"... Mayroon akong mas importanteng sasabihin sa iyo."
Nang siya ay nagsalita, mayroong liwanag ang kumislap sa mga mata ng First Elder ngunit agad rin itong dumilim kasabay ng walang tigil na pagbabago ng kanyang ekspresyon.
Sa sandaling ito.
Ang isipan ng First Elder ay napunta sa kanyang mga alaala at mga ekspresyon ng kalungkutan, pangungutya, pagsisisi, at pagkamuhi ang nakita sa kanyang mukha.
Simula nang maging disciple siya ng First Elder, ngayon lamang nakita ni Zhao Feng ang ganitong komplikadong ekspresyon ng kanyang Master.
"Ako ay umaamin na ang misyong ito ay may kinalaman sa aking personal na buhay…"
Bumalik sa normal na estado ang First Elder at kumuha ng suklay na gawa sa crystal at ibinigay kay Zhao Feng.
Dahan-dahang kinuha ito ni Zhao Feng at napansin na gawa ito sa isang espesyal na materyal na maaaring maihambing sa isang mid-grade Mortal weapon.
Ang isang Mid-grade Mortal weapon ay hindi sapat para sa pinamalakas ng Elder sa clan, subalit, ang mga daliri ng First Elder ay bahagyang nanginig nang iabot niya ito.
Kasabay nito ay agad na kumuha ang First Elder ng panulat at papel, pagkatapos ay sumulat ito ng liham at ibinigay kay Zhao Feng.
"Kailangan mong ibigay ang liham at suklay na ito sa Liu family ng Canopy Great Country. Kung ang sitwasyon sa Thirteen Countries ay hindi maililigtas, ang taong ito ay matutulungan ka dahil sa ating relasyon.
Mataimtim na sabi ng First Elder.
Nabaling ang mga mata ni Zhao Feng sa liham at nabasa ang ilang salita na nakasulat dito, "Tanging si Liu Qinxin lamang ang magbubukas."
Isang liham na kasing laki ng kalahati ng suklay. Parehas itong papunta sa Canopy Great country.
Ano ang relasyon ng tatanggap nito at ng Master?
Kahit na si Zhao Feng ay nacucurious, hindi siya nagtanong. Kahit na ito ay para sa pasasalamat, walang alinlangang gagawin pa rin ito ni Zhao Feng.
At saka, halatang maalaga ang First Elder kay Zhao Feng. Masasabing ito ay talagang ginawa para sa kanya.
Kung titignan sa kabilang banda.
Sa talentong taglay ni Zhao feng, ang pananatili sa Thirteen Countries ay makahahadlang lamang sa kanyang paglakas.
Ngunit kung siya ay makakapasok sa mas malaki at mas tanyag na lupain, marahil siya ay magkakaroon ng ibang hinaharap.
"Kailangan mong umalis sa Thirteen Countries sa loob ng dalawang buwan. Dagdag pa rito, upang maging isa itong lihim, kailangan ay hindi ka na makipagkita kahit na kaninuman simula ngayon.
Striktong sabi ng First Elder.
"Ibig sabihin ba ay hindi na ako maaaring makipag-usap muli sa mga tao sa clan?"
"Mas nakabubuting hindi na."
Napabuntong-hiningan ang First Elder at nagsalita, "Tungkol sa iyong pamilya, tutulungan ko sila. Kung wala ka nang ibang inaalala, maaarin ka nang umalis.
Nang marinig ito ay saka lamang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng.
Bakit nagsasalita ang First Elder na parang siya ay mamamatay na?
Wala na ba talagang pag-asa ang Moon Clan at ang Alliance?
"Hindi ko alam kung ang Alliance ay maililigtas, ngunit siguradong hindi ito ay malabong mangyari sa oras na ito.
Iniling ng First Elder ang kanyang ulo at mapait na sumulyap sa kanyang disciple.
Nagsimulang maintindihan ni Zhao Feng ang mga salita ng kanyang Master. Ibinigay na ng kanyang Master ang tiwala at hinaharap sa mga kamay ni Zhao Feng.
Subalit hindi pa rin naniniwala si Zhao Feng na hindi na maaaring mailigtas ang Thirteen Clans.
Sabi niya sa kanyang puso, 'Maaari bang masyado lamang nag-iisip ang aking master sa masamang perspektibo?'
Tila naintindihan ng First Elder ang kanyang mga hinala ngunit hindi niya ito direktang sinagot. Sa halip ay sinabi niya, "Maaaring ang Thirteen Clans ay makipagtulungan upang kalabanin ang Iron Dragon Country. Gayunpaman, ang katulad mo na mag-isa lamang ay hindi makakaapekto sa ganitong klase ng labanan. Naiintindihan mo ba ang aking mga intensyon?"
"Naiintindahan ka ng discple na ito. Mula sa kasalukuyang sitwasyon, ang misyong ito ay mayroon lamang mabuting dulot at walang masamang dulot."
Ang isipan ni Zhao Feng ay mabilis na nagbago nang siya ay sumang-ayon.
