Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 264 - Tagumpay

Chapter 264 - Tagumpay

Flooding Lake City.

"Pag-uulat sa City Lord, natiyak na namin na nakapasok na si Zhao Feng sa Tiegan Mountain."

Isang anyong nababalot ng kadiliman ang nagsalita.

Tumango ang City Lord. Hindi ito labas sa kaniyang mga inaasahan. Siguro ay nagpunta si Zhao Feng sa Tiegan Mountain upang makita ang blacksmith mountain.

"Ano ang nandoon?"

Tila ba walang intensyong umalis ang anyong ito.

"Ang dahilan kung bakit nagpunta si Zhao Feng sa Tiegan Mountain ay mukhang dahil gusto niya magdulot ng gulo."

Sambit ng anyo na bahagyang nagdadalawang-isip.

Magdulot ng gulo?

Nagpalitan ng tingin ang Flooding Lake City Lord at si Liu Qinxin.

Ang unang reaksyon nila ay: May lakas ng loob si Zhao Feng.

Anong klaseng tao si Tiegan Master? Bukod sa katotohanang nasa True Spirit Realm siya, siya rin ang ranked first sa lugar ng Flooding Lake kung forging ang pag-uusapan.

Sa kabuuan ng Canopy Great Country, maaari siyang maipuwesto sa top ten.

Kahit na masama ang relasyon sa pagitan ng City Lord at ni Tiegan Master, ang unang nabanggit ay wala ring nagagawa tungkol sa huling nabanggit.

"Kung nagpunta talaga si Zhao Feng doon para magdulot ng gulo, kung ganoon tiyak na magiging problema ito..."

Mayroong taimtim na ekspresyon ang Flooding Lake City Lord.

Ang pagkakakilanlan ni Zhao Feng ay labis na namumukodtangi. Hindi lang niya kinakatawan ang sarili niya, siya rin ang kumakatwan sa City Lord dahil siya ang manugang na lalaki ng nabanggit.

Ang relasyon sa pagitan ng City Lord at ni Tiegan Master ay talagang masama na noon pa at kung magpapatuloy si Zhao Feng, maiisip ng lahat na dahit ito sa City Lord.

"Father, ang cultivation ni Tiegan Master ay hindi pa nakakaabot sa True Mystic Rank at hindi pa nga siya isang Grandmaster Blacksmith, bakit tayo nag-aalala sa kaniya?"

Tinaong ni Liu Qinxin, bahagyang naguguluhan.

Alam niya ang lakas ng kaniyang ama at ang mga normal na eksperto na nasa True Mystic Rank ay hindi niya binibigyang pansin. Noon, nagpadala pa siya ng mga hamon sa isa True Lord Rank.

Maaring masabi na hangga't hindi pa nagpapakita ang mga eksperto ng True Lord Rank, ang City Lord ang mananatiling mamumuno.

Ang ganitong klase ng anyo ay hindi dapat nag-aalala sa isang blacksmith master.

"Si Tiegan Master ay hindi pangkaraniwan. Mayroon siyang malapit na relasyon sa Iron Blood Religion. Malinaw na siya ang blacksmith ng Iron Blood Religion."

Habang nagsasalita ang City Lord, ang kaniyang mga kilay ay mas lalo pang nagsalubong.

Iron Blood Religion.

Sa pagkarinig nito nagbago ang ekspresyon ni Liu Qinxin: Yari si Zhao Feng.

Sa Canopy Great Country, ang Imperial, ang Tatlong Sects, at ang Apat na Pamilya ang mayroong tiyak na kontrol.

Sa lahat ng Tatlong Sects ay naroon ang Iron Blood Religion na ang kapangyarihan ay higit na mas malaki pa kaysa sa pangunahing pamilya ng Liu at ang Qin Sword Palace.

Kahit ang pangunahing pamilya ng Liu ay nag-aalala sa Iron Blood Religion at hindi naglalakas-loob na alipustahin sila.

Ang kasalukuyang sitwasyon sa pagitan ng mga Imperials at ng Iron Blood Religion ay parang apoy at tubig.

