Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 217 - Mahirap na Tanong

Chapter 217 - Mahirap na Tanong

Nang marinig ang paliwanag ni Zhao Feng, ang lahat ng nasa hall ay napahinga nang malamig.

Totoo ngang ang ikaanim na antas ng Lightning Wind Palm ay kayang ipatawag ang 9 Clouds Lightning.

Ang nakamamatay na atake na ito ay talaga nakasisindak lalo na sapagkat maaari itong ikamatay ng kahit sinong nasa True Spirit Realm. Kung kaya dapat silang mabahala dahil maaari nila itong ikapinsala.

Sa ganitong punto, lahat ng mga Core Disciples at kahit sina Hai Yun Master ay nag-iingat kay Zhao Feng. Kahit ang simpleng pagsuri lamang ni Quan Chen at ng kanyang mga kaibigan kay Zhao Feng, kinakabahan na sila.

Kahit malaki ang kabayaran para tawagin ang lightning na ito at 50 porsyento lamang ang tsansa niyang mabuhay, sino nga naman ba ang mangangahas na hamakin ang siraulong iyon?

"(Pag-ubo) Ang pag-uusap natin tungkol sa Lightning Wind Palm ay natatapos rito. Pagkatapos ng lahat, malalaman rin natin ang mga sikreto ni Feng'er." Inalis ng boses ng First Elder ang namumuong tensyon sa hall.

Tanging si First Elder lamang ang nakakaalam na nililinlang sila ni Zhao Feng.

Gamit ang mga paglago ni Zhao Feng, ang ikaanim na antas ay hindi mapapatawag ang 9 Clouds Lightning. Pero kahit hindi nito kayang gawin iyon, sa lahat ng ibang aspeto, mas malakas ito at napakababa lamang ng panganib na dala nito.

Bilang isang tao na nakaperpekto nito, bakit naman isasaalang-alang ni Zhao Feng ang kanyang buhay sa swerte? Kahit naman hindi niya tawagin ang 9 Clouds Lightning, darating pa rin naman ito tuwing tag-ulan o kapag may bagyo.

Ngayon, sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsubok at paghalo ng Lightning Inheritance, nakumpleto rin ang Lightning Wind Palm.

Ginamit lamang ni Zhao Feng ang kuryosidad nilang lahat at ang orihinal na Lightning Wind Palm para takutin sila.

Kahit nga si Hai Yun Master ay pinaniwalaan na rin ito.

Naniwala rin si Quan Chen at hindi na rin siya nagtataka kung bakit kukuha si Zhao Feng ng iba pang skill.

Si Zhao Feng ay naging isang pinagbabawal na pag-iral. Tila ba isa siyang bomba na sasabog kahit anong oras.

Sino naman ang mangangahas na hamakin ang bastardong ito?

Kahit si Hai Yun Master ay mababahala kung susubukan niyang patayin si Zhao Feng nang palihim.

Kahit mukhang malalaking hakbang ang ginagawa ni Zhao Feng, ang ginawa niya lang talaga ay magbukasa ng pansamantalang payong, na siyang pumpoprotekta sa kanya hanggang sa lumago na siya nang tuluyan.

Sa mga sumunod na araw.

Nagsimula na si Zhao Feng na gamitin ang kanyang mental energy skills sa mga Core Disciples gaya ng pinag-usapan nila ng Clan Master. Ang dahilan kung bakit pumayag si Zhao Feng ay hindi lamang dahil sa mga pabuya na ibibigay ng Clan,

Ang isa pang rason ay dahil sa wala siyang mga karanasan sa pakikipaglaban gamit ang mental energy.

Ngayon ang mga Core Disciples ay obligadong maging kanyang 'nabubuhay na mga tudlaan' o 'live targets', malamang ay hindi talaga siya tatanggi.

Nagsimula muna siya kay Yang Gan. Ayon sa kasunduan nila ng Clan, ang top five muna ang dapat niyang unahin.

Ang lakas ng loob, karanasan at estado ng puso ni Yang Gan ay lahat nasa pinakamataas na antas.

Ang mga ganitong tao ay may malakas na panalag sa mental energy sound attacks lalo na dahil sa mataas niyang cultivation kaysa kay Zhao Feng.

Gusto talaga tulungan ni Zhao Feng si Yang Gan.

Una sa lahat, pareho lang naman ang Master nila at hindi sila magkaaway, Ikalawa, napakalakas ni Yang Gan kung kaya hindi kailangang mag-ingat ni Zhao Feng, Kung ang magiging kalaban niya ay may mahinang loob, maaaring masaktan sila nang malubha ni Zhao Feng nang hindi sinasadya.

Ta!

Bahagyang bumulalas si Zhao Feng nang gamitin niya ang kanyang mental energy sound attack. Ang atakeng ito nagdudulot ng pinsala sa mga laman ng tao dahil sa vibration ng tunog. Bukod pa roon, dito lamang pinakapamilyar si Zhao Feng.

