Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 270 - Wheel of Light and Darkness

Chapter 270 - Wheel of Light and Darkness

Tiegan Mountain.

Ang sword at blade na simbolong nasa blood dragon seda na gawa sa gold metal ay naroroon.

Sa isang kurap ng mata, isang buwan na ang nakalipas at kahit gaano kalakas ang ulan o kahit gaano katindi nag pagkidlat, ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay hindi gumalaw at ang mga buhay na mga nilalang na nasa malapit ay lubhang tahimik.

Sa pagkakataong ito, sila ay mga eksperto lamang nasa True Spirit Realm na nagpunta rito ngunit lahat sila ay nagsi-aisan nang makita nila ang sedan.

Kahit na ang City Lord ay nagpunta, ngunit nang makita niya ang sedan, nagbalik siya ng mayroong taimtim na ekspresyon.

Lubhang sikat si Tiegan Master sa lugar ng Flooding Lake at ilang mga tao ang nakakaalm na mayroon siyang misteryosong relasyon kasama ang Iron Blood Religion.

Napakamakapangyarihan ng Iron Blood Religion sa Canopy Great Country at gumagamit ito ng malalamig na mga paraan para patayin ang kanilang mga kalaban.

Katapat ang isang napakamakapangyarihang dibisyon, kahit ang pangunahing pamilya ng Liu ay mag-alala.

Sa ngayon, lahat ay nakakaalam tungkol sa gyera sa pagitan ng Iron Blood Religion at ang Imperial family. Ang ibang anim na puwersa ay nakikilahok o kaya naman ay nanonood. Isa itong komplikadong sitwasyon.

Sa isang tagong bulwagan sa ilalim ng lupa.

Nakaupo si Zhao Feng at tahimik na nagcucultivate.

Hindi siya masiyadong mabisa para sa huling parte ng forging. Lahat ay nakadepende na sa lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at kay Tiegan Master.

Sa katotohanan, walang masiyadong skill na kabilang sa huling hakbang ngunit nangangailangan ito ng isang mataas na cultivation level.

Para sa mga sumunod na sandali.

Paminsan-minsan ay nakakaramdam si Zhao Feng ng isang kasindak-sindk na aura na nagmumula sa kalapit na silid. Katiting pa lamang na sagitsitg nito ay nagdudulot na upang manginig ang kaniyang puso.

Sigurado si Zhao Feng na hindi ganito kalakas si Tiegan Master. Kahit ang Flooding Lake City Lord ay hindi maikukumpara rito.

"Mukhang si Lord Tiemo ay halos nasa True Lord Rank na at maaaring ito ang pinakamataas na echelon ng Iron Blood Religion."

Naisip ni Zhao Feng.

Ang mga eksperto sa True Lord Rank ay maaaring makapagpihit ng mga ulap at gumawa ng ulan gamit ang kanilang mga kamay.

Marahang lumipas ang oras.

Si Zhao Feng ay nagcucultivate ngunit naramdaman niya pa rin ang aura paminsan-minsan.

Lima hanggang anim na araw ang nakalipas.

Isang matining na tunog ang lumitaw at ang aura ng isang sandata ay sumanib.

"Ito ang aura ng isang Spiritual grade weapon…."

Naramdaman ni Zhao Feng na bahagyang nanginig ang kaniyang Luohou Bow at kahit ang kaniyang Yin Shadow Cloak ay nabalisa.

Miao miao!

Dumating ang munting pusang magnanakaw at tumingin patungo sa nakaselyong forge.

Ang sikretong forge ay gawa sa isang espesyal na materyal na maaaring makapagpigil ng Spiritual Sense ng isang tao. Kahit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi madaling makakita tagos dito.

Ang aura mula sa Spiritual grade weapon ay lubhang kaiba-iba, malamig at matalim. Mayroon itong nangingibabaw na blood aura at habang lumilipas ang oras, ang aura nito ay lumalakas.