Kahit na ang mga Imperials ang mamumuno sa pangalan, ang Iron Blood Religion ang pinakamalaking relihiyon sa bansa at mayroon itong matinding kapangyarihan.

"Hindi, kailangan ako mismo ang magpunta sa Tiegan Mountain."

Habang nagsasalita siya, naglaho ang Flooding Lake City Lord at ang tunog ng sipol hangin ang maririnig.

"Magpupunta rin ako."

Ang mga mata ni Liu Qinxin ay puno ng kalamigan at katiting na katiting na pagka-uyam, "Hmph! Matuturuan siya ng leksiyon sa paggamit niya ng kaniyang pagkakakilanlan bilang manugang na lalaki ng City Lord. Ngayon nakatama na siya ng pako."

Tiegan Palace.

Tahimik ang bulwagan habang bumababa si Tiegan Master.

"....Nagpunta ako sa oras na ito upang kumatawan sa aking guro na si 'Thousand Hand Grandmaster'.... Upang hamunin ka."

Si Zhao Feng lamang ang nakangiti.

Mas lalong rumagasa ang apoy sa katawan ni Tiegan Master. Halatang nasa rurok na siya ng pagsabog.

Subalit, nang magsalita si Zhao Feng, atsaka lamang namatay ang mga apoy ni Tiegan Master.

Thousand Hand Grandmaster?

Nanigas ang katawan ni Tiegan Master na mayroong nawiwindang ekspresyon.

Ang isang Grandmaster ay halatang mas mataas kaysa sa isang Master.

Ang 'Thousand Hand Grandmaster' ay ikinatulala ni Tiegan Master.

Maganda ba ang pagiging isang Master? Mas maganda ba ito kaysa sa isang Grandmaster?

Siyempre, ang 'Thousand Hand Grandmaster' ay isang pangalan na basta-basta na lamang ginagamit ni Zhao Feng para manakot ng mga tao.

"Thousand Hand Grandmaster? Hindi nagkaroon ng bagong mga blacksmith grandmasters ang kontinente."

"Ang pinakamalapit na blacksmith master sa Northern Continent ay namatay nakaraang isang daang taon pa."

Nagkaroon ng usap-usapan sa bulwagan.

Wala pa silang naririnig na isang taong nagngangalang Thousand Hand Grandmaster. Siguro, hindi sa Northern Continent.

"Bata, kung naparito ka para magdulot ng gulo sa Tiegan Palace, ang matandang ito ay hindi maghihinay-hinay sa'yo porke ikaw ang manugang na lalaki ng City Lord."

Ang mukha ni Tiegan Master ay mayroon pa ring natitirang galit at mayroong bakas ng kalamigan sa kaniyang boses.

Subalit, hindi siya gumawa ng pabigla-biglang pagkilos.

Ang batang may asul na buhok sa kaniyang harapan ay kakaiba at nakita ni Tiegan Master ang mga pagkilos ni Zhao Feng sa bulwagan kanina gamit ang kaniyang Spitirual Sense.

Base sa pag-aaral ni Tiegan Master, ang level ni Zhao Feng sa forging ay halos maikukumpara na sa isang Master.

"Hehe, ang Master ko ay isang bagong blacksmith Grandmaster mula sa Middle Continent. Nagpunta ako ngayong oras upang dalhin ang gawa ng aking Master upang hamunin ang mga Masters ng Northern Continent."

Nagsimulang magsinungaling si Zhao Feng.

Ang distansya sa pagitan ng Middle Continent at ng Northen Continent ay labis na malayo at batay sa kaalaman ni Zhao Feng, ang Middle Continent ang mas nakakaangat.

Sa mga nariritong manonood, halos wala sa kanila sa ang nakapunta na sa Middle Continent at ang Master ni Zhao Feng ay isang bagong Grandmaster, kaya naman walang kahit anong gasgas sa kaniyang mga salita.

"Gawa ng isang Grandmaster?"

Kuminang ang mga mata ni Tiegan Master.

Pa!

