Ang Azure Sharp Swallow ay malayang lumipad sa hangin at si Zhao Feng ay nakatayo sa likod nito.
Ang kaniyang mga mata ay nakasara nang harapin ang magulong hangin; walang pahingang pinapanumbalik ang kaniyang Yuan Qi.
Habang siya ay mayroong ancient bloodline, ang bilis ng panunumbalik ng lakas ni Zhao Feng ay mas mabilis kaysa sa mga normal nga tao at nasa 70% hanggang 80% na agad.
Sa puntong ito, imunulat ni Zhao Feng ang kaniyang mayta at isang malabong asul na liwanag ang lumitaw sa gitna ng kaniyang mata.
"Hindi kaya ang aking kaliwang mata…ay magbabago na naman…?" bulong ni Zhao Feng sa kaniyang sarili.
Pagkatapos ng labanan ay hanap nang lumaganap ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, ang misteryosong malamig na asul na aura ang lumitaw.
Ang kaniyang kamay ay humaplos sa kaniyang azure na buhok at ang iba rito ay kasing asul ng yelo.
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay bahagyang nagbago. Kaunti sa kaniyang azure na buhok ang naging mayelong asul.
Ang mayelong asul na aura sa kaniyang kaliwang mata… mayelong asul na buhok na lumitaw sa kaniyang azure na buhok…
Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?
Ang mga mayta ni Zhao Feng ay napuno ng saya at pag-asa.
Sa sandaling ito, narinig niya ang tunog ng lumilipas sa kaniyang likod.
"Aura ng True Spirit Realm. Hindi ito maganda!"
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging seryoso.
Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay sinuri ang lugar sa kaniyang likod at nakita ang nagliliwanag na putting anyo na hinahabol siya.
Liu Yuan.
Alam na agad ni Zhao Feng ang pagkakakilanlan ng kalaban.
Bago pa ang pagtakas, sinadya ni Zhao Feng na makisalamuha sa kaniya.
"Zhao Feng, bumali ka na at pagbayaran ang iyong mga kasalanan sa City."
Ang boses ni Liu Yuan na mayroong kapangyarihan ng True Spirit Realm ay lumitaw at napakalat ang mga ibon sa paligid.
Si Zhao Feng ay nakatayo nang nasa likuran ang mga kamay at isang mapanlokong ngiti ang mababakas sa kaniyang mga labi. Hindi siya sumagot.
Nagsimula nang magalit si Liu Yuan. Gaano kayabang si Zhao Feng? Hindi kahit ang paghabol ng isang True Spirit Realm sa kaniyang mga mata.
"Talaga bang iniisip niyang nakatapat na niya ang isang True Spirit Realm?"
Inisip ni Liu Yuan ang tungkol sa karanasan ni Zhao Feng sa labanan at hindi na siya minaliit.
Gayunman, si Liu Yuan ay hindi naniwalang sa isang junior na hindi pa nga nakaabot sa half-step True Spirit Realm ay kayang tapatan ang isang mandirigma ng Tru Spirit Realm.
"Ang mga normal na cultivator na nasa True Human Rak ay siguradong makakatagal nang hanggang sampu hanggan 20 milya. Pagkatapos malampasan ang limitasyong ito, mapapgod na sila."
Si Zhao Feng ay kalmado. Ito ang hangin, at hindi ang lupa.
Kahit na ang mga cultivator na nasa True Spirit Realm ay nakalagpas na sa mga normal na nilalang at kayang lumipad… hindi sila mga ibon at hindi dalubhasa sa paglipad.
Samakatuwid, ang kahusayan ng isang True Human Rank na lumilipad ay mas maiksi kaysa sa mga normal na lumilipad na mga nilalang.
Gayunman, ang pagsabog ng isang True Human Rank ay hindi mamamaliit.
"Ang Liu Yuan na ito ay sampu hanggang 20 milya pa ang layo sa akin. Kapag nakahabol na siya, mapapagod na rin siya."
Ang pagkalkula ni Zhao Feng ay labis na sakto.
Ang mga normal na cultivator na nasa Ascended Realm ay nataranta na at nalungkot kung isang taong nasa True Spirit Realm ang sumusunod sa kanila.
Gayunman, si Zhao Feng ay kalmado at kinontrol ang buong sitwasyon.
Kahit na marami pang lakas si Zhao Feng, ang kaniyang pagkakataon ay hindi lumalagpas sa 30%.
Si Liu Yuan a hindi tanga at hindi ipinagpatuloy ang pagpagod sa Qi of True Spirit. Inilabas niya ang kaniyang 'Phosphorus coloured Swallow.'
Ang Phosphorous Coloured Swallow ay halos kasinglaki ng Azure Shardp Swallow at ang cultivation nito ay nakaabot na sa half-step True Spirit Realm.
Gamit ang buong lakas, mas mabilis pa ito kaysa sa Azure Sharp Swallow.
Habang nagkakalapit ang dalawa, ngumiti si Liu Yuan: "Zhao Feng, wala ka nang pag-asa. Sumuko ka na."
