Sa mapanganib na kagubatan…
Shua!
Lumitaw ang pigura ni Zhao Feng.
"Ang aura na ito…"
Nanigas ang mukha ni Zhao Feng nang makaramdam ng aura ang kanyang God's Spiritual Eye.
Ang Flooding Lake City Lord…
Huminga nang malalim si Zhao Feng. Sa ngayon, siya ay nasa halos isang libong milya na ang layo mula sa Flooding Lake City, ngunit nararamdaman niya pa rin ang aura ng City Lord.
Ang aura na itk ay sumanib sa Heaven Earth Fire Yuan Qi.
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang maisip niya ang katakot-takot na posibilidad.
Ang City Lord ay maaring umabot n sa True Lord Rank o siya ay talagang nasa True Lord Rank na at tinatago lamang niya ang kanyang cultivation.
Ang resultang ito ay hindi maganda para kay Zhao Feng.
Alam niya kung gaano kalakas ang isang True Lord.
Sa walong pinaka malalakas na pwersa sa Great Country, lahat sila ay may isang True Lord cultivators dahil kahit gaano pa karami ang cultivators sa Ascended Realm at normal True Spirit Realm ang mayroon sila, hindi ito sapat upang manalo sila.
Ayon sa mga antigong rekord, ang isang pangkat ay kailangan na magkaroon ng True Lord Rank cultivator upang makaabot sa half-star mark.
Kahit na hindi alam ni Zhao Feng kung ang Flooding Lake Liu family ba ay maikukumpara sa half-star faction, sigurado siya na ang Thirteen Clans ay hindi.
Sa kabuuan, ang kapangyarihan at kasikatan ng Flooding Lake City Lord ay mas aangat at bubuo ng malaking sagabal sa pagtakas ni Zhao Feng.
"Ang Flooding Lake City Lord na iyan ay lubhang nagkakalkula at maaring gamitin ang kanyang True Lord cultivation upang mahanap ako. Kahit na malawak at may magulong mga pwersa ang Canopy Great Country, ang kanyang kapangyrihan ay maari pa ring maka apekto sa kahit anong bagay na malapit sa Flooding Lake Area."
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng.
Sa sitwasyong ito, kailangan niyang lumisan sa Flooding Lake Area.
Shua!
Nagpatuloy si Zhao Feng sa mga puno at ginamit ang kanyang Yin Shadow Cloak upang maitago ang kanyang sarili habang naglalakbay siya sa Capital ng Canopy Great Country.
Ang Capital ay isa sa mga pinaka maraming taong syudad sa bansa at ang pananatili sa Flooding Lake City sa halos kalahating taon, mayroon na siyang mapa ng Canopy Great Country sa kanyang utak.
Madalas na binubuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at sinusuri ang kapaligiran at ikinukumpara ito sa mapa sa kanyang isipan.
Sa isang kisap-mata, ilang araw na ang nakalipas.
Sinubukang gamitin ni Zhao Feng ang kanyang Azure Sharp Swallow ng kaunti dahil maari ito makaagaw ng pansin sa kalangitan.
Ang Canopy Great Country ay maikukumpara sa Thirteen Countries. Dito, sinasanay nila ang martial arts kahit saan at ang mga flying steeds ay madalas lumipad.
Sa araw na ito, si Zhao Feng ay bumagsak sa haral ng maliit na lawa.
"Anong nangyayari? Ang mata ko…"
Nakaramdam ng pagod ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at mas lalo itong nadadagdagan kapag ginagamit niya ito.
Ang kakaiba lamang ay naramdaman niya na puno na ang kanyang mental energy.
Maging noong nilabanan ni Zhao Feng su Liu Yuan ilang araw na ang nakalilipas, hindi to ganito kahalata.
Ang lawa ay sobrang kalmado at tila isa itong salamin.
Tumayo si Zhao Feng sa harap ng lawa at tumingin sa kanyang buhok.
Hindi nagtagal, napag alaman ni Zhao Feng na halos isa sa bawat sampung asul na buhok niya ay naging faint ice blue na ang kulay.
Ang kulay ng kanyang buhok ay nagbabago na nitong mga nakalipas na araw.
Gayunpaman, ang kanyang asul na mata ay madalas na nagiging malamig at naglalabas ng nagyeyelong aura.
Sa tuwing dumarating aura na iyon, ang kapangyarihan ng God Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tataas sa maiksing panahon.
Ito ang dahilan kung bakit kinakaya ni Zhao Feng na gawing ilusyon ang mental energy consciousness ni Liu Yuan kung hindi ay tanging pagtakbk na lamang ang magagawa niya.
Gayunpaman, sa ngayon kahit na normal lamang na ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God Spiritual eye, nakararamdam siya ng pagod.
Miao miao!