Ipinitik ni Zhao Feng ang kaniyang mga daliri.

Miao miao!

Nagdala ng lalagyan ng alak ang munting pusang magnanakaw na mas malaki pa kaysa sakaniya at sakim na ininom ang alak kasabay nito.

"Ito ay gawa ng aking Master na mula pa sa nakalipas na mahabang panahon."

Itinaas ni Zhao Feng ang kaniyang ulo.

Lahat ng nasa bulwagan ay nakatitig sa lalagyan ng alak sa harap ng munting pusang magnanakaw.

Ang lalagyan ng alak na ito ay gawa sa kakaibang materyal at nang napatingin dito ang Spiritual Sense ni Tiegan Master, biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon at itinanong, "Ano ang gamit ng lalagyan ng alak na ito?"

Nang masabi niya ito.

Miao miao!

Ininom ng munting pusang magnanakaw ang natitirang alak at sunod ay naglagay ng tubig sa loob.

Ang tubig sa loob ng lalagyan ng alak ay dahan-dahang nagsimulang magbago.

Sinuri ito ng Spiritual Sense ni Tiegan Master at biglang napagtanto ito nang siya ay magpunta at tumitig sa lalagyan ng alak ng mayroong pagkawindang.

Ngumiti si Zhao Feng ngunit hindi siya nagsalita.

Siya ang naunang magmanman at nalaman niya na bukod sa masamang pag-uugali ni Tiegan Master, mahilig siya sa wine, at ang lalagyan sa harap ng kaniyang mga mata ngayon ay kayang gawing wine ang normal na tubig. Napakamisteryoso nito.

Tiningnan na ni Zhao Feng ang sinaunang mga tala at mukhang walang ganitong klase ng kagamitan.

Ang lalagyan ng alak na ito ay mula sa misteryosong Hundred Graves Forbidden Ground kung saan napakahirap mabuhay kahit para sa mga nasa True Spirit Realm. 

Matamlay na umubo si Zhao Feng at pinatigil ang nawiwindang na estado ni Tiegan Master.

Halata na ang kapangyarihan ng lalagyan ng alak ay ikinagulat ni Tiegan Master.

"Munti kong kaibigan, magpunta tayo sa ibang lugar at mag-usap nang pribado."

Ngumiti si Tiegan Master at inimbitahan si Zhao Feng patungo sa mga nakapaloob na bulwagan.

Ang mga manonood na nandoon ay natulala.

Kilala si Tiegan Master sa kaniyang napakaikling pasensya at kani-kanina lamang ay nasa rurok na siya ng pagsabog.

Subalit, ang taong ito na nagdudulot ng kaguluhan ay ngayon tinatrato na bilang isang bisita ni Tiegan Master sa loob lamang ng ilang mga salita.

"Bukod sa True Lord Rank na eksperto mula sa nakaraang ilang buwan nang nakalipas, ito ang unang beses na nakita kong bumati si Tiegan Master nang ganito."

Ang mga blacksmiths at ang mga disciples ay nagtinginan at marami ang nanghula: Ang bata ba na ito na may asul na buhok ay isang disciples mula sa blacksmith clan?

Sa loob ng isang tahimik na silid-pahingahan sa Tiegan Palace.

Nakangiting nakaupo si Zhao Feng habang sinusuri ni Tiegan Master ang lalagyan ng alak. Pabago-pabago ang kaniyang mukha sa bawat segundo, mula sa gulat hanggang sa paghanga bago siya nagsimulang walang tigil na bumuntong hininga.

Makalipas ang ilang sandali.

Nagsalita si Tiegan Master, "Ano ang gusto mo? Ang pinakamalapit na grandmaster sa Northern Continent ay ang aking Master at may kilala rin akong ibang Grandmasters sa Middle Continent."

Tumawa si Zhao Feng -mukhang ang "Thousand Hand Grandmaster" na alyas ay nabisto na ngunit ang kaniyang layunin ay narating niya na dahil nakikipag-usap na siya kay Tiegan Master.

"Nagpunta ako ngayong oras upang manghingi ng tulong kay Master na ayusin ang dalawang kagamitan."

