Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 237 - Una (1)

Chapter 237 - Una (1)

Ang mga ekspresyon ng mga taong mula sa Ancient Shrine ay agad na nagbago sa oras na natalo si Lin Tong.

Ang palitan sa pagitan ni Zhao Feng at Lin Tong ay hindi man lang umabot sa 10 mahabang hininga at walang nakakita kung anong nangyari.

Palaging natatalo ni Lin Tong ang kaniyang mga kalaban sa 'isang tingin'.

Kahit noong nakaharap ni si Cang Yuyue, gumamit lang siya ng isang tingin at kahit na natalo siya, ang laban ay maaari pa ring mabago sa isang pag-iisip lang.

Sa oras na ito, mas masama pa ang pagkatalo niya ngayon , bilang natalo ng kaniyang sariling forte.

Dagdag rin dito, 'isang tingin' lang ang ginamit ni Zhao Feng para talunin siya.

"Paanong nagkaroon ng ganoong eye power bloodline... Ganoon kalakas na pinaggagalingan ng mental energy... Sikretong technique para kopyahin ang kalaban..."

Ang kamalayan ni Lin Tong ay hindi malinaw, na tila hindi niya matanggap ang resultang ito.

Napakalaking pagkagulat ang naibigay ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng sa kaniya.

Isang tingin lang ang nakasira sa Heavenly Absent Eye mental illusion at sa loob lang ng ilang hininga, 'nakopya' na niya ang technique na ito.

Dagdag pa rito, ang kaniyang kalaban ay halos ganap na hindi naaapektuhan ng mga mental energy attack at ang kaniyang bloodline ay wala lang sa harapan nito.

"Ang nanalo ay si Zhao Feng!"

Nang marinig ang anunsyo ng hurado, tila nagising na si Lin Tong at sinuri si Zhao Feng. Sa mga unang hakbang, nakaramdam na siya ng eye bloodline mula kay Zhao Feng na nakapigil sa kaniyang bloodline at napanginig ito.

Si Lin Tong ay nagulat na noon at ito ang naggatong sa kaniyang pagnanasang makipaglaban.

Ngayon lang naintindihan ni Lin Tong na ang naramdaman niya mula sa kaniyang bloodline ay hindi mali.

Ang maraming tingin mula sa mga tao ay napunta sa mukha ni Zhao Feng habang paalis siya ng arena.

Ang mga tinging ito ay karamihang may taglay na takot at pag-aalala, ngunit ang ilan sa kanila ay may pagnanasang pumatay.

"Hindi ko siya hahayaang mabuhay."

Ang hudyat ng panganib kay Hai Yun Master ay mas lumakas. Simula pa noong Floating Crest Trial, si Zhao Feng ay may mga mabuting hakbang at nagsimula nang magbigay ng pressure sa kaniya.

At ngayon, naipakita na ni Zhao Feng ang kaniyang telento at bloodline power. Sinong nakakaalam kung anong mangyayari kapag hinayaan niya si Zhao Feng na magyabong?

Sa parehong sandali, napagtanto ni Hai Yun Master na niloko siya ni Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay napakabata pa at maaaring magkaroon ng ganoong kalagayan ng isip – na itinatago ang kaniyang sarili nang matagal. Hindi ito taglay ng mga kasing edad niya.

Nang maisip ito, lalong nanlamig si Hai Yun Master.

"Ang eye bloodline ng ungas na iyon ay napakamakapangyarihan ! Ito ang katapusan ng ating 'Ancient Shrine'."

"Kung hindi natin siya magagamit, kailangan natin siyang patayin."

Ang mas matandang henerasyon ng Ancient Shrine ay pinag-usapan ito.

Ang mga pandama ni Zhao Feng ay labis na sensitibo at kaya niyang maramdaman ang mga emosyon sa mga mental energy sa paligid.

Siya ay tumawa at sinuri ang mga tao.

Shua!

Nakaramdam ang mga kumakatawang disipulo na tila sinaksak sila nang suriin ng God's Spiritual Eye.

Ang mga may masamang balak ay hindi mapakali.

Ang Cloud Sword Clan.

"Hindi ko inakalang matatalo niya si Lin Tong nang ganoon kabilis."

Si Cang Yuyue ay umupong nakadekwatro sa lupa nang may maputlang mukha at sinadyang panoorin ang arena.

Sa likod niya ay ang tatlong mga Elder na nasa True Spirit Realm na ibinuhos ang kanilang mga lakas sa kaniyang katawan.

"Naintindihan na ni Yuyue ang seed of sword intent bago pa gumuho ang kaniyang kamalayan. Sa oras na iyo, siya at labis nang nanghihina at ang huling gantin atake ni Lin Tong ang puminsala sa kaniya." Isang Elder ang nagbuntong hininga.

