Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 269 - Golden Spear Blood Dragon Sedan

Chapter 269 - Golden Spear Blood Dragon Sedan

Tiegan Mountain.

Dumating si Zhao Feng sa oras gaya ng napag-usapan.

Batay sa kasunduang ginawa nila ni Tiegan Master, magsisimula na silang gumawa ng Spiritual grade weapon ngayong gabi.

Nang pumasok si Zhao Feng sa Tiegan Mountain ngayong oras, nakaramdam siya ng nakakilabot na mga kakaibang aura na nagdulot upang manigas ang kaniyang puso.

Ang buong Tiegan Mountain ay balisa at lubhang tahimik. Walang kahit anong tunog ang maririnig.

Sa tarangkahan ng Tiegan Palace ay mayroong isang golden blood dragon sedan na mayroong isang simbolo ng isang sword at ng blade na magkasama.

Mayroong apat na sedan carriers sa apat na sulok ng sedan at bawa't isa sa mga ito ay diretso at nananatili..

Sinuri ito ng mga mata ni Zhao Feng at lubhang nagbago ang ekspresyon niya.

Ang apat na sedan carriers ay mayroong labis na makapangyarihan na aura.

True Spirit Realm.

Lahat sakanila ay nasa True Spirit Realm.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili kundi malamig na huminga. Anong klase ng tao ang mayroong apat na eksperto True Human Rank na may dalang sedan?

Kasabay nito.

Sa layo ng halos kalahating milya sa likuran niya ay mayroong sumanib na apat na maiitim na anyo. Minamanmanan si Zhao Feng.

"Mukhang kakaiba ang Tiegan Mountain ngayong gabi."

Isa sa mga anyong nakaitim na kapa ang bumulong.

Ang tao sa harapan ay nagsalita, "Mayroong isang sedan sa labas ng Tiegan Palace. Gawa ito sa gold metal at mayroon ding blood dragon pati na rin isang sword at blade…."

Sa oras na matapos siya magsalita.

Ang apat na anyong nakaitim na kapa ay humigop ng malalamig na hininga.

"Golden Spear Blood Dragon Sedan."

Tumitig ang apat sa sedan, natulala sila at natakot.

Sa pagkakataong ito puno ng pawis ang likuran ng apat.

"Ano na ang gagawin natin?"

Nagtanong ang isa sa kanila.

"Huwag kang gumalaw."

Mapait ang boses ng lider.

"Kung ang tao iyon na nasa sedan ay mayroong paglalayong pumatay…. Kahit na parehas pang dumating ang City Lord at ang pamilya ng Liu, hindi niya tayo maililigtas."

Ang apat na anyong nakaitim na kapa ay tila ba mga estatwa dahil hindi sila gumagalaw habang nakatayo.

Kung mariing makikinig ang isang tao, mapapagtanto nila na ang buong Tiegan Mountain, kahit ang mga ibon at mga halimaw, ay hindi naglakas-loob gumawa ng ingay.

Napakatahimik.

Naramdaman ni Zhao Feng na mas naging mahirap pang huminga.

Mukhang napagtanto nito na ang lahat ng ito ay mayroong kinalaman sa blood dragon gold metal sedan.

"Ayon sa kasunduan namin ni Tiegan Master, ang taong nagkatiwala nitong gawain sa amin ay darating din ngayon."

Tahimik na pumasok si Zhao Feng sa Tiegan Palace.

Ang apat na sedan carriers ay parang mga sanga, hindi man lamang sila tumingin kay Zhao Feng.

Ang nabanggit ay nakaramdam lamang ng kalamigan.

Ang buong Tiegan Palace ay mapanglaw, walang kahit anong nag-iisang apprentice o disciple na makikita.

"Nandito ka na."

Lumapag sa sahig si Tiegan Master.

Natakot si Zhao Feng at nakapagsalita lamang siya hanggang sa hinatak siya ni Tiegan Master sa isang tagong bulwagan sa ilalim ng lupa.

