Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 241 - Bangungot

Chapter 241 - Bangungot

Ang True Mystic Rank ay ang ikalawang Heaven ng True Spirit Realm at ang mga taong ito ay nakatayo sa pinakatuktok ng Sky Cloud Forest.

Sa kabuuhanng bahagi ng Sky Cloud Forest, ang bilang ng mga nasa True Mystic Rank ay hindi lalagpas sa bilang ng mga daliri sa isang kamay.

Halimbawa, wala sa kahit sino sa Broken Moon Clan ang nakaabot sa True Mystic Rank sa nakalipas ng isang libong taon.

Ang pinakamalakas na Moon Clan, ang 'Lin Moon Clan' ay may isang eksperto na nasa True Mystic Rank ilang daang taon na ang nakalilipas, pero umalis na siya sa Sky Cloud Forest nang maabot ito at agad na nagtungo sa gitna ng Northern Continent. Mula noon, wala nang narinig na kahit ano mula sa kanya.

Ang tatlong eksperto na nasa True Mystic Rank ay nagmumula sa Cloud Sword Clan, Ancient Shrine at True Mystic Clan, na siyang kumakatawan sa tatlong pinakamalalakas na Clans sa Thirteen Clans.

Kahit ang mga ekspresyon ng grupo sa Iron Dragon Country ay gulat rin nang makita ang tatlong nasa True Mystic Rank.

Sa ngayon, ang aura ng tatlong nasa True Mystic Rank ay kumakalat at mararamdaman sa buong paligid lalo na sila pa ang mga pinuno ng Thirteen Clans.s

Kadalasan, ang mga taong ito ay Grand Elders at bibihirang makita sila nang magkakasama. Pero isang beses sa bawat dekada, ginaganap ang Alliance Banquet at nangangailangan ito ng mga eksperto sa True Mystic Rank para buksan ang mga Origin Core Ruins,

"Buksan mo ang array."

Ang Qi ng True Spirit mula sa tatlong eksperto na nasa True Spirit Rank ay umugnay sa earth at ang 'spatial abyss' ay lalong lumalawak.

Sa paligid ng spatial abyss ay isang pader na gawa sa tubig. Kapag bumigay ito, ang bigat nito ay magkakahalaga ng ilang milyong kilo.

Ang tubig na pader na nakapalibot sa spatial abyss ay palaki nang palaki hanggang sa maabot na nito ang Origin Core Ruins sa pinakababa ng lawa.

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang nagaganap at nalaman niyang ang daang ito ay nagagawa sa pamamagitan ng array at nangangailangan ito ng tatlong eksperto sa True Mystic Rank at isang kakaibang paraan para buksan ito.

"Huwag kayong magsayang ng oras. Ang kapangyarihan ng array ay magtatagal lamang ng kalahating araw at pagkatapos nito wala nang kahit sino pa ang pwedeng manatili."

Nakalutang sa magkakaibang sulok ang tatlong eksperto na nasa True Mystic Rank.

Sa ilalim ng kanilang tingin, si Zhao Feng, Cang Yuyue at Lin Tong ay nagtungo na papunta sa spatial abyss.

Qiu----

Tumalon sa hangin si Zhao Feng at sa guhit ng kidlat, naging isang malabong anyo siya na nilagpasan lamang sina Cang Yuyue at Lin Tong.

Kung sa aspeto lamang ng pabilisan, madali lamang na matatalo ni Zhao Feng sina Cang Yuyue at Lin Tong. Ang kanyang mga galaw ay nagpapatunay na ang kanyang posisyon bilang Top Star ay karapat-dapat para sa kanya.

Pinabilis talaga ng Lightning Inheritance ang kanyang speed skill pero hindi pa kasama rito ang kanyang bloodline power at Yin Shadow Cloak.

Nakita ito ng tatlong nasa True Mystic Rank.

Ang Grand Elder mula sa Cloud Sword Clan ay isang cultivator na may pilak na buhok at walang emosyon sa mukha.

Sa kanyang mga mata, kahit ang mga nasa True Human Rank ay walang kwenta at isang bata lamang si Zhao Feng.

Ang Grand Elder naman sa True Mystic Clan ay isang matandang daoist na sumulyap kay Zhao Feng nang may kalmadong mga mata.

Ang dalawang ito ay tumingin lamang ng isang beses kay Zhao Feng.

Tanging ang Grand Elder lamang mula sa Ancient Shrine na isang kabataang may kulay lilang buhok at may pulang nunal sa gitna ng kanyang noo ang sumuri kay Zhao Feng nang may kalamigan.

Napaubo naman siya bigla.

Ang Grand Elder mula sa Ancient Shrine ay mukhang may masamang balak sa kanya.

Syempre, sa cultivation na mayroon siya, nakakahiya namang umatake siya ng isang junior o nakababata, kahit na si Zhao Feng ay ang top genius.