Nararamdaman ni Zhao Feng ang nakakatakot na init na nagmumula sa forge – sapat na ito upang gawing abo ang normal na cultivator na nasa True Human Rank.

Sa isang tiyak na punto.

Ang aura ng Spiritual grade weapon ay nakaabot sa isang hangganan na kahit ang nakaselyong forge ay hindi na kayang pigilan ito.

Ding-----

Nakarinig si Zhao Feng ng kakaibang tunog at bigla siyang nabalisa.

Shua!

Sa pagkislap ng Yin Shadow Cloak, naglaho si Zhao Feng.

Sa sumunod na iglap nanginig ang nakaselyong forge.

Nang mayroong isang "crack" ang pader na kasingtibay ng isang Spiritual grade weapon ay nahiwa ng isang dark silver wheel at may nagtalsikan na kislap sa himpapawid.

Tumalsik sa kung saan-saan ang mga kislap na ito at bawat isa sa mga ito ay kayang pumatay ng isang ekspertong sa 7th Sky.

Shua!

Lumitaw si Zhao Feng sa pasukan ng tagong bulwagan.

Sa pagkakataong ito ang buong bulwagang nasa ilalim ng lupa ay bahagyang yumanig at nahuli ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang isang anyo ng dark grey wheel.

Ang gitna ng grey wheel ay napakadilim at sa gilid nito mayroong maninipis na patusok na umiikot.

Weng~~

Biglang lumiit ang grey wheel at naglaho sa paningin.

Biglang nahulog ang mga alikabok at ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at si Tiegan Master ay magkatabing lumakad palabas.

Mukhang lubhang pagod si Tiegan Master at nanghihina ngunit puno pa rin ng pagkagalak.

Ang lalaking mayroong kulay pulang-dugong buhok ay mayroong masayang ekspresyon. Ang kaniyang kanang kamay ay nababalutan ng isang itim na kumikislap na gawa sa pilak na metal, tila isang robotik na kamay.

Ang panlabas ng black at gold metal ay makinis at malinis na para bang isang perpektong sining. Walang kahit anong kamalian ang matatagpuan. Kahit ang mga dugtungan nito ay perpektong magkakasunod-sunod.

Bukod sa katotohanan na gawa ito sa metal para pa rin itong isang normal na kamay, subalit mas mukha itong makapangyarihan.

"Hehe, ang 'wheel of light at darkness' na ito ay mas perpekto pa sa iniisip ko – madali nitong mahihiwa ang mga low tier Spiritual grade weapons. Sa Northern Continent, bukod sa sinaunang mala-alamat na mga sandata, walang masiyadong kagamitan ang maaaring maikumpara rito.

Mukhang kuntentong-kunteto ng lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok.

Nakilahok si Zhao Feng sa paggawa ng mga parte ng Wheel of Light and Darkness at ang bawat maliliit na parte ay nakopya niya sa kaniyang isipan.

"Ang Wheel of Light at Darkness na ito ay dapat mayroong tatlong porma. Ang una ay isang hugis kamay na bagay sa pakikipaglaban nang malapitan. Ang ikalawa ay isang umaatake na porma. Ang Wheel of Light and Darkness ay magiging malaki at iikot – hindi masasalag ang kataliman nito. Ang ikatlong porma ay dapat maging isang kalasag."

Sa pamamagitan ng pag-aaral ni Zhao Feng sa mga parte nito nagkaroon na siya ng kongklusyon.

Kailangang aminin ng isang tao na ito ang perpektong sandata at lagpas pa ito sa mga limitasyon ng mga sandata.

Ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at si Tiegan Master ay hindi lubos maisip na ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay mayroong ganitong heaven-defying copying powers at analysis skills.

Kahit hindi nakita ni Zhao Feng ang kumpletong orihinal na mga larawan at hindi siya nakilahok sa mga pangunahing mga parte, 'nasuri' na niya ang lahat ng mga parteng ito.

Kung pagiging pamilyar ang pag-uusapan, nalagpasan pa ni Zhao Feng si Tiegan Master.

