Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 259 - Bride (2)

Chapter 259 - Bride (2)

Noong narinig ni Zhao Feng ang sigawan ng mga tao, siya'y hindi makapagsalita. Naisip niya na kung marami siyang napaibig na mga dilag mula sa Thirteen Countries, dito pa kaya siya matatalo ng babae?

Siya'y lumanghap ng hangin at inayos ang kanyang sarili.

Wala nang pag-urong, kaya bakit hindi na lang gumamit ng plano upang matalo ang planong ito?

Una, ang mga utos ng City Lord ay hindi pwedeng kontrahin. Pangalawa, gusto niya makita kung siya na ba ang The One.

Si Liu Qinxin na may suot na puting damit ay nagsalita na tila interesado, "Si Master Zhao ay nanggaling sa malayo. Ito ay nagpapasaya kay Qinxin. Hangga't kaya mong matalo si Qinxin, ano naman kung gusto mo ako makita? Handa ako ibigay ang sarili ko sa iyo."

Ang boses ni Liu Qinxin ay tila mapaglaro kung kaya't ang mga tao ay nagtawanan.

Walang naniwala noong una na ang isang bata na nasa 6th Sky ay makakayang talunin si Liu Qinxin.

Sa lahat ng challengers, ang cultivation ni Zhao Feng ay pwedeng sabihing nasa pinaka ibaba na lebel.

Matapos panoorin ang laban ni Liu Qinxin, kahit si Zhao Feng ay napaamin na mayroong malaking agwat sa dalawa.

Kung iyon ay isang buhay at kamatayang labanan, may tiwala si Zhao Feng na kaya niyang umalis nang walang sugat at kaya niya pang baliktarin ang sitwasyon.

Pero ngayon, ito ay isang harapan na laban.

"Qinxin, ang batang Beast Tamer na ito ay isang nirerespetong bisita ng Liu Family. Ang kanyang edad at cultivation ay mas mababa kaysa sayo. Kaya mo bang ipatigil ang iyong cultivation?"

Biglang sinabi ng Flooding Lake City Lord.

Sa sandaling sinabi niya ito, ang mga tao ay nagsimulang mag usap-usap.

Anong klaseng buhay ba ang mayroon ang batang Beast Tamer na ito upang mag-iba ang tingin sa kanya ng City Lord?

"Ito… bilang hiling ng aking ama. Lilimitahan ni Qinxin ang kanyang cultivation hanggang 7th Sky."

Ang mga mata ni Liu Qinxin ay kumulubot nang siya'y tumingin sa direksyon ni Zhao Feng, pero ito'y naging normal na rin.

Halata naman na hindi niya tinuring na totoong kalaban si Zhao Feng.

Kung kalakasan ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay mas mahina kaysa sa mga naunang mga kalaban.

Bagaman nagkaroon ng pagtutol mula sa mga tao, ang City Lord at kanyang dalagang anak ay kinailangan magkaroon pagsang ayon kaya't hindi na ito mahalaga.

At saka, sa mga mata nila, kahit na pinaghigpitan ni Liu Qinxin ang kanyang cultivation sa 7th Sky, kaya niya pa ring talunin si Zhao Feng.

Noong ito'y marinig ni Zhao Feng, muntik na siya mapamura ng malakas. Bakit tila hindi siya pinapahirapan ng City Lord?

Kung paghihigpitan ni Liu Qinxin ang kanyang cultivation hanggang 7th Sky, ang tyansa na manalo ni Zhao Feng ay aabot ng 50%, at kung siya ay magpipigil, ito'y hindi makakatakas sa mabagsik na mata ng City Lord.

"Hindi naman kailangan ni Lady Qinxin na maging magalang. Mas nais ko pang makita ang walang pigil mong lakas para kahit matalo ako ay hindi ako magrereklamo,"

Agad na tumanggi si Zhao Feng

Ngumiti si Liu Qinxin at binigyan si Zhao Feng na mas mataas na pagsusuri.

