Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 250 - Great Country (1)

Chapter 250 - Great Country (1)

Sa pagitan ng bawat bansa ay ang malawak at desolate lands.

Ang mga desolate lands na ito ay hindi pa napupuntahan ng kahit na sinong tao at mayroon itong maraming nakamamatay na halimaw at mga Yao beasts.

Hindi lang iyon.

Ang desolate lands na ito ay puno ng delikadong kapaligiran at mga natural disasters. Ang pagiging pabaya ay maaaring ikamatay.

Ang sitwasyong ito ay katulad ng sa third stage ng Floating Crest Trial ngunit ang mga boundaries ay mas malaki at mas mahaba ang landas.

Kung kaya't napaka delikado ang maglakbay sa bawat bansa. Kahit na ang mga tao sa Clan ay mahihirapang gawin ito.

Of course,

Siyempre.

Mayroon pa ring hindi mabilang na mga taong tumatakbo mula kay kamatayan at mga cultivators na nasa True Spirit Realm o mas mataas pa ang gumagawa nito.

Sa isang desolate na disyerto.

Sou!

Isang simple at magandang nakadamit na babae ang may hawak ng espada na makikita sa 'di kalayuan.

Maraming locust ang makikita sa disyerto.

Ang simpleng nakadamit na babae ay bahagyang sumigaw at naglabas ng invisible na sword intent kumislap sa hangin.

Ang lupon ng mga locus ay mabilis na nahiwa.

"Kahit na ito ay lubhang mapanganib, ito ang pinakadiretso at pinakamainam na daanan. Sa paglagpas ko sa dalawang malakas na bansa, kaya kong makarating sa top sword sect ng Northern Continent - ang Ten Thousand Sword Sect."

Pinag-aralan ni Cang Yuyue ang mapa na nasa kanyang kamay.

Ang Ten Thousand Sword Sect ay isa pinakamalalakas na pwersa ng Northern Continent na ang posisyon ay nasa ilalim lamang ng Ten Great Factions.

Bilang ito ang top Sword Sect sa Northern Continent, ang mga normal na bihasa sa espada na walang background ay walang karapatang pumasok dito, ngunit naniniwala si Cang Yuyue na dahil sa kanyang edad, pang-unawa, at pagmamahal sa espada, na maraming tao sa Northern Continent ang wala, ay magagawa niyang makapasok.

Bukod pa rito, mayroon siyang recommendation letter na hawak niya sa kanyang kamay.

Dahil sa katotohanang hawak na ng Iron Dragon Country at Scarlet Moon Demonic Religion ang Cloud Sword Clan, si Cang Yuyue at itinuturing na isang traydor.

Buti na lamang ay nakuha ni Zhao Feng ang halos lahat ng atensyon nila, kaya naman ay nagawang makatakas ni Cang Yuyue nang ligtas.

Sa desolate lands, sa pagitan ng mga canyons.

Isang babaeng may kulay purple at may kasing linaw na kristal na mga mata ang makikita. Ang kanyang mukha ay parang isang magandang ukit at ang kanyang balat ay sobrang puti na mamula-mula.

Ang kanyang itsura ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa mga lalaki at sa mga bansa.

"Ang Three Yuan Sect ay isang side sect ng isa sa mga Ten Great Factions - ang Heavenly Yuan Sect. Sinong nakakaalam kung ang paglalakabay na ito ay magiging matagumpay?"

Ang mga mata ni Zhao Yufei ay napuno ng pag-asa at pag-aalala.

Ang Three Yuan Sect ay isang napakalakas na pwersa na kayang pigilan ang pwersa ng malakas na bansa ng Iron Dragon.

Ang nagpatanyag pa rito ay dahil sa isa itong side sect ng Heavenly Yuan Sect. Kung ang isang tao ay naging mahusay, may tyansang mapili ito ng Heavenly Yuan Sect.

Ang Ten Great Factions ay ikinalat sa buong continent at ang Northern Continent ay maaari lamang magkaroong isa o dalawa. Mula rito ay makikita ang kahalagahan ng Heavenly Yuan Sect.

"Si Zhao Feng ay tinutugis ng buong Thirteen Countries at ang pressure na kanyang kinakaharap ay mas malaki kumpara sa akin. Sana ay tuluyan siyang makatakas at siguro, sana, isang araw…"

Isang maliwanag na ilaw ang kumislap sa mga mata ni Zhao Yufei.

Sa labas ng Thirteen Countries.

Sa loob ng komplikadong tanawin ng desolate lands.

"Sa wakas ay nakaalis na ako sa Thirteen Countries. Hai Yun Master, balanag araw ay pagbabayaran mo nang doble ang pagpapahiya mo sa akin ngayon."

Sabi ng isang figure na naka-kulay na itim na hood at may pagnanasang pumatay.

Sa ilalim ng kanyang hood ay ang batang may kulay azure na buhok na may pangit at galit na galit na ekspresyon.

Kinimkim ni Zhao Feng ang galit na ito sa kanyang puso nang takasan niya ang mga nanghahabol sa kanya sa Thirteen Countries.

