Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 218 - Misteryosong Lugar

Chapter 218 - Misteryosong Lugar

Ang sagot ay simple… isang laban.

Sa loob ng iilang buwan, nasa seklusyon si Zhao Feng kung kaya naabot niya na ang limit ng bawat aspeto na kanyang sinasanay. Tanging sa pamamagitan lamang ng totoong laban niya mailalabas ang kanyang potensyal.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang lakas ng lahat ay higit na tumaas noong Floating Crest Trial.

Syempre, mayroon na lamang siyang 20 araw na natitira at hindi maisiguro ni Zhao Feng na ang mga laban ay mapapataas talaga ang kanyang cultivation.

Pero sigurado naman siya sa iisang bagay – kung mananatili siya sa seklusyon, mayroon siyang 0% na tsansa para lumakas nang mabilis. Kung kaya, pinili ni Zhao Feng na lumabas at makipaglaban.

Hindi lamang si Zhao Feng ang nakapag-isip nito. Si Bei Moi at Lin Fan ay nakaalis na sa Clan para lumabas at makipaglaban. Si Zhao Feng naman ay kumuha ng misyon mula sa Clan.

Ang gagawin niya ay pumaslang ng apat ng Two Headed Silver Crowned Birds. Ang hirap ng misyong ito ay nasa antas ng six hanggang seven stars. Sa ilalim ng normal na sitwasyon, tatlong cultivators na nasa 6th Sky ang kailangan para magkaroon ng mataas na pag-asang magtagumpay.

Ang Two Headed Silver Crowned Bird ay isang lumilipad na nilalang na may dalawang ulo na kayang tumalo ng mga normal na cultivators sa 6th Sky. Hindi talaga papayag ang Clan na pumunta ang normal na disipulo para gawin ito.

Pero dahil si Zhao Feng ito, agad na pumayag si Vice Head Li. Mula sa kanyang pananaw, kahit na hindi magawa ni Zhao Feng ang misyon, may abilidad naman siya para tumakas nang hindi nasasaktan. Bukod pa roon, isang maalamat na tagapana si Zhao Feng at nababagay talaga siya sa gawain.

"Oo nga pala, ang misyon na ginawa mo dati ay malapit nang matapos at halos lahat ng primal crystal stones mo ay paubos na." Paalala ni Vice Head Li.

Ganoon kabilis?

Bahagyang nagulat si Zhao Feng sapagkat ang daan-daan at libo-libong substandard primal crystal stones ang binigay niya para sa misyong ito.

Pagkatapos matanggap ang mga materyales, 90% ng mga primal crystal stones sa loob ng interspatial bracelet ni Zhao Feng ay nawala.

Miao miao!

Ang maliit na pusang magnanakaw ay tumalon para ipakita ang pagkadismaya nito.

Mayroong kasunduan si Zhao Feng sa maliit na pusang magnanakaw na bibigyan niya ito ng 200 substandard crystal stones bilang 'cat food'.

Ginawa niya ito upang hindi hawakan ng pusa ang mga aytems sa loob ng kanyang interspatial bracelete. Pero dahil 90% na ng primal crystal stones ang nawala, hindi na kinaya ng pusa.

Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, hindi naman dapat nagigipit si Zhao Feng tungkol sa pera dahil marami siyang nakuha sa trial, pero dahil malaki ang ginastos niya para makuha ang mga kinakailangang resources sa kanyang Yin Shadow Cloak.

Marami sa mga resources ay nagkakahalaga na ng isang siyudad at higit na mas mahal pa kaysa sa mga Mortal Weapons. Bukod pa roon, dahil isa itong misyon ng 'paghahanap', ang mga pabuya ay higit na mas malaki.

Bukod pa roon, binigyan rin ni Zhao Feng sina Yang Qingshan at Nan Gongfan ng maraming mga resources.

Ngayon, mayroon na lamang isang libong primal crystal stones si Zhao Feng, na nagkakahalaga ng isang daang libong substandard primal crystal stones.

"Para makakuha ng isang bagay, kailangan mo munang mawalan."

Kinuha na ni Zhao Feng ang mga resources at hindi siya nagsisi sa ginawa niyang desisyon. Ang Yin Shadow Cloak ay isang Inheritance Item na lumalago mismo sa may-ari neto. Kung maaayos, ang kapangyarihan nito ay ibang lebel na.

Tara na!

Pagkatapos kunin ni Zhao Feng ang misyon, agad siyang umalis ng Clan at nagtungo sa kalaliman ng Sky Cloud Forest.

Ang kanyang pangunahing pokus ay ang laban at hindi ang misyon. Kahit hindi niya p matapos ang misyon, ang kailangan lang naman niyang gawin ay magbayad ng kakaunting contribution points, na wala lang naman sa kanya.

