Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 261 - Pagsasaayos ng Kasalan

Chapter 261 - Pagsasaayos ng Kasalan

"...Ang taong iyon na nagtanggal ng kaniyang belo ay hindi ako... yung pusa 'yon..."

Hindi mapigilang sumagot ni Zhao Feng. Hindi rin siya mismo ang nagtanggal ng belo, kaya't bakit siya ang sinisisi?

Sa isang kritikal na pagkakataon, sinubukan niyang hatakin ang munting pusang magnanakaw sa tubig, ngunit ang munting bastradong iyon ay itinago ang kaniyang sarili sa loob ng Spiritual Pet Bag at natulog.

"Huwag mong iwasan ang pinag-uusapan, ang pusang iyon ay alaga mo, kaya ang mga ikinikilos nito ay mga utos mula sa'yo. Bilang isang Beast Tamer, ang mga alaga mo ang iyong sandata."

Isang masamang ngiti ng tagumpay ang lumitaw sa mukha Lord ng Flooding Lake City.

Nagsipuntahan ang mga kalapit na taong naroroon at nagsimulang batiin ang City Lord.

"Pagbati sainyo City Lord sa pagkakaroon ng isang magaling na manugang na lalaki."

"Hahaha, maghihintay kami para makainom ng wine ng City Lord."

Lahat ng mga taong ito ay eksperto na sa True Spirit Realm, ngunit magalang pa rin ang kanilang pakikitungo sa City Lord.

Sa wakas ay may naintindihan na si Zhao Feng. Ang Flooding Lake City Lord ang kumukontrol sa halos lahat ng bagay dito.

Kung may kahilingan ang City Lord, walang tatanggi.

Kahit mayroon pa siyang isang daang bibig, wala rin itong kuwenta. Ang mga pag-iisip ni Zhao Feng ay pumihit at hindi kalunan nakuha niya na pabalik ang kaniyang pagiging kalmado nang mayroon siyang naisip na plano.

"Sa ngayon, imposible para sa akin ang tigilan ang kasalang ito. Sa pagpapatagal lamang nito at sa pagkuha ng tiwala ng City Lord ko magagawang magkaroon ng pagkakataong makatakas."

Malinaw na alam ni Zhao Feng na walang magagawa ang pagtanggi sa City Lord. Para mo na ring pinapapigilan sa isang tipaklong ang isang karwahe.

Dahil hindi siya makatanggi, ang tanging bagay na magagawa lamang niya ay sumang-ayon. Hindi kalaunan nagpakita na si Zhao Feng ng isang desperadong ekspresyon na para bang tinanggap na niya ang katotohanan.

"Bata, ang hitsura ng anak kong babae at ang talento nito ay mahirap hanapin sa loob ng sampung libong milya. Kahit noong kinakalaban mo pa siya, naghihinay-hinay lamang siya sa iyo. Aling parte niya ang hindi karapat-dapat sa'yo?"

Ang ekspresyon ng Flooding Lake City Lord ay bahagyang madilim habang pinapakawalan niya ang kaniyang True Spirit aura, nagdulot upang kahit ang mga taong nasa True Spirit Realm ay kabahan.

Ang nagawa lamang ni Zhao Feng ay mapait na ngumiti: "Ang junior na ito ay nais lamang makita ang kaniyang hitsura. Para naman sa pagpapakasal kay lady Qinxin? Sa tingin ko ay hindi siya karapat-dapat."

Sa pagkarinig nito, kumalma ang City Lord at ngumiti: "Hindi mo kailangang magpanggap na mapagkumbaba. Magaling tumingin ang mga mata ng City Lord na ito."

Ang mga kalapit na tao roon ay nagngitian. Sa kanilang mga mata, si Zhao Feng ang umaangat sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak na babae ng City Lord.

Sa pagkakataong ito, nararamdaman ni Zhao Feng ang inggit, selos at ang hindi sumasang-ayon na mga tingin ng mga kabataan sa ibaba.

Ang mga nagtutubig na mata ni Liu Qinxin ay puno ng pagdadalawang-isip. Halatang hindi si Zhao Feng ang pinapangarap niyang asawa sa kaniyang isipan.

