ng kaniyang kasiyahan ay ang naging kaligayan ng ilang mga tahimik at mahiyaing grupo.
"Nagsimulang matuto si Bi Qiaoyu tungkol sa mga mechanisms at arrays simula pa lamang noong bata pa siya at nagkataon na naririto ang Water Moon Treasury. Nagkataon lamang ba ang mga bagay na ito?"
Naghinala si Zhao Feng, ngunit hindi siya nagtanong ng kahit ano upang hindi rin makuha ang paghihinala ni Master Bi.
Nakatagpo ang partido ng ilang mga kawan nga pirata sa daan at pinaslang silang lahat. Kung tutuusin, halos lahat ng tao rito ay nasa 6th Sky at sila ay mayroong ekspertong mula sa True Spirit Realm.
Matapos makalagpas ng isang daang milya o higit pa, isang ilog ang lumitaw sa harapan ng partido. Lubhang kakaiba ang ilog na ito – sa panlabas mukha itong kalmado ngunit sa ilalim nito ay mayroong hindi mabilang-bilang na ipo-ipo sa tubig.
Sa pampang ay mayroong isang barko ng mga pirata at nang dumating ang partido, naghintay ang mga taong nasa barko.
Ang mga pirata nasa barko ay mga elites din at ang lider nila ay may suot na isang itim na takip sa mata at pulang kapa. Mayroon siyang isang brutal na ekspresyon at siya ang nasa sento ng mga pirata tila ba siya ang Hari.
Malaki rin ang puwersa ng mga pirata at hindi masiyadong nagkaiba sa mayroong ang Transverse Water Stronghold.
"Old man Bi, naputulan ka na ng isang binti at nasunog mo pa ang Qi ng iyong True Spirit sa ilalim ng mga matitinding pinsala. Hindi ba't dapat nagpapahinga ka ngayon sa halip na sumama ka para ipaglaban ang treasury?"
Dinilaan ng taong may isang mata at nakapulang kapa ang kaniyang mga labi at nagpakawala ng isang nangingibabaw na madugong aura ng True Spirit Realm na may kasamang paglalayong pumatay sobrang lamig na umaabot ito sa puso.