Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 225 - Hindi ko sinasadya

Chapter 225 - Hindi ko sinasadya

Ang babaeng naka-kulay asul na kapa ay maganda, at nakatanggap siya ng atensyon na bahagyang mas mababa sa natanggap ni Xu Zixuan sa ikatlong entablado.

Sa buong Alliance Banquet, ang tangin mga taong maikukumpara sa kaniyag kung itsura ang pag-uusapan ay sina Zhao Yufei at Cang Yuyue.

Sa oras na nagpunta siya sa entablado, nakuha niya na ang atensyon ng buong alliance.

"Hehe, siya si Gu Lanyue, ang Head disciple ng Secluded Jade Palace, at kaya niyang makaabot ng top ten o higit pa."

"Hindi masama ang suwerte ng batang iyan sa mga babae, ngunit hindi siya magkakaroon ng pagkakataon para samsamin ang pagkakataong ito."

Ilan sa mga elite disciples ang tumingin ng may pagkatuwa kay Zhao Feng.

Si Gu Lanyue ang Head disiple ng Secluded Jade Palace at ang Clan ang pinakakakaiba sa lahat ng Thirteen Clans. Lahat ng mga disciples dito ay mga magagandang babae.

"Ang kalaban ni Feng'er ay siya."

Nagbago ang ekspresyon ng Broken Moon Clan Master.

Sikat si Gu Lanyue sa mga Thirteen Clans. Usap-usapan na kahit si Ao Yuetian ay hinabol ang babaeng ito, ngunit pumalpak siya. Mula rito, makikita mo na ang kaniyang mga batayan.

Ang mga nakatataas na awtoridad ng Broken Moon Clan ay mayroong mga taimtim na ekspresyon. Kahit na malakas si Zhao Feng, wala silang tiyak na tiwala sa kaniya.

Dahil kung lakas ang pag-uusapan, si Gu Lanyue ay mas malakas pa kaysa kay Yang Gan.

Si First Elder lamang ang natatanging kalmado habang nakatitig siya sa ikatlong lugar at naisip niya sa loob-loob niya: "Feng'er, ang layunin mo ay maging isang Star, kung hindi mo man lamang malalagpasan ang yugtong ito kung ganoon..."

Sa mismong oras na ito, ang mga tawanan ng mga kababaihan ay naririnig mula sa mga lugar ng manonood.

"Haha, madali lang mananalo si Sister Gu."

"Pustahan tayo mananalo ang Sister Gu na 'yan sa ilang galaw lamang."

"Pustahan pitong galaw."

"Pustahan tatlong galaw lang."

Ang mga boses na ito ay nagdulot upang magtinginan ang mga nakatataas sa Broken Moon Clan.

Mukhang ang poste ng mga manonood ng Secluded Jade Palace ay nasa tabi mismo ng kanila.

Ang Broken Moon Clan Master at ang mga Elders ay mayroong mga pangit na ekspresyon. Masiyadong mayabang ang Secluded Jade Palace.

Sa hindi pagkakuntentong pakiramdam mula sa Broken Moon Clan, ang magandang babaeng nakadamit ng kulay asul ay tumingin sa poste ng Secluded Jade Palace at sinabi: "Oh, ito pala ang mga kasamahan kong daoists mula sa Broken Moon Clan. Hindi niyo kailangan mag-alala, pipigilan ni Lanyue ang kaniyang sarili."

Matapos masabi nito, lahat sa poste ng mga manonood ng Secluded Jade Palace ay nagsimulang magtawanan.

Mas lalo pang pumangit ang mga ekspresyon ng Broken Moon Clan Master at ng mga Elders.

"Secluded Jade Palace Master, huwag kang magsalita ng tapos."

Kumislap ang mga mata ng Broken Moon Clan Master nang siya ay sumagot.

Hindi ito ang naisip ng Secluded Jade Palace Master at isang mapang-insultong ekspresyon ang lumitaw mula sa mga dulo ng kaniyang labi, na para bang masiyado siyang mayroong pagkamuhi upang magpaliwanag.

Halatang malaki ang tiwala niya sa lakas ni Gu Lanyue.

