Sa pagkarinig sa sinabi ni Zhao Feng, naintindihan na agad ng mga manonood kung bakit hinamon ni Zhao Yufei si Zhao Feng.
Mahirap isipin kung gaano kalakas si Zhao Feng noon upang makapag-iwan ng isang malalim na impressyon sa puso ni Zhao Yufei. Siguro ay hindi maiinditindihan ng iba ang landas ni Zhao Feng, ngunit na nasaksihan ni Zhao Yufei ang mga milagro ni Zhao Feng.
Nakita niya kung paano siya malampasan ni Zhao Feng at kahit anong gawin niya, hindi siya makahabol sakaniya.
Sa iisang henerasyon, kung kailan nagsagupaan ang mga henyo, ay nagawa ang mga alamat. Ngunit kung ang isang henyo ay masiyadong malakas, nakakapanlumo ito para sa iba.
Sa Sun Feather City at sa Guanjun Palace, si Zhao Feng ay parang ganito. Isang halimaw na nakalampas sa sunod-sunod na mga henyo ng henerasyon ngayon.
Sila Zhao Linlong, Zhao Yufei, Feng Hanyue, Nan Gongfan, Yang Qingshan at kahit si Bei Moi pa... bawat isa sa kanila ay isang prodigy noon.
Ngunit sa kasamaang palad, nasaksihan ni Zhao Yufei ang lahat ng bagay. Sa impresyon niya, ang kalmado at malakas loob na bata ay naging isang hindi matalo-talong anyo. Ngayon, lumago na rin si Zhao Yufei at ang kaniyang talento na maikukumpara na sa isang Earth Spiritual Body ay natagpuan na.
Sa pagkakita nilang muli, ang kaniyang cultivation ay nagtagumpay sa paglagpas kay Zhao Feng.
Subalit, nang magkita ang dalawa, napagtanto ni Zhao Yufei na siya pa rin ang lumang siya at si Zhao Feng pa rin ang hindi matalo-talong bata.
Nandirito ang buhol sa kaniyang puso. Bilang isang prodigy at sa pagkakaroon ng talentong maikukumpara sa Earth Spiritual Body, mayroon siyang sariling karangalan at ayaw niyang manatili pa ang buhol sa kaniyang puso.
"Brother Zhao Feng, naghintay ako ng matagal na panahon para sa laban na ito." Ngumiti si Zhao Yufei.
Kahit na sa simula pa lamang ng hamon, ang tapang at lakas ng loob niya ay umabot na sa puntong kaya na niyang pigilin ang buhol sa kaniyang puso.
Nakakahilo ang ngiti ni Zhao Yufei para sa ibang mga disciples. Ang puso ni Ao Yuetian ay bahagyang nagseselos. Bakit hindi maaaring maging siya ang buhol sa puso ni Zhao Yufei?
Maaari bang siya, na isa sa mga Four Stars, ay hindi kasing lakas ng batang iyon na nasa 4th Sky?
Pinagsisigawan ni Ao Yuetian na hindi ito patas sa kaniyang puso.
Sa puso ni Zhao Yufei, si Ao Yuetian ay hindi masiyadong malakas na tipong hindi na siya malalapagpasan.
Ganito ang katotohanan. Ang mga emosyon ni Zhao Yufei para kay Zhao Feng ay naglalaman ng paghanga, pagpupuri at kakaunting pag-asa. Kung tutuusin, walang babaeng hindi gusto ang makapangyarihang lalaki.
Ngunit ang Zhao Yufei ngayong pagkakataon ay iba sa nakaraan.
Sa ilalim ng pagmamatyag ng lahat ng tao.
Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng habang ang kaniyang asul na buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin.
Naghihintay si Zhao Yufei, kung hindi tatanggapin ni Zhao Feng ang hamon, wala siyang magagawa. Dagdag pa rito, kahit hindi gamitin ni Zhao Feng ang lahat ng lakas niya sa pakikipaglaban, hindi maayos ang buhol sa kaniyang puso.
Alam din ito ni Zhao Feng.
Nagsimulang magusap-usap ang mga disciples:
"Ano ba ang mayroon sa nakaraan ni Zhao Feng? Paanong nalagpasan niya ang Purple Smoke Goddess noon, na siyang mayroong talentong maikukumpara sa Earth Spiritual Body?"
"Ang mga Changeable Bodies ay kakaiba at bihira. Maaaring hindi pa natatagpuan ang talento ni Zhao Yufei. Dagdag pa rito, limitado ang kanilang mga pinagkukunan."
Hindi kalaunan.
"Yufei, hindi ko matatanggap ang iyong hamon." Biglang sinabi ni Zhao Feng.
Tumatangging lumaban?
Nagulat ang lahat ng mga manonood. Kahit sinong disciple ay papayag makipaglaban sa Purple Smoke Goddess. Kahit si Ao Yuetian ay payag gawin ito.