Bahagyang nadismaya si Zhao Feng. Kahit siya ang nangunguna, wala pa rin siyang kwenta sa paningin ng mga ekspertong nasa True Mystic Rank. Kung kaya bakit may masamang balak sa kanya ang isa sa kanila?

Peor mabuti na rin at walang masamang balak ang Grand Elders ng Cloud Sword Clan at True Mystic Clan sa kanya.

Kahit hindi pa si Zhao Feng ang manguna, hindi pa rin naman ang Ancient Shrine ang mananalo. At dahil sa walang emosyon ang elder ng Cloud Sword Clan, maaaring nangangahulugan na ang ikinikilos ng Ancient Shrine ay hindi normal.

Biglang naalala tuloy ni Zhao Feng ang pangayayari sa Ancient Temple kung saan ang nakatalukbong na anyo ay mula rin sa Ancient Shrine at mukhang hindi mababa ang kanyang posisyon sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Pagkatapos ng misyong iyon, sinabihan muna ni Zhao Feng ang First Elder tungkol dito at saka naman sinabi ng First Elder ang katotohanang ito sa Three Clan Party.

Dahil dito, hinanap ng mga Clans ang mga anyong kasuspe-suspetsa sa kanila at inalam rin kung sino ang mga espiya.

Bilang resulta, naapektuhan lamang ng mga pwersa ng Scarlet Moon Religion ang panlabas na suson ng mga tao.

Sou- Sou- Sou-

Ang tatlong pinakamagagaling ay pumasok na sa spatial abyss sa ilalim ng paningin ng lahat ng mga taga-Clan.

Habang naglalakbay paibaba, naririnig ni Zhao Feng ang tunog ng tubig na pinipigilan. Daan-daang milyong kilo ng tubig ang pinapalabas para makagawa ng daan.

Sinundan nila Zhao Feng, Cang Yuyue at Lin Tong ang daan patungo sa pinakababa ng lawa at isang malaking butas ang nabuo na sampung milya ang laki.

Bago pa sila dumating, naramdaman nila ang isang napakalakas na mystic force mula sa butas na mukhang may kapangyarihan para wasakin ang ilang daang milyong kilo ng tubig.

Nanlamig ang mga paa ni Zhao Feng nang maramdaman niyang ang kanyang dugo at laman ay napipigil ng domination aura, kung kaya hindi siya makahinga.

Naramdaman ng tatlo na tila may isang eksperto na kayang baliktarin ang mga karagatan at hiwain ang kalangitan na nakaupo sa butas.

"Ito ang power of intent na nagmumula sa ugnayan sa kalangitan, na siyang nagdudulot ng hindi kapanipaniwalang kapangyarihan."

Punong-puno ng respeto si Zhao Feng.

Ceng Ceng Ceng!

Lumutang ang tatlo papasok sa butas at ang natitirang power of intent ay lalong lumakas.

Ang Yuan Qi na nasa loob ng butas ay nasa kakaibang estado at mukhang tinataboy nito ang lahat ng lumalapit rito.

Hong Long!

Ang pader na tubig sa taas ng butas ay naging kalmado muli at ang ilan milyong kilo nito ay bumalik na ulit sa lawa.

Naramdaman ni Zhao Feng na tila hindi siya makahinga. Tanging isang porsyento lamang ng kapangyarihan nito ay mapupulbos na siya.

Ano naman ang laban ng isang katawan na gawa sa dugo at laman para pigilan ang napakaraming milyong kilo ng tubig?

Ang sumunod na eksena ay ikinagulat niya.

Nang mapalapit na ang tubig sa butas, ang bilis nito ay bumagal.

"Ang kalupaan sa butas na ito ay hindi basa. Hindi kaya…?"

Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.

Tulad ng kanyang iniisip, ang tubig ay napipigilang makapasok sa Ruins.

Ang lugar na ito ay ang pinakamalinis na lupang nasa ilalim ng lawa.

Kahit isang patak ng tubig ay hindi makapapasok rito.

"Kung wala ang kapangyarihan ng array, hindi tayo makakapasok sa Ruins."

Kumislap ang mga mata ni Cang Yuyue habang sinusuri niya ang madilim na asul na tubig sa ibabaw nila.

Pagkatapos noon, naghiwahiwalay na ng daan ang tatlo para kumuha ng mga kabatiran.

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at sinuri ang buong butas. Naanalisa niya na ang buong lugar na sumasakop ng sampung milya ay gawa sa pamamagitan ng isang palm attack.

"Kung talagang ganoon ka nakasisindak ang lakas ng Concealed Dragon, kailangan niya lamang ng iilang hiningap para masira ang Sky Moon Mountain. Kahit pa siguro ang defensive array ng Sky Moon Mountain ay hindi sapat para salagin ito."

Huminga nang malamig si Zhao Feng.

Sa gilid ng butas, makikita rito ang mga bakat ng daliri na bumubuo ng isang palad.

Tila ba ito ay isang palm attack mula sa kalangitan, walang hanggan ang kapangyarihan.

Naunawaan na rin ni Zhao Feng kung bakit ang mga eksperto ng Origin Core Realm ay mga alamat lang sa kontinenteng ito.