"Saang direksyon dapat tayo magpunta?" Sumulyap si Zhao Feng.

Ang Sky Cloud Forest ay sinasakop ang thirteen countries at may mga parte ito na kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi nangangahas na pumasok.

"Miao miao!"

Ang maliit na pusang magnanakaw ay nagpakita at naglabas ito ng isang lumang barya.

Inihagis muna ito ng pusa sa hangin bago ito lumapag sa kanyang mga maliliit na braso.

Kinuha ito ng pusa at tumuro sa isang direksyon.

"Sige."

Nagtungo si Zhao Feng sa direksyon na itinuro ng pusa.

Habang nasa daan, isang matinis na tunog ng agila ang maririnig, nagdulot ito sa karamihan ng mga na halimaw ng takot.

Hmm?

Tumingala sa itaas si Zhao Feng at nakita niya ang isang Golden Feathered Eagle na lumilipad sa hangin at nagbubuga ito ng aura ng isang nasa 4th Sky. Isa itong lumilipad na Yao Beast na kahit siya ay kaya nitong kargahin.

"Bumaba ka." Ang boses ni Zhao Feng ay nakakaakit at pinadaan niya lamang ito sa pamamagitan ng mental energy.

Ang Golden Feathered Eagle, na may pakpak na nasa apat hanggang limang talampakan, ay lumapag nang marahan at umarte na masunurin.

Tumango si Zhao Feng at umupo sa likod ng agila.

Ang kanyang pang-unawa sa Heart Controlling Technique ay katulad ng nakatalukbong na anyo kung kaya ang pagkontrol ng isang ibon ay napakasimple lamang.

Dinala ng Golden Feathered Eagle ang tao at ang pusa tungo sa kalaliman ng Sky Cloud Forest.

Isang oras ang makalipas.

Isang maliit na sapat sa isang kanyon ang nagpakita.

"Hmm, dito?"

Sigurado si Zhao Feng na ito ang blood python canyon na napuntahan niya na dati pa.

Dito pinaslang nina Ran Xioayuan at iilang mga disipulo ang Azure Hyena, na siyang nagbigay ng pagkakataon para kay Zhao Feng na tumakas.

Nang marating ito, isa na namang high tier na halimaw ang umookupa ng blood python canyon at higit itong mas malakas sa Azure Hyena.

Pero ang Golden Feathered Eagle na sinasakyan ni Zhao Feng ay isang Yao Beast at isang 'Lord tier' sa paningin ng mga mortal, na siya ring nagpapanginig sa mga high tier na halimaw.

Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Zhao Feng, isang taon ang nakararaan, ni hindi niya kayang protektahan ang kanyang buhay, at ngayon, tila mga langgam na lang sa kanya ang mga high tier na halimaw.

Binalewala lamang ni Zhao Feng ang high tier na halimaw, pinabagal rin ni Zhao Feng ang Golden Feathered Eagle at ayon sa maliit na pusang magnanakaw, ang kanilang destinasyon ay malinaw.

Mamaya-maya, ang kagubatan ay biglang naging madilim at may kakaibang aura ang mararamdaman sa hangin.

Sa madilim na kagubatan, dito tumatalon ang isang occasional beast.

Nakatingin si Zhao Feng mula sa itaas habang nagpapadala siya ng mental energy sound attack na siyang pumatay sa mga mas mahihina na halimaw, kahit pa mataas ang depensa nila.

Habang lumalalim ang pinapatunguhan ni Zhao Feng, mas lalo ring lumalakas ang nararamdaman niyang pananangga at ganoon din ag pakiramda sa mga aura na tila nababahala.

Paniguradong sa kalaliman ng madilim na kagubatan ay may mga Yao Beasts na nasa ikapitong antas pataas sapagkat tanging ito lamang ang kayang pinsalain si Zhao Feng.

Miao miao!

Muling tinignan ng pusa ang lumang barya at saka inihagis ito para malaman kung anong direksyo dapat nilang puntahan.

Tumango si Zhao Feng, pinakawalan niya ang agila at ginamit ang Yin Shadow Cloak para itago ang kanyang aura.

Sa ilalim ng talukbong ng Yin Shadow Cloak, ang mga mas malalakas na halimaw ay hindi nararamdaman ang presensya ni Zhao Feng. Ang mga aura sa kalaliman ng kagubatan ay lalong lumalakas at halos lahat ng ito ay 5th Sky pataas.

Nagdududa si Zhao Feng kung ito ba ang pugad ng mga Yao Beasts o hindi.

Habang nasa daan, nakasalubong ni Zhao Feng ang mga teritoryo ng iba't ibang Yao Beasts na nasa 7th Sky. Kahit suot niya ang Yin Shadow Cloak, ang mga halimaw ay nababahala pa rin na tila ba may nararamdaman silang kakaiba.

