Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 257 - Flooding Lake City Lord

Chapter 257 - Flooding Lake City Lord

Ang maghanap ng mapapangasawa sa pamamagitan ng pakikipag-sparring.

Walang ibang nagawa si Zhao Feng kung 'di ang umiling at tumahimik.

Napakalaki ng Canopy Great Country at ang bilang ng taong may pangalang Liu Qinxin ay marami.

Isang aksidente lamang na nakakita tayo ng isang taong may pangalang "Liu Qinxin" na naghahanap ng asawa sa pamamagitan ng pakikipag-sparring.

"Ilang taon na ang anak na babae ng City Lord at ano na ang kanyang cultivation?"

Kahit na sa tingin ni Zhao Feng ay mababa ang tyansa na yun ang kanyang hinahanap ay tinanong niya pa rin ito upang makasigurado.

Ayon sa lohika, ang cultivation at edad ng tatanggap ng liham na ito ay kaparehas ng sa First Elder.

Pero walang sigurado.

Sa oras na pumasok ang isang tao sa True Spirit Realm, hindi na makakalkula ang kanilang edad. Ang mga taong nasa 100 taong gulang na ay maaaring maging mukhang 20 o higit pa.

Sa parehong panahon, may mga henyong nakapasok na sa True Spirit Realm sa edad na 20.

Hangga't nakapasok ang isang tao sa True Spirit Realm, kahit ilang taon pa ito, maaari silang makakilala ng ibang tao na may ibang edad ngutnit parehas lang ang kanilang lebel.

Kaya naman ay nag-iwan ito kay Zhao Feng ng dalawang limitasyon sa listahan:

1. Ang cultivation ng taong iyon ay hindi malayo sa cultivation ng First Elder. Kahit papaano ay hindi dapat ito masyadong lalayo.

2. Ang kanilang mga edad ay hindi masyadong nagkakalayo upang makasiguradong walang nagskip, kaya kailangang sila ay mas mataas sa edad na 20.

May iilan pang mga kinakailangan sa libangang paglalakbay.

Ang distansya mula sa Canopy Great Country patungo sa Thirteen Countries ay lubhang malayo at tanging mga gusto lamang maglakbay ang aalis sa isang Great Country upang makapunta sa isang mas mababang lugar tulad ng Thirteen Countries.

"Ang anak na babae ng City Lord ay lubhang misteryoso at gustong gugulin ang kanyang oras sa paglalakbay. Ang kanyang cultivation ay dapat nakarating nasa half-step True Spirit Realm. Hindi siya masyadong matanda, siguro ay mas mababa pa siya sa 20 taong gulang. Sa kanyang itsura, ang iba ay sinasabi maganda siya ngunit ang iba naman ay sinasabing pangit siya…"

Hindi siguradong sabi ni Liu Yuan.

"Ang Flooding Lake City Lord ay kabilang rin sa Liu family. Bakit hindi mo alam ang kanyang mukha o edad?"

Naramdaman ni Zhao Feng na kakaiba ito.

Ayon sa kanyang listahan, ang Liu Qinxin na ito ay maaaring ang taong kanyang hinahanap.

Mapait na ngumiti si Liu Yuan, "Hindi lang ang anak na babae ng City Lord ang misteryoso, kahit ang kanyang ina ay nababalot din ng misteryoso. Siya at ang City Lord ay nagkaroon lamang ng kaunting oras ng pagsasama bago sila nawala.

Gayunpaman, hindi siya makalimutan ng City Lord, at pinili na lamang nitong hindi magpakasal kailanman.

Kumunot ang noo ni Zhao Feng; ang anak na babae ng City Lord ay masyadong misteryoso. Ang impormasyon tungkol sa kanya ay hindi rin sigurado.

"Ang mga labanan na magdedesisyon sa mapapangasawa nito ay magaganap sa loob ng ilang araw. Kung interesado si Master Zhao, maaari ka ring sumali. Hanggang ang edad ng isang tao ay hindi lalagpas ng 25 at may kakayahang talunin siya, maaari itong maging son-in-law ng City Lord."