Ang mga salita ng First Elder ay tama. Kahit na si Zhao Feng ay manatili sa Sky Cloud Forest, siya hindi magiging mahalaga.
Kahit na ang mga eksperto sa True Human Rank ay hindi ligtas sa ganitong klase ng labanan. Ang mga Cultivators sa Ascended Realm ay ang mga sundalo at mga taga lagay ng bala ng kanyon."
"Dahil wala namang akong dulot dito, bakit hindi na lang ako magconcentrate sa misyon?"
Shua!
Isang malabong pigura na kulay azure ang kumisap nang umalis si Zhao Feng sa kweba.
Nang makaalis si Zhao Feng, si Granny Liuyue ay lumitaw sa tabi ng First Elder.
"Ibababa mo ang iyong ulo upang makahingi ng tulong sa taong iyon?"
Hindi makapaniwala si Granny Liuyue.
Hindi nagsalita ng kahit na anong ang First Elder. Ang tangi niyang ginawa ay tumingin sa diresyon na pupuntahan ni Zhao Feng at napunta sa kanyang malalim na pag-iisip.
"Ang iyong mga aksyon ay magiging sanhi upang lumiit ang pag-asa ng Thirteen Clans. Para kay Zhao Feng, walang itong masamang dulot. Una, makakaalis siya sa mahinang Thirteen Countries. Pangalawa, makakapasok siya sa true stage ng Northern Continent.
Napabuntong-hininga na lamang si Granny Liuyue.
Nang maisip niya ang sitwasyon, kung siya ay mayroon ding disciple, marahil ay gagawa rin siya ng mahirap na sakripisyo para sa kanyang disciple.
Ngunit ang mas maganda ang paghahanda ng First Elder dahil siya ay mayroon koneksyon kahit na sa mga tanyag na bansa.
Matapos ang kalahating araw.
Mag-isang pumasok si Zhao Feng sa Sky Cloud Forest.
Sa kanyang paglalakbay, gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, nakita niya ang grupo ng Broken Moon Clan, ilang daang milya ang layo.
Sina Yang Gan, Ran Xiaoyuan, Lin Fan at mga kasamahan nito ay nasa kanilang paglalakbay pabalik, ngunit walang intensyon si Zhao Feng na batiin ang mga ito.
"Ang Broken Moon Clan… Cloud Country… ay umaalis sa ganitong klaseng paraan at maglalaho sa mata ng lahat ng tao?"
Ang puso ni Zhao Feng ay nabalot ng kalungkutan.
Siya ay lumaki sa Cloud Country at kailanman ay hindi siya umalis sa lugar na ito at sa Thirteen Clan Alliance Banquet.
Ngunit ang lohika ay nagsabing magkakaroon lamang siya ng negatibong kahihinatnan kung mananatili siya rito.
"Ang Thirteen Clan ay nahulog sa isang mapanganib na sitwasyon. Hindi ko kayang baguhin ang sitwasyon gamit ang aking lakas. Bukod pa rito, mayroon akong Ghost Mark kaya naman ay mas delikado ito para sa akin."
Huminga nang malalim si Zhao Feng.
Magmula noong Floating Crest Trial, si Zhao Feng ay nangibabaw at nakuha ang First Place sa Alliance Banquet noong nakaraan lamang.
Ang mga ganitong karangalan ay nagbigay sa kanyang ng kumpiyansa.
Ngunit sa sandaling ito, naramdaman niyang wala siyang kwenta. Wala siyang magagawa sa ganitong klaseng sitwasyon at maaari rin itong maging dahilan upang siya ay mamatay.
"Kung ako ay magkakaroon ng true power, marahil ay makokontrol ko ang kapalaran ng lugar na ito…"
Biglang nagnasa si Zhao Feng ng kapangyarihan.
Miao miao!
Ang munting magnanakaw na pusa ay tamad na naka-upo sa balikat ni Zhao Feng.
Kumpara sa panahon na ito ay pinanganak, ang munting magnanakaw na pusa ay hindi masyong lumaki. Ito ay kasing laki pa rin ng palad.
Ang paglaki nito ay tunay na napakabagal.
Miao miao!
Nang maramdaman nito ang kalungkutan ni Zhao Feng, tinakpan ng munting pusang magnanakaw ang mukha ni Zhao Feng at masayang tumalon sa gubat.
Gustong makipaghabulan ni Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw, ngunit kung wala ang kanyang Yin Shadow Cloak ay bloodline power, kasingbilis lamang nito ang pusa. Ngunit sa usapang agility, hindi ito kayang pantayan ni Zhao Feng.
Bukod pa rito, ang munting pusang magnanakaw ay kayang maging invisible at ang kanyang attributes ay tumataas sa gabi.
Siyempre.
Ang munting pusang magnanakaw ay paminsan-minsang binabato ang coin na tila nalalaman nito ang hinaharap.
Ang tao at pusa ay nakalagpas na sa Sky Cloud Forest ngunit si Zhao Feng ay hindi kaagad nagdesisyon na lisanin ang Thirteen Countries.
Ang oras na ibinigay sa kanyang First Elder ay dalawang buwan at may oras pa siya na resolbahin ang kanyang mga problema.