"Bakit? Natatakot ba si Brother Zhao Feng na mawawarak ang tiwala ko sa aking sarili kapag natalo ako? Huwag kang mag-alala, hindi ako ganoon kahina. Dagdag pa rito, mayroon pa akong tinirang lakas mula sa mga laban kanina." Lakas-loob na sinabi ni Zhao Yufei.
Sa pagkarinig nito, ang mga kumakatawan sa tatlong Clans ay lahat natulala.
Tinipid ni Zhao Yufei ang ilang lakas niya mula sa mga laban kanina. Hindi ba't ibig sabihin nito na ang kaniyang totoong lakas ay mas malakas pa kaysa kay Bei Moi at Mao Feng at maaaring maikumpara lamang kay Yang Gan?
"Dahil wala kang pagkakataong manalo at ngayon ay hindi ang oras para dito." Matamlay na ngumiti si Zhao Feng.
Ano!?
Nagulat ang mga miyembro ng tatlong Clans.
"Napakahambog na bastardo."
"Hehe, para siyang isang daga, masiyadong takot para lumaban."
Nagpakita ng pagkamuhi ang mga disciples ng Lin Moon Clan at nagsimulang magmura.
Nanginig ang puso ni Zhao Yufei at namutla ang kaniyang mukha nang marinig niya ito. Naintindihan niya si Zhao Feng, hindi magsasalita ng ganito ang nabanggit kung hindi malakas ang loob niya.
"Ang posibilidad ko at ang posibilidad mo na manalo ay 50-50, ngunit sa kasamaang palad... dahil sa buhol sa iyong puso, hindi ka makakapalag sa mental energy attack ko. Kung resistensya ang pag-uusapan, hindi ka man lamang magiging mas malakas sa mas mahihina sa'yo." Kalmadong pagsusuri ni Zhao Feng.
"Kasinungalingan!"
"Ignoranteng bata, sa tingin mo ba ay kaya mong maging tabla sa laban kay Yufei?" Malakas na pagsumpa ng mga disciples ng Lin Moon Clan.
Ngunit nang marinig ito ni Zhao Yufei, hindi na siya naghinala. Noon, palagi siyang natatalo kay Zhao Feng. Ang 50-50 na posibilidad ng pagkapanalo ay masiyado ng mataas para sa kaniya.
Sa kasamaang palad, ang queer mental energy attacks ni Zhao feng ay mas maraming beses na may damage laban sa kaniya dahil ang buhol sa puso ni Zhao Yufei ay si Zhao Feng mismo.
"Kaya naman ngayon ay hindi panahon para sa paglalaban natin. Paano kung... Hayaan muna natin ito hanggang sa pagdating ng Alliance Banquet sa kalahating taon?" Sa wakas ay ibinagay na ni Zhao Feng ang kaniyang kasagutan.
"Alliance Banquet. Maghihintay ako para sa araw na iyon..." Tumango si Zhao Yufei at pag-asa ang lumitaw sa kaniyang mga mata.
Ang kalahating taon ay sapat na para matagpuan niya ang paraan upang makapalag sa mental energy attack ni Zhao Feng.
.
Dagdag pa rito.
Ang Alliance Banquet ng Thirteen Clans ay ang tunay na entablado at ang Four Stars ay ang mga hindi maabot-abot na tugatog.
Mananabik ka agad kapag naisip mong makikilahok ka kasama ng mga henyong nasa tugatog ng henerasyon ngayon. Ito ang mga pangarap ng mga hindi maawat-awat na prodigies.
"Pangako."
Napahinga si Zhao Feng; nagawan niya naman ito ng paraan.
Hindi niya nais labanan si Zhao Yufei ngayon.
Kung walang buhol sa puso ni Zhao Yufei, kaya niya sanang labanan si Zhao Feng gamit ang kaniyang hindi nalalaman na bloodline power at maaaring mapuwersa ang nabanggit na gumamit ng isa sa kaniyang mga nakamamatay na galaw – ito ang isang bagay na hindi nais makita ni Zhao Feng.
Dagdag pa rito, sa oras na gamitin ni Zhao Feng ang kaniyang mental energy attack, hindi ito masasalag ni Zhao Yufei.
Ito ang katotohanan.
Kahit na huli nang nakapasok si Zhao Feng sa landas ng mental energy, alam niya pa rin ang mga pangunahing bagay tungkol dito. Kung alam niya ang kahinaan ng kalaban at gumamit siya ng isang mental energy attack, magiging matindi ang pinsala.
Nang umalis sina Zhao Feng at si Zhao Yufei, ang oras ng paglalaban ay natapos na.
Ang batang may isang mata at asul na buhok ay nagbigay ng isang misteryosong pakiramdam sa lahat ng naroroon.
Matapos ang paglalaban, hindi pa rin natapos ang Three Clan Party.
Sunod ay isang oras para sa pagtya-tsaa kung saan magbibigayan ng payo ang bawat isa.
Ang mga disciples, kabilang na sina Zhao Feng at Bei Moi, ay maraming matutunan matapos ang oras ng paglalaban. Kung tutuusin, walang tao bukod kay Ao Yuetian ang mayroong abilidad upang durugin ang lahat.
