Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 226 - Itim na Kabayo

Chapter 226 - Itim na Kabayo

"Lanyue, ipaghihiganti kita."

Bilang isa sa mga Four Stars, ang bawat kilos ni Xi Zixuan ay pinagtutuunan ng atensyon.

Nang sinabi niya ito, ang mga disciples ng ikatlong lugar ay nagsimulang matuwa.

"Hahaha, karma 'yan."

"Talagang mayabang ang batang 'yan. Kahit ang isang taong kasing kalmado ni Xu Zixuan ay nasaktan sa kaniyang mga ikinilos."

Lahat ay masaya, na parang bang naipadala sa lugar ng pagbibitayan si Zhao Feng.

Ang kasikatan ng Four Stars ay nakaabot na sa isang hindi makakayanang taas.

Walang nakaisip na may pagasa pa si Zhao Feng laban kay Xu Zixuan.

"En, salamat Brother Xu."

Hindi tinanggihan ni Gu Lanyue ang alok ni Xu Zixuan at kinuha niya ang mapanlasong mga mata niya palayo kay Zhao Feng.

Kahit gaano siya kabait, matapos masampal sa mukha sa harap ng napakaraming manonood, hindi niya matanggal ang galit sa kaniyang puso.

Sa pagkakita na tinignan si Zhao Feng ng lahat ng tao na parang isang patay na lalaki, si Lin Fan, na nasa tabi ni Zhao Feng, ay kinabahan din.

"Brother Zhao, mukhang hindi masiyadong maganda ang sitwasyon..." Sinabi ni Lin Fan nang bahagyang may kapaitan.

Dahil nakatayo siya sa tabi ni Zhao Feng, ang ibang mga tao ay binigyan din siya ng atensyon at walang duda, hindi maghihinay-hinay ang mga tao sa kaniya.

"Maraming mga taong madaling makakatalo sa'yo. Kung hindi ka talaga mananalo, tanggapin mo na lang na talo ka. At naniniwala ako na hindi kalaunan wala ng maglalakas-loob na maging mahigpit sa'yo..."

Alam ni Zhao Feng na si Lin Fan ay nadawit sa usapin dahil sa kaniya, ngunit alam din niya ang lakas ng nabanggit dahil palagi naman silang nakikipaglaban sa isa't isa.

Hindi kapani-paniwala.

Ang mga taong nasa malapit ay malamig na humagikhik nang marinig nila ang pag-uusap ng dalawa.

Binabaan ni Lin Fan ang kaniyang boses: "Paano ka naging mahigpit sa ganoon kaganda?"

"Maliit na pinsala lamang iyon. Kung ibang tao ito, magiging ganoon pa rin ang resulta. Tinatrato ko ng pantay-pantay ang lahat ng tao. Dagdag pa rito, hindi ko talaga siya sinasadya..."

Ang huling pangungusap ni Zhao Feng ay kulang sa lakas ng loob.

"Tinatrato mo ng pantay-pantay ang lahat?"

Umiling si Lin Fan. Kahit na madali itong sabihin, kaunti lamang ang nakakagawa nito.

Ngunit hindi niya alam na sa harapan ng kaliwang mata ni Zhao Feng, lahat ay nagiging isang bungkos ng laman at buto, kahit maganda man sila o hindi.

Kaya naman, hindi naaapektuhan si Zhao Feng sa hitsura.

Ikatlong lugar.

Nagpatuloy ang mga labanan.

at the 5th Sky.

Hindi kalaunan laban na ni Lin Fan at ang kalaban niya ay isang batang nakadilaw na kasuotan na nasa 5th Sky.

"Nasa iisang panig ka kasama ang batang mayroong iisang mata. Pahihirapan kita sa laban na ito." Brutal na sinabi ng batang nakadilaw na kasuotan.

Hindi nagsalita si Lin Fan at inilabas niya ang kaniyang espada, na humiwa sa True Force defense ng batang nakadilaw na kasuotan.