Ang munting kuting na magnanakaw ay lumitaw sa kanyang braso at kumuha ng dalawang barya na kanyang winagayway patungo kay Zhao Feng.
Isa sa mga baryang ito ay mula sa Floating Crest Palace, at ang isa naman ay mula kay Liu Qinxin.
Ang Floating Crest Palace coin ay mas bago, habang ang Liu Qinxin ay bahagyang kinakalawang na.
"Sinasabi mo ba na may nahuli na?"
Nanigas ang ekspresyon ni Zhao Feng.
Ang munting kuting na magnanakaw ay tumango at hinagis ang dalawang barya sa hangin at tumunog ito ng 'Dings'.
Biyaya ba ito o panganib?
Napamura si Zhao Feng sa kanyang puso. Ang rutang kanyang tinatahak ay masyadong tago. Paanong may nakakasunod sa kanya?
Ang munting kuting na magnanakaw ay mukhang may kakaibang naramdaman noong tumunog ito ng 'Weng~' at sa isang iglap, nagtago ito sa Spiritual Pet Bag.
Sou---
Ang tunog ng isang lumilipad ay lumitaw at dala nito ang makapangyarihang aura ng half step True Spirit Realm.
Sobrang pamilyar ng aurang ito.
Hindi ito mabuti!
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Yin Shadow Cloak at nagtago sa sulok ng lawa.
Matapos ang ilang paghinga, isang pigura ng tulad ng anghel sa pinta ay bumagsak.
Ang taong ito ay si Liu Qinxin. Hindi alam ni Zhao Feng kung sinadya ba ito o hindi, ngunit bumagsak si Liu Qinxin sa kanyang tabi at bumuntong-hininga ito habang tinitignan niya ang lawa.
Mas malinaw pa ang mata niya sa lawa at kalmado.
"Paano mo ako nasundan?"
Ipinakita na ni Zhao Feng ang kanyang sarili. Hindi niya naisip na babagsak si Liu Qinxin sa kanyang tabi ng hindi sinasadya.
Kahit na mababa ang EQ ni Zhao Feng, hindi ibig sabihin nito ay pati ang kanyang IQ.
Mukhang may ilang sama ng ng loob si Liu Qinxin, ngunit hindi siya nagpakita ng kahit anong galit.
"Ang aking Master ay nag iwan sa akin ng dalawang bagay bago siya mamatay at sinabi niya sa akin na maari akong magdesisyon tungkol sa aking kapalaran at pagpapakasal."
Bahagya siyang ngumiti at ipinakita niya ang isa pang lumang barya.
Ang lumang barya ay katulad ng mayroon ang munting magnanakaw na pusa.
Ang tanging problema lamang na naisip ni Zhak Feng ay ang barya na mayroon ang munting magnanakaw na kuting.
Sa pag-uugali ng munting magnanakaw na kuting, ang bagay na mayroon ito ay hindi makukuha pabalik.
Ito ay halos nagdala ng panganib kay Zhao Feng. Kung hindi dumating si Liu Qinxin at nag dala ng mga eksperto mula sa True Spirit Realm..
Pinagpawisan si Zhao Feng nang maisip niya ito at tinignan niya ang kanyang God's Spiritual Eye ngunit wala siyang nakitang senyales na may ibang tao.
"Huwag kang mag-alala, aayusin natin ang ating isyu."
Sinuri ng malinaw na mata ni Liu Qinxin ang kabataan sa kanyang harapan.
Halos naging mag-asawa na sila.
"Ayusin? Paano?"
Bahagyang nataranta at nanalisa si Zhao Feng sa pag tingin sa kanya ng babae.
"May iku-kwento ako sa'yo bago natin aayusin." Ngumiti si Liu Qinxin.
Sa sandaling ito, natulala si Zhao Feng sa kanyang kagandahan.
"Magliliniss ako ng mukha at makikinig."
Ngayon lamang napagtanto ni Zhao Feng na wala siyang masyadong alam sa kanyang mapapangasawa.
"Matagal na panahon na ang nakalilipas, kumuha ang eksperto ng tatlong babaeng disipulo at hinayaan sila na mamili ng kanilang inheritance. Kahit na talentado ang tatlo, naiintindihan lamang nila ang kanilang inheritances…" saad ni Liu Qinxin.
Tahimik na nakinig si Zhao Feng at sobrang kalamado niya rin.
"Ang unang disipulo ay sobrang talino at pinili ang Dao of life, ang ikalawang disipulo ay maganda at pinili ang Dao of Charm at ang ikatlo ay ayaw makipaglaban kaya pinili ang Dao of Entertainment."
Bahagyang ngumiti si Lin Qinxin nang masabi niya ito.
"Mukhang nakuha mo ang inheritance ng unang disipulo."