Ang mga eksperto sa ganitong antas ay may nakasisirang kapangyarihan at ang kanilang presensya lamang ay maaaring makawasak sa balanse ng buhay.

Ang anyo ni Zhao Feng sa butas ay nagsimula nang gumalaw at suriin ang lugar.

Hindi nagtagal, nakahanap siya ng isang luma at sira-sirang higaan na may mas malaksa na power of intent.

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power at hindi siya halos makalapit sa higaan.

Nang ipikit ang kanyang mga mata, nakaramdam ng nakabibinging ungol si Zhao Feng at ang pag-ikot ng tubig.

Syempre, iba-iba ang karanasan ng lahat.

Ang ruins ay dapat na lugar ng cultivation ng Concealed Dragon. Pero, kahit ilang libong taon na ang nakalipas, ang power of intent nito ay hindi naglaho.

Ang misteryo ng mundo ay isang bagay na hindi pa kayang solusyunan ni Zhao Feng sa kanyang lebel.

"Ang kapangyarihan ay hindi naman tubig o hangin lalong hindi kidlat… Pero mukhang sinusuri niro ang kalangitan at kalupaan, kinokontrol ang tubig, apoy at kidlat…"

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng.

Nang sinusubukan nilang unawain ang mga kabatiran, iba't ibang eksena ang nagpapakita sa kanilang mga isip at napag-alaman ni Zhao Feng na ang kapangyarihan ng Concealed Dragon ay hindi naiiba sa mga normal na tao at kaya rin nitong kontrolin ang ibang elemento.

Para sa mas malalim na karanasan, pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye at naging mas malinaw ang kanyang mga karansan sa isip.

Sa nakikita niya, umiikot at humahampas ang tubig ng lawa. Sa ilalim ng ungol, isang organismo ang tila kumokontrol ng kidlat, hangin at tubig.

Tila ba may siyam na anyo ang Dragons sa ulap.

Ang aurang iyon ay sinalag ang kapangyarihan ng kanyang bloodline power at pinaligalig siya nito.

"Hindi kaya may bloodline rin ang Concealed Dragon? Kaya ba may salitang Dragon sa kanyang titulo?"

Maraming hula si Zhao Feng sa kanyang puso.

Miao miao!

Ang maliit na pusang magnanakaw ay nagpakita at umupo ito sa braso ni Zhao Feng habang sinusuri ang lugar sa pamamagitan ng kanyang maitim at mukhang kristal na mga mata.

Sa parehong pagkakataon, sina Zhao Feng, Cang Yuyue at Lin Tong ay pare-parehong inaanalisa ang pangyayaring iyon.

Ang gustong malaman ni Zhao Feng ay ang abilidad sa pagkontrol ng kidlat ganoon rin ang kanyang hiling na magkaroon ng pang-unawa na gaya ng Concealed Dragon.

Ang laws of lightning rito ay mas malalim kaysa sa unang antas ng Lightning Inheritance.

Ang pang-unawa ni Zhao Feng sa Lightning Inheritance ay lalong tumataas at ang ilang bahagi na hindi niya maunawaan ay nauunawaan niya na ngayon.

Ang peak 6th level rin ng Lightning Wind Palm ay pumoprogreso na at mukhang muling nagagawa ang dating skill.

Mabilis na lumipas ang oras.

Ang lahat ay may kalahating araw lamang para manatili sa ruins at ngayon, apat na oras na ang nakalipas.

Ang spatial abyss ay nakasarado ngayon dahil sa tubig at muling kalmado ito.

Walang kahit sino mula sa itaas ang makakita ng nangyayari sa ibaba.

Dahil tapos na ang Alliance Banquet, halos lahat ng Clans ngayon ay paalis na.

Qiu!

Sa pagkakataong mismong iyon, isang aura na nasa True Spirit Realm ang mararamdaman sa hangin.

Ang bagong kararating lamang ay isang elder mula sa Cloud Sword Clan at mukhang nagmamadali siya.

"Grand Elder, hindi ito maganda!"

Agad namang sigaw ng elder mula sa Cloud Sword Clan.

"Ano ang nangyari?" Ang may kulay pilak na mang-iispada ay nagtanong nang walang emosyon.

"Kalahating buwan ang nakalilipas, nagapi ng Iron Dragon Country ang Sky Rich Country at dalawa mula sa pitong factions ng Sky Rich Country ang nasira samantalang ang tatlo nito ay sumuko na. Mula sa mga natalo ay ang pinakamalakas na faction ng Sky Rich Country, ang 'Sky Wind Pavilion'…"

Natalo ang Sky Rich Country? Nawasak ang Sky Wind Pavilion?

Lahat ng mga nasa nakatatandang henerasyon ng Thirteen Clans ay napabulalas at natakot para sa kanilang buhay.

Alam ng lahat kung ano ang kahulugan kapag tuluyang natalo na ng Iron Dragon Country ang Sky Rich Country.