Kung cultivation ang pag-uusapan, si Lin Fan ay nasa peak 4th Sky lamang, ngunit siya ay mayroong rank top 5 sa Broken Moon Core disciples.

Natalo ang batang nakadilaw na kasuotan sa dalawa o tatlong galaw.

Ang lakas na ipinakita ni Zhao Feng at ni Lin Fan matapos ang unang round ay nagdulot upang bahagyang mag-alala ang iba.

Sunod.

Nagsimula na ang ikalawang round.

Si Xu Zixuan muli ang lumaban.

Ang kalaban ni Xu Zixuan ngayon ay isang bata na nasa 6th Sky na nagmula sa Cloud Sword Clan.

Jiang!

Isang kumikinang na gold flying sword ang tumalsik mula sa likuran ni Xu Zixuan, at umangat ito ng mayroong labis na bilis at lakas.

Ang disciple ng Cloud Sword Clan ay hindi na masama at ang kaniyang forte ay espada, na biglang nag-iwan ng isang hanay ng berdeng mga espada sa himpapawid.

Shua!

Isang kumikinang na gintong liwanag ang humiwa sa kalaban ng mayroong hindi kapani-paniwalang talim.

"Tinatanggap ko na ang pagkatalo."

Mabilis na sumuko ang disciple ng Cloud Sword Clan at sa oras na ito, mayroon na agad isang madugong hiwa sa kaniyang pisngi.

Kung lakas ang pag-uusapan, ang bata na ito mula sa Cloud Sword Clan ay kapantay ni Yang Gan, ngunit mabilis lang siyang natalo.

Hindi kalaunan.

Si Zhao Feng na muli ang lalaban.

Ang anyo ng nag-iisang mata at may asul na buhok na bata ang kumuha ng atensyon ng nakararami.

At sa oras na ito, ang kalaban ni Zhao Feng ay napakamakapangyarihan pa rin. Isa itong batang mayroong hugis kahon na mukha na mayroong itim na kapa.

Ang batang nakaitim na kapa ay mayroong kulay malalim na itim na mga mata at siya ay walang emosyon.

Nakatayo siya nang nasa likod ang mga kamay at isang kakaibang aura ang kumalat mula sa kaniyang katawan.

"Isang Core disciple mula sa Ancient Shrine."

"Si Tan Lin na siyang 3rd place sa Ancient Shrine Core disciples rankings."

Nanlamig ang paghinga ng maraming tao.

Talagang puno nga ng malalakas na tao ang ikatlong lugar. Bukod kay Xi Zixuan, naroon pa sina Tan Lin at Gu Lanyue. Ang mga taong ito ay malapit sa 'top of the ladder'.

Ang mga kalahok na disciples ng Ancient Shrine ay palaging kulang sa bilang at ngayon pagkakataon lima lamang ang nagpunta, maaaring ito na ang lahat ng nakababatang henerasyong disciples ng Ancient Shrine.

Ang Ancient Shrine ay patungo sa landas ng mga elites.

Batay sa nakaraang karanasan, lahat ng disciples ng Ancient Shrine ay kadalasana nakakaabot sa top 20 at mayroong isang taong tiyak na nasa top 3.

"Zezeze, mukhang minamalas si Zhao Feng."

Mga natutuwang boses ang maririnig mula sa ibaba.

Kahit si Lin Fan ay inamin na sa puntong ito.

Una, si Gu Lanyue at ngayon, si Tan Lin naman.

Kailangang malaman ng isang tao na kung hindi masiyadong maganda ang suwerte ng isang tao at sila ay matatapat sa isang makapangyarihang kalaban bawat oras, ang kanilang pagpapakitang gilas ay bababa ng bababa sa paglipas ng oras.

Parehas sina Xu Zixuan at Gu Lanyue ang nanonood sa laban na ito. Kahit ilang bmga tao mula sa ibang lugar ay nagsitinginan din.

Ang dahilan kung bakit binigyan nila ito ng atensyon ay dahil sa dalawang rason.

Una: Pinahiya ni Zhao Feng ang isang magandang tao sa laban kanina at nag-iwan siya ng isang masamang impresyon sa kanilang mga puso.