"Totoong karapat-dapat ngang magmula sa Heavens Legacy Inheritance. Kahit na kaya nating buuhin ito, hindi pa rin natin naiintindihan ito at ang teorya nito. Kung wala si Zhao Feng dito magbabayad tayo ng sampung beses ng presyo upang mabuo ang Wheel of Light and Darkness na ito."

Sinabi ni Tiegan Master.

Napakalaking parte ni Zhao Feng sa pagbuo ng Wheel of Light and Darkness.

Subalit, sa pagkakataon na ito, nag-iisip si Zhao Feng, "Ang Wheel of Light and Darkness na ito ay lubhang nararapat sa mga taong nawalan ng isang braso."

Naalala niya bigla si First Elder dahil dito.

Kung mayroon siyang mga materyales makakagawa si Zhao Feng ng pinasimpleng modelo ng Wheel of Light and Darkness ngunit mahirap ito para sa kaniya sa kasalukuyan dahil wala pa siya sa True Spirit Realm.

"Zhao Feng, malaki ang naitulong mo ngayon. Ano ang kailangan mo? Kung gusto mong makapasok sa Iron Blood Religion pupwede pa kitang bigyan ng posisyon ng isang Chief."

Ngumiti ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at nagsalita.

Sa pagkarinig nito bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Tiegan Master. Ang isang Chief na rank sa Iron Blood Religion ay mayroon katulad na estado gaya ng isang middle tier na pamilya sa isang malaking bansa.

Of course, the blood hair coloured man might be acting rash right now but he was still grateful towards Zhao Feng.

Siyempre, maaaring pabigla-bigla lamang ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok ngayon subalit labis pa rin ang pasasalamat niya kay Zhao Feng.

"Lord Tiemo, ang junior na ito ay nagmula sa probinsya at nagpunta rito sa Canopy Great Country upang maghanap ng isang tao. Hindi pa ako nagpaplanong pumasok sa isang dibisyon ngayon." 

Magalang na tumanggi si Zhao Feng.

Kahit na makapangyarihan ang Iron Blood Religion, walang alam tungkol dito si Zhao Feng at hindi niya rin gustong pumasok sa gyera sa loob ng Canopy Great Country.

Sa kabilang banda, mas nanaisin ni Zhao Feng na magkautang sa kaniya si Tiemo atsaka siya manghihingi ng tulong kapag kailangan niya na.

"Kahit ano pa ang mangyari malaki ang naitulong mo sa akin ngayong oras. Kung may kailangan kang kahit na ano maaari kang manghingi ng tulong sa sa Iron Blood Religion."

Naglabas ng isang kakaibang kulay dugong token ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at ibinigay ito kay Zhao Feng.

"Ito ang Gold Iron Blood Order. Gamit ang token na ito maaari kang makalagpas sa mga teritoryo ng Iron Blood Religion nang madalian at humiling sa akin."

Paliwanag ng lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok.

Pinasalamatan siya ni Zhao Feng at itinabi ang Gold Iron Blood Order.

Hindi agad-agad umalis ang lalaki nang magawa ang sandata at minungkahi ni Tiegan Master, "Kahit na kumpleto na ang Wheel of Light and Darkness, kailangan nating ipasuri ito kay Zhao Feng para sa kaligtasan nito."

Kung tutuusin, masiyadong detalyado ang sandatang ito at ang mga larawan nito ay nagmula sa pinakamisteryoso at pinakasinaunang Heavens Legacy Inheritance.

"Hindi mo naman kailangang tingnan ito dahil ang sandatang ito ay gawa iba't ibang parte at bawat parte ay konektado sa susunod, parang buto ng tao. Ang paggalaw sa isa ay magdudulot upang gumalaw ang iba."

Matamlay na ngumiti si Zhao Feng ngunit hindi tinanggihan ang alok at pinangasiwaan ang Wheel of Light and Darkness bago buksan ang kaniyang God's Spiritual Eye upang tingnan ito.