Ang kanyang kalaban ay isang expert sa True Spirit Realm na naging Clan Master - hindi ito kayang labanan ni Zhao Feng.

Naniniwala siyang wala siyang lugar sa Thirteen Countries liban na lamang kung marating niya ang True Lord Rank, ibig sabihin nito ay makakaya na niyang makaapekto sa nangyayari sa lugar na ito.

Kung nanaisin ni Zhao Feng na bumalik sa Thirteen Countries, kahit papaano ay nasa True Spirit Realm na dapat siya, kung hindi ay magiging lubhang mapanganib ito para sa kanya.

Ang nasa puso na lamang ni Zhao Feng ngayon ay ang sinabi sa kanya ng kanyang Master.

Unang misyon: Humingi ng tulong.

Isang mapa ng Northern Continent ang kanyang naisip nang siya nagsimulang lumipad sa isang direksyon.

Si Zhao Feng ay mayroong God's Spiritual Eye at Azure Sharp Swallow na naging dahilan upang maiwasan niya ang mga nagbabadyang panganib.

Ang Northern Continent ay may malalakas na bansa na kasing dami ng ulap sa kalangitan.

Isa ang Iron Dragon Country sa mga mas malalakas na pwersa. Kung makakahingi siya ng tulong, marahil ay magagawa niyang mabaligtas ang sitwasyon sa Thirteen Countries.

Umupo si Zhao Feng sa Azure Sharp Swallow at tumungo sa pinakamalapit na bansa sa Thirteen Countries at sa dalawang bansa - ang "Eagle Country."

Gayunman, ito ay delikadong landas.

Sa isang kisapmata, kalahati taon ang lumipas.

Sa timog na bahagi ng Northern Continent, isang dumadagundong na ilog ang dumaan sa mga bundok, kapatagan, at mga disyerto na parang bang hahatiin nito ang lupa sa dalawa.

Ang eksenang ito ay nakagugulantang.

Ang ilog na ito ay tinatawag na "River of Rage" at isa ito sa tatlong ilog na nasa teritoryo ng Canopy Great Country.

Ang River of Rage ay may napakalakas na alon. Ang isang alon nito ay kayang lunukin ang isang cultivator na nasa Ascended Realm.

Bukod pa rito, sa itaas ng ilog na ito ay ang malalakas na hangin na kahit ang isang flying Yao Beasts ay kayang pagpira-pirasuhin.

Ang tabing-ilog.

Isang sharp green swallow ang bumaba mula sa himpapawid patungo sa lupa.

Kahit na ito ay hindi masyadong malaki, ang bilis at aura nito ang naging dahilan upang lingunin ito ng marami.

Sa sandaling ito.

Isang batang may kulay azure na buhok ang pagod na bumaba mula sa Azure Sharp Swallow.

"Iyan ang rare na Azure Sharp Swallow. Ang sabi nila ay hindi kapani-paniwala ang bilis at offense nito."

"Anong mayroon sa batang ito at nagawa niyang magkaroon ng ganito kagandang alaga?"

Kuminang ang mga mata ng tao nang sinimulan nilang pag-usapan ito.

Halatang si Zhao Feng ang batang may kulay azure na buhok.

Lubhang pagod na pagod si Zhao Feng matapos itong maglakabay mula sa Thirteen Countries.

Buti na lamang at nakapasok siya sa teritoryo ng Canopy Great Country at sobrang layo nito mula sa Thirteen Countries. Naniniwala siyang walang nakakakilala sa kanya rito.

Sa buong Northern Continent, tatlong bansa lamang ang mayroon salitang "Great" sa ngalan nito. Isa ang Canopy Great Country sa mga ito.

"Ang pangalawang misyon: Ibigay ang mga item ni Master sa Liu family na nasa Canopy Great Country."

Maingat na pinag-aralan ni Zhao Feng ang lugar.

Kahit na ang pinamalakas na cultivator dito ay nakarating lamang sa 7th Sky ay hindi niya ito minamaliit.

Ito ang Canopy Great Country, hindi ito isang bagay na maaaring maikumpara sa Thirteen Countries.

Sampung araw ang nakalilipas.

Dalawa hanggang tatlong bandits ang nagtangkang agawin kay Zhao Feng ang kanyang Azure Sharp Swallow.

Nagpasya si Zhao Feng na tapusin ang mga ito, ngunit dahil hindi niya ginamit ang kanyang God's Spiritual Eye at bloodline power, kinailangan niyang gumawa ng isang dosena o higit pang galaw.

Ito ay hindi kapani-paniwala sa Thirteen Countries.

Ang Canopy Great Country ay isang napakahalagang lugar para sa mga cultivators ng Northern Continent.

Maraming tao na sa lugar na ito ang nakarating na sa Ascended Realm.

Minsan nang nakipaglaban si Zhao Feng sa dalawang eksperto na nasa 7th sky, at dahil hindi niya ginagamit ang kanyang bloodline power, ang labanan ay naging tabla.