Interesado si Zhai Feng sa istorya. Ang Master ni Liu Qinxin ay hindi simple - hinayaan niya si Liu Qinxin na mamili ng kanyang kapalaran at mula sa pananaw ng munting magnanakaw na kuting, ito ay halos mag balak na ng masama laban sa kanya.
Ang unang disipulo ng aking Master ay namatay. Ang ikatlong disipulo ay ang aking ina na na niloko at pinatay ng ikalawang disipulo." Saad ni liu Qinxin.
Natigilan si Zhao Feng. Namatay na ang una at ikatlong disipulo, ang ikalawang disipulo na lamang ang natira na mayroong Dao of Charm.
Ibig sabihin ba nito ay ang pumili ng Dao of Charm ay mas kayang mabuhay?
"Tapos na ang istorya. Ayusin na natin ang ating problema."
Nakapokus ang mata ni Liu Qinxin kay Zhao Fng at nagsimula itong ngumiti.
Kinabahan si Zhao Feng.
Ibug sabihin ba nito ay gusto pa ring ipagpatuloy ni Liu Qinxin ang kasal?
"Huwag kang mag-alala, wala ako dito uoang pwerdahin ang kasalan."
Bumuntong-hininga si Liu Qinxin: "Ang problema ay tumakas ka at nag-iwan ka ng malaking kahihiyan para sa Flooding Lake Liu family.
Natahimik si Zhao Feng at naisip: 'Kung hindi dahil sa ama mo, ganito pa rin kaya ang mangyayari?'
Isa pa, ang aking pangalan at reputasyon ay nasira dahil sa iyong pagtakas…"
Bahagyang nagulat ang puso ni Zhao Feng matapos itong marinig. Ang kanyang plano ay base lamang sa kanyang pananaw.
Ang ginawa ni Zhao Feng ay katumbas ng pagsasabi na hindi niya gusto ang babaeng ito.
"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ni Zhao Feng.
Sa sandaling ito, nakokonsensya siya at nais niya itong pagbayaran.
"Una, bumalik ka sa Flooding Lake City at humingi ka ng kaparusahan sa aking ama at Liu family. Sa sandaling iyon ay wala ng mamamagitan sa ating dalawa." Kalmadong saad ni Liu Qinxin.
"Ang ikalawa?"
Naisip ni Zhao Feng na kapag bumalik siya ay bubugbugin lamnag siya.
Sino ang may kaya sa galit ng City Lord, na ngayon ay nasa True Lord Rank na?
"Ikalawa, bumalik ka at ituloy ang ating kasal."
Bahagyang namula ang mukha ni Liu Qinxin.
Halos mahimatay na si Zhao Feng. Sinabi niya na hindi niya na ipipilit ang kasalan ngunit iyon ang ginagawa niya, hindi ba?
"Ano ang iyong desisyon?"
Tanong ni Liu Qinxin.
"Pi… Pinipili ko ang…. Magpatuloy sa pagtakas…"
Kung babalik si Zhao Feng, bubugbugin siya o pipilitin siyang ipakasal.
Posible ang unang desisyon, ngunit iyon ay kung sapat na ang kanyang kalakasan upang hindi siya matakot sa kanila.
"Ikaw… ikaw na matanda na, paanong…"
"Ano ako?"
Sobrang baba ng EQ ni Zhao Feng.
"Napaka iresponsable mo…"
Kinagat ni Liu Qinxin ang kanyang labi.
"Matanda? Underage pa ako."
Lumitaw ang mataas sa IQ ni Zhao Feng.
"Ikaw…"
Tumigil si Liu Qinxin sa pagsasalita.
"Paano kung magkaroon tayo ng pustahan?"
May kislap sa mga mata ni Liu Qinxin.
"Ituloy mo."
Hindi natatakot si Zhao Feng.
"Mag laban tayo ngayon. Kapag nanalo ka ay maari mo ng itapon lahat ng responsibilidad mo. Ngunit kapag natalo ka, kailangan mong mamili sa dalawa." Saad ni Qinxin.
"Hahaha… kapag natalo ako, babalik ako at pakakasalan kita agad." Nagsimulang tumawa si Zhao Feng na may kumpyansa sa sarili.
Kahit na lumagpas sa normal half step True Soirit Realm ang kalakasan ni Liu Qinxin at mayroon siyang bloodline power, nagtagumpay si Zhao Feng na makatakas mula sa eksperto ng True Spirit Realm.
"Talaga?"
Ngumiti si Liu Qinxin at kinmayan ang kanyanh datian upang riain ang selya nito.
Sa isang iglap, ang Qi of half step True Spirit Realm ay naging 'Qi of True Spirit'.
"Qi of True Spirit… ikaw… sinelyahan mo ang iyong cultivation."
Nagulat si Zhao Feng. Ang aura mula sa True Spirit Realm ay halos pigilan ang kanyang paghinga.