Sa tagong bulwagan sa ilalim ng lupa, mayroong isang lalaking mayroong kulay dugong-pula na buhok at nakasuot ng isang gintong kapa. Ang kaniyang edad ay halos nasa tatlumpu at mayroon siyang isang pangkaraniwang hitsura.

"Lord Tiemo, nandito na ang kanang-kamay ko."

Magalang na sinabi ni Tiegan Master.

Nanatili lamang si Zhao Feng at sinuri ang lalaking ito na may kulay dugong-pulang buhok at nakasuot ng gintong kapa. Hindi niya maayos na nakikita ang lalaking ito. Mukha lamang siyang labis na pangkaraniwan ngunit hindi mo siya makakalimutan.

Dagdag pa rito, biglang naramdaman ni Zhao Feng na hindi niya dapat gamitin ang kaniyang God's Spiritual Eye.

"Siya?" Batay sa orihinal na plano natin kailangan natin ng dalawang blacksmiths masters upang magkaroon ng pagkakataong magtagumpay."

Ang boses ng lalaking ito na mayroong kulay dugong-pulang buhok ay nakakakalma.

Pinaliwanag ni Tiegan Master, "Precision at kontrol ang pinakamahalagang punto sa pagbubuo ng sandatang ito. Sa puntong ito, ang kaniyang precision ay mas magaling pa kaysa sa isang blacksmith master. Dagdag pa rito, kailangan ni Lord Tiemo ang sandatang ito sa lalong madaling panahon ngunit si Pei Master bumubuo ng mga kagamitan para sa Emperor at wala siyang oras."

Habang nagsasalita ang dalawa, tahimik lamang si Zhao Feng ngunit nagawa niya pa ring makapag-ipon ng malaking bilang ng impormasyon. Kung hindi siya nagkakamali, si Pei Master ang pinakamagaling na blacksmith sa Canopy Great Country.

"Oh sige, ikaw at si Pei Master ay parehas naman na disciples ng isang blacksmith grandmaster. Kung forging ang pag-uusapan, maaaring magkapantay kayong dalawa."

Tumango ang lalaking may kulay dugong-pulang buhok.

Hindi niya kinuwestiyon ang abilidad ni Zhao Feng at sa halip ay nagdesisyong paniwaalan ang sinabi ni Tiegan Master.

"Ano ang pangalan mo?"

Tanong ng lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok.

"Junior Zhao Feng bumabati po sainyo senior Tiemo."

Napagtanto ni Zhao Feng nag ang pagkakakilanlan ng taong ito ay napakataas kaya naman napakagalang ng kaniyang tono ngunit hindi ito naglaman ng kahit anong bighani.

Tumango ang lalaking may kulay dugong-pulang buhok at hindi na muling nagsalita pa.

Hindi nagsayang ng oras si Tiegan Master nang pangunahan niya na si Zhao Feng sa pagsisimulang magforging.

Walang masiyadong maraming tanong si Zhao Feng. Ang kailangan niya lamang gawin ngayon ay tulungan si Tiegan Master na tapusin ang gamit na ito.

"Tignan mo ang blueprint at ang mga kailangan nito bago magforging sa ilang mga perte."

Naglabas ng ilang pirasong papel si Tiegan Master at sinabi kay Zhao Feng ang mga detalye.

Tinanggal ni Zhao Feng ang takip niya sa mata at kinopya ang mga nilalaman kaniyang kaliwang mata. Sigurado siya na ang mga larawang ito ay hindi pa kumpleto ngunit may mga kailangan ito.

Natulala si Zhao Feng sa mga kinakailangang gawin. Ang precision ay umabot na sa isang halimaw na level. Hindi puwede ang kahit isang kamalian.

Dagdag pa rito, libo-libo ng parte nito ang kailangan at bawat isa sa mga parte nito ay iba-iba ng sukat mula kasingliit ng buto ng halaman hanggang sa kasinglaki na ng palad.