Ito ay dahil si Zhao Feng ay mas bata sa kaniya at kung cultivation at lakas ang pag-uusapan, hindi man lamang siya nakalagpas sa kaniya.

Subalit, walang kahit sino sa mga nakababatang henerasyon ng Flooding Lake ang makakaabot sa kaniyang mga batayan.

Ang gusto niyang asawa ay isang lalaki na kayang makagawa ng milagro, walang kaparis na henyo.

At ang batang may isang mata at asul na buhok sa tapat niya ay hindi nakaabot sa mga pangangailangan niya sa usapin ng hitsura, edad, cultivation o tagumpay.

Subalit, binanggit na ito sa kaniya ng kaniyang Master sa banig ng kamatayan nito at ito pa ang nag-udyok sa kaniya upang palitan ang kaniyang pangalan ng Liu Qinxin.

Ang orihinal na pangalan niya ay hindi Liu Qinxin.

"Tadhana ba ito?"

Nagdadalawang-isip si Liu Qinxin habang tumitingin sa kaniyang 'nakatadhanang pares'. Kapag mas lalo niya siyang tinitignan, mas lalo pa siyang napupuno ng kapaitan at ng kaguluhan.

Naibalik na ni Zhao Feng ang pagiging kalmado niya ngayon at tinanggap niya ang pagbati ng walang emosyon.

"Liu Yuan, mula ngayong araw na ito, si Zhao Feng ay maninirahan sa City Lord Palace. Umalis ka na at sabihan mo ang pamilya natin tungkol dito."

Utos ng City Lord at magalang na sumang-ayon si Liu Yuan.

Si Zhao Feng ay isang tao na sinubukan nilang hatakin, ngunit dahil ang nabanggit ay ang magiging manugang na lalaki ng City Lord, iisang pamilya na sila ngayon.

"Pagbati sainyo Brother Zhao sa pagkakaroon ng ganitong suwerte upang mapakasalan si Lady Qinxin."

Ang puso ni Liu Yuan ay puno ng kaguluhan at ng pagka-inggit. Saan ba nanggaling ang suwerte ng batang ito?

Hindi lang mayroong isang maharlikang pagkakakilanlan si Liu Qinxin, ang kaniyang hitsura at ang aura niya ay nasa top tier ng mundong ito. Kahit ang kaniyang cultivation ay lagpas sa mga nakababatang henerasyon ng Flooding Lake.

"Qinxin, dalhin mo si Feng'er pabalik sa Palace, susunod ako roon."

Sinabi ng Flooding Lake City Lord sa kaniyang anak na babae.

Matamlay na tumango si Liu Qinxin at naging isang malabong puti na parang isang sisne na kumislap patungo sa City Lord's Palace.

Kailangang makahabol ni Zhao Feng at naging isang arko ng kidlat na sumunod sa kaniya.

Napakatulin ni Liu Qinxin at sinadya niyang pumasok sa mga gusali, puno at sa mga kalsadang magkakasalubong. Tila ba sinusubukan niyang sadyaing maitaboy si Zhao Feng, ngunit kathi gaano pa kalaki ang City Lord Palace, ito ay nasa gitna ng lungsod at ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakatutok sa kaniyang posisyon at mabilis na nakakahabol.

Nakaupo sa gitna ng silid-pahingahan si Liu Qinxin at naisip kung kailan magpapakita ang batang may asul na buhok.

Subalit bago pa siya makahigop ng kaniyang tsaa, ang himig ng kidlat ay lumitaw mula sa labas at pasimpleng lumakad papasok si Zhao Feng, nakaupong katapat ni Liu Qinxin.

"Maari bang lubos siyang pamilyar sa City Lord Palace? May intesyon ba ang lalaking ito sa akin o sa pamilya ng Liu?"

Bahagyang nasupresa si Liu Qinxin at naghinala ng kaunti.

Sa mismong oras na ito, sinusuri ni Zhao Feng ang kauna-unahan niyang 'magiging asawa'. Mayroon siyang nakakaakit na nayo at ang kaniyang mga kilay ay napakaganda, para bang inilarawan ang mga ito. Sa pag-upo niya sa silid-pahingahan, naging tahimik siyang nakabibighani.