"Sa kabutihang palad, binigyan natin siya ng Mind Cleansing Spiritual Pill na medyo nakahilom sa lahat ng kaniyang mental energy. Ang tanging problema ay nagkaroon siya ng bitak sa kaniyang kaisipan, na mag-iiwan ng halatang depekto kapag ang kaniyang seed of sword intent ay mabilis na naghilom."

Ang Cloud Sword Clan Master ay nag-aalala.

Wala pang nakakapinsala kay Cang Yuyue, ngunit ang mental power ni Lin Tong ay hindi madaling harapin.

Gamit ang mga salita ni Lin Tong, nakulong si Cang Yuyue sa loob ng isang ilusyon sa loob ng 20 oras. Ang paghihirap na kaniyang hinarap ay hindi maipaliwanag.

"Ang seed of sword intent ay mas mahalaga pa kaysa sa Spiritual Pill. Ang mental energy ng Zhao Feng na iyon ay mas nakaksindak pa kaysa kay Lin Tong. Sa tingin ko ay dapat na nating isuko ang labanan sa pagitan ni Yuyue at Zhao Feng."

"Hindi pwede, ang Cloud Sword Clan ang unang Clan sa Alliance. Bakit natin tatalikuran ang ganitong karangalan? Dagdag pa rito, hindi susuko nang ganoon kadali si Yuyue."

"Naintindihan na ni Yuyue ang seed of sword intent. Hangga't kaya niyang pigilan ang unang bilang ng mental energy ni Zhao Feng, isang espada lang ang kaniyang kailangan para makuha ang tagumpay.

Sa puntong ito, ang Cloud Sword Clan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isa't isa.

Mula sa kasalukuyang sitwasyon, tila mas malaki ang pagkakataon ni Cang Yuyue na manalo, na may pinakamababang porsyento na 70.

Ito ay dahil ang seed of the sword intent ay may kakayahang makahiwa sa kawalan at napawalang-bisa nito ang mental energy ni Lin Tong.

Ngunit ang problema ay napinsala na ang isip ni Can Yuyue at kailangan pang mapatatag ng seed of sword intent.

Kung karaniwang kalaban lang ito, hindi na ito magiging problema.

Ngunit ang mental strength ni Zhao Feng ay hindi masusukat at kahit ang kasing lakas ni Lin Tong ay madali niyang natalo.

Kahit na naintindihan na ni Cang Yuyue ang seed of sword intent, kailangan niyang amining si Zhao Feng ay isang mapanganib na kalaban.

"Clan Master, Teacher, mga Elder. Nakapagdesisyon na ako. Bilang isang cultivator ng espada, ang isang tao ay dapat na magpatuloy. Dagdag pa rito, kahilingan ko ang makuha ang unang karangalan sa Alliance Banquet."

Ang mukha ni Cang Yuyue ay walang pag-aalinlangan at puno ng paniniwala. Ang kaniyang aura ay nakapagpanginig nang bahagya sa mga espada sa paligid.

Sa finals arena…

Ang mga labanan ay nagpatuloy. Pagkatapos ng ikawalong laban, tanging isang bagay lang ang mahalaga.

Ikatlong karangalan, ikaapat na karangalan, ikalimang karangalan… ang mga antas ay halos nakumpirma na.

Ang tanging bagay na gustong malaman ng lahat ay kung sinong mapupunta sa pinakamataas.

Ang nanguna sa Alliance Banquet…

Ito ay isang dakilang posisyon sa kahit sino sa Thirteen Clans.

Ito ay isang sandaling maitatala sa kasaysayan.

Si Cang Yuyue at Zhao Feng. Sino ang mapupunta sa una?

Ang usaping ito ay madalas pag-usapan sa Thirteen Clans.

"Ang pagkakataong manalo ni Cang Yuyue ay mas mataas dahil naintindihan na niya ang seed of sword intent. Walang mas mababa sa True Spirit Realm ang nakakapigil sa kaniyang espada."

"Ngunit si Cang Yuyue at mukhang napinsala na matapos kalabanin si Lin Tong. Kung hindi ay bakit may tatlong mga Elder na hinilom siya?"

"Ang tunay na lakas ni Zhao Feng ay hindi pa nakukumpirma. Sa tingin ko maraming maaaring mangyari sa labanang ito…"

Kahit na ang mga labanan ay nagpaptuloyp a rin, karamihan sa mga tao ay gusto lang malaman ang unang karangalan.

Sa wakas, sa ikasampung laban, mainit na tinanggap ng Alliance Banquet ang pinakatuktok na laban.

"Cang Yuyue laban kay Zhao Feng."

Ang mas matandang henerasyong nasa True Spirit Realm at ang mga kinatawang disipulo ay hinihintay ang labang ito.

