Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 277 - Bagong True Lord Rank

Chapter 277 - Bagong True Lord Rank

Sa himpapawid, tumayo si Zhao Feng sa tuktok ng Azure Sharp Swallow. Ang kulay asul na na kailaliman sa kanyang mata ay nagdilim.

Bumuo ng mental illusion prisons gamit ang kanyang God's Spiritual Eye ay pinahirapan siyang maigi at ang mental energy na inilabas ay higit na mas marami kaysa noong ginamit niya ito noon laban sa mga half step True Spirit Realm.

Bagamat gumamit si Zhao Feng ng maraming mental energy, nakaramdam pa rin siya ng pagod.

Napahirapan niya si Liu Yuan sa dimensyon ng mental energy sa loob ng dalawang oras at hindi man lamang nanghina ang kanyang kalaban.

Nag umapaw ang aura ng True Spirit Realm sa hangin, ngunit hindi na ito kasing lakas noon.

Ang Qi ng True Spirit na pumapalibot kay Liu Yuan ay bumagsak. Sa isang hingahan, bumagsak na rin ang kanyang katawan.na gumawa ng mas malaking pagitan sa kanila.

Ang mental energy consciousness ay nanghina at siya ay pagod na. Sa ngayon, mayroon na lamang siyang 70% ng kanyang kalakasan.

Ang pagdadag ng distansya sa kanilang dalawa ay halos sumunog na sa kanyang Qi of True Sprit, wala na siyang masyadong kalakasang natitira.

Nagtinginan si Liu Yuan at Zhao Feng habang lumalawak ng pagitan sa kanilang dalawa.

Sa mahabang labanan, ang pagkakaroon ng kabayo ay halata.

Tanging ang mga nasa True Lord Rank lamang ang may kakayahan na lumaban sa matagal na oras.

"Walang hiyang bata…"

Nag-igting ang mga ngipin ni Liu Yuan at mayroong makamandag na itsura ngunit sa kanyang mga mata, wala na itong pag-asa.

Simula noong araw sa City Lord Palace, kinalkula na siya ni Zhao Feng para sa araw na ito.

Sa sandaling ito, maari na lamang siyang tumitig kay Zhao Feng na naging itim na tuldok at naglaho.

Nanghihina at wala ng pag-asa si Liu Yuan. Ang kanyang dibdib y nag-aapoy sa galit. Ang cultivator sa True Spirit Realm ay sumunod sa lalaking nasa 7th Sky at nabigo.

Kung nahuli si Liu Yuan, hindi ito masydong mahalaga. Gayunpaman, nahuli niya si Zhao Feng at nakipagpalitan ito ng atake dito ngunit ang taong lugi ay siya.

Naupo si Zhao Feng sa Azure Sharo Swallow at pinalawak ang pagitan sa ilang daang milya bago niya suriin ang kanyang kapaligiran gamit ang kanyang God's Spiritual Eye.

Siguradong walang nakasunod sa kanya, itinabi na ni Zhao Feng ang kanyang Azure Sharp Swallow at ginamit na ang kanyang Yin Shadow Cloak upang maglaho sa kahuyan.

Hanggang hindi nalalaman ng mga nasa True Spirit Realm ang kanyang kinalalagyan, mahihirapan silang hanapin siya.

Maaaring gamitin ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng Yin Shadow Cloak upang tuluyang maitago ang kanyang sarili.

Ito ang dahilan kung bakit pinili ni Zhao Feng na kalabanin si Liu Yuan at hindi gamitin ang kanyang Yin Shadow Cloak upang magtago muna.

Dahil wala siyang kabayo at malayo ang kanyang nilipad, maraming enerhiya ang ginamit ni Liu Yuan at dahan-dahan itong bumagsak sa lupa.

Sa sandaling oras sapat na uto upang makagawa ng tsaa.

Sou---

Ang aura ng True Spirit Realm ay lumitaw. Ang bagong dating na tao ay nababalot ng itim na aura ay nasa True Human Rank at mas malakas kay Liu Yuan.

Kilala niya ang taong ito, siya ang pinuno ng depensa ng Flooding Lake City.

Sa sandaling ito, humarap si Liu Yuan sa taong kaparehas niya ng henerasyon at cultivation, mayroong pangamba at takot sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung paano magsisimula.

Ang black armoured leader ay sinuri si Liu Yuan na may bahagyang pagkagulat na ekspresyon.

Mukha itong mahina at may tagpi-tagping damit. Mayroon ding sunog sa kanyang mukha.

"Brother Liu, saan nagpunta ang batang 'yon? Nakatagpo ka ba ng ibang eksperto mula sa True Spirit Realm?"

May taimtim na ekspresyon ang black armoured leader.

Sa ganitong sitwasyon, tanging ang mga cultivator mula sa True Spirit Realm ang makakagawa nito.

Naiintindihan niya ang kalakasan ni Liu Yuan - siya ay nag cultivate sa Qin Sword Palace. Maari siyang kumalaban sa dalawang normal na True Human Rank sa maiksing panahon.