Kung iyon ay ibang bata ay tila mas magugustuhan pa nila ang paglilimita niya sa kanyang cultivation. Hindi lang ganda ang kanilang makukuha kundi sila rin ay magiging son-in-law ng City Lord.

"Simulan!"

Isang matining na boses ang narinig. Ang taong nagsasalita ay nasa True Spirit Realm.

Pagkatapos magsalita, hinampas ni Zhao Feng ang kanyang silver na bag na nakalagay sa kanyang baywang at tinawag ang Azure Sharp Swallow.

Ang Azure Sharp Swallow ay tumili at naging isang azure blur na patungo na kay Liu Qinxin

Kung bilis ang pag uusapan, ang Azure Sharp Swallow ay ang pinaka mabilis sa 7th Sky, at sa ilalim ng kontrol ni Zhao Feng, ang paraan ng pag atake ng Swallow ay perpekto.

Si Zhao Feng ay umatras at nanatili sa ligtas na distansya mula kay Liu Qinxin.

Sa sandaling ito, gagamitin niya na ang pamamaraan ng isang Beast Tamer upang makipag laban.

Bahagyang sumigaw si Liu Qinxin at nagapadala ng green streaks ng ilaw papunta sa Azure Sharp Swallow.

Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng - ang mga atake ni Liu Qinxin ay kayang lumiko midair. Ang gantong lebel ng agility ay lumampas na sa limitasyon ng 7th Sky; madalas ang mga taga True Spirit Realm lamang ang may kayang gumawa nito.

Kahit na pinahigpitan ang cultivation ni Liu Qinxin hanggang 7th Sky, ang kanyang mga kaalaman at kakayahan ay nanatili. Ang mga nangyari lamang ay ang kapangyarihan ay nangalahati.

Bboom---

Ang Azure Sharp Swallow ay lumipad at matagumpay na naharang ang mga atake ni Liu Qinxin. Ito'y tumigil saglit bago ito mabilis na lumipad papunta sa likod ni Liu Qinxin.

Ang Azure Sharp Swallow ay napaka liksi at tila ba may taglay na katalinuhan ng tao.

Kahit na ang cultivation ni Liu Qinxin ay pinahigpitan, kaya niya paring bigyang ng malaking pinsala ang Swallow.

Subalit, sa pagkontrol ni Zhao Feng sa ibon, ang bilis ng Swallow, liksi at pag atake ay umabot na sa maximum at kaya niyang tumakas sa lahat ng pagkakataon.

Matapos ang pagpalitan ang mga atake, ang mga manonood ay nag iba na ang tingin sa batang Beast Tamer.

Ang ekspresyn ni Zhao Feng ay taimtin; Ang mga kilos ni Liu Qinxin ay kaswal at hindi niya pa ginagamit ang kanyang tunay na lakas.

"Hindi niya pa rin ginagamit ang jade hairbrush"

Ang mga mata ni Zhao feng ay kumislap at isang dark azure bow ay lumitaw sa kanyang kamay. Sa gitna nito ay isang ice lotus mark.

Tatlong palaso ang lumitaw sa Luohou Bow

Bow?

Ang mga manonood ay napangiti ng kaunti, hindi nagulat.

Ang mga bow ay angkop sa mga Beast tamer sapagkat ang kanilang mga alaga ang magiging taga tanggap ng pinsala habang sila ang taga supporta mula sa malayo.

Beng~ Sou-- Sou--

Ang mga palaso ng Luohou ay napalipad na sa hangin at sa gitna ng dumadagundong na kulog, biglang nasira nito ang sound barrier, na naging dahilan ng isang cold flow na napunta sa kapintasan ni Liu Qinxin

Noong nilabas ni Zhao Feng ang Luohou Bow, napatigil si Liu Qinxin sa pagmamaliit.

Ang Luohou Bow ni Zhao Feng ay may taglay na Lightning Inheritance at kaya nitong lumikha ng mga cold flow na nakaka apekto sa bilis ng kalaban.

Kahit na hindi kayang saktan ng mga palaso ng Luohou si Liu Qinxin, kaya naman nitong abalahin siya, kayang kaya makipagsabayan sa Azure Sharp Swallow.

Sa sandaling panahon, nagtagumpay si Zhao Feng sa pakikipag laban kay Liu Qinxin.

Kapag may lumitaw na weak spot sa katawan ni Liu Qinxin, ang mga palaso ay agaran pupunta sa spot na iyon at sasabay ito sa Azure Sharp Swallow.

"Hindi simple ang Liu Qinxin na ito. Ginamit ko na lahat ng kapangyarihan ko pwera sa aking bloodline power, ngunit hindi pa rin ito sapat para matalo siya.

Naging napaka maingat ni Zhao Feng

Shua--

Ang jade hairbrush ay muling lumitaw sa kamay ni Liu Qinxin at muling bumuo ng green streaks na hinarangan ang mga palaso pati na rin ang Azure Sharp Swallow habang inaatake pa rin si Zhao Feng.

Ang figure ni Zhao Feng ay kumislap na para bang isang illusyon.

Kinaya niya pa ring umatake gamit ang Luohou Bow at ikontrol ang Azure Sharp Swallow habang gumagalaw ng napaka bilis. Pwede mo nang sabihin na para siyang gumagawa ng tatlong bagay gamit ang isang pag iisip.

Hindi lang iyon kundi pati ang mga atake ni Zhao Feng ay lalong lumakas.

Ang Luohou Bow at Azure Sharp Swallow ay perpekto sa isa't isa.

Nabagabag si Liu Qinxin dahil sa paghigpit ng kanyang cultivation hanggang 7th Sky.

"Kapag ginamit ko lahat ng aking kapangyarihan, at inatake agad ang Beast Tamer, panigurado tapos na agad ang laban."

Nag buntong hininga si Liu Qinxin sa kanyang puso, alam niya sa kanyang sarili na minaliit niya ang kalaban.

Ang Batang nasa kanyang harapan ay isang Beast Tamer na nasa 6th sky, ngunit kayang makipag palitan ng atake sa taong nasa half step ng True Spirit Realm.

Ang mga manonood ay napa hinagpis at napasigaw. Kapag ito ay nagpatuloy, malamang si Zhao Feng ang magtatagumpay.

Ang Flooding Lake City Lord ay umupo sa pwesto ng mga manonood habang nakangiti, "Ang batang ito ay may tumpak na archery skills. Kung ang cultivation ni Qinxin ay hindi nalimita sa 7th sky, ang panalo sa laban na ito ay magiging mahirap na pagpasyahan."

May nakitang kaunting pag asa ang City Lord.

Ang pinapakitang ni Zhao Feng ay lumampas na sa imahinasyon niya. Ang kanyang kapangyarihan sa Beast Taming, kasanayan sa archery at ang paggamit ng lightning ay dumating na sa puntong napapahinagpis na lang ang iba.

Sa mga kaedad ni Zhao Feng, ang kanyang kalakasan ay kayang tapatan ang lugar ng Flooding lake.

"Pero hindi magpapatalo si Qinxin ng ganto kadali."

Kalmado lamang ang ekspresyon ng Flooding Lake City Lord.

Sa sandaling ito, iwinagayway ni Liu Qinxin ang kanyang jade hairbrush, ang mga dulo ng green strikes ay natakpan ng kakaibang silver

Hu~

Ang buhok ni Liu Qinxin ay parang isang dumadaloy na talon habang ang kanyang belo ay malumanay na hinahangin.

Isang silver na ilaw ang lumitaw sa kanyang mga mata. Ang kulay tila isang walang katapusan na espasyo - malamig at tahimik.

Bloodline power.

Tila napatigil ng isang segundo ang puso ni Zhao Feng. Ang lakas ng mga atake na idinulot ng jade hairbrush, ang ilaw ay para bang nanggaling sa ancient space na nadurog papunta dito sa ibaba.

"Bloodline power… at isang sinaunang bloodline inheritance"

Ang Bloodline power ni Zhao Feng ay bumagsik.

Weng~

Isang mahinang azure layer ng isang liwanag ang pumaikot sa kanyang katawan para bang isang tatu. Mukha itong nanggaling sa sinaunang panahon, luma at marangal at nagtataglay ng kasamaan sa loob nito.

Beng~ Sou- Sou-

Ang Luohou Bow ay lumipad na sa langit at may dala dalang mahinang pulang anino ng azure na naging dahilan sa kapansin-pansin na pag angat ng kapangyarihan nito.

Peng~~~~

Ang laban sa pagitan ng mga makapangyarihan sa bloodline ay naging dahilan ng posibleng pagguho ng protective arrays nito.

Ang mga manonood ay nasindak.

"Ang kanyang bloodline inheritance ay mas dalisay pa kaysa kay Qinxin."

Ang Flooding Lake City Lord ay labis na natuwa.

Naramdaman lamang ni Liu Qinxin ang kanyang Bloodline power na nanginig ng kaunti. Ito ay isang bagay na hindi pa nangyayari noong una.

Kahit na ang kanyang bloodline power ay mas marami kaysa kay Zhao Feng, wala siyang nakuhang kalamangan.

Ang laban na ito ay umaabot na sa rurok.

Patuloy na ginagamit ni Zhao Feng ang kanyang Luohou Bow habang sinasabayan ang Azure Sharp Swallow at patuloy niyang pinapagod si Liu Qinxin.

Ginagamit na ni Liu Qinxin ang lahat ng kanyang lakas na kaya niya sa 7th Sky at may lumitaw na isang patong ng yelo sa kanyang damit na kasing puti ng snow.

Syempre pag nagpatuloy ang laban na ito, matatalo si Zhao Feng sapagkat mas malakas pa rin ang recovery rate at True Force quantity ni Liu Qinxin.

"Kung hindi ko ibibigay ang lahat ng kaya ko ngayon, ang tyansa ko na manalo ay bababa ng 5%."

Nang marating niya ang konklusyon na ito, sinimulan na niyang gamitin ang kanyang True Force ng napaka bilis. Kapag ang kanyang True Force ay ginugol niya, matatalo siya ng may karangalan.

Miao miao.

Ang maliit na kting ay biglang lumitaw mula sa Spiritual Pet Bag na may kasamang mga bituin sa kanyang mga mata. Ito ay suminok at uminom mula sa lalagyan na mas malaki pa sa kanya.

"Hmm?"

Ang mga manonood at ang mga nasa laban ay parehong nalito.

"'Di kaya siya ay mayroon pang isang malakas na alaga?"

Nagbago nang bahagya ang ekspresyon ni Liu Qinxin

Miao miao.

Itinabi na ng pusa ang lagayan at nagsimulang maglakad ng dahan dahan at para bang lasing.

"Ano ang ginagawa ng lalaking ito?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng

Ang maliit na pusa ay nabalot ng amoy ng wine at naglakad sa paligid ng entablado na tila di alam ang kanyang ginagawa.

Ang laban sa pagitan niya at ni Liu Qinxin ay kayang sumira at gutay-gutayini ng isang normal na cultivator na nasa 6th or 7th Sky.

"Drunk step?

Ang mga mata lamang ng Flooding Lake City Lord ang hindi pangkaraniwan.

Ang mga hakbang ng maliit na pusa ay mukhang kakaiba ngunit mukhang may taglay na bagay na kayang lagpasan ang kalikasan. Sa bawat galaw, naiiwasan nito ang mga malalakas na paglalaban.