Ang payo ni Ao Yuetian para kay Zhao Feng ay puro at walang pagpipigil.
Ang reaksyon ni Zhao Feng ay kagaya ng kay Bei Moi – walang ekspresyon at walang sagot, na para bang isa lang siyang kahoy na ulo. Ang mga disciples na nakatanggap ng payo mula kay Ao Yuetian ay tinatanggap ito gaano man ito kasama.
Kinailangan pa ngang ngumiti ng mga miyembro ng Silver Moon Clan at purihin siya.
Ang malakas ang namumuno sa mundo. Ito ang batas ng mundo ng cultivation.
Kahit umutot ang isang master, mabango ang amoy nito.
Si Ao Yuetian ay nakatayo sa tugatog ng kapangyarihan at mayroon siyang mga kwalipikasyon upang bigyan ng payo ang iba.
"Brother Zhao, Brother Bei, tama si Brother Yue. Kailangan natin itong tanggapin at dapat may matutunan tayo mula rito. Sa ganitong paraan lamang tayo lalago."
Naisip ni Yang Gan na hindi masaya sina Zhao Feng at Bei Moi kaya naman pinalakas niya ang loob nila.
Kahit naisip ng iba na mayabang si Ao Yuetian, kinailangan pa rin niylang tanggapin na may punto siya.
Subalit hindi alam ni Yang Gan na ang dahilan kung bakit hindi sumagot sina Zhao Feng at Bei Moi ay hindi dahil hindi sila masaya, ngunit masiyado silang tinatamad para sumagot.
Palaging walang ekspresyon si Bei Moi at alam niya na tama ang sinabi ni Ao Yuetian. Subalit, hindi niya gusto si Ao Yuetian dahil hinamon niya ito, subalit ang nabanggit ay masiyadong kinasuklaman ang pakikipaglaban sa kaniyang. Ito ang nagpagalit kay Bei Moi.
Para naman kay Zhao Feng. Kahit hindi niya gusto si Ao Yuetian, alam niya na hindi siya niloloko nito.
Ang Lightning Wind Palm ay talagang isang hindi pa kumpletong skill at kahit na sinubukan na itong ayusin ni Zhao Feng, hindi siya naglakas-loob gamitin ang lahat ng Lightning Inheritance para dito. Kaya naman, nagmukhang magaspang ito.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Ao Yuetian na gasgas ang pagkakagamit ni Zhao Feng sa Lightning.
Bukod doon.
Sinabi rin ni Ao Yuetian na pangit ang mental energy skills ni Zhao Feng, lalo na kapag kinumpara sa tagapagmana ng Ancient Shrine.
Gaano na ba katagal pinag-aaralan ni Zhao Feng ang mental energy skills?
Ang mga pagpapalagong ginawa niya noong ilang araw ay maikukumpara na sa ilang dekada para sa ibang mga tao. Kung nalaman nito ng mga prodigies ng Ancient Shrine, siguro ay maghahanap siya ng isang bloke ng tokwa at magpapakamatay. Ngunit hindi alam ni Ao Yuetian ang tiyak na mga bagay at ikinumpara niya ang mental energy ni Zhao Feng, na natutunan niya ng ilang mga araw, sa mga henyo ng Ancient Shrine.
"Mukhang tama nga ang lahat ng sinabi ni Ao Yuetian, ngunit hindi nais marinig ng mga tao ang katotohanan lalo na kapag sinambit ito ng walang pagpipigil."
Hinangaan ni Zhao Feng ang matatalim na mga mata ni Ao Yuetian.
Ibig sabihin nito nakita ni Ao Yuetian ang lahat ng kahinaan nila. Ang lakas at karanasan niya ay lagpas sa ibang mga tao. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpunta sa Three Clan Party.
Hindi nakapagtataka na isa siya sa mga Four Stars.
Hindi naman 'di natutuwa si Zhao Feng. Ang sinabi ni Ao Yuetian ang katotohanan, ngunit hindi alam ng nabanggit ang pinakanangyari at minaliit niya siya.
"Maaari bang mas maging tiyak pa si Brother Ao?"
Interes ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng. Nagtataka siya sa kung ano ang sinabi ni Ao Yuetian tungkol sa pagtaob sa kalaban gamit lamang ang isang tingin.
"Si Lin Tong ang pinakamisteryoso at pinakanakakatakot na tao sa Four Stars. Mayroon siyang isang kakaibang bloodline at nakapagcultivate na siya ng pinakamahalagang skill ng Ancient Shrine – ang Heavenly Absent Eye. Sa tuwing ginagamit niya ang Heavenly Absent Eye, sa isang tingin lamang ay nababaliw na ang kaniyang kalaban."
Nang banggitin ni Ao Yuetian si Lin Tong, napuno ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
"Isang tingin lamang para manalo, masiyado namang nakakatakot iyon!"
"Lubhang kakaiba, paano nagkaroon ng ganoong skill sa mundong ito?"
Sigaw ng lahat ng mga disciples.
"Walang nakakasalag sa kaniyang Heavenly Absent Eyes. Kahit ang mga nasa 7th Sky ay hindi kayang salagin ang isang tingin niya." Huminga ng malalim si Ao Yuetian.