Ang mga katanungang ito ay nagdulot upang mamula ang mukha ni Liu Yuan at mapait siyang sumagot: "Walang ibang True Spirit Realm cultivators dito. Ang batang 'yon ay tumakbo na palayo."

Paano nangyari iyon?

Ang mga mata ng black armoured leader ay dilat na dilat, na tila hindi siya naniniwala sa resulta.

Sou-- Sou-- Sou--

Sa sandaling iyo, ilang mga tunog ng mga lumilipad ang lumitaw. Ang ilan sa mga lumilipad na kabayo ang dumating.

Ang unang grupong dumating ay halos lahat ng nasa half step True Spirit Realm at 7th Sky. Mayroon ding ilan na mula sa True Spirit Realm.

Lahat sila ay lubos na nagulat noong makita nila si Liu Yuan sa ganoing kalagayan.

"Nagtungo si Zhao Feng sa diresyong iyon, ngunit mahirap sabihin kung saang direksyon siya nagpatuloy."

Halatang ayaw pag-usapan ni Liu Yuan nang detalyado ang mga bagay at sinabi lamang na kung saan nag tungo si Zhao Feng.

Sa katotohanan, wala ng masyadong pag-asa si Liu Yuan na madakip si Zhao Feng. Malaki ang Canopy Great Country. Tanging ang Flooding Lake area lamang ay katumbas na ng Cloud Country.

Kahit pa gaano katanga si Zhao Feng, hindi siya tatakbo ng diretso lamang at hindi mag papalit ng direksyon.

Flooding Lake City, City Lord Palace.

Ang mga balita tungkol kay Zhao Feng ay umabot sa City Lord.

"Ang mga nasa half step True Spirit Realm at 7th Sky na tinutugis si Zhao Feng ay nasa isang daan na ang bilang, at ang iba pa na iba ang lebel ng cultivation ay umabot na sa libo. Lima mula sa True Spirit Realm din ang humahabol sa kanya.." saad ng City guard leader.

"Wala akong pakialam kung sa paanong paraan niyo siya mahuhuli, gusto ko lamang ng magandang resulta."

Malamig ang boses ng City Lord at may awtoridad.

Ang galit niya ngayong araw ay lumagpas sa kanyang galit sa loob ng isang dekada at sinira ang kanyang magandang imahe.

Ang halos manugang niya na at nagdulot ng kaguluhan sa Flooding Lake City at maraming mga eksperto ang ipinadala, ngunit hindi pa rin nila ito mahuli.

Hindi lamang iyon, lahat ng makahuhuli kay Zhao Feng ay matayalo jiya.

"Si Liu Yuan ang unang True Spirit Realm na nakahuli kay Zhao Feng. Ang tagumpay ay hindi naka depende sa kanya." Saad ng isang elder mula sa True Mystic Rank na katabi ng City Lord. Napaka taas ng kanyang posisyon at edad.

Ang mga kalapit na tao ay tumango rin. Kung si Liu Yuan na pinaka mabilis sa True Human Rank cultivator ay nabigong mahuli si Zhao Feng, kahit anong klaseng paraan pa ang mayroon sila, mahihirapan silang mahuli si Zhao Feng.

"Kahit hindi kagandahan ang nagawa ni Liu Yuan matapos bumalik sa Qin Sword Palace, hindi niya pa rin ako nabigo." Tumango ang City Lord.

Ang taong may pinakamalaking pag-asa ngayon ay si Liu Yuan.

Shua!

Ang halos multong pigura ay sumalibay sa harap ng Flooding Lake City Lord.

"Nag-uulat sa City Lord, bigo si Liu Yuan na hulihin si Zhao Feng."

Bigo.

Ang puso ng City Lord at ng kanyang mga kasamahan ay pinadalisay ang aura ng True Spirit Realm.

"Paanong hindi nadakio ni Liu Yuan si Zhao Feng sa kanyang bilis?"

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng elder mula sa True Mystic Realm.

"Ayon sa balita, hindi nahuli ni Liu Yuan si Zhao Feng, ngunit…" saad ng lalaki sa pangyayari.

Sa pagkaalam nila sa nangyari, ang mga taong naroon ay nagulat.

"Paano nangyari iyon… Maliban na lamang kung may nangialam na True Spirit Realm cultivator."

Lahat ay nagbaling ang ulo sa gulat, ngunit sa sitwasyong ito, isang boses ang nangibabaw: "Si Liu Yuan ay nandito upang humingi ng tawad sa kanyang nagawa."

Isang pigura ang lumipad sa kanilang direksyon.

Liu Yuan.

Lahat ay nagtatanong noong nakita siya.

Puno ng pagsisisi at pait ng mukha ni Liu Yuan habang nagsasalaysay siya sa nangyari.

Nagsimula na si Zhao Feng na gumawa ng mga plano ilang araw na ang nakalilipas upang kalkulahin ang flying steed ni Liu Yuan, nakaramdam ng kakaibang lamig ng lahat.