Sa pamamagitan ng God's Spiritual Eye, nakokopya niya ang estraktura ng Wheel of Light and Darkness upang makagawa siya ng katulad nito sa susunod.

Ang Wheel of Light and Darkness ay napakabigat at umabot ito sa ilang daang kilo ngunit hindi ito mabigat para sa isang taong nasa level na gaya ng lalaking may kulay dugong-pulang buhok.

"Ayos lang ito, ngunit para sa kaligtasan hayaan muna natin itong lumamig ng ilang mga araw, huwag lang masiyadong tagalan. Basta huwag gamitin ang buong lakas nito sa kalahating buwan."

Matapos suriin ang sandata, ibinalik ito ni Zhao Feng sa lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok.

Sa pagkarinig ng mungkahi ni Zhao Feng, nagpalitan ng tingin sina Tiegan Master at ang lalaking iyon ng mayroong gulat na mga ekspresyon dahil ang sinabi ni Zhao Feng ay kagaya ng mga nasa larawan.

Hindi nakita ni Zhao Feng ang mga larawan ngunit nagawan niya pa rin ng paraan ito.

Tumingin patungo kay Zhao Feng ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok, "Ang eye bloodline mo ay lubhang kakaiba. Kung nanaisin mo, ang mga pinto ng Iron Blood Religion ay palaging bukas para sa'yo. Mapagkumbaba kitang iniimbitahan."

Nararamdaman ni Zhao Feng ang sinseridad ni Tiemo kaya naman hindi niya tinaggihan ang alok niya at nagdesisyong pag-isipan ito matapos ipadala ang liham ng kaniyang Master. 

Dahil kung iisipin, mayroon ding inilaan si First Elder para kay Zhao Feng.

"Zhao Feng, hindi ba't may hinahanap kang tao? Bakit hindi ka magpatulong kay Lord Tiemo?"

Ngumiti si Tiegan Master.

Nakikita niya na itinuturing ni Tiemo si Zhao Bilang bilang isang nakapahalagang tao at siya ay lubos na matapat.

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng habang dali-dali niyang inilabas ang kalahati ng jade na suklay at iniabot ito kay Tiemo.

Kinuha ni Tiemo ang jade na suklay at maingat itong hinakawan habang kumikislap ang kaniyang mga mata.

"Sigurado ka ba na ang taong hinahanap mo ay tinatawag na Liu Qinxin?"

Tanong ni Tiemo.

"Tama, subalit hindi ko alam kung aling Liu Qinxin ito."

Labis na kinakabahan si Zhao Feng.

Si Tiemo ay nasa mataas na echelon ng Iron Blood Religion at siguro marami siyang nalalaman.

"Liu Qinxin…."

Malalim ang boses ni Tiemo at ang kaniyang mga kilay ay bahagyang kumunot habang gumagalaw ang kaniyang mga mata.

May pakiramdam si Zhao Feng na mayroong suspetiya si Tiemo sa isang tao o maaaring mayroon na siyang pakay.

Subalit hindi siya nagtanong dahil kung gustong sabihin ni Tiemo kung sino, sasabihin niya.

Makalipas ang ilang sandali.

Ibinalik ni Tiemo ang jade na suklay kay Zhao Feng at nagwawalang-bahalang sinabi, "Ang taong hinahanap mo ay maaaring si Empress Qin."

Empress Qin.

Bahagyang nanginig ang puso ni Zhao Feng. Hindi niya naisip na ang makakatanggap ng liham ay mayroong ganito kaespesyal na pagkakakilanlan.

Sa lahat ng taong nagngangalan na Liu Qinxin, si Empress Qin ang mayroong pinakakilalang kaligiran.

"Empress Qin!"

Nanlamig na huminga si Tiegan Master at sinabi, "Ang estado at kapangyarihan ng Empress Qi na ito sa Imperial family ay maaaring nasa puwesto ng top three. Malinaw na, kahit ang Emperor ay pinaglalaruan lamang niya!

Paano nangyaring siya ang taong hinahanap ni Zhao Feng?"