Heavenly Absent Eyes?
Bumulong si Zhao Feng sa kaniyang puso. Kahit na natanggap niya ang Heart Controlling Technique, tiyak naman na hindi ito kasing galing ng Heavenly Absent Eyes.
Maaaring maisip ng isang tao na si Lin Tong ay nakakuha na ng mataas na level kung mental energy ang pag-uusapan.
"Kung si Lin Tong, na siyang ranked second, ay masiyado ng nakakatakot, kung ganoon gaano kalakas si Cang Yuyue, na siyang ika-una?"
Punong-puno ng paggalang ang lahat at pati nag pag-aalala sa Four Stars.
Si Ao Yuetian ay isang halimbawa. Dulo lamang ng isang tipak ng yelo ang ipinakita niya ngayon at sa Four Stars, si Ao Yuetian ang pinakahuli.
Cang Yuyue, Lin Tong, Xu Zixuan at si Ao Yuetian.
Naalala ng lahat ang apat na pangalang ito. Sa lahat ng disciples na naroroon, halos lahat sa kanila ay mayroong karapatang makilahok sa Alliance Banquet at ang maintindihan ang sitwasyon ng kalaban bago pa sila makipaglaban ay isang magandang bagay para sakanila.
Makalipas ang isang oras.
Natapos na ang oras ng pagtya-tsaa, na sumimbolo sa pagtatapos ng Three Clan Party.
"Sige, magkikita tayo makalipas ng limang buwan sa Alliance Banquet." Tumayo si Ao Yuetian at inanunsyo.
Sa iisang gabi, lahat ay nanatili sa Lin Moon Clan.
Malapit sa lawa, magkatabing naglalakad sina Zhao Feng at Zhao Yufei at sa ilalim ng liwanag ng buwan, lumalaki ang kaniyang mga anino.
Tinantsa ni Zhao Feng ang oras at napagtanto niya na labinglimang taong gulang na siya.
Sa kontinenteng ito, kapag ikaw ay labing-anim na taong gulang na ibig sabihin nito ay matanda ka na, kung saan kapag labinglimang taong gulang ka ibig sabihin ay bata ka palamang. Ngunit si Zhao Feng ay palaging kalmado at para sa iba nagbibigay siya ng pakiramdam na mas matanda pa siya sa hitsura niya.
"Big Brother Zhao Feng, sigurado ka bang ayos lang ang mata mo?"
Nasanay na si Zhao Yufei na tawagin ng ganito si Zhao Feng, kahit na bahagyang mas matanda siya kaysa sa nabanggit.
Matamlay na ngumiti si Zhao Feng at tinanggal niya ang bakal na panakip sa mata, nagpapakita ng isang purong asul na mata.
Nang makita ni Zhao Yufei ang mata na ito, nanginig ang kaniyang puso at ang bloodline power sa loob niya ay parang may naramdaman na isang bagay.
Peng Peng Peng…
Naramdaman ni Zhao Feng ang pagbilis ng dugo sa ugat ng kaniyang kaliwang mata.
Hindi nagtagal ay binalik niya na ang takip sa mata.
"Kung ganoon si Brother Zhao Feng ay may bloodline power din, gaya ni Brother Ao."
Tila ba labis na naiinggit si Zhao Yufei. Sa nakaraan, si Zhao Feng ay mayroon lamang isang normal na talento, ngunit napapataas niya ng sobrang bilis ang kaniyang cultivation na nagdulot upang magtaka siya. Ngunit ngayon, lumabas na ang kasagutan.
Hindi normal na tao si Zhao Feng – mayroon siyang isang pambihirang bloodline.
At kung titingnan, mukhang lubhang malakas ang kapangyarihan ng bloodline ni Zhao Feng.
"Wala kang dapat ika-inggit. Ang katawan mo ay mukhang naglalaman ng isang kakaibang bloodline aura, ito ang pakiramdam ko."
Ngumiti si Zhao Feng.
"Talaga?" Sigaw ni Zhao Yufei.
Sa katotohanan, mayroon din siyang kakaibang pakiramdam tungkol sa mga pagbabago sa kaniyang katawan.
Nag-usap muna ng ilang sandali ang dalawa bago bumalik.
Sa gabi.
Tinignan niya si Zhao Feng bilang paalam, kalungkutan ang lumitaw sa magandang mukha ni Zhao Yufei: "Ano ba ako para sa kaniya?"
Sa umaga ng ikalawang araw.
Ang mga miyembro ng Broken Moon Clan ay umakyat sa likuran ng Giant Golden Cang Eagle para sa paglalakabay nila pabalik.
"Mayroon pang natitirang limang buwan para sa Thirteen Clans Alliance Banquet. Lahat kayo ay kailangan ng maghanda." Maririnig ang boses ng First Elder.
Nakade-kuwatro si Zhao Feng at nagsimula na siyang magcultivate sa paglalakbay pabalik. Sina Bei Moi at Yang Gan ay mukhang apektado at ginamit nila ang kanilang oras para sa comprehension at enlightenment.
