Pagdesisyunan ang laban sa isang galaw?
Si Liu Yuan ay lihim na tumawa nang ang kaniyang Qi of half-step True Spirit ay lumabas na tila lava mula sa kaniyang katawan.
Hindi siya nangahas na maliitin si Zhao Feng. Dahil kakasaksi niya lang sa pagtapos nito sa "Dark Wings Four Shadows" sa isang galaw.
Sa larangan ng lakas, nakahigit pa si Liu Yuan sa kahit na sino sa apat, ngunit mapapagod kapag hinarap ang dalawa, at siguradong matatalo sa tatlo.
Gayunman…
Si Zhao Feng ay siguradong pagod na pagkatapos ang nangyaring laban.
Dahil dito kaya malakas ang loob ni Liu Yuan para hamunin si Zhao Feng.
"Ngunit… tatalunin ako sa isang galaw?"
Ang mga mata ni Liu Yuan ay napuno ng kawalang pakialam habang ang Qi if half-step True Spirit ay kumulo at isang patong ng pulang apoy ang pumalibot sa kaniyang katawan.
Gayunman…
Si Zhao Feng ay tumayo pa rin sa Azure Sharp Swallow at hindi gumalaw.
"Hindi siya kikilos?"
Si Liu Yuan at ang dalawa pang nasa half-step True Spirit Realm pati na ang grupo sa kanilang likuran ay tila nagtaka.
Ang mukha ni Zhao Feng ay napuno ng kawalang pakialam at panloloko at ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang likuran – wala siyang balak gumalaw.
Ano ang kaniyang ibig sabihin?
"Ang Zhao Feng na ito ay napakayabang."
"Si Liu Yuan ay sinusunog ang kaniyang Qi of True Spirit at kayang palaganapin ang lahat ng kaniyang kapangyarihan sa labanan kahit hanggang sa walang hanggang malapit sa True Spirit Realm. Kahit ang Dark Wings Four Shadows y hindi nangahas na kalabanin siya nang harapan.
Ang lahat ay tumingin kay Zhao Feng.
Hindi pa rin siya gumalaw. Kaswal niya lang na ginamit ang God's Spiritual Eye para suriin si Liu Yuan.
"Ahhhh!"
Ang grupo sa likuran ay naramdamang tila kinukuha ang kanilang mga isip at napunta sila sa abyss nang makita ang matang azure.
Minaliit ng mata ni Zhao Feng si Liu Yuan. Ang hirap isipin ng puwersang kaniyang hinaharap.
Wu~~
Nayanig ang puso ni Liu Yuan at ang kaniyang kamalayan ay nakuha ni Zhao Feng.
Nanigas ang katawan ni Liu Yuan sa hangin habang siya ay pumiglas.
Isang hininga, dalawang hininga.
Plop!
Nahulog mula sa hangin ang katawan ni Liu Yuan, ang kaniyang katawan ay puno ng pawis. Ang kaniyang mukha ay namumutla at mukhang napagod.
"Ikaw… ikaw…"
Lumuhod si Liu Yuan sa lupa nang may takot at gulat. Mukhang sobrang pagod siya na maaaring mahimatay kahit anong oras.
Ang mga sumusunod sa likuran ay nagulat at ang dalawang pinunong guwardiyang nasa True Spirit Realm ay nanlamig.
Taning isang tingin kang mula kay Zhao Feng ang nakatalo kay Liu Yuan.
Sa grupo, si Liu Yuan ang pinakamalakas. Ang dalawang pinuong guwardiya ay bahagyang mas mahina.
Ang youth ay tumayonsa taas ng Azure Sharp Swallow na nasa likuran ang kaniyang mga kamay.
"Hindi ko akalaing ang aking mental energy ay tatas nang ganito kalala."
Si Zhao Feng ay bahagyang nagulat.
Ang dimensyon sa loob ng kaniyang kaliwang mata ay nakaabot na sa pitong talampakan at pitong pulgada, mukhang narating na nito ang hangganan.