Walang ekspresyong naglakad papunta sa arena si Zhao Feng. Si Cang Yuyue ay bahagyang mas mabagal at mula sa mga nanonood, mukhang nanumbalik na ang kaniyang lakas. Ang mababakas na sword intent sa kaniyang mga mata ay nagpahintulot sa mga taong hindi makatingin sa kaniya nang diretso.

Naintindihan na ni Cang Yuyue ang seed of the sword intent at ang isang tingin mula sa kaniyan ay kayang sirain ang lakas ng loob at pagnanasang lumaban ng mga cultivator na nasa Sixth at Seventh Sky.

Mula rito, makikita kung gaano talaga kalakas ang kapangyarihan ng sword intent.

Ang Sword Content at naglalaman ng paniniwala sa espada at ang kapangyarihang ito ay naipapakita gamit ang mental energy para hiwain ang kawalan.

Nang makatapak na sa arena si Cang Yuyue, ang kaniyang sword intent aura ay naipalaganap na sa sukdulan.

May mga paniniwala sa paghiwa sa lahat ng bagay at ang mabuting pagbabago.

Ang kakaibang bagay ay parehong si Zhao Feng at Cang Yuyue ay hindi umatake kaagad.

Pagkatapos labanan si Lin Tong, napagtanto ni Cang Yuyue na ang mga mental energy attack ay mas mabilis sa mga pisikal na mga atake. Dagda pa rito, pipigilan niya ito at matatapos na ang laban gamit lang ang isang espada.

"Cang Yuyue, ang pinsala sa iyong isip ay hindi pa lubos na naghilo. sa ilalim nga hindi matatag na mental energy, ang iyong seed of sword intent ay hindi matatag at maaaring maging kritikal."

Si Zhao Feng ay nakatayo habang nasa likuran ang kaniyang mga kamay at ngumiti. Hindi siya kaagad na umatake.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nakatuon sa mga mata ni Cang Yuyue.

Kahit na naintindihan na ni Cang Yuyue ang seed of sword intent, ang kaniyang puso ay nayanig pa rin nang makita ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Ito ay isang mata na tila sinusuri ang mundo. Ang matang ito ang nagbigay sa kaniya ng puwersang ilang beses na mas malakas sa Heavenly Absent Eye ni Lin Tong.

Nanigas ang dugo ni Cang Yuyue dahil wala siyang taglay na bloodline power.

"Ano naman? Sa ilalim ng sitwasyong ito, naniniwala ankong kaya kitang talunin gamit ang isang espada lang."

Ang sword aura ni Cang Yuyue ay naging mas malakas at ang kaniyang berdeng espada ay bahagyang nanginig.

Isa itong paniniwala na kaya niyang manalo gamit ang isang espada.

Pagkatapos maintindihan ang seed of sword intent, ang lakas ni Cang Yuyue ay tumaas na sa panibagong lebel.

Sa mga disipulo ng Thirteen Clans, walang may lakas ng loob na pigilan ang kaniyang espada – kahit si Zhao Feng.

"Mali ka. Wala pang nakakapinsala sa akin simula pa noong nag-umpisa ang Alliance Banquet. Kahit si Lin Tong ay madali kong natalo habang ikaw ay halos hindi na manalo at may pinsala pang nakuha."

Ang pagnanasang lumaban ni Zhao Feng ay rumagasa. Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay nagpalabas ng isang azure na liwanag na naging matalim, na tila siya ang Haring sinusuri ang kaniyang mga posisyon.

"Ano naman?"

Napagtanto ni Cang Yuyue na ang paniniwala ni Zhao Feng at lakas ng loob ay tumataas at tinatapatan ang kaniyang seed of sword intent.

"Hindi mo kayang gawin ang kaya kong gawin. Ang ibig sabihin nito ay kritikal ka nang depektibo," malakas na loob na sinabi ni Zhao Feng.

Si Cang Yuyue ay napatigil, ngunit tumawa nang may panghahamak. Gayunman, ang mga sumunod na sinabi ni Zhao Feng ang yumanig sa kaniyang puso.

"Ang lahat ng iyong lakas ay kayang makita ng aking mga mata. Ngunit wala kang alam sa aking tunay na lakas at mga pamamaraan.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naglabas ng isang azure na liwanag at bawat salita, bawat tunog pati na bawat hininga ay may misteryosong kapangyarihang kasama.

Sa ilalim ng God's Spiritual Eye, nanigas ang katawan ni Cang Yuyue. Naramdaman niyang ang lahat ng kaniyang mga sikreto ay nalaman na at ito ang dahilan kung bakit hindi siya kaagad na umatake.

"Yuyue, huwag kang magpaapekto sa kaniyang mga salita. Sinusubukan niyang lagpasan ang depekto sa iyong puso."

"Huwag kang makinig sa kaniya. Dahil inilabas mo na ang iyong espada, talunin mo siya gamit ang iyong walang kapantay na paniniwala."

Ang mas matandang henerasyon ng Clod Sword Clan ay nag-aalala.