Ang libu-libong parte na ito ay hindi dapat magkaroon ng kahit anong kamalian at ito pa lamang ang panimulang hakbang, hindi pa ang kabuuan ng gamit.

Kahit ang mga Master level na tao ay kayang makagawa ng ilang perpektong libu-libong parte na mayroong eksaktong dimensyon, bigat, level ng refinement, fire level ay kailangan pa rin walang kahit anong kamalian. Masiyadong mahigpit ang ganito.

Ang mas mahalaga bang bagay ay kahit ang mga blacksmith masters ay hindi kayang makita kung ano ang pagkakamali.

Subalit, ang mga problemang ito ay hindi masiyadong mabigat para kay Zhao Feng.

"May problema ba?"

Tanong ni Tiegan Master.

"Wala, pero kakain ito ng malaking oras at pagsisikap. Dagdag pa rito, sa proseso, mayroong mga materyales na masasayang."

Sumagot si Zhao Feng.

"Masasayang na materyales?"

Isang ngiti ang nabuo sa bibig ng lalaking may kulang dugong-pulang buhok ngunit hindi siya nagsalita.

Ang materyales na masasayang bago pa mabuo ang sandatang ito ay kayang magkasya sa buong Tiegan palace.

"Tandaan mo, ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring magdulot upang pumalpak ang kagamitan."

Babala ni Tiegan Master.

"Kahit mayroong pagkakamali hahanapin ko ito."

Tumango si Zhao Feng at nagsimulang magrefine ng materyales.

Simula umpisa hanggang matapos ang kaniyang ekspresyon ay kalmado at walang pagbabago sa kaniyang emosyon.

Ang kaniyang bawat paghinga, bawat kapangyarihan, ay perpektong nakokontrol.

Tumitig ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok sa kaniyang asul na mata ng ilang sandali dahil sa interes niya rito ngunit hindi siya nagsalita.

Marahang lumipas ang oras.

Sina Zhao Feng at Tiegan Master ay parehas gumawa ng kani-kanilang mga parte.

Ang naunang nabanggit ay gumawa ng mga pangbaguhang antas ng gawain samantalang ang ikalawang nabanggit ay ang siyang nag-aasikaso ng arrays at ang refinement ng high grade materials.

Nagulat si Zhao Feng habang pinoproseso niya ang mga materyales na ito. Ang bawat isa sa mga parteng ito ay katumbas ng isang normal na mortal weapon at ito lamang ay mga low grade materials.

Hindi nga alam ni Zhao Feng kung ano ang pangalan ng high grade materials at sasabihin sa kaniya ni Tiegan Mastser ang mga elemento at ang proseso nito batay sa mga larawan.

Ang pagsisimula ng forging ay isang napakahabang paglalakbay.

Kinontrol ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang bawat refinement at habang lumilpas ang oras, ang bilis ng kaniyang kamay ay mas lalo pang tumaas na parang isang linya ng tubig.

Kailangang maging labis na maingat ng isang tao kapag nirerefine ang mga ganitong kagamitan dahil ang isang katiting na pagbabago sa temperatura o sa kapangyarihan ay magdudulot ng kapalpakan.

At tiyak nga, si Zhao Feng ay nakapagsayang ng ilang materyales ngunit natuto siya mula sa kaniyang mga pagkakamali at hindi kalaunan makukuha na niya ang perpektong paraan.

Ang kalmadong ekspresyon ng lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok ay naging mataimtim sa paglipas ng oras.

Sa isang kurap ng mata kalahating buwan na agad ang lumipas.

Natutulog si Zhao Feng sa tuwing siya ay napapagod at sunod ay mananatili sa pagtatrabaho sa tuwing gigising siya.

Sa wakas, sa araw na ito, natapos na ang pagpoproseso.

"Ang unang hakbang ay natapos na sa wakas. Ngayon kailangan natin hanapin ang mga pagkakamali at siguraduhing perpekto ang mga parteng ito."

