Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 249 - Alis

Chapter 249 - Alis

Sa isang maulap na lugar.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay biglang dumilat nang bumalik sa normal na kulay ang kanyang mukha.

Bukod sa katotohanang ang kanyang cultivation ay bumagsak sa 6th Sky, lahat ng kanyang ibang aspeto ay nasa lebel pa rin katulad noong siya ay nasa Alliance Banquet.

Siyempre naman.

Ang kanyang mastery ng mental energy ay mas mas mabuti kumpara sa Alliance Banquet. Matapos ang lahat, pinagpatuloy niya itong pag-aralan sa loob ng isang buwan upang masira ang Ghost Mark.

"Ang Ghost Mark ay nasira na. Kahit papaano ay hindi na ako mangangamba sa mga eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Naging tama ang desisyon ni Zhao Feng at hindi niya ito pinagsisisihan.

Ang Ghost Mark ay lubhang mapanganib. Kadalasang nasa True Spirit Realm ang mga makakahanap sa kanya, at hindi niya alam kung magiging pangit o maganda ang panahon sa oras na iyon.

Kung susumahin, napagtanto ni Zhao Feng na halos two-thirds na ng oras na ibinigay ng First Elder ang nakalilipas.

Ayon sa kanyang pangako, kinakailangan niyang lisanin ang Thirteen Countries sa loob ng dalawang buwan at pumunta na patungong Canopy Great Country upang kumpletuhin ang kanyang sikretong misyon.

Kahit na hindi ito masyadong gusto gawin ni Zhao Feng ay kinakailangan niya itong gawin.

Sa parehong oras, si Zhao Feng ay papunta na rin isang mas malaking larangan.

Nang makita niya ang mapa ng Northern Continent at ang katotohanang isang tuldok lamang ang nagrerepresenta ng Thirteen Countries, ang kanyang puso ay kinabahan.

Matapos ang dalawang araw.

Nakarating si Zhao Feng sa Sun Feather City at nakitang parehas pa rin ito tulad ng dati.

Kahit na wala siyang binati na kahit na sino sa bayang ito, nakamramdam siya na parang may kung anong pumipigil sa kanya.

Hindi siya nagtangkang magtagal dito at kalaunan ay nilasan na niya ang Sun Feather City.

Ang ihip ng hangin ay kalaunang dumating.

"Zhao Feng, 'wag kang tumakbo. Bumalik ka sa Clan kasama ako at aminin ang iyong mga kasalanan."

Isang malalim na boses ang umalingawngaw sa kanyang likod.

Ang taong iyon ay isang middle aged man na may suot na kulay purple na robes at may hawak na High-grade Mortal weapon, at pinapamunuan ang sampung miyembro ng Clan na nakarating na sa 6th Sky o mas mataas pa.

"Bumalik sa Clan at aminin ang aking mga kasalanan?"

Napahinto si Zhao Feng.

Kilala niya ang taong iyon. Iyon ang Vice Head na mahusay sa pakikipaglaban.

"Mabuti pang sumuko ka na!"

Ang middle aged man na may suot na kulay purple na robe ay iwinasiwas ang kanyang High grade Mortal weapon, at naging sanhi ito upang magkaroon ng malalamig na slashes ng purple green sword qi na may radius na sampung yarda.

Crackle~~~

Isang arc of lightning ang biglang lumabas sa kamay ni Zhao Feng tulad ng maliliit na makamandag na ahas na patungo sa taong may suot na kulat purple na robe at sa mga kasamahan nito.

Sa labanan ng dalawang kapangyarihan, ang taong nakasuot ng kulay purple na robe ay napaatras at nakaramdam ng pagkamanhid, naging sanhi ito upang hindi siya makagalaw at magkaroon ng usok sa taas ng kanyang ulo.

Ang grupo na kanyang kasama ay tinamaan rin ng arc of lightining at hindi makagalaw nang bumagsak ito sa lupa.

"Ito ang lakas ng First sa Alliance Banquet."

Ang grupo ay napuno ng takot.

