Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 213 - Paglalaban (4)

Chapter 213 - Paglalaban (4)

Ang laban sa pagitan nina Bei Moi at Zhao Yufei ay isang napakagandang pagpapakitang gilas at pinataas nito ang sigla ng kapaligiran. Ang Three Clan Party ay dapat nasa huling mga yugto na nito at kadalasan sa oras na ito ay maglalaban-laban na ang mga Head disciples.

Subalit, marahang tumayo si Ao Yuetian at sinabing: "Mas masaya ang Three Clan Party ng henerasyon ngayon. Kung walang tatanggi, dito na nagtatapos ang paglalaban."

Ano!?

Ang mga miyembero ng tatlong Clans ay lahat natulala.

Bakit tinatatapos na ni Ao Yuetian ang paglalaban?

Kung siya ang namamahala, hindi ba siya lalabas upang lumaban?

Mayroong mga bahagyang pangit na ekspresyon ang mga Head disciples ng Broken Moon Clan at ng Lin Moon Clan.

"Gaano ba katindi ang pagkamuhi mo Ao Yuetian at ayaw mo kaming kalabanin?" Nagsalubong ang mga kilay ni Yang Gan.

"Ao Yuetian... Ano naman kung isa ka sa mga Four Stars? Hindi mo maaaring ipahiya ang Lin Moon Clan."

Isang ragasa ng galit ang nagmula kay Mao Feng.

Ang mga kilos ni Ao Yuetian ay parang sampal sa kanilang mga pagmumukha.

"Ao Yuetian, malamang tatanggi kami! Kung ikaw, ang pinakamagaling na Head disciple ng tatlong Clan ay hindi lalaban, paanong makukumpleto ang Three Clan Party na ito?"

Marahang lumakad palabas si Mao Feng at rumagasa ang kaniyang pagnanais lumaban.

"Ang Thirteen Clan Alliance ang tunay kong lugar na paglalabanan, hindi pa sapat ang lakas mo. Pero kung gusto mo talagang lumaban, ikaw at si Yang Gan atakihin niyo ako parehas. Sa ganitong paraan lang magiging bahagyang interesado ako." Mayabang na sinabi ni Ao Yuetian.

Sa pagkarinig nito, bigla siyang pinagmumura ng mga manonood.

"Ao Yuetian, huwag kang masiyadong hambog!"

"Ao Yuetian, pustahan tayo isa kang dagang takot na takot para lumaban?"

Sa pagharap niya sa sunod-sunod na pagmumura, hindi pa rin nagalit si Ao Yuetian: "Ayaw ko lang mag-aksaya ng oras."

"Ao Yuetian, hindi maaaring sabay kaming kalabanin ka. Subalit, kung malakas ka talaga, kung ganoon labanan mo kami ng isa-isa." Malalim na sinambit ni Yang Gan.

Ang pag-uugali ni Yang Gan ay nakapinsala sa dalawa pang Clans.

"Sige."

Kailangang magpunta ni Ao Yuetian at kalabanin sila matapos humarap sa matinding puwersa. Sa katotohanan, gusto lang niyang pasikatin ang sarili niya, ngunit hindi nahulog si Yang Gan sa kaniyang patibong.

O kung hindi ang kasikatang makukuha niya sana ay napakatindi. Isipin mo kung makakatalo ka ng dalawang Head disciples sa isahang