Sabi ni Liu Yuan sa isang masiyasat na tono.

Umiling si Zhao Feng. Mga labanan upang malaman ang mapapangasawa nito? Hindi siya naging interesado dito.

Subalit, ninais niyang makita ang babaeng ito. Matapos ang lahat, siya nasa pasok pa rin sa listahan at hindi dapat balewalain.

Sumunod.

Binuklat muli ni Zhao Feng ang kanyang maliit na libro.

Ang bawat tao sa maliit na libro na ito ay may pangalang Liu Qinxin at lahat sila ay may edad na mula sa teenager hanggang sa 100 taong gulang.

Lahat ng taong ito ay nagmula sa Liu family ngunit lahat nagkaroon ng iba't ibang landas sa buhay.

Sa ilalim ng mga limitasyon na ito, sinuri itong mabuti ni Zhao Feng at nagkaroon ng sampung taong pasok sa mga limitasyon na ito.

Sa sampung ito, dalawa lang ang nakarating sa True Spirit Realm, at ang iba ay nasa half-step True Spirit Realm.

"Ang dalawang ito ay totoong kakaiba. Ang isa ay isang Elder ng Qin Sword Palace, at ang isa naman ay isang Empress."

Walang nagawa si Zhao Feng kung 'di ang huminga nang malamig.

Isang Emperor, Tatlong Sects, Apat na Families.

Ang Qin Sword Palace Elder at ang Empress ay parehas na mula sa walong malalakas na pwersa.

Bukod pa rito, ang kanilang mga edad at cultivation ay sakto sa mga limitasyon.

Huminga nang malalim si Zhao Feng habang hinihilot nito ang kanyang ulo.

Sa wakas ay nagkaroon ng pag-asa ang kanyang huling misyon.

Bukod sa Goddess Qin ng Qin Sword Palace at Empress Qin, ang iba ay madali lamang makita.

Tinandaan ni Zhao Feng ang listahan at impormasyon sa kanyang isipan.

Ang kanyang cultivation ay hindi masyadong mataas sa kanyang paglalakbay mula Thirteen Countries patungong Canopy Great Country, ngunit ang kanyang pundasyon ay lubhang matatag.

Ang late stages ng 7th Sky ay lubhang mahirap marating at lahat ng hakbang ay kailangan ng matinding paghihirap at malaking pera.

Dati sa Alliance Banquet, aabutin si Zhao Feng ng dalawa hanggang tatlong taon bago makarating sa 7th Sky sa normal na pamamaraan kung hindi siya kumain ng Shedding Spiritual Pill.

Nang matanggal ni Zhao Feng ang Ghost Mark, bumaba ang kanyang cultivation sa 6th Sky ngunit hindi niya ito pinagsisihan.

Ngayon.

Ngayon ay narating na ni Zhao Feng ang holy cultivation lands ng Great Country. Ang Heaven Earth Yuan Qi at mga resources ay mas maganda rito, kaya naman ang cultivation speed ni Zhao Feng ay lubhang malalagpasan ang sa Thirteen Countries.

Matapos ang isang gabi ng pagcucultivate.

Sa pangalawang araw.

Unang pumunta si Zhao Feng kina Uncle Liu at mga kasama nito. Umalis na rin si Uncle Liu habang namumula ang mukha nito. Matapos ang lahat, may isang prodigy ang kanyang pupuntahan sa kanyang branch family.

Si Liu Tingyu ay lulong pa rin sa pakikipaglaro sa munting pusang magnanakaw.

"Ang matandang ito ay aalis na. Sana ay alagaan ni Master Zhao sina Ting at Dong."

May iniabot si Uncle Liu kay Zhao Feng na isang kulay silver na bag bago ito umalis.

Ito?

Bahagyang nasurpresa si Zhao Feng - isa itong Spiritual Pet Bag na nagkakahalaga ng hindi bababa ng isang daang libong low-grade Primal Crystal Stones.

"Maliit na pasasalamat lang ito, hindi ito malaki."

Ngumiti si Uncle Liu.