Habang kaharap ang mental energy sound attack, bahagyang nanginig ang anyo ni Yang Gan. Ang katotohanang nakabantay siya sa kanyang sarili ang dahilan kung bakit nasasalag niya ang atake.

"Kapatid na Yang, mag-ingat ka. Ginagamit ko lamang ang 50% ng aking kapangyarihan." Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

60%... 70%... 80%...

Nang gamitin ni Zhao Feng ang 80-90% ng kanyang kapangyarihan, naramdaman ni Yang Gan na nagsisimula nang manginig ang kanyang puso at kumulo ang kanyang dugo.

"Kapatid na Zhao, ang mental energy attack mo ay maaaring mapinsala ako lalo na kung palihim mo itong ginawa." Taimtim ang ekspresyon sa mukha ni Yang Gan.

Si Yang Gan ito. Kung iba ang kalaban niya na hindi siya o kaya si Bei Moi, agad silang mamamatay sa isang atake lamang.

Ano pa ang mas nakasisindak ay dahil sa isa itong area attack. Isa itong atake na nilinis ang buong ikalawang bahagi ng Floating Crest Trial.

Ang hindi alam ni Yang Gan ay kahit na gamitin ni Zhao Feng ang buo niyang kapangyarihan sa mental energy sound attack, sinamahan niya lamang ito ng kakaunting kabatiran nia na nasa 20-30% lamang ng kanyang Lightning Inheritance.

Nangangahulugan rin ito na kapag pinag-isa talaga ni Zhao Feng ang kanyang mga kabatiran mula sa Lightning Inheritance sa kanyang mental energy sound attack, ang kapangyarihan nito ay aabot tataas ng 50%. Sa ilalim ng sitwasyong iyon, masasaktan na talaga si Yang Gan kahit taasan niya pa ang kanyang depensa.

Ang unang mental energy attack ni Zhao Feng ay ang kanyang forte – mental sound energy attack.

Habang kinakaharap ang atakeng ito nang ilang beses, tumataas ang panangga ni Yang Gan dito.

Ang ikalawang bahagi – erosion.

Walang kahitsino ang perpekto. Lahat tayo ay may mga kamalian at kahinaan sa ating mga puso. Kung may isang taong wala nito, malamang ay santo na ito, pero ang mga santo ay sa alamat lamang nabubuhay.

Ang erosion ay sinusubukang lalo pang palalain o sirain ang mga kahinaan sa puso ng isang tao. Ang mga tinatamaan ng ganitong skill ay nawawala sa tamang pag-iisip at kung seryoso, maaari ring bumigay ang kanilang mental energy.

Sinubukang sirain ni Zhao Feng ang puso ni Yang Gan, pero ang epekto nito ay hindi halata. Pero may isang pagkakataon na nagtagumpay si Zhao Feng na pabagsakin ang depensa ni Yang Gan.

Nakakuyom na ang mga kamao nito at nakapagsalita pa rin siya habang nagngingitngit ang ngipin: "Walang kahit sino man ang makakaalis ng titulo ng Head Disciple mula sa akin, Bei Moi, Zhao Feng, malayo pa kayo sa akin… Paano ito naging posible!?"

Syempre, agad na nabawi ni Yang Gan ang kanyang kamalayan sa loob ng kalahating oras na ginagamit sa paghinga, pero sapat na ito para pagpasyahan ang laban.

"Kapatid na Zhao, ako ay…"

Malamig na pawis ang namuo sa noo ni Yang Gan.

Tumawa si Zhao Feng at sinabing: "Ayos lang iyan, wala namang kahit sino ang perpekto. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kahinaan."

Hindi na nagtanong pa si Yang Gan. Habang kaharap si Zhao Feng na sinusubukang wasakin ang kanyang puso, tumaas rin ang panangga niya rito.

Ang ikatlong bahagi ng mental energy attack – mental energy illusions.

Ang landas ng mga illusions ay napakalalim at maaari itong magamit sa maaraming aspeto gaya ng movement skills at illusion arrays.

Ang mental illusion ni Zhao Feng ay kombinasyon ng Illusion Fish Picture at ng Heart Controlling Technique.

"Kapatid na Yang… Nagsisimula na akong…" Ang boses ni Zhao Feng ay mukhang naglalaman ng pain at ang kanyang mga mata ay nagniningning nang kakaiba.

Sa segundong nakatagpo ni Yang Gan ang mga tingin ni Zhao Feng, ang kanyang ekspresyon ay nahirapan nang isang segundo bago ito bumalik sa normal.

"Ang illusion attacks ay napakalakas talaga."

Bahagyang nasorpresa si Yang Gan. Ang kapangyarihan ng mental illusions ni Zhao Feng ay naglalaman ng mga kabatiran mula sa Illusion Fish Picture.

Ang Illusion Fish Picture ay napakalalim at minsang sinabi ni Tandang Zhang na kapag naunawaan niya na ito nang buo, wala na siyang karapatang maging guro ni Zhao Feng.