Una ay inilabas ni Zhao Feng ang Luohou Bow.

Sa oras na kinuha ni Tiegan Master ang Luohou Bow, nagliwanag ang kaniyang mga mata at maingat na sinambit, "Tiyak."

Biglang hinawakan ng kaniyang kamay ang Ice Lotus Symbol at hindi mapigilan ang sarili kundi kumuha ng hininga. 

"Kahanga-hanga, ito ay ginawa ng kalikasan. Ang aura nito ay maaaring maikumpara sa mga sinaunang dragon lizars o sa mga descendants ng ice dragon."

Bumuntong hininga si Tiegan Master dahil sa Ice Lotus Symbol na ito.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng maalala ang Dragon Snake Ice River sa Sky Boundary Island. Ang buong ilog ay naninigas at ang misteryosong sangkap na pinanggagalingan nito ay isang pinagbabawal na nilalang na kayang gawing yelo ang mga eksperto na nasa True Spirit Realm.

"Kung ang kapangyarihan ay mas malakas pa maaaring makagawa pa ito ng isang Spiritual grade Weapon na makakapagpagulat sa mundo.... Ngunit sa kasamaang palad...."

Umiling si Tiegan Master sa bandang dulo.

Sa pagkarinig nito nagulat si Zhao Feng. Hindi niya naisip na ganito kalaki ang potensyal ng Luohou Bow.

Ang pangunahing kagamitang nais niya ipaayos ay hindi ang Luohou Bow. Ang Luohou Bow ay naipasa lang nang may pagkawalang-bahala. Hindi niya inasahan ang sagot na ito.

Matapos ang pag-uusap tungkol sa presyo, nagkasundo na sina Zhao Feng at si Tiegan Master.

Tutulungan ni Tiegan Master si Zhao Feng na pataasin ang potensyal at ang kapangyarihan ng Luohow Bow pati na rin ang pag-aayos ng isa pang Spiritual grade item na hindi lalagpas sa isang High tier Spiritual item ngunit ang mga resources na kakailanganin ay manggagaling kay Zhao Feng.

Hinayaan ni Zhao Feng na suriin ni Tiegan Master ang lalagyan ng alak para sa ilang sandali at sa katotohanan, si Tiegan Master ang nagmungkahi na magbigay ng mga materyales at ang pag-aayos kaplit ng Luohow Bow.

Subalit, dulot sa hindi pagsang-ayon ng munting pusang magnanakaw, nauwi lang din ito kapalpakan.

Matapos magawa ang kasundua, sinadyang tingnan ni Tiegan Master na makita ang antas ni Zhao Feng sa forging ngunit napagtanto na limitado lamang ng mga teorya si Zhao Feng.

Ang abilidad ni Zhao Feng na matuto ang nagdulot sa kaniya upang maintindihan ang medisina, arrays, at ang forging dahil ang lahat ng kaalaman ay nakokopya sa kaniyang isipan gamit ang God's Spitirual Eye. Kaya naman, alam din ni Zhao Feng ang mga resources pati na rin ang mga gamit nito.

"Magaling ang mga mata ng munti kong kaibigan at mayroon pang kahanga-hangang talento – tunay na talentadong henyo ng forging. Nais mo pang pumasok sa mundo ng mga blacksmiths kasama ako?"

Namula ang mga ata ni Tiegan Master.

Sa mismong pagkakataon na ito.

Isang makapangyarihang aura ang humawi sa hangin nagdulot upang manginig ang Heaven Earth Yuan Qi.

"Maaari ko bang tanungin kung bakit personal na nagpunta rito ang City Lord?"

Ang ekspresyon ng ekspertong nasa True Spirit Realm na nagbabantay sa Tiegan Mountain ay nagbago.

Nagtanong ang Flooding Lake City Lord, "Nandirito ba ang pasaway kong manugang na lalaki? Kung nagdulot siya ng kahit anong kaguluhan, umaasa ako na kaya siyang patawarin ng mga kapwa kong Tiegan Mountain Daoists."