Si Zhao Feng ay walang ginawa at pinanood lang si Liu Yuan na palapit.
Ang aura ng True Spirit Realm ang nagpayanig sa kaniyang Azure Sharp Swallow.
Hindi nagtagal, si Liu Yuan at nasa sampung milya na lang mula kay Zhao Feng at ang kaniyang ngiti ay mas nagkaroon ng lakas ng loob.
Sa sandaling ito, si Zhao Feng ay sumipol at gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye ay nagbigay ng kakaibang tunog.
Sa sumunod na sandali, ang Phosphorous Coloured Swallow ay tumunog at sa lahat ng mga liwanag, naging isa itong hangin na kumalat sa paligid.
"Phosphorous Coloured Swallow, anong nangyaari…?"
Si Liu Yuan ay nagulat.
Sa oras na madampian siya ng Phosphorous Coloured Swallow, aatake ito nang napakagulo ay mag-iiwan pa ng ilang pinsala sa kaniya.
Sunod, ang Phosphorous Coloured Swallow ay nawalan ng ng kontrol at sa isang bundok sa ilalim, na nasira ang mga buto nito.
"Swallow----"
Si Liu Yuan ay puno ng lungkot at hindi inalis ang nakakalasong tingin kay Zhao Feng: "Walang hiyang junior, anong karapatan mong linlangin ang aking alaga…"
Bigla niyang naalalang nagmungkahi si Zhao Feng na paamuhin ang halimaw. Sa oras ma iyon, si Liu Yuan ay hindi naghinala. Naging mas matalino pa ito at mas masunurin.
Dagdag pa rito, walang nakaisip na si Zhao Feng ay tatakas at pagtataksilan ang Flooding Lake City Lord.
"Pagkatapos na mawala ng iyong alaga, paano mo na ako hahabulin?"
Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
Ang kaniyang pagplano ay sakto at bawat posibilidad ay naisip na.
Ito ay lalo na para kay Liu Yuan – siya ay tila isang ekspertong nasa True Spirit Realm na makakaharap ni Zhao Feng. Kapag nakahabol siya sa kaniya, ang plano ni Zhao Feng ay mabibigo.
"Sampung milya para mahuli ka…mas marami pa ito sa sapat!"
Si Liu Yuan ay bahagyang sumigaw at isang nakasisilaw na liwanag ang lumitaw mula sa kaniyang katawan.
Ang mga normal na cultivator na nasa True Spirit Realm ay nakakatagal lang ng sampu hanggang 20 milya at sa oras na ito, ang bilis ni Liu Yuan ay mas mabilis pa kaysa sa Azure Sharp Swallow. Ngunit habang lumilipas ang oras, unti-unti siyang bumagal.
Habang papalapit na si Liu Yuan sa ilang milyang layo…
"Hehe, hihintayin ko ito."
Bahagyang tumawa si Zhao Feng at ang Louhou Bow ay lumitaw sa kaniyang kamay.
Sa laranhgan ng mga atakeng limitado, ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi maikukumpara sa mga pana.
Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power, na nagdhailan sa isang bilog ng kidlat na pumalibot sa kaniyang Luohou Bow at isang patong ng yelo ang bumalot sa katawan ni Zhao Feng.
Ang mga matalim na maliit na kidlat ang lumitaw sa dulo ng Luohou Arrows at mga ipo-ipo ang nabuo sa kabilang dulo.
Beng~~ Sou- Sou- Sou—
Tatlong mga palaso ang napuno ng lamig at lumitaw ang kidlat sa hangin nang napakaliksi, na madaling nakarating sa ilang milya.
Tanging ang tunog lang ng kidlat ang naramdaman ni Liu Yuan at ang parating na kalamigan sa kaniyang harap.
Kahit na napakaliksi niya at mabilis sa hangin, hindi niya kayang guluhin ang tatlong Luohou Arrows na lumagpas sa bilis ng tunog.
Matapos ang pagkadalisay, ang lebel ng Luohou Bow ay nakaabot na sa Peak Mortal grade at kasama ng Luohou Arrows, siguradong naabot na nito ang hangganan ng Mortal grade na sandata.
Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline at isinama ang kaniyang pang-unawa sa Lightning inheritance sa bawat palaso. Bawat Luohou Arrow ay ma kakayahang mapatay ang isang cultivator na nasa Seventh Sky at kahit ang normal na mga cultivator na nasa half step True Spirit Realm.
Kahit ang kasinglaks ni Liu Yuan ay kinabahan sa mga palaso.
Bahagya siyang huminga at inilabas ang itim na panulat. Gamit ang malakas na ragasa, isang puting liwanag ang kumalat sa 20 yarda.
Ang minadaling atake ni Liu Yuan ay mas malakas pa sa 'Ring of Lightning' ni Zhao Feng.
Ding- Ta Peng~~
Ang Luohou Arrow ay tumama sa atake ni Liu Yuan at isang nakakasindak na lamig at isang bola ng kidlat ang sumabog.