Ngayon, konti na lang at mauunawaan niya na ito nang buo at ang kanyang mga mental illusions ay napakamakapangyarihan na rin.

"Hehe, gumamit lamang ako ng 30-40% ng aking kapangyarihan." Bahagyang tumawa si Zhao Feng nang gumamit na naman siya ng isa pang mental illusion.

Ang mental illusions ay nahahati sa dalawang uri. Ang unang mental illusion attack na ginawa niya at sa nakatalukbong na anyo, na nakilala ni Zhao Feng noong gabing iyon, ay nasa ganitong uri. Ang ikalawa naman ay ang mental illusion confusion.

Ang forte ni Zhao Feng ay ang ikalawang uri habang pinag-iisa ito sa Illusion Fish Picture na siyang nagpapahulog sa mga kalaban niya sa kanyang mga pansamantalang ilusyon.

Nang gamitin na ni Zhao Feng ang 60-70% ng kanyang kapangyarihan, napapatulala na si Yang Gan at ang naging tagal ng bawat tulala niya ay mula sa kalahating hininga hanggang sa maging dalawa.

Dalawang araw ang makalipas.

Ang pagsasanay ni Yang Gan kay Zhao Feng ay natapos na.

Nakita lamang ng lahat kung paano walang buhay na umaalis si Yang Gan bawat oras.

Sumunod.

Si Bei Moi, Ran Xiaoyuan, Yuan Zhi at iba pa ang naging mga live test subjects ni Zhao Feng.

Sa gulat ni Zhao Feng, napagtanto niyang ang panangga ni Bei Moi laban sa kanyang mental energy ay higit na mas mataas kaysa kay Yang Gan dahil sa kanyang Dark Water Inheritance. Hindi lamang malakas si Bei Moi sa pisikal na depensa, ang kanyang Dark Water Inheritance ay pinalago rin ang kanyang depensa ng kanyang mental energy.

Sa loob ng dalawang araw na pagsasanay, umalis rin si Bei Moi, talunan at pagod.

Ang ikatlong tao ay si Ran Xiaoyuan.

Ang ipinakita ni Ran Xioayuan ay katamtaman lamang.

Nang gamitin niya ang erosion attack, ikinagulat ni Zhao Feng ang gianawa ni Ran Xiaoyuan.

"Gusto ko si Zhao Feng… Sister, huwag mong sabihin kahit kanino." Namumula ang muka ni Ran Xiaoyuan nang agaran itong sabihin.

Ang buong proseso ay medyo nagtagal.

Umarte si Zhao Feng na tila ba walang nangyari, pero nagbigay siya ng mga dapat gawin kay Ran Xiaoyuan.

Sampung araw ang makalipas.

Ang siyam na Core Disciples ay umalis sa tinutuluyan ni Zhao Feng.

Sina Yang Gan, Bei Moi at Ran Xioayuan ay may higit na importansya na nakalagay sa kanila. Para naman sa iba, natapos sila sa loob lamang ng isang araw at kalahati. Syempre, ang mga may magandang relasyon kay Zhao Feng gaya ni Lin Fan ay maayos na itinrato.

Mula sa pagkakataong ito.

Kontrolado ni Zhao Feng ang mga kahinaan sa puso ng bawat Core Disciples at alam niya ang iba nilang mukha.

Mula noon.

Si Zhao Feng ay naging isang pag-iral na tila bawal hamunin. Lahat ng mga Core Disciples ay nababahala sa tuwing may bumabanggit ng pangalan ni Zhao Feng.

Pagkatapos ng pagsasanay, nakatanggap si Zhao Feng sa Clan ng isang pabuya na naglalamang ng isang libong low grade primal crystal stones, contribution points, spiritual pills, sandata at iba pang mga resources.

Masayang-masaya si Zhao Feng.

Sa nakalipas ng sampung araw, naging mas magaan ang paggamit niya sa kanyang mental energy at tumaas rin ang kanyang lakas.

Sa sumunod na mga oras.

Ang mga Core Disciples ay nasa seklusyon, sinusubukang lagpasan ang mga limitasyon nila.

Ngunit, mayroon na lamang silang 20 o kakaunti pang araw na natitira para lagpasan ang kanilang mga Sky, lalo na sa mga Core Disciples na nasa 5th Sky pataas.

Sa ganitong pagkakataon, parehong problema rin ang kinakaharap ni Zhao Feng. Naabot na niya ang kanyang limit sa bawat aspeto. Napakahirap na para sa kanya na lagpasan ang kahit ano.

"May distansya pa rin sa akin para matalo ko ang lahat gamit ang cultivation ko na nasa 5th Sky. Lalo na nkung ang Four Stars ay mas malakas kaysa sa isa't isa…" Pagsasapuso ni Zhao Feng.

Ano nang gagawin niya para sa natitira niyang oras?

Hindi na siyang pwedeng magsecluded meditation. Ang tuloy-tuloy na seklusyon ay nagbibigay sa kanyang ng masamang epekto. Kung gayon, isang paraan na lamang ang natitira para magpalakas.