Mula sa isang tiyak na perspektibo, napagtanto ni Zhao Feng na wala siyang dahilan upang tanggihan siya ngunit ang bilang ng mga kagandahan na nakita niya ay hindi mababa, kaya naman kadalasan, ang kaniyang puso ay kasingkalmado ng tubig. Paminsan-minsan lang itong kumikibo.

Sa pagkakita na nakatitig si Zhao Feng sa kaniya, sa umpisa ay nakaramdam si Liu Qinxin ng pandidiri. Subalit, wala siyang makitang karumihan sa kaniyang mga mata. Isang uri lamang ito ng paghanga.

Ito ang bahagyang nakapagpagulat kay Liu Qinxin. Kahit na may suot siyang belo, halos lahat ng lalaki ay tumitingin pa rin sa kaniya ng may pagnanasa. Ang bata na nasa harap niya ay tila ba napapalibutan ng hamog. Matalim ang kaniyang mga mata at hindi ito nagtatago.

Nakaupo ang dalawa habang tahimik na nakatingin sa isa't isa hanggang sa dumating ang Flooding Lake City Lord.

"Feng'er, mula ngayong araw, mananatili ka na sa City Lord Palace. Maganda para sa'yo na hindi umalis ng Flooding Lake City. Mayroon akong mga tauhang aalalay sa bawat pangangailangan mo."

Sambit ng Flooding Lake City Lord nang siya ay maupo.

Hindi sumagot si Zhao Feng at sa halip ay nagmungkahi: "Ang junior na ito ay hindi pa handa para sa kasalan. Ito ang pinamahalagang bagay sa buong buhay ko at para sa kasiyahan ni Lady Qinxin, sana ay hindi ito madaliin..."

Takot siya na bigla siyang pilitin ng City Lord na pakasalan si Liu Qinxin.

Kung ganito ang mangyayari, kung ganoon lahat ng plano niya ay mapupunta sa wala.

Sa pagkarinig nito, tumawa ang City Lord: "Kumalma ka, hindi ito basta-basta."

At sa katotohanan, hindi nais ng City Lord na magpakasal agad sina Zhao Feng at Liu Qinxin. Kailangan niya munang manmanan lahat ng tungkol kay Zhao Feng.

Maaaring masabi na parehas mayroong plano ang City Lord at si Zhao Feng.

Sa iisang gabi, ang lugar ni Zhao Feng ay inayos na sa City Lord Palace at ang pagtrato sa kaniya ay maganda-ganda. Mayroon siyang sariling bahay at nakatabi ito sa isang ilog.

Ang mga alalay sa City Lord Palace ay lahat magalang ang pakikitungo sa kaniya. Alam nilang lahat ni si Zhao Feng ang magiging future master.

Nakaupo sa sahig si Zhao Feng na nakadekuwatro, habang ang kaniyang God's Spiritual Eye ay sumuri sa kaniyang kapaligiran.

Upang maiwasan ang pagtakas ni Zhao Feng, ang City Lord ay nagpdala ng kabuuan ng apat na ekspertong nasa half-step True Spirit Realm at isang nasa True Human Rank upang manmanan siya.

"Masiyadong mataas ang tingin sa akin ng Flooding Lake City Lord."

Bumagsak ang puso ni Zhao Feng – ang sitwasyon ay mas malala pa sa iniisip niya.

Sinusuwerte siya, ang kaniyang plano ay nagsimula na rin at habang hindi siya pinupuwersa ng City Lord na magpakasal agad, mayroon pang pagasa.

Para sa mga ilang araw, dalawang bagay lamang ang ginawa ni Zhao Feng. Magcultivate o pumunta sa silid-aklatan ng City Lord Palace upang magyamanin ang kaniyang kaalaman.

Bilang ang manugang na lalaki sa hinaharap ng City Lord, bukod sa ilang pinagbabawalang lugar, maaari siyang magpunta kung saan niya nanaisin.

Siyempre, ang apat na eksperto na nasa half-step True Spirit Realm at ang nag-iisang nasa True Spirit Realm ay palaging nakasunod kay Zhao Feng.

Nakakuha pa ng mas maraming kaalaman si Zhao Feng sa silid-aklatan at paminsan-minsan ay nagagawa rin niyang mapalapit pa sa ilang advanced skills.