Sa gitna ng abyss ay isang mahinang asul na liwanag na misan ay napupundi at ang kaniyang aura ay tatalon kapag nangyari ito.
Simula noong kaniyang pag-intindi sa Origin Core Ruins at ang pagkumpleto ng unang hakbang ng Lightning Inheritance, ang lebel ng mental energy ni Zhao Feng ay tumaas at hindi na mas mahina kaysa sa mga normal na cultivator na nasa True Spirit Realm.
Kakagamit niya lkang sa God's Spiritual Eye para makagawa ng 'prison illusion' para mahuli at mapahirapan si Liu Yuan. Hindi gumamit ng maraming menta energy ni Zhao Feng para rito.
Dagdag pa, ang pagbalik ng kaniyang lakas ay mas mabilis pa kaysa noon.
"Kung ganoon ang nangyari…"
Si Zhao Feng ay nakatayo sa Azure Sharp Swallow habang siya ay tumaas.
Ang dalawang nasa half-step True Spirit Realm na mga eksperto at ang isangdaang humahabol ay hindi sumuko.
Shua!
Walang ekspresyong tinapos ni Zhao Feng ang mga pinuong guwrdiya gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye.
Plop Plop!
Ang dalawang nasa half-step True Spirit Realm ay nahulog mula sa hangin, ang kanilang mga mukha ay puno ng gulat at paghihirap. Ang kanilang mga katawan ay puno ng malamig na pawis. Ito ay tila masisira na ang kanilang mga buto.
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay binago ang Heavenly Absent Eye ni Lin Tong para makagawa ng mas madaling galaw para sa God's Spiritual Eye.
Ang God's Spiritual Eye ay nakalagpas na sa eye bloodline ni Lin Tong sa larangan ng talento at pinanggagalingan ng mental energy.
Kayang gumawa ng ilusyong kulungan ni Zhao Feng sa isang isip lang at kayang pahirapan agad ang mga kalaban.
Ang oras sa mental energy world ay iba sa totoong mundo. Ang isang kisapmata sa totoong mundo ay maaaring isang oras sa loob ng mundo ng mental energy.
Ginagamit ang lebel ng mental energy ng kalaban hanggang sa hindi na ito kayanin ng kanilang katawan.
Ang mental energy ang pinanggagalingan ng buhay.
Kahit ang katawan ng isang tao o ng True Force ay kasinglakas ng kalangitan, sila ay pawang mga buto lang at laman kapag nasira na ang kanilang kamalayan ng mental energy.
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tumingin kay Liu Yuan at sa dalawang nasa half-step True Spirit Realm at kaagad silang tinalo.
"Zhao Feng…"
Si Liu Yuan ay puno ng malamig na pawis at nabalot ng paghihirap ang kaniyang katawan.
Si Zhao Feng ay nakatayo nang nasa likuran ang kaniyang kamay nang nawala siya sa hangin.
Ang tatlong anyong may itim na damit at si Liu Yuan at kaniyang mga kasama ay walang nagawa kung hindi panooring mawala si Zhao Feng.
Si Liu Yuan ay napuno ng magulong emosyon nang mabalot ng inis ang kaniyang mga labi.
Kung babalikan, binati niya ang youth na ito sa Floodinng Lake City.
Ngunit ngayon…
Siya ang mismong 'nagpaalis' kay Zhao Feng.
Ang ibig sabihin nito ay nasaksihan niya ang paglalakbay ng youth na ito sa Flooding Lake City. Lahat mula sa umpia hanggang sa huli.
"Hindi ko naisip… na ganito siya kalakas…"
"Mental energy technique? Hindi niya ito ginamit noong kinalaban niya tayo noon."
Ang tatlaong namanhid na anyong may itim na damit ay napuno ng inis at walang masabi.
Syempre.