Sigurado naman si Zhao Feng na may abilidad siyang labanan ang mga halimaw na nasa 7th Sky pero hindi mabilang ang mga makapangyarihang mga Yao Beasts na naririto at sa pagkakataong palibutan na nito ang mga mas mababa sa True Spirit Realm ay paniguradong papatayin nila ito.

Nakalagpas na rin si Zhao Feng sa pinakamapanganib na lugar pagkatapos ng ilang mga oras.

Habang nasa daan, nakakita siya ng 20 pataas na mga Yao Beasts na nasa 7th Sky at mayroon ring mga nasa Half Step True Spirit Realm. Ang kanilang mga nakasisindak na aura ang pumipigil kay Zhao Feng para huminga.

Ang mga nasa Half True Spirit Realm ay higit na mas malakas kaysa sa mga normal na halimaw ng 7th Sky.

Ang madilim na kagubatan ay biglang naging maulap, na para bang may agwat sa dalawang lugar.

Pinasok na ni Zhao Feng ang maulap at madilim na bahagi ng kagubatan at agad siyang nawala at ang kanyang mga panramdam ay hindi na maayos.

Hindi na siya nagtataka kung bakit walang bakas ng buhay dito.

Ang lupang kinatatayuan niya ay naglalaman ng mga buto at nakakatakot na pakiramdam na siyang nagpapalamig ng kanyang puso.

"Ang mga normal na cultivator ay agad na mamamatay rito, kahit nasa Half Step True Spirit Realm pa sila." Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Sa kabutihang palad, mayroon siyang kaliwang mata na kayang makakita sa maulap na paligid doon. Bukod doon, ang kanyang forte ay ang mga mental illusions kung kaya ang mga ilusyon na naroroon ay walang epekto sa kanya.

Crack… crack…

Naglakad si Zhao Feng sa mga lantad na buto at ang simoy ng kamatayan na pumalibot sa kanya ay agad na makapagpipigil ng hininga ng mga cultivators na nasa 7th Sky.

Lamig at panganib ang bumalot kay Zhao Feng. Tila ba may isang misteryosong enerhiya ang sumusubok na pasukin ang kanyang katawan.

Ang maliit na pusang magnanakaw sa braso ni Zhao Feng ay sinuri ang lugar nang maingat.

Tinanggal ni Zhao Feng ang kanyang panakip sa mata at isang asul na liwanag ang gumuhit sa kanyang kaliwang mata na siyang nagtanggal ng nakakatakot na pakiramdam nang halos kalahati.

Nang gamitin nang buo ang kanyang kaliwang mata, nakikita na rin ni Zhao Feng nang kabuuan at malinaw ang sitwasyon.

Sa kalaliman ng maulap at madilim na kagubatan ay mga daan-daang libingan na may sukat na parang isang maliit na palasyo bawat isa at umaabot ng sampung metro ang taas.

Ang mga libingan ay bumubuo ng isang bilog na may isang espesyal na pilak na materyal sa gitna na hindi kayang unawain ng kanyang kaliwang mata.

Sa gitna ng pilak na crystal field, mayroong isang batong altar, na may kakaibang array lines. At sa tabi ng altar ay isang maliit na kwarto.

Isang maulap at madilim na kagubatan, lupang puno ng mga mapuputing buto, libingan sa libingan, isang pilak na crystal field, isang misteryosong altar…

Huminga nang malalim si Zhao Feng nang ang kanyang katawan ay magsimulang manginig nang bahagya, pero hindi niya alam kung ito ay dahil sa pagkatuwa o pagkatakot.

Kadalasan, ang mga cultivators na nasa Half Step True Spirit Realm o ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi kayang makapaglakad nang ganito kalayo dahil sa kakaibang mga ulap. Pero nagtagumpay si Zhao Feng dahil sa kanyang kaliwang mata.

Sa pagkakataong ito.

Mayroong isang daan o ilang talampakan ang pagitan ni Zhao Feng sa mga libingan at bawat hakbang niya ay nakakaramdam siya ng pagkabahala.

Ang mga putting bato sa kanyang harap ay biglang nanginig. Dalawa o tatlong hugis-tao na kalansay at may nag-aalab na mga berdeng mata ang may hawak na mga sandatang gawa rin sa buto habang gumagapang ito sa lupa.

Ang tatlong hugis tao na kalansay ay naglagay ng bahagyang presyur kay Zhao Feng, nangangahulugang may lakas ito na maihahalintulad sa isang nasa 6th Sky.

Dagdag pa roon, aka mayroon pang mga nagtatago.

Magpatuloy o bumalik?

Bago pa makapagpasya si Zhao Feng, ang tatlong hugis tao na kalansay ay sumugo na nang mabilis patungo sa kanya.