Katakot-takot ang kalkulasyon at plano ng kabataan.

Hindi mapigilan ng lahat na malamig na huminga noong marinig nila ang nangyari sa labanan.

"Mukhang minamaliit natin ang eye bloodline power ng batang iyon. Maging ang mga normal True Human Rank ay hindi kayang pigilan ang kang mental energy skills."

Ang True Mystic Realm elder ay may taimtim na ekspresyon.

"Zhao Feng. Ang Zhao Feng na iyan ay nakatakas sa mata ng napakaraming eksperto mula sa Flooding Lake City."

Ang Flooding Lake City Lord ay umabot na sa hangganan ang galit.

Ang peak ng True Mystic Rank ay napuno ng hangin at naging dahilan upang ang kumulo ang kalapit na Heaven Earth Yuan Qi.

Ang buong Flooding Lake City ay mukhang nbalot ng madilim na ulap.

Halos hindi maka hinga ang lahat. Maging ang mga nilalang mula sa True Spirit Realm ay nanginig ang puso.

Tanging ang elder mula sa True Mystic Realm lamang ang nagsalita: "Jiutian, huwag kang magalit masyado. Ikaw ang taong may pinaka magandang potensyal sa Flooding Lake Liu family at umabot sa hangganan ng True Mystic Rank sa ilang daang taon. Na cultivate mo na rin ang Mystic Flaming Heavenly Burning Manual sa peak eighth level. Hanggang patuloy kang naglalakad, madadala mo ang Flooding Lake Liu family sa bagong era."

"Oo, Ika-anim na Uncle." Bahagyang kumalma ang Flooding Lake City Lord

Gayunpaman, sa punto ng oras na ito.

"Nag-uulat sa City Lord, ang young mistress ay naglaho, hindi siya mahanap sa loob ng City Lord Palace."

Ang balitang ito ay naging dahilan upang manginig ang puso ng lahat at napamura sila muli sa kanilang puso.

Ang atensyon ng Flooding Lake City ay nakapokus lamang kay Zhao Feng ngayon. Walang maka iisip na maglalaho si Liu Qinxin ngayon.

"Ang direksyon ng young mistress ay kapareho kay Zhao Feng."

Hindi na ito kailangan pang itanong.

Sinundan ni Liu Qinxin ang kanyang magiging asawa.

"Zhao Feng… Zhao Feng… sinisira mo ang pangalan ng Flooding Lake Liu family."

Bahagyang kalamado na ang Flooding Lake City Lord ngunut sumabog muli ito sa galit.

Ang Heaven Earth Yuan Qi ay agad na nagsimulang tumalon.

Ang mga ulap ay nagsimulang mag kulay pula at ang buong City Lord Palace ay mukhang binabalot ng kumukulong putik.

Ang kalapit na True Human Ranked cultivators maging si Liu Yuan at ang mga kasamahan nito ay hindi makatayo ng diretso.

Boom~~

Ang hangin ay tila naging kulay pula.

Ang galit na bloodline at True Spirit Realm power ng Flooding Lake City Lord ay umabot na sa nagliliyab na estado at ang kanyang mata ay naging kulay pula.

Ang pulang mata nito ay nagtataglay ng pulang apoy na tumama sa kalangitan.

Ang Qi ng True Spirit ng City Lord ay umabit sa panibagong lebel at ang ibangvTrue Spirit Realm cultivators ay napilitang yumuki.

Sa sandaling ito, ang Fooding Lake City Lord ay mukhang nakatayo sa ibabaw ng mga ulap, at tinitignan ang mundo sa ibaba.

"Magaling!! True Lord Rank!!"

"Ang ating Flooding Lake Liu family ay nagkaroon na rin ng True Lord Rank cultivator." Ang isang elder mula sa True Mystic Rank ay hindi mapigilang umiyak habang nararamdaman ang aura ng City Lord.

"Binabati kita City Lord sa pag-abot sa True Lord Rank."

"Ang True Lord Ranks lamang ang mayroon noon ngunit ngayon ang Flooding Lake Liu family ay magiging makapangyarihan na pamilya n maging ang Imperial Family, Three Sects at Four family ay matatakot.."

Ang mga eksperto sa loob ng City Lord Palace ay sobrang nasasabik.

Sa sandaling ang isang tao ay umabot sa True Lord Rank, ang True Spirit Realm cultivators sa ilang libong milya ang layo ay may kung anong maramdaman.

"Panibagong tao na naman ang umabot sa True Lord Rank sa Canopy Great Country."

Bawat True Lord Rank ay maaaring baguhin ang sitwasyon ng bansa.

Tatlong libo ang layo.

Isang bloody dragon, espada at blade symboled sedan ang lumutang sa gitna, dala ng apat na True Human Rank.

"Panibagong True Lord Rank.. maganda ang swerte ng Liu family…"

Ang blood hair coloured Tienni ay bumuntong-hininga at bahagyang pumikit.