Sa isang galaw lamang, natalo niyo ang isang cultivator ng half-step True Spirit Realm at nagdulot ng pagkawala ng battle power ng mga kasamahan nito. Sobrang nakakatakot ang kanyang lakas.

"Narinig ko na narating na ni Zhao Feng ang 7th Sky sa Alliance Banquet, pero ngayon ay bumaba siya sa 6th Sky sa 'di alam na dahilan. Kung siya ay nasa kanyang peak, marahil ay…"

Ang middle-aged man na nakasuot ng purple na robe ay napabuntong-hininga.

Nang marinig niya ang tungkol sa misyon at gantimpala nito, narinig niya rin ang kasikatan ng junior na si Zhao Feng, pero hindi niya ito masyadong inisip. Sa mga eksperto ng half-step True Spirit Realm, siya ay naranked sa top three. Kahit gaano pa kalakas ang junior na iyon, anong magagawa nito?

Subalit, nang makalaban niya sa personal si Zhao Feng ay saka lamang nito nalaman na tunay itong napakadelikadong kalaban. Mas nakakatakot pa ito kumpara sa mga usap-usapan.

Matapos ang lahat, ang cultivation ni Zhao Feng ay bumaba sa 6th Sky at ito two steps away mula sa half-step True Spirit Realm.

"Sinong nagpadala sa'yo para ipapatay ako?"

Naging seryoso ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Dahil ang kanyang cultivation ay bumaba sa 6th Sky at hindi niya ginamit ang kanyang bloodline power, ang magagawa lamang niya ay talunin ang kanyang kalaban sa pamamagitan ng kanyang mga galaw.

"Zhao Feng, ang Clan Master Hai Yun at inutusan ang Thirteen Countries na patayin ka. Kung ikaw manlalaban, papatayin ka namin, ngunit kung babalik ka sa clan at aaminin ang iyong mga kasalanan, ikaw ay papayagang mabuhay."

Dahil sa kanyang pagiging maingat, ang taong nakasuot ng purple na robe ay hindi basta-basta gumagawa ng kahit na anong galaw.

Una, hinihintay niyang makarecover ang kanyang grupo at hinihintay niya rin dumating ang reinforcement mula sa Clan.

Si Hai Yun Master ay nag-utos na 'wag magsayang ng oras at sabihin ito sa mga Elder-ranked expert.

Kailangan pang gumamit ng mga experts mula sa True Spirit Realm upang mapatay ang isang junior na nasa Ascended Realm?

Noong una ay ayaw ng taong nasa middle-age at nakasuot ng kulay purple na robe ang ideyang ito, ngunit ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit kailangan ito.

"Clan Master Hai Yun? Patayin?"

Ang puso ni Zhao Feng ay nanlamig.

Sumunod.

Agad na pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power at mabilis na pinuruhan ang taong nakasuot ng purple na robe pati na ang mga kasamahan nito.

Nakasalag lamang ng iilang atake ang taong nakasuot ng kulay purple na robe at kalaunan ay natalo at nabali pa ang braso nito.

Kung hindi lamang ito ka-miyembro ni Zhao Feng sa Clan ay matagal na niya itong pinatay.

"Tinatanong kita, anong nangyari sa dalawang buwang nakalipas?"

Nabaling ang tingin ni Zhao Feng sa isang cultivator na nasa 7th Sky.

Ang Deacon na nasa 7th Sky may mabilis na nacontrol at sumagot ito nang walang pag-aalinlangan.

Nagtanong si Zhao Feng at sinagot naman ito ng Deacon. Nalaman niya ang sitwasyong naganap sa Thirteen Clans at ang sitwasyon kung saan may kinalaman ang Broken Moon Clan.

"Ang pagbaba ng True Lord? Sumuko ang Twelve Clans?"

"Si Hai Yun Master, ang traydor na ito ay naging Broken Moon Clan Master at nagpadala pa ng mga tao upang hulihin ako sa Thirteen Countries."

Ang balitang ito ay ikinagalit at ikinagulantang ni Zhao Feng.