Ang Three Clan Party ngayon ay nagdulot upang mag-iba ang paningin ng dalawang Clans sa Broken Moon Clan. Ngunit si Yang Gan at ang dalawa ay naudyok ng Three Clan Party.
Ang puwersang pinadala ni Ao Yuetian sa kanila ay matindi. Hindi matanggap ni Yang Gan ang katotohanan na makakaabot lamang siya sa top twenty ng Alliance Banquet.
Para naman kay Bei Moi, siya ay galit kay Ao Yuetian. Walang taong kinasusuklaman ang pakikipaglaban sa kaniya. Si Zhao Feng ay hindi apektado rito, ngunit sinubukan niyang malaman kung ano ang direksyon na pupuntahan niya.
"Ang pinakamalaking kahinaan ko ay masiyadong mababa ang cultivation level ko." Naisip ni Zhao Feng.
Kahit na siya ang pinakabata sa Three Clan Party ngayon at maganda ang pagpapakitang-gilas niya, napigilan siya ng kaniyang cultivation.
Kaya naman, malinaw kung saang direskyon kailangang magpunta ni Zhao Feng.
Una, cultivation. Ito ang pundasyon ng lahat at ito ang pumipigil sa kaniya.
Ikalawa, ang Lightning Inheriance. Ito ang sentro ng kaniyang skills at mayroon itong malaking espasyo para sa pagpapalago.
Ikatlo, mental energy skills.
Mayroong tiwala si Zhao Feng sa ikatlo – ang talento niya sa mental energy ay masiyadong mataas.
Tiyak na ito ang forte ng kaniyang kaliwang mata. Naisip na ni Zhao Feng na pagsanibin ang kaniyang mental energy skills sa abilidad ng kaniyang kaliwang mata.
Isa sa mga Four Stars, si Lin Tong, na inensayo ang Heavenly Absent Eye, ay mayroong abilidad na makatalo ng kalaban gamit lamang ang isang tingin. Ito ay isang mental energy eye skill at naliwanagan si Zhao Feng dito.
Sa pagbalik sa Clan, dali-daling pumasok sa taimtim na cultivation si Zhao Feng. Kaharap ang tunay na entablado ng mundo, wala siyang lakas ng loob na magbasta-basta.
Sa katotohanan, hindi lamang siya ang matinding nag-eensayo, lahat ng makikilahok sa Alliance Banquet ay ginagawa rin ito.
Ang limang buwan na palugit ay hindi mahaba at hindi rin maiksi.
Para sa mga nasa Ascended Realm, bawat hakbang sa cultivation ay pahirap ng pahirap.
Ang mga kagayan nina Ao Yuetian at ni Yang Gan, na nakatungtong sa 6th Sky ng Ascended Realm, ay mahihirapang tumaas ng kahit na katiting sa cultivation.
Kumpara sa kanila, si Zhao Feng, na nasa 4th Sky pa lamang ng Ascended Realm, ay may espasyo pa sa pagpapalago.
Matapos bumalik sa Clan ng isang buwan, matagumpay nang nakaabot si Zhao Feng sa peak 4th Sky.
Matapos ang Floating Crest Trial, nakakuha ng malaking bilang ng resources si Zhao Feng at bilang isang Core disciple, binigyan din siya ng maraming kagamitan ng Clan. Lalo na sa oras ngayon, binigyan sila ng malaking tulong ng Clan.
Maaaring makapagcultivate si Zhao Feng sa Thousand Leaf Pond nang tuloy-tuloy.
Ang Thousand Leaf Pond ay nababalutan ng isang Energy Gathering Array at ang lawa mismo ay humihigop ng walang katapusang enerhiya. Mataas ang pagiging epektibo ng pagcucultivate sa Thousand Leaf Pond.
Sa isang kurap ng mata, mayroon na lamang natitirang isang buwan bago ang Thirteen Clan Alliance Bancquet at si Zhao Feng ay nakaabot na sa 5th Sky ng Ascended Realm nakaraang isang buwan. Ngunit matapos makaabot sa 5th Sky, ang progreso niya sa cultivation ay naging mahirap na.
Sa oras na ito, naintindihan na ni Zhao Feng ang 30-40% ng unang level ng Lightning Inheritance. Hindi na ito ang mga dulo-dulo ng Lightning, ngunit ito na ang kalaliman. Sa kabilang banda, ang kaniyang Lightning Wind Palm ay naging perpekto nang muli at si Zhao Feng ay nagtagumpay nang makaabot sa 6th level.
Ang 6th level ang pinakamataas na level. Ang buhay ni Zhao Feng ay hindi na napagbabantaan kapag nakaabot na siya sa level na ito at wala ng pagkakataon upang makapagpalabas siya ng lightning.
Kung mental energy ang pag-uusapan, ang Heart Controlling Technique ay tuluyan niya ng natutunan nakaraang dalawang buwan at nailipat na niya ang maliit na bilang ng librong maaaring gamitin para sa mental energy.
Cultivation, lightning inheritance, at mental energy, lahat ay nakaabot na sa pinakasiksik.
Sa araw na ito.
Lumabas na si Zhao Feng sa kaniyang taimtim na meditasyon.