Kahit na malaking halaga ang isang daang libong low-grade Primal Crystal Stones, maliit na halaga lang ito para sa kanilang pamilya.

Naisip ni Uncle Liu na kakailanganin ni Zhao Feng ng Spiritual Pet Bag upang wala na siyang problemahin sa kanyang Azure Sharp Swallow.

"Salamat, Uncle Liu."

Tinanggap ni Zhao Feng ang Spiritual Pet Bag. Hindi niya ito kayang tanggihan.

Nang makita niyang tinanggap na ito ni Zhao Feng ay umalis na si Uncle Liu.

Tanggap ang Beast Tamers saanmang lugar at pinag-aawayan ito ng mga pamilya at grupo.

Kung mananatili si Zhao feng sa Flooding Lake City, siguradong tatratuhin siya ng Liu Family bilang isang bisita at aalagaan nito sina Liu Ting at Liu Dong.

Naintindihan ni Zhao Feng ang intesyon ni Uncle Liu nang suriin niya ang Spiritual Pet Bag.

Ang Spiritual Pet Bag ay may kakayahang itago ang mga mababangis na halimaw sa loob nito at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng isang high skilled array.

Mayroong pagkakaiba ang interspatial bracelet sa spiritual pet bag, dahil ang spiritual pet bag ay kayang makapagtago ng 'live items' at kayang maramdaman ang Yuan Qi na nasa labas.

Ngunit halata rin ang kahinaan nito. Dahil ang dimensyon ng Spiritual Pet Bags ay malaki, hindi ito matibay at magagamit lang ito sa loob ng sampung taon.

Ang interspatial bracelet ni Zhao Feng ay mayroon lamang isang metrong espasyo sa loob nito kaya naman matibay ang dimensyon nito. Maaari itong gamitin ng daan-daan o libo-libong taon nang hindi nasisira.

Kaya naman ay kayang manatili dito ng munting pusang magnanakaw nang matagal at maglabas-pasok kung gugustuhin niya? Hindi rin alam ni Zhao Feng kung bakit.

Ngayon mayroon na siyang Spiritual Pet Bag, inilagay na ni Zhao Feng dito ang kanyang Azure Sharp Swallow at ang kanyang munting pusang magnanakaw ay lumipat na ng 'bahay'.

Bukod sa pagdadala ng munting pusang magnanakaw ng iilang primal crystal stones at makulat na mga bato, nagdadala rin ito ng flask ng alcohol na mas malaki pa sa kanya.

Ito ay nagmula sa Hundred Graves Forbidden Ground at kaya nitong gumawa ng sarili alak.

At dahil hindi masyadong umiinom ng alak si Zhao Feng ay napunta ito sa munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Yumakap ang munting pusang magnanakaw kay Zhao Feng bago ito tumalon patungo sa Spiritual Pet Bag.

Ang Spiritual Pet Bag ay may radius na sampung yarda.

Ang Azure Sharp Swallow at munting pusang magnanakaw ay nagkasundo, ngunit tila natatakot ang pusa sa flying beast na ito.

Matapos magka-ayos ng mga pets na ito.

Naglakad mag-isa si Zhao Feng. Dahil sa kanyang Floating Liu Token na nasa kanyang kamay ay walang sinuman ang magbabawal sa kanya sa loob ng teritoryo ng Liu family.

Bilang isang bisita, ang mga aksyon ni Zhao Feng ay nakuha ang atensyon ng Liu family. Nagpadala sila ng mga tauhan at gwardya upang pasikreto itong bantayan.

Ang pagtrato at pag-aalaga ay perpekto.

Walang ibang nagawa si Zhao Feng kung hindi magbuntong-hininga. Kung wala lang ang kanyang misyon na magpadala ng liham ay gugustuhin niyang manatili sa Floating Lake City.

"Master Zhao, sasali ka ba sa fiancée battle?"

Ang taong nangunguna sa daan ay si Liu Yuan.

Nalaman ni Liu Yuan ang intensyon ni Zhao Feng. Ang batang babaeng ito na nagngangalang Liu Qinxin ay lubhang misteryoso. Talaga pinagtuonan siya ng pansin ni Zhao Feng.