Ikalawa: Ang mga disciples ng Anciend Shrine ay malalakas at ang kanilang mga atake ay misteryoso.

Kaya naman, ang laban ni Zhao Feng at Tan Lin ay dapat pagtuonan ng pansin.

"Kekeke... Hindi mo ba tatanggapin ang pagkatalo mo matapos makita na ako ang kalaban mo?"

Isang sagitsit ng asul na ilaw ang lumiwanag sa lubhang maitim na mga mata ni Tan Lin.

Isang hindi makitang patong ng mental energy ang bumalot sa paligid. Sa normal na sitwasyon, ang mga kalaban ni Tan Lin ay mananatiling nakatayo ng isa o dalawang segundo bago matumba ng walang malay sa sahig.

Nakaramdam si Zhao Feng ng isang hindi makitang kamay na dumudurog sa kaniyang katawan.

Kasabay nito, mapang-akit na mga boses ang maririnig sa kaniyang isipan.

Hypnotist Illusion attack.

Napagtanto na agad ni Zhao Feng ang estilo ng opensa ng kalaban.

Subalit, ang mental energy ng nabanggit ay hindi malapit sa nakatakip na anyo noong araw na iyon, kaya naman paanong mapipinsala nito si Zhao Feng?

Isang hinga... Dalawang hinga... Marahang lumipas ang oras.

Makalipas ang tatlong paghinga.

Mayroon pa ring ngiti sa mukha ni Zhao Feng habang nakatayo siya sa iisang lugar.

Paano naging posible ito?

Malamig na pawis ang simulang mamuo sa noo ni Tan Lin habang ang kaniyang ekspresyon ay naging taimtim. Ang kaniyang mga mata ay malamig na kumislap nang nagkaroon ng isang patong ng kulay abong apoy na mabuo sa paligid niya at ang asul na ilaw sa kaniyang mga mata ay mas lalong lumaki.

Ang mental energy sa hangin ay nagdulot upang bahagyang magbago ang enerhiya.

Halata na ginamit ni Tan Lin ang lahat ng kaniyang lakas at ang mga manonood ay nakaramdam ng bahagyang pagnginig ng kanilang mga puso at sila ay nabalisa rin.

"Grabe napakamakapangyarihang mental energy attack."

Isang pangkat ng mga disciples sa ibaba ang nakaramdam ng paglukso ng kanilang mga puso dahil nakaramdam sila ng parte ng natitirang atake.

Isang maliit na bilang ng tao ang mayroong mga ekspresyon ng takot o ng pag-aalala.

Parehas sina Xu Zixuan at Gu Lanyue na naudyok sa pagpapakita ng mental energy na ito.

Ang mga mental energy attacks mula sa Ancient Shrine ay talagang mahirap salagin at maraming disciples ang kulang ng resistensya laban dito.

Subalit, sa paglipas ng mga segundo.

Matapos ang sampung paghinga, puno ng malamig na pawis ang likuran ni Tan Lin, ngunit si Zhao Feng ay hindi man lamang napinsala.

Natulala ang mga manonood.

Kahit ang mga nakatataas ng Ancient Shrine ay mayroong taimtim na mga ekspresyon.

Isang liwanag ang kumislap sa mga mala-bangungot na mata ni Lin Ton, isa sa mga Four Stars: "Maaari bang mayroong kayamanan ang taong ito na pumipigil sa mental energy attacks?"

"Mukhang ito na ang lahat ng iyong kayang gawin." Ngumiti si Zhao Feng.

Siya lamang ang ganito ka kaswal sa tapat ng isang mental energy attack.

"Bata, huwag mong isipin na dahil kaya mong salagin ang mental energy attack ko gamit ang isang kayamanan, ay binibigyan ka na nito ng karapatang magyabang."

Sumuko na si Tan Lin sa paggamit ng mental energy attacks at pinagsalubong niya ang kaniyang mga palad, nag-iipon ng isang patong ng kulay abong liwanag na nagdulot upang tumaas ang kaniyang malamig na aura.