Hindi ito angkop para kay Zhao Feng na gamitin paraang ito laban sa kanila dahil ang pagtutulungan ng Dark Wings Four Shadows ay perpekto at ang ilusyong kulungan ni Zhao Feng na nagawa ay kailangan ng pagtuong ng pansin. Itinuon ni Zhao Feng ang kaniyang pansin dito sa loob ng isa hanggang dalawang hininga.
Kahit na kaya niyang talunin ang isa sa kanila sa isang tingin lang, ang iba ay mayroong pagkakataong mahuli siya.
Ito ang dahilan kung bakit napuno ng panloloko ang mukha ni Zhao Feng nang sabihin ni Liu Yuan ang "harapang laban" at isang "patas na laban."
Sa lupa…
Isangdaang humahabol ang nakatayo sa sunog na lupa. Wala pang nasa half-step True Spirit Realm ang nakakahabol kay Zhao Feng at kahit na magawa nila, hindi nila maiiwasa ang kaniyang 'tingin.'
"Ginawa natin ang ating makakaya. Tanging ang mga nasa True Spirit Realm ang kayang makatalo sa kaniya.
Si Liu Yuan ay pagod na pagod na nakahga sa lupa.
Ilang dosenang hininga ang lumipas…
Qiu----
Mula sa direksyon ng Flooding Lake City ay mayroong nanggaling na tunog ng makapangyarihang aura ng isang eksperto ng True Spirit Realm.
"True Spirit Realm!"
Si Liu Yuan at ang kaniyang mga kasama ay labis na natuwa.
Ilang hininga ang nakalipas…
Isang lalaking nakadamit nang maganda na may hawak na itim na panulat ang bumagsak sa lupa.
"Anong nangyari? Saan pumunta si Zhao Feng?"
"Uncle Liu Yuan!"
(TLN: Ang Liu Yuan na ito ay ang True Spirit Realm Liu Yuan na pinapanood si Zhao Feng noon.)
Ang mga mata ni Liu Yuan at mapula at malapit nang lumuha.
Ang taong ito ay ang True Spirit Realm ay si Liu Yuan at dahil sa kaniyang cultivation ay kailangan niyang tulungan ang mga halimaw.
Gayunman, matapos ang ilang sandali ay nawala ang anyo ni Zhao Feng at agad na hinanp ito at nakita ang tagaulat mula sa Dark Wings Four Shadow.
"Ang Dark Wings Four Shadows….. At kayong anim na ekspertong nasa half-step True Spirit Realm ng City Guards… ay natalo as iisang tao lang?"
Ang mukha ni Liu Yuan (True Spirit Realm) ay napuno ng kawalang paniniwala.
Ang kaniyang tingin ay napunta sa sunog na lupa na mayroon pang umuusok na abyss. Ang pinsalang nagawa ay nakakasindak.
Sa ibabaw ng sunog na lupa ay ang tatlong anyong may itim na damit na manhid pa rin ang katawan at pinapanumbalik pa ang kanilang True Force.
Si Liu Yuan (True Spirit Realm) ay hindi nakakita ng malalang pinsala sa kanila; sila ay napagod lang.
"Tanging siya lang… paano ito nangyari?"
Si Liu Yuan (True Spirit Realm) ay bahagyang nagulat. Hindi siya makapaniwala sa nangyari at iniwan ng junior na nasa Seventh Sky.
Kung si Liu Yuan (half-step True Spirit Realm) ay nagsabing ito ay dahil sa isang cultivator na nasa True Spirit Realm ang nagdahilan nito ay hindi siya magdadalawang isip na paniwalaan ito.
Sa maiksing 20 hanggang 30 hininga, ang Dark Wings Four Shadows, si Liu Yuan at iba pa ay natalo. Kahit ang mga cultivator na nasa True Human Rank ay hindi mabilis.
Ito ay lalo na para sa Dark Wings Four Shadows. Ang kanilang pinagsamang lakas ay kayang pigilan ang True Human Rank nang maiksing panahon.
Ang ganoon kalakas na samahan ay sinira ng isang youth.