"Hindi pa natatalo si Feng'er kahit kailan."

Binuksan ni First Elder ang kaniyang bibig at marahang nagsalita. Kaunti at simpleng mga salita na puno ng lakas ng loob at nagdulot ito upang manginig ang mga puso ng nakatataas ng parehas Clans.

Hindi pa natatalo kahit kailan.

Gaano kabigat ang mga salitang ito?

Ang mga nagmula sa Broken Moon Clan ay hindi mapigilang maalala na bukod sa sinadya ni Zhao Feng ang pagkatalo niya kay Ran Xiaoyuan noon, hindi pa talaga siya natatalo kahit kailan.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng Secluded Jade Palace Master: "Ang batang 'yan ay ang iyong disciple?"

Sa mismong pagkakataon na ito.

Sa entablado ng ikatlong lugar, ang dalawa ay nagsimula nang magpalitan ng suntok.

Napakabilis!

Ang mga manonood na elite disciples ay lahat pinigilan ang kanilang mga paghinga.

Walang sinabing walang saysay sina Zhao Feng at Gu Lanyue bago ang lahat. Nagtinginan lang sila ng isa or dalawang paghinga bago biglaang umaksyon.

Kahit na mukhang mahina at kalmado si Gu Lanyue sa panlabas, mayroon siyang kayabangan sa kaniyang mga buto na nagdulot upang hindi niya bigyang pansin ang batang nasa harapan niya.

Sa pag-iisip sa kung paano niya tinanggihan si Ao Yuetian, paano naman niya mapapansin ang hindi naman sikat na bata?

Subalit, sa isang iglap na nagpalitan sila ng suntok, nagbago ang kaniyang ekspresyon.

Ang bata sa harapan niya ay kalmado at malamig. Ang mga kilos niya ay kasing bilis ng kidlat at ang liksi at paggalaw niya ay walang kahinaan. Pasimple lamang niyang tinutunaw ang lahat ng mga atake ng babae.

Peng!

Sa segundong nakipagsagupaan siya kay Zhao Feng, isang nakakamanhid na kuryente ang dumaloy sa kaniyang katawan.

Sa tatlong galaw lamang.

Hindi lamang nakakuha ng kalamangan si Gu Lanyue, bahagya rin siyang nabalisa.

Ang pagmamanhid ay ang siyang pumigil sa kaniyang bilis at kung ito ay nagpatuloy, maaari nitong mapinsala ang kaniyang buhay.

Ito si Gu Lanyue na may cultivation at lakas na mas mataas kaysa kay Yang Gan. Kung ito ay ibang tao, tiyak na talagang makukuryente sila. Ang nakapagpatulala kay Gu Lanyue ay ang mga mata ng kaniyang kalaban. Matalim ito at kalmado ay hindi nagbago kahit sa kagandahan niya.

Ito ay isang batang malamig hanggang buto.

Tatlong galaw... limang galaw... pitong galaw...

Sa bawat pakikipagpalitan ng galaw ni Gu Lanyue sa kaniya, ang kaniyang katawan ay namamanhid at ang bahagyang panginginig nito ay ikinahiya niya.

Nakarating na sila sa ikasampung galaw.

Ang Secluded Jade Palace Master ay mayroong taimtim na ekspresyon sa kaniyang mukha at ang tawanan sa poste ay tumigil na.

Mukhang lubhang masama ang sitwasyon ngayon para kay Gu Lanyue. Si Zhao Feng ang mayroong matinding offense power at bilis kaya naman siya ang lamang.

Sa kabilang banda, ang mga nakatataas ng Broken Moon Clan ay mayroong mga kalmadong itsura.

"Kailan ba natalo ang baliw na batang iyan?"

"Oo nga, hindi ako makapaniwalang nag-aalala pa tayo sa kaniya."

Sa pag-alala tungkol sa mga pagkilos ni Zhao Feng sa Floating Crest Trial, maraming tao ang natawa.

Sa pagkakataong ito.

Biglang umatras si Gu Lanyue ng sampung yarda na mayroong mala-yelong ekspresyon: "Sino ka ba?"