Pinangunahan ni Ao Yuetian ang mga payo dahil kung lakas, cultivation, at kaalaman ang pag-uusapan, malayo na siya sa iba. Subalit, hindi kagalang-galang si Ao Yuetian. Maaaring tiyak ang kaniyang mga sinasabi, ngunit kasabay nito ang pagiging hambog niya.
Sila Mao Feng at ang dalawa pa mula sa Silver Moon Clan ay nabigyan ng payo ni Ao Yuetian.
"Salamat sa payo ni Brother Ao, marami kaming natutunan."
Napakamapagkumbaba ni Mao Feng. Si Ao Yuetian ay isang tao na maaaring tumalo sa kaniya sa isa o dalawang galaw at kaya naman mayroon siyang karapatan na turuan siya.
Pagtapos noon.
Sinuri ni Ao Yuetian ang tatlong mula sa Broken Moon Clan.
Para kay Yang Gan, nagbigay si Ao Yuetian ng bihirang 'hindi na masama'.
"Sa lakas na mayroon si Brother Yang, maaari kang makaabot sa top twenty ng Alliance Banquet." Dagdag ni Ao Yuetian.
Top twenty lamang?
Natulala ang mga disciples. Kung tutuusin, nakakagulat ang pagpapakitang gilas ni Yang Gan at natalo pa niya si Mao Feng.
"Hmph, sa nakaraang Alliance Banquet ang 70-80% ng top twenty ay nakuha ng top 3 na Clans."
Isang senyales ng pang-iinsulto ang lumitaw sa mukha ni Ao Yuetian.
Ngumiti si Yang Gan: "Nabalitaan ko na rin ito. Ang top three Clans: Ang Cloud Sword Clan, Ancient Shrine at ang Mystic True Clan ay lahat mayroong mahahabang kasaysayan at may makakapangyarihang lakas. Sa nakaraang Stars, walang ibang Clan ang may karapatang maging ganito. Sa ngayon, si Brother Ao ay naging isang Four Stars at pinaganda ang reputasyon ng tatlong Clans natin."
Natuwa ang mga disciples ng marinig nila ito.
Ang mga disciples ng top three Clans ay lahat nakataas sa kanilang mga peak tier at hindi madali para kay Ao Yuetian ang maging isang Star.
Ang Four Stars: Cang Yuyue, Lin Tong, Xu Zixuan, Ao Yuetian."
Ang Four Stars ay nakatayo sa tugatog ng mga hindi maaawat na mga henyo ng Thirteen Clans at kailangang tanggapin ni Zhao Feng na si Ao Yuetian ay may abilidad na bantayan ang mga nakababatang henerasyon ng tatlong Clans.
Kahit gamitin niya ang mga nakamamatay niyang mga galaw, maaaring hindi matalo ni Zhao Feng si Ao Yuetian. Dagdag pa rito, bilang isa sa mga Four Stars, imposible namang walang sariling nakamamatay na galaw si Ao Yuetian?
Ang lakas na ipinakita ni Ao Yuetian sa Three Clan Party ay dulo pa lamang ng isang malaking tipak ng yelo.
Sinusuwerte nga naman, hindi naisip ni Zhao Feng na magpakitang-gilas at kinamumuhian masiyado ni Ao Yuetian na kalabanin si Zhao Feng ngayon.
Sa mga mata ni Ao Yuetian, ang Three Clan Party ay para lamang sa pormalidad at ang mga three Stars talaga ang kaniyang katapat.
Sunod.
Nagbigay ng mga payo si Ao Yuetian kina Bei Moi at Zhao Feng.
"Hindi mo pa naiintindihan ang totoo at ang mga pangunahing parte ng Water."
Malamig na tumitig si Ao Yuetian kay Bei Moi. Kahit ang mga henyo na kagaya ni Bei Moi ay mayroong mababang pagtingin. Ang nabanggit ay siyang nakatanggap ng Dark Water Inheritance, na naglalaman ng kaalaman tungkol sa Water.
Ito ang forte ni Bei Moi, ngunit masiyadong kinasusuklaman ito ni Ao Yuetian para tingnan pa ito, makikita mo kung gaano kalakas ang huling nabanggit.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi maalala na ang Moon God War ni Ao Yuetian ay naglalaman din ng mga kaalaman tungkol sa Water bukod sa moon light.
Walang ekspresyon si Bei Moi at hindi siya nagsalita. Wala naman siyang magagawa.
Sa wakas, oras na para bigyan ng payo si Zhao Feng.
"Para naman sa'yo..."
Isang malamig na ngiti ang nagpakita sa mga labi ni Ao Yuetian: "Ang Lightning ay isa mga pinakamakapangyarihang batas. Ang padalos-dalos na paggamit mo ito ay parang paglalaro ng apoy. Para naman sa mental energy skills mo, walang kuwenta ito sa harapan ng tagapagmana ng Ancient Shrine. Ang kailangan lang niya gawin ay tingnan ka para matalo ka."