Bukod pa rito, ang dalawang iyon ay nasa middle echelons ng isang family, tulad ng Zhao family na nasa Cloud country.

"Ang bawat skills at techniques ay makikita sa mortal world. Ang Heaven Earth Yuan Qi ay ilang beses na mas dalisay kumpara sa Thirteen Countries, at tila may iilang malalaking pwersa ang nasa ilalim ng kontrol ng Spiritual Treasured Grounds at puno ito ng resources…"

Kahit na iilang dosenang araw pa lamang si Zhao Feng sa Canopy Great Country, ang kanyang mga galaw ang naging mas maingat.

Sa madaling salita, ang Canopy Great Country ay mas advanced sa pagcucultivate.

Kung ang Thirteen Countries ay magiging isang baranggay sa probinsya, itong lugar na ito ay maituturing na isang lungsod.

Samakatuwid, sa parehas na cultivation, ang mga eksperto ng Canopy Great Country ay madaling mapapaslang ang mga eksperto ng Thirteen Countries.

"Sana ang pangalawang misyon ay hindi pumalya, kung hindi ay…"

Tumayo si Zhao Feng sa tabing-ilog at ang kanyang dibdib ay kinabahan dahil sa dalang pressure ng River of Rage.

Ang kanyang pagtakas ay para sa dalawang misyon.

Una: Tulong

Pangalawa: Ibigay ang liham.

Nabigong gawin ni Zhao Feng ang una.

Nang maaalala niya ang kanyang pinagdaanan, isang mapait na ngiti ang lumabas sa mga labi ni Zhao Feng.

Nang lisanin niya ang Thirteen Countries ay narating niya ang Eagle Country.

Ang Eagle Country ang pinakamalapit sa Iron Dragon Country at Thirteen Countries, pero mas malakas ito sa malakas na bansa ng Iron Dragon. Kung gusto nila, maaari nilang mabago ang sitwasyon sa Thirteen Countries.

Pero.

Nang makapasok si Zhao Feng sa Eagle Country, nalaman niyang ang mga clan sa bansang ito ay may alitan at ang buong bansa ay nasa malaking kaguluhan. Walang sinuman sa kanila ang papansin sa kanya.

Matapos iyon, pumunta si Zhao Feng sa pangalawang malakas na bansa, ang Blood Fire Country.

Ang Blood Fire Country ay napakalakas, kahit na pagsamahin ang orihinal na bansang malakas ng Iron Dragon at malakas na bansa ng Sky Rich, ay hindi pa rin ito matutumbasan.

Gayunpaman, ang distansya sa pagitan ng Blood Fire Country at ng Thirteen Countries ay sobrang malayo na, at ang mga grupo doon ay hindi na gustong tumulong.

Bukod pa rito, muntik nang mamatay dito si Zhao Feng.

"Ang Scarlet Moon Demonic Religion ay hindi lang sa Iron Dragon Country nakapasok, pati na rin sa Blood Fire Country ay nakapasok na sila."

Puno pa rin ng pawis ang mukha ni Zhao Feng kapag naaalala niya ito.

Noong siya ay nasa Blood Fire Country, siya ay pinuntirya ng mga tauhan ng Scarlet Moon Religion, ngunit nagawa niyang makaligtas dahil sa kanyang God's Spiritual Eye.

Buti na lamang ay nasira na niya ang Ghost Mark kahit na naging dahilan pa ito ng pagbaba ng kanyang Sky, dahil dito ay hindi niya napigilang hindi maging masaya.

Ang misyong paghingi ng tulong ni Zhao Feng sa Blood Fire Country ay nauwi lamang sa kabiguan.

Dahil ang ibang mga bansa ay sobrang malayo na at sinong mag-aabalang tulungan ang isang batang nagmula sa isang mahirap na lugar?

Sa wakas.

Napagdesisyunan ni Zhao Feng na isuko na ang misyon na puno ng panganib at may maliit na pag-asa.

Hindi niya maiwasang hindi maalala ang sinabi sa kanya ng First Elder, "Ang tyansa sa paghingi ng tulong ay maliit. Ang key point ay ang pangalawang misyon. Kung magtatagumpay ito, hindi ka lamang maliligtas, maaari ring mailigtas ang Thirteen Countries."

Sa sandaling ito.

Si Zhao Feng ay nakatayo sa harap ng River of Rage.

Itinataya niya lahat ng kanyang pag-asa sa pangalawang misyon na ito.

Ngunit ngayon ay kinakailangan niyang malagpasan ang River of Rage na ito upang mapasok niya ang sentro ng Canopy Great Country.

Maaaring mailarawan ang sitwasyon ng Canopy Great Country bilang "Isang Emperor, Tatlong Sects, Apat na Families" para mailarawan ang kaguluhan nito.

Isa ang Liu Family sa apat na pamilyang narito, ngunit hindi sigurado si Zhao Feng kung parehas ba iyon sa tinutukoy at nabanggit ng First Elder.