Ang pagbaba ng isang True Lord ay naging dahilan upang makaramdaman niyang wala siyang magagawa.

Kahit na wala siya doon, iniisip pa lamang niya na ang Twelve Clans na may dobleng bilang kumpara sa kanilang kalaban ay sumuko, nalaman niya kung anong ang nangyari.

Ang bagay na nakapagpagalit sa kanya ay ang katotohanang naging Clan Master Si Hai Yun Master.

Sa kabilang dako, sa Concealed Dragon Lake, inatake ni Hai Yun Master ang orihinal na Broken Moon Clan Master at siya ang may kasalanan sa pagpatay dito.

Ang orihinal na Broken Moon Clan Master ay banal at matuwid. Noong nagdulot ng malaking kaguluhan si Zhao Feng sa Floating Crest Trial, ang Clan Master na ito at ang First Elder ang nagtanggol kay Zhao Feng.

Bukod pa rito, ang magandang Clan Master na ito ay ang Master rin ni Ran Xiaoyuan, kaya naman ay nirerespeto ito ni Zhao Feng.

"Hai Yun Master…"

Ang pagnanasang pumatay ay makikita sa mga mata ni Zhao Feng. Ito ang unang beses na sobrang gusto niyang pumatay.

Noon, ito ay para lamang tulungan si Lord Guanjun at ang gusto lamang gawin ni Zhao Feng ay bugbugin at ipahiya si Hai Yun Master.

Hindi niya naisip na tuso itong si Hai Yun Master. Tinraydor niya ang Broken Moon Clan, pinatay ang Broken Moon Clan Master, at ngayon at nagpadala ng mga tao upang patayin ako.

Mabuti na lamang ay nasa Broken Moon Clan pa rin ang First Elder at si Granny Liuyue. Dahil sa dalawang taong ito ay ligtas pa rin ang mga taong malapit kay Zhao Feng.

"Hahayaan kong mabuhay kayo ngayon. Sa susunod ay papatayin ko na kayo."

Ang figure ni Zhao Feng ay biglang kumislap at naglaho.

Hindi siya nagtangkang magtagal dahil sa posibilidad na baka may dumating na isang tao mula sa True Spirit Realm, at dahil sa kanyang 6th Sky cultivation, wala siyang pag-asang makatakas dito.

Matapos ang isang oras nang umalis si Zhao Feng ay dumating ang Regulations Elder.

Ang Regulations Elder ay ang Master rin ni Lu Hu, at nang ang taong ito ay na kicked out ni Zhao Feng, hindi ito kailanman kinalimutan ng Regulations Elder.

Bukod pa rito, sinampal ni Zhao Feng ang Regulations Elder sa mukha matapos ang Trial.

Matapos maging Clan Master si Hai Yun Master, ang Regulations Elder ang naging pinakamalakas na taga-pagtanggol nito

Nang siya ay dumating, pinakiramdaman niya ang paligid upang maghanap ng mga bakas ni Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay mayroong Yin Shadow Cloak na maaaring magtago ng mga auras at matapos siyang habulin, pumasok siya sa Sky Cloud Forest.

"Kung ako ay wala ng mapuntahan, magtatago na lamang ako sa Forbidden Ground of a Hundred Graves. Kahit na ang mga taong nasa True Lord Realm ay mahihirapang pumasok doon.

Pakiramdam ni Zhao Feng ay isa siyang isda sa ilalim ng tubig nang siya ay pumasok sa Sky Cloud Forest.

Si Zhao Feng at ang kanyang munting pusang magnanakaw ay kayang maging invisible, ibig sabihin nito ay ligtas na sila sa oras na makapasok sila sa Sky Cloud Forest.

"Mukhang kailangan ko nang lisanin ang Thirteen Countries sa lalong madaling panahon."

Buo na ang desisyon ni Zhao Feng.

Wala ng lugar para kay Zhao Feng sa Thirteen Countries. Kailangan niya nang pumasok sa greater world.