Sa pamamagitan ng mga librong ito, nagkaroon na ng mas malawak na pag-iintindi si Zhao Feng sa Canopy Great Country at sa Hilagang Kontinente.

Ilang mga araw na naman bago marahang makalabas si Zhao Feng sa City Lord Palace.

Base sa City Lord, hangg'at hindi umaalis ng Flooding Lake City si Zhao Feng, walang pipigil sa kaniya.

Kung nanaisin ni Zhao Feng, maaari pa siyang magdala ng isang malaking bilang ng mga guwardiya at mga alalay kasama niya.

Sa mga nakaraang nakalipas na araw, natagpuan na ng Flooding Lake City Lord ang mga kaligiran ni Zhao Feng. Hindi siya nagmula sa Canopy Great Country at siya ay galing sa kabukiran.

Sa pagkakaalam nito, kumalma na ang City Lord – nag-aalala lamang siya na baka nanggaling mula sa isang dibisyon ng kalaban si Zhao Feng at na mayroon siyang masamang intensyon sa pamilya ng Liu.

At ang kaligiran ni Zhao Feng ay lubhang malinis. Hindi siya isang taong nagmula sa bansa na ito ngunit isa siyang taong nanggaling pa sa mahirap na mga kalupaan. Halatang walang awayan sa pagitan niya at ng pamilya ng Liu.

Sa araw na ito, si Zhao Feng ang tahimik na nagcucultivate sa sahig.

Sa isipan niya, lumitaw ang three leveled Lightning Inheritance.

Of the three levels, the first level was extremely bright.

Sa tatlong levels, ang unang level ang pinakamaliwanag

"Ang unang level ng Lightning Inheritance ay makukumpleto na."

Si Zhao Feng ay puno ng ekspektasyon.

Ang Lightning Inheritance ay mayroong tatlong levels at kung ang isa ay mag-cucultivate patungo sa dulo ng ikatlong level, may tiyak na pagkakataon na maabot nila ang Origin Core Realm. Mula rito, makikita kung bakit ito ay naipuwesto bilang ang pinakamalakas na inheritance ng Floating Crest Palace.

Kung tutuusin, sa pagkakataong ito, Ang True Lord Rank ay ang hari ng isang panig at ang mga eksperto mula sa Origin Core Realm ay limitado lamang sa bilang mga alamat.

Sa pagkakataong ito, Si Zhao Feng ay marahang na napahinga. Meron siyang halos 80% na pagkakataon na mapagtagumpayan niya ang pagtakas at sa mismong oras na ito tinawag ng City Lord si Zhao Feng.

Sa napakalaking bulwaga, bukod sa City Lord ay kay Liu Qinxin, mayroong ilang mga mahahalagang tao roon. Kahiy ang Head ng pamilya ng Liu ay nandirito.

Ang dahilan kung bakit ipinatawag ng City Lord si Zhao Feng ngayong araw dahil sa kasalan.

"Zhao Feng, ang kasalan ay nakatakda sa loob ng anim na buwan, mayroon ka bang mga problema?" Tanong ng Flooding Lake City Lord.

"Wala po, makikinig lamang ang isang ito sa City Lord."

Mukhang natanggap na ni Zhao Feng ang katotohanan at tumango sa pagkakuntento ang City Lord.

Sa kabilang banda, si Liu Qinxin ay bahagyang nalugmok. Sa kung paano niya inasahan na matapang na tatayo si Zhao Feng at tanggihan ang alok ng City Lord – kahit na mapunta ito sa isang malubhang kamatayan.

"Mukhang katulad lang siya ng ibang mga lalaki, hindi matanggihan ang ideya ng karangalan, kapangyarihan, at ng mga kababaihan..." Bumuntong hininga si Liu Qinxin sa loob-loob ng kaniyang puso.

Dahil wala namang mga reklamo si Zhao Feng, ang kasalan ay matagumpay na naitakda sa pagdating ng kalahating taon.

Walang magawa si Liu Qinxin kundi maging opisyal na asawa sa hinaharap ni Zhao Feng at ang pagplanong tumakas ni Zhao Feng ay nagsimula na sa wakas.