Sino ako!?

Tumigil si Zhao Feng – tila ba naalala niya na itinawag na ng husgado noon ang kaniyang pangalan.

At ngayon ang babaeng ito ay tinatanong ang kaniyang pangalan. Ibig sabihin lamang nito na wala siyang paki kanina.

"Malalaman mo rin kung sino ako." Humagikhik ng malamig si Zhao Feng.

"Hambog."

Nahiya at nagalit si Gu Lanyue – kailan pa siya minaliit? At ng tao pa na kasing edad lamang niya?

Blue Moon Illusion Dance!

Ibinuka ni Gu Lanyue ang kaniyang mga braso at mga bilog ng asul na alon ang bumalot sa kaniya. Kasabay nito, biglang tumaas ang kaniyang aura.

Sa susunod na iglap, tumalon sa ere si Gu Lanyue at winagayway niya ang kaniyang mga manggas at sumayaw sa himpapawid.

Sa bawat pag-ikot niya, ang manggas niya ay nagpapakawala ng isang nakakatakot na alon na kayang sumira sa isang punong kasing laki ng pinagsama-samang tao.

"Ang Blue Moon Illusion Dance ay mayroong siyam na galaw, mas malakas sa bawat nauna. Sinanay na ni Sister Gu hanggang ikapitong galaw at nakapinsala na siya ng isang cultivator na nasa 7th Sky gamit ito."

Nagsimulang magusap-usap tungkol dito ang mga babae sa Secluded Jade Palace.

"Ang Blue Illusion Dance. Mukhang napakasama ng suwerte mo para makatapat ka sa ganito kalakas na kalaban, kaya ka napipilitang gamitin agad ang galaw na ito." Bumuntong hininga ang Secluded Jade Palace Master.

Sa pagkakita na ang bawat galaw ng Illusion Dance ay mas malakas kaysa sa nahuli, ang kabang naramdaman ni Zhao Feng ay mas malaki na rin.

Kung hahayaan niyang magpatuloy ang kalaban, mahihirapan siya.

"Dito na nagtatapos!" Sinigaw ni Zhao Feng habang ang kaniyang asul na buhok ay agresibong sumabay sa ihip ng hangin at isang kislap ng kidlat ang lumitaw sa himpapawid.

Si Gu Lanyue, na nasa ere, ay nakaramdam ng isang mapanirang aura at ang pakiramdam ng kidlat ay ilang beses na mas malakas kaysa kanina.

Dance of Wind and Thunder!

Sa oras na tinulak ni Zhao Feng palabas ang kaniyang palad, nagsanib ang kidlat at ang hangin. Kahit na parehas silang 'sumasayaw', walang maganda tungkol sakanila, tanging nakakasindak na pagkasira lamang.

Hong Long Long----

Sa gitna ng pumapalakpak na kulog, si Zhao Feng ay parang isang mala-demonyong diyos.

Wah!

Biglang napadura ng maraming dugo si Gu Lanyue nang siya ay mapatalsik ng isang nakakalulang kapangyarihan at ang kaniyang mukha pati na rin ang kaniyang katawan ay mayroong lapnos dito.

Ang magandang babae ito kani-kanina lang ay ngayon naging lubhang gutay-gutay at ang kaniyang mukha ay halos sira na.

"P*ta! Hindi ba alam ng lalaking itong maghinay-hinay sa isang babae?"

"Talagang ipapanalo ko ang susunod para kay Goddess Gu."

"Peh, kahit si Gu Lanyue ay natalo, kaya't paano ka mananalo sa lakas na mayroon ka?"

Nagkagulo ang mga manonood.

Maraming mga elite disciples ang nagsimulang murahin si Zhao Feng.

"Ikaw... ikaw..."

Labis na namutla ang mukha ni Gu Lan, malinaw niyang nararamdaman ang lapnos sa kaniyang mukha at hindi niya makakalimutan ang nakamamanhid na pakiramdam. Dagdag pa rito, ang Lightning Wind Palm ay isang nakakawasak na skill at ang mga peklat na iniwan nito ay hindi madaling natatanggal.