Nagsimulang maglakbay si Zhao Feng sa araw na rin na iyon, siya ay patungo sa outer boundaries ng Thirteen Countries.

Kahit na ang landas na tinungo ni Zhao Feng ay mapanglaw, ang kanyang God's Spiritual Eye ay kaya pa rin makita ang mga figures ng mga cultivators na nagmula sa Clan at ang mga anino ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Mayroon pang pagkakataon kung saan ay hindi sinasadyang nakatuklas ang isang bottom-level disciple ng bakas ni Zhao Feng, irereport niya sana ito nang bigla itong namatay dahil sa mental energy technique ni Zhao Feng.

Tunay na nakapakahusay ng kaliwang mata ni Zhao Feng na kulay azure, matapos siya maging first sa Alliance Banquet, siya talagang naging tanyag.

Kaya naman ay tinakpan ni Zhao Feng ang kanyang mukha gamit ang isang itim na belo.

Upang siya ay mas bumilis, kinontrol ni Zhao Feng ang isang Azure Sharp Swallow na nasa 7th Sky gamit ang kanyang mental energy.

Ang katawan ng Azure Sharp Swallow ay hindi ganoon kalaki. Ang wingspan nito ay umaabot lamang ng dalawa hanggang tatlong yarda. Ngunit kung ito ay mamaliitin, sila ay magsisisi nang lubusan.

Ang pakpak ng Azure Sharp Swallow ay kasing nipis ng isang blade, at sa usaping bilis at offense, ito ay nasa peak ng 7th Sky. Ang kahinaan nito ay ang kanyang defense. Ang defense nito ay hindi kayang makipagsabayan sa mga halimaw na nasa parehas na cultivation.

Kapag ang isang tao ay nakakita ng Azure Sharp Swallow, sila ay magiging maingat o 'di kaya ay aatras kahit na sila ay nasa half-step True Spirit Realm.

Ngunit dahil sa mental energy ni Zhao Feng, madali niyang nakontrol ang Azure Sharp Swallo dahil sa katotohanang hindi ganoon kalakas ang mental energy ng Azure Sharp Swallow.

Qiu----

Ang Azure Sharp Swallow ay parang isang silver blade na kumukuti-kutitap sa alapaap at sa mga ulap.

"Sa usaping bilis nito, ang Azure Sharp Swallow ay maihahambing sa isang taong nasa True Human Rank."

Lubhang nagulat si Zhao Feng.

Kahit na ang mga tao na nasa True Human Rank ay kayang lumipad, ito ay panandalian lamang at maraming enerhiya ang kailangan, kaya naman ay hindi nila kayang lumipad nang matagal at hindi sila maikukumpara sa mga flying beasts.

Ito ay dahil masyadong rare ang ganitong klase ng flying beasts at napakahirap nitong paamuin.

Ngunit ito ay hindi naging mahirap para kay Zhao Feng.

Sa loob ng sampung araw, nalampasan ni Zhao Feng ang Thirteen Countries. Hindi nadismaya si Zhao Feng sa Azure Sharp Swallow, kaya nitong lumipad nang may bilis na sampung libong milya sa isang araw.

Gayunpaman, hindi alam ni Zhao Feng na hindi lang siya ang henyong hinuhuli sa Thirteen Countries na nakaalis dito.

Mayroon pang dalawa, sina Cang Yuyue at Zhao Yufei.

Subalit, ang kaibahan ay mas mababa ang patong sa ulo ng dalawang ito.

Dahil sa katotohanang si Zhao Feng ang first sa Alliance Banquet at kinamumuhian siya ni Hai Yun Master, mas malaki ang naging gantimpala kung siya ay mapapatay kumpara sa pagpatay ng mga taong nasa True Spirit Realm.

Sa isang kisapmata, ilang buwan na ang lumipas.

Sina Zhao Feng, Zhao Yufei, at Cang Yuyue ay tuluyan nang nakaalis sa Thirteen Countries at hindi na bumalik sa loob ng maiksing panahon, tulad ng misteryosong pagkawala ni Xin Wuheng sa Sun Feather City.