Sambit ni Tiegan Master.

Ang paraang ginamit nila ay napakasimple: Tingnan ang kagamitan ng bawat isa.

Una ay sinuri ni Zhao Feng ang gawa ni Tiegan Master. Bawat isa sa kaniyang mga gawa ay parang isang sining.

Batay sa mga kinakailangan ni Tiegan Master, nakakita si Zhao Feng ng kabuuan ng isang daan at dalawampu't tatlong kamalian kasama na roon kahit ang mga katiting na pagkakamali.

"Isang daan at dalawampu't tatlo? Ganoon karami?"

Bahagyang nagulat si Tiegan Master at noong tinitigan niya ito ang ilan sa mga ito ay katanggap-tanggap ngunit hindi ito pinili ni Zhao Feng.

Matapos noon.

Oras na para si Tiegan Master naman ang tumingin sa ginawa ni Zhao Feng.

"Anim sa kabuuan."

Nagulat si Tiegan Master. Ang mga pagkakamaling ito ay talagang dahil lamang sa kakulangan ni Zhao Feng ng karanasan o siguro ay hindi niya naintindihan ang teorya.

Ang ekspresyon ng lalaking may kulay dugong-pulang buhok ay bahagyang nagbago.

"Titingnan ko rin ng isang beses."

Nagsimulang tumingin ulit ni Zhao Feng sa kaniyang ginawa at paminsan-minsan kinukuwestiyon niya si Tiegan Master.

Hindi kalaunan dalawampu't tatlong pagkakamali ang nakita.

Ang ilan sa mga ito ay maiging nakatago – kahit si Tiegan Master ay hindi ito nakikita. Ang iba naman ay kung hindi masiyadong maliit o katanggap-tanggap lamang.

Subalit, lahat ng ito ay hindi isinama.

Matapos ito sunod ay tiningnan ni Zhao Feng ang lahat ng mga parteng ito ng ilang beses.

"Tapos na."

Tumango si Zhao Feng.

Ang unang hakbang ay napagtagumpayan nang makumpleto at si Tiegan Master ay lubos na nagagalak dahil ang panahong nakonsumo ay mas kunti pa sa kalahati ng inaasahan niya.

Ang pagsasanib ng mga kagamitan ay nangangailangan ng isang taong mayroong mataas na forging skills upang gawin ito kaya naman si Zhao Feng ay isang lamang kanang-kamay.

Dagdag pa rito mayroong mga malalaking sikretong kailangang itago mula kay Zhao Feng.

Ang kailangan gawin ng nabanggit ay hanapin ang mga 'pagkakamali'.

Tuloy-tuloy na paglago.

Sunod-sunod na hakbang ang nakumpleto.

Nang dumating na ang ikawalong araw ng ikawalang buwan, tumigil si Tiegan Master.

"Kumpleto na ang lahat ng hakbang. Isang bagay na lamang ang kailangan nating gawin – forging."

Napahinga ng malalim si Tiegan Master habang humiling siya kay Zhao Feng na tingnan ang mga pagkakamali.

Tatlong beses na sinuri ni Zhao Feng ang mga materyales atsaka tumango.

Nakisali rin ang lalaking may kulay dugong-pulang buhok sa forging.

Ito ang huling hakbang at ang ibig sabihin ng kapalpakan ay walang kuwenta ang lahat ng ginawa niya noon.

Kaya naman, hindi na kailangang sumali ni Zhao Feng sa hakbang na ito at pinabalik na lamang siya. Kung tutuusin, ang kagamitang ito ay nagmula sa Heavens Legacy Inheritance at ang pagbubuo ng ganitong level ay hindi pa madalas naririnig. Ang huling kagamitan ay magdudulot upang manginig ang buong mundo.

"Kung magtatagumpay ang forging, ikaw ay magiging isang bayani na mula sa Iron Blood Religion"

Ang lalaking may kulay dugong-pulang buhok ay tumango patungo kay Zhao Feng.