"Saang direksyon tumakas si Zhao Feng?"
Matapos malaman ang nangyari, si Liu Yuan (True Spirit Realm) ay naging isang isang puting liwanag at nawala sa mga ulap.
Ang mga nasa True Spirit Realm ay kayang lumipadsa hangin sa maiksing panahon nang napakabilis.
"Kahit anong mangyari sa susunod ay wala nang kinalaman sa atin."
"Kailangan pa nating tanungin ang City Lord para sa parusa."
Ang mga anyong may itim na damit ay napuno ng inis.
Nang lumipa ang oras ay mas maraming tao ang dumating. Mayroon pang ilang mga pangyayaring dumating ang mga anyong nasa True Spirit Realm.
Nang walang kinikilingan, ang lahat ay nagulat sa kanilang nakita.
"Ang batang youth na nasa Seventh Sky ay mayroong ganoong kapangyarihan?"
"Ang manugang na lalaki ng City Lord ay tumakas sa kasal? Kalokohan!"
Matapos na mapaamo ang mga halimaw, nagkaroon ng pag-uusap ang Flooding Lake City at hindi nagtagal ay nakarating na sa City Lord Palace.
City Lord Pailace.
Ang Flooding Lakr City Lord ay nakatayo na nasa likuran ang kaniyang mga kamay. Sa kaniyangharapan ay ang nanginginig na anyong may itim na damit.
"Tumakas sa kasal? Nangahas siyang umalis?"
"Ang isang batang junior na nasa Seventh Sky ay nakatakas mula sa iyo?"
Ang orihinal na kalmadong mukha ng Flooding Lake City Lord ay nanlamig na ngayon.
Ang kaniyang dibdib ay tumaas sa bawat hininga at ang galit na apoy ay sumiklab sa kaniyang loob.
Ang mga True Human Rank sa paligid ay hindi nga nangahas na huminga.
Ang Flooding Lake City Lord ay isang alamat ng pamilyang Liu at kilala sa kaniyang pagkakalmado.
Ito ang unang beses na nakita nila ang City Lord na umabot sa ibang lebel kung saan ang kaniyang galit ay hindi na nakokontrol.
"Nag-uulat sa City Lord, natalo ni Zhao Feng ang Dark Wings Four Shadows."
"Nag-uulat sa City Lord, natalo ni Zhao Feng si Liu Yuan at ang grupo na nakaabot na sa half-step True Spirit Realm at umalis sa kaniyang Azure Sharp Swallow. Walang nakapigil sa kaniya."
"Nag-uulat sa City Lord, Si Liu Yuan (True Spirit Realm) ay pumunta mismo para hulihin si Zhao Feng."
Ang mga balita ay kumalat sa City Lrod Palace.
Bawat parte ng ulat ay nagpagali pa sa City Lord.
"Ang pinagsamang Dark Wings Four Shadows ay natalo niya nang harapan?!"
"Si Liu Yuan at mga kasama ay hindi natiis ang isang tingin niya?!"
Ang sigaw ng City Lord ay umalingawngaw sa City Lord Palace.
Sa oras na ito sa mga ulap sa taas ng City Lrod Palace ay tila nayanig, na tila pinapakita ang galit ng City Lord.
"Ipadala ang kautusang hulihin si Zhao Feng."
Ang galit na boses ay umalingawngaw sa kalangitan.
Ang isang elder sa True Mystic Rank ay tahimik na magagalit, "Ang tanging taong makakatapat lang kay Zhao Feng ay si Liu Yuan (True Spirit Realm)."
"Tama, hangga't si Liu Yuan (True Spirit Realm) ay kayang tumapat, hindi makakatakas si Zhao Feng.
Marami ang nagbigay ng kanilang tiwala kay Liu Yuan (True Spirit Realm).
Kung titignan ang kasalukuyang siwasyon, tanging ang mga nasa True Spirit Realm ang makakatapat kay Zhao Feng.