Kayang harapin ni Liu Yuan nang madali ang mga atake ng Luohou Bow, ngunit ang nakakasindak na parte ay ang mga elemento ng yelo at kidlat.
Bawat orasn na haharapin niya ito, siya ay bumabagal.
Dagdag pa rito, ang Luohou Arrows ni Zhao Feng ay bumabalik sa may-ari kaagad.
Sunod sunod na lumipad ang mga palaso patungo kay Liu Yuan.
Hindi lang kailangan ni Liu Yuan lumipad, kailangan din niyang harapin ang mapanganib na archery skills na nagpapabagal sa kaniya.
Sa loob lang ng sampung hininga, si Liu Yuan ay nagulo ay napuno ng gulat at takot.
Kung ito ay nasa lupa, nagmadali na sama siya at madaling natapos ang tatlo hanggang limang half-step True Spirit Realm sa isang saglit.
Gayunman, ito ang nangunguna sa kalangitan, isang labanan sa hangin.
Si Zhao Feng ay tumayo sa tuktok ng Azure Sharp Swallow at hindi kinailangang gumamit ng True Force prara makalipad, kaya simula sa umpisa, nasa kaniya na ang kalamangan.
"Junior, huwag mo lang hayaang mahuli kita…"
Si Liu Yuan ay galit na ipnalaganap ang kaniyang Qi of True Spirit at halos nagsimula nang masunog ito. Noon, nasunog ni First Elder ng Broken Moon Clan ang kaniyang Qi of True Spirit para mapatay ang ekspertong nasa True Spirit Realm mula sa Iron Dragon Country at binigyan ang Broken Moon Clan para makatakas.
Kahit na si Liu Yuan ay galit ngayon, wala siya sa bingit ng kamatayan kaya hindi niya sinubukang sunugin ang kaniyang Qi of True Spirit.
Kapag nasunog na ang Qi of True Spirit, masisira nito ang kaniyang pundasyon at may posibilidad na mawala ang cultivation o walang pagkakataong makalagpas ng hakbang.
Nang malapit na sa pagkasunog ng kaniyang Qi of True Spirit, bumilis muli si Liu Yuan.
Nagpadala si Zhao Feng ng tatlong palasong may kidlat nang mabilis at ito ay hinarap ni Liu Yuan, na nagbigay sa kaniya ng maliit na pinsala.
"Dalawang milya na lang ang natitira."
Si Zhao Feng ay nagkaroon ng seryosong ekspresyon nang huminga nang malalim at sumigaw, na nagpadala ng ragasa ng mental energy.
Suguradong hindi niya inasahang makaharap si Liu Yuan nang ganito.
Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay biglang bumukas sa sukdulan. Ang kaniyang azure na kaliwang mata ay tila nagkaroon ng abyss na patuloy na lumalaki.
Kinabahan si Liu Yuan at nagulo ang kamalayan.
Wu~~
Nakaramdam si Zhao Feng ng labis na panganib nang tumuloy sa paggawa ng mental illusion para mahila ang kamalayan ng mental energy ni Liu Yuan sa loob. Ito ay mas mahirap pa kaysa sa mga hal step True Spirit Realm.
Sa puntong ito, ang kaniyang God's Spiritual Eye ay nakaabot na sa lebel na hindi pa nito narating noon.
Weng~~~
Ang azure abyss biglang nagbigay ng mahinang asul na liwanag at ang kapangyariha ng God's Spiritual Eye ay tumaas ng kalahating lebel.
Shua!
Si Liu Yuan ay naramdamang ang mga dimensyon ay nagbago at siya ay nasa loob ng isang kulungang puno ng kidlat. Sa ilalim ng kaniyan paa ay isang hindi matarok na abyss at sa itaas ng kaniyang ulo ay mga ulap ng kidlat.
"Ang lugar na ito ay…"
Si Liu Yuan ay nagulat.
Sa loob ng dimensyon ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, ang kamalayan ni Liu Yuan ay haharap sa walang hanggang paghihirap.
Gayunman, si Zhao Feng ay napakaswerte para makuha ang kamalayan ng kaniyang kalaban papunta sa kaniyang ilusyon. Ang kailangang mental energy para magawa ang dimensyon ay higit pa sa sampung beses ng kailangasn para magawa ng isang normal na cultivator na nasa Seventh Sky.
Ang pagpigil ng isang True Spirit Realm at tila isang karagatan.
Makalipas ang isang hininga…
Pinagpawisan nang malamig ang ulo ni Zhao Feng at nanghihina na. Kasabay nito, nakatakas si Liu Yuan mula sa ilusyon na kulungan nang may kahihiyan, galit, at kahinaang mababakas sa kaniyang mukha.
Isang makapangyarihang ekspertong nasa True Spirit Realm ang napahirapan ni Zhao Feng sa loob ng dalawang oras.
Imposible sa kaniyang maipadama ang kaniyang kahihiyan.