Una, ang kanyang cultivation ay tumaas ng dalawang Sky sa Alliance Banquet at kailangan itong pagtibayin.
Pangalawa, ang Ghost Mark sa kanya ay kailangang mawala.
Ang pangalawang problema na ito ang naging dahilan upang sumakit ang kanyang ulo.
Ang misteryosong skeleton ay isa talagang Division Leader.
Noong ang Scarlet Moon Demonic Religion ay nasa peak, ang isang Sub-Division ay kayang mag-isang pulbusin ang Thirteen Clans at kaya rin nitong sumira ng isang malakas na bansa.
Ang Division Leader ay hindi mapapantayan.
Sa araw na ito.
Si Zhao Feng ay pumasok sa isang maulap na lugar.
Ito ang outer edges ng Hundred Graves forbidden ground. Kapag lumapit pa ay matatagpuan na dito ang mga buto na kung saan nakalagay ang sumpa.
Ang misty forest ay mayroong misteryosong kapangyarihan na kayang pigilan ang pakiramdam ng isang tao, kahit na ang mga eksperto ng True Spirit Realm ay hindi kayang pigilan ang kapangyarihang ito.
"Magcucultivate muna ako rito. Siguro ay ligtas naman dito."
Nakahanap si Zhao Feng ng isang sulok at umupo.
Matapos ang kalahating buwan, napagtibay ni Zhao Feng ang kanyang cultivation.
Ang progression ng dalawang Skies sa loob ng maiksing oras ay masyadong mabilis.
Lahat ng ito ay mayroong positibo at negatibong epekto.
Habang pinagtitibay ni Zhao Feng ang kanyang cultivation, napansin niyang bumaba ang potential sa kanyang katawan at ang pagprogreso nito ay magiging mas mahirap. Ito ang negatibo epekto ng pagpapataas ng antas na may tulong mula sa mga items.
Buti na lamang ay wala siyang intensyong magpataas ng antas sa loob ng maiksing oras.
Maraming matandang miyembro ng clan ang nanatili sa ganitong lebel sa loob ng ilang dekada at ang iba ay sa kanilang buong buhay.
Ang dipirensya sa pagitan ng True Spirit Realm at ng Ascended Realm ay lubhang napakalaki. Upang makarating dito, ang isang tao ay kailangang mayaman, may potensyal, may talento, at may swerte.
Matapos ang isa nanamang kalahating araw ng pagcucultivate, ang cultivation ni Zhao feng ay nakapirmi ngunit ang pag-angat ng kanyang potential ay ma limitasyon.
Matapos pagtibayin ang kanyang pundasyon, dumating ang kanyang pinaka problema - ang Ghost Mark.
Naramdaman lamang ni Zhao Feng ang Ghost Mark na ito nang buksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye, ngunit ang kanyang cultivation at mastery sa mental energy ay hindi sapat upang maalis ang marka na ito. Kasing hirap ito ng pagtatagumpay papunta True Spirit Realm.
Subalit hindi sumuko si Zhao Feng. Nagfocus siya sa mental energy techniques at sa mga natutunan niya sa Alliance Banquet.
Ang hindi niya alam, ang kanyang mastery sa mental energy ay matagal nang nalagpasan ang mga skills tulad ng Heart Controlling Technique.
Sa panahon na nagfofocus si Zhao Feng sa mental energy, ang sitwasyon sa Thirteen Countries ay nagkaroon ng malaking pagbabago.
Ang isang parte ng mga ekspresto ng Thirteen Clans ang matagumpay na nakatakas.
O para maging mas tiyak, ito ay ang Twelve Clans.
Matapos ang kalahating buwan ng pagpaplano, ang sandatahang lakas ng Twelve Clan ay umatake sa Concealed Dragon River.
Sa sandaling ito, ang Concealed Dragon River ay naging stronghold ng Iron Dragon Country.
Ngunit ang nakapagtataka ay hindi nagpadala ang Iron Dragon Country ng maraming eksperto o ng maraming sundalo.
Ang lakas ng Twelve Clans ay sa sandaling iyon ay nalagpasan na ang Iron Dragon Countries.
Nagsimula ang labanan.
Buong loob na pinaatras ng Twelve Clans ang Iron Dragon Country.
Ngunit sa sandaling ito, isang pagkakamali sa pagkakalkula ang lumitaw.
Isang hindi mapapantayang eksperto ang lumitaw sa panig ng Iron Dragon Country.
True Lord Rank.
Ang pagbaba ng isang True Lord.
Sa oras na iyon, ang pwersa ng Twelve Clans ay doble kumpara sa panig ng Iron Dragon Country, nugnit nang bumaba ang True Lord, ang lahat ng kalamangang ito ay nawala.
Ang mga nasa True Lord Rank ay kayang baligtarin ang mga ulap at magpabuhos ng ulan; ito ang abilidad upang matigil ang labanan.
Walang sinuman ang may alam kung gaano kalakas ang isang True Lord.
Ang alam lamang nila ay kusang sumuko ang mga higher echelons na nasa True Spirit Realm.