"Panalo si Zhao Feng." Ang husgado na nasa True Spirit Realm ay kumunot ang mga kilat at inanunsyo ang pagkapanalo ni Zhao Feng.

Bihirang makakita ng mga batang nakakapinsala ng ganito kaganda.

"Kung ganoon ang tawag sa'yo ay Zhao Feng. Ang pagpapahiya sa akin ngayong araw at ang peklat sa aking mukha..." Sambit ni Gu Lanyue palabas sa kaniyang nakatikom na mga ngipin.

"Pasensya na, hindi ko sinasadya."

Pinutol ni Zhao Feng ang sasabihin niya at ang kaniyang asul na buhok ay sumabay sa ihip ng hangin, nagdulot upang magmukha siyang malamig at misteryoso. Sunod ay umalis na siya sa entablado nang matagumpay. 

Hindi ko sinasadya.

Nabulunan ang lahat at mayroon silang makukulay na mga ekspresyon. Sa harap ng lahat ng naroroon, muntik na niyang sirain ang hitsura ng isa sa pinakanakabibighaning mga babae ng Thirteen Clans at 'hindi niya ito sinasadya'.

Masiyadong simple ang lalaking ito.

"Baliw ang lalaking 'yan."

"Hindi mo ba makita na mayroon siyang iisang mata lamang? Talagang baliw siya."

Lahat ay tumingin kay Zhao Feng ng mayroong nag-aalalang ekspresyon. Ang baliw na lalaking iyon ay puminsala pa ng isang magandang babae gaya ni Gu Lanyue, sinong nakakaalam kung anong gagawin niya kung ibang tao iyon?

"Gu Lanyue, ayos ka lang ba?" Ang malinaw na boses ni Xu Zixuan ay narinig at bilang isa sa mga Four Stars, ang kaniyang mga salita ay mayroong malaking importansya.

"Ayos lang ako."

Nagawa pang ngumiti ni Gu Lanyue. Kilala si Xu Zixuan sa pagiging mapag-alala niya sa Thirteen Clans at dahil napakaguwapo niya rin, siya ang pinapangarap ng nakararami.

Kasabay nito.

Lahat ng mga nasa poste ng manonood ng Secluded Jade Palace ay nagngangalit.

"Kailan pa nagkaroon ng mga walanghiyang disciples ang isang banal na Clan gaya ng Broken Moon Clan?" Sinigaw ng Secluded Jade Palace Master.

Nagtinginan ang mga nakatataas ng Broken Moon Clan at bahagya silang kinabahan.

Kung pag-uusapan ang lakas, ang Secluded Jade Palace ay ranked 6th, higit na mas malakas kaysa sa Broken Moon Clan, na siyang nai-rank sa pinakadulo.

"Bahagya lamang siyang napinsala."

Mayroong kalmadong ekspresyon ang First Elder. Wala ring masiyadong reaksyon mula sa Broken Moon Clan, na para bang katanggap-tanggap ang mga ikinilos ni Zhao Feng.

Sa pag-alala sa kung paano pininsala ng taong ito kahit ang mga disciples ng iisang Clan sa Floating Crest Trial, kaya naman hindi na sila nagulat kung mapinsala niya ang disciples mula sa ibang Clans.

"Bahagyang napinsala? Hindi mo ba alam na napakahalaga ng hitsura para sa isang babae?"

Halos sumabog na sa galit ang Secluded Jade Palace Master, ang kaniyang mahalagang disciple ay halos masiraan na ng hitsura, paanong hindi siya masasaktan?

At ang nakapagpagalit pa lalo sa kaniya ay dahil ang pinakamalakas na Head disciple ng kaniyang Clan ay madali lamang natalo ng isang hindi naman kilalang disciple.

Ikatlong lugar.

Naglagay agad ng isang mamahaling medisina si Gu Lanyue, ngunit hindi pa rin malalaman kung mananatali ba o hindi ang mga peklat.

"Lanyue, ipaghihiganti kita." Kalmado ang boses ni Xu Zixuan, ngunit naglalaman ito ng tiyak na lakas ng loob.