Habang ang Ancient Shrine ay nasa rank 2nd ng Thirteen Clans, halatang hindi sila umaasa sa mental energy techniques lamang o kung hindi, hindi nila mapapanatili ang titulo ng pagiging pangalawa sa matagal na panahon.

"Luhod!" Sigaw ni Zhao Feng at ang hangin ay para bang sumabog kasabay ng kulog na mayroong isang patong ng mental energy na bumalot kay Tan Lin.

Wah

Tumagas ang dugo mula sa mga butas ni Tan Lin nang siya ay mapaluhod sa sahig ng mayroong 'plop'.

Ang mga manonood sa ibaba ay nakaramdam ng pagkulo ng dugo nila nang marinig nila ang sigaw ni Zhao Feng.

"Anong klaseng atake iyon?"

"Mukhang isa rin itong mental energy attack.

Nagusap-usap ang mga manonood habang nakatingin sila kay Zhao Feng dahil hindi sila makapaniwala.

Isang sigaw lamang mula kay Zhao Feng at napinsala na si Tan Lin.

Sa segundong lumuhod si Tan Lin sa sahig, isang malamig na ilaw ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng habang nagpapadala siya ng isang malamig na aura na nagdulot upang maging impyerno ang kapaligiran niya.

"Napakalakas na mental energy... Ikaw rin ay..." Nagawa pang mabanggit ni Tan Lin habang nakahiga siya roon ng walang kahit anong enerhiya.

"Panalo si Zhao fEng!" Inanunsyo ng husgado ang tagumpay ni Zhao feng.

"Ang mental energy ng batang ito ay mas malakas pa kaysa sa disciple na mula sa Ancient Shrine."

"Tingnan mo, ang pagnanais lumaban at pumatay ni Zhao Feng ay rumagasa pataas."

Ang laban na ito ang yumanig sa apat na lugar.

Lumakad palabas ng entablado si Zhao Feng, malamig at walang emosyon pa rin. Ang masamang hitsura mula sa kaniyang buhok na sumasabay sa ihip ng hangin ay malalim na tumatak sa puso ng bawat isa.

Ikatlong lugar.

Sa pagkaktia na palapit ng palapit si Zhao Feng, ang mga disciples ay uno ng pag-aalala at ng takot.

Hindi mapigilang mapahinga ng malalim ni Gu Lanyue. Hindi niya lubos naisip na ang taong ito ay ganito kalakas at kamisteryoso.

Mula sa pagkakataong ito, ang pangalan ni Zhao Feng ay kumalat sa buong Alliance Banquet.

Ang unang itim na kabayo ay lumitaw na sa Alliance Banquet at ang kaniyang lakas ay maikukumpara sa 'top of the ladder'.

"Ang ganito kalakas na mental energy ay hindi pa sapat para sa Stars. Ito ay ilang tiers na mas mababa kaysa sa Heavenly Absent Eyes ni Lin Tong. Mahirap makaabot sa napakataas na mastery sa pag-eensayo sa mental energy at sa Lightning nang magkasabay." Nagsisising sinabi ni Xu Zixuan.

Bilang isa sa mga Four Stars, ang kaalaman at mga iniisip niya ay nasa ibang level.

Hindi niya pa lubos na nakilala si Zhao Feng noon at maaaring naisip niya na mayroong surpresa. Ngunit matapos makita na nagtuon din ang nabanggit sa mental energy techniques, nawalan siya ng gana.

Naalala ni Xu Zixuan ang sinabi sakaniya ng kaniyang Master: Ang pagtutuon ng pansin ang landas patungo sa tugatog ng tagumpay.

strengthening, it would all be sliced through with one sword.

Si Cang Yuyue ay ganitong klase ng tao. Ang kaniyang nag-iisang espada ay nakaabot na sa tugatog. Kahit gaano karami ang mayroon ka, mental energy o body strengthening, lahat ito ay mahihiwa lamang ng iisang espada.

Siyempre, ang pagdadahilan na ito ay siya rin mismong pundasyon ng mundong ito.