"Hindi ako sasali, manunuod lang."

Hindi masyadong nagsalita si Zhao Feng.

Ngumiti si Li Yuan at hindi na nagsalita nang pangunahan niya ang kanilang paglalakad.

Kaunting oras ang nakalilipas.

Sa harap ng Mansion ng City Lord ay may isang stage na may kulay pulang gintong array na nasa isa o dalawang daang yarda ang laki.

Sa tabi ng stage ay ang gabundok na mga tao na sumisigaw at nagtsi-cheer.

"Pitong araw na ginaganap ang labanan para sa fiancée, at ito ang huling araw. Sa buong Flooding Lake City, walang lalaki ang tatapat sa kanya."

"Totoong mahusay si Young Mistress Liu. Halos walang sinuman ang makasalag sa kanyang tatlong galaw."

Maraming diskusyon ang nagaganap sa harapan ng Mansion ng City Lord.

Sa oras na ito.

Ang misteryosong anak na babaeng ng City Lord ay tumayo sa stage na nakasuot ng kulay puting bistida. Mukhang siyang isang Dyosa. Sa kanyang figure ay maraming naiisip ang lahat ng tao.

Siya ay nakasuot ng hijab, dahil dito ay nakikita lamang ang kanyang maluha-luhang mga mata at nagbigay ito ng tahimik at kalmadong pakiramdam sa mga manunuod.

Kahit hindi nila makita ang kanyang hitsura, ang kanyang aura ay kayang patalunin ang puso ng mga nanunuod.

Kung sa usaping aura, walang sinuman sa mga babae ni Zhao Feng ang maikukumpara dito.

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye upang makita ang kanyang mukha. Kahit hindi na niya gamitin ang kanyang bloodline power, kaya pa rin nitong tumagos sa isang malapit na distansya.

Ngunit ang nagpagulat kay Zhao Feng ay nang malaman niya na tila may kung anong misteryosong kapangyarihan ang nasa hijab na suot ng anak na babae ng City Lord, at dahil dito ay pumapalya ang kanyang mga abilidad.

At saka, nakaramdam ng kakaiba si Liu Qinxin. Kahit gaano kabilis pa siyang nagreact ay nakita pa rin siya ng anak na babae ng City Lord.

Matapos ang lahat, ang hitsura ni Zhao Feng na may isang mata at kulay asul na buhok ay lubhang nangingibabaw.

Dahil pinapangunahan ni Liu Yuan ang daan, mabilis na lumakad si Zhao Feng sa lugar kung saan makikita ang mga manunuod.

"Ang isang ito ay dala-dala ni Uncle Liu."

Si Liu Yuan ay ang stepson ng Head ng Liu family at pumunta sa City Lord upang batiin ito at ipinakilala si Zhao Feng.

"En."

Bahagyang tumango ang City Lord at tumingin kay Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay nakaramdam ng pressure na parang babagsak sa kanya ang Mount Tai. Ang isang kaswal na tingin mula sa City Lord ay halos mapira-piraso ang kanyang True Force.

"Ang Flooding Lake City Lord na ito ay narating na ang True Mystic Realm kahit papaano, o 'di kaya'y mas mataas pa. Siguradong walang sinuman sa Thirteen Countries ang makakatapat sa kanya.

Huminga nang malalim si Zhao Feng at kalmadong yumuko sa City Lord.

Ang mukha ng City Lord ay tila may nakasulat na papuri, "Sabi ng mga mortal ay mula sa kabataan ang mga bayani. Ang mga Beast Tamer ay talagang rare."

Ang magagawa lamang ni Zhao Feng ay maging magalang.

Sigurado siya na nakita ng City Lord na ito na malayo ang pagitan ng kanyang mental energy source kung ikukumpara sa iba at nararamdaman din nito ang kanyang bloodline power.

"Hehe, siguradong nandito ka para sa fiancée battles, tama ba?"

Ang Flooding Lake City Lord ay nabalot ng ngiti.

Biglang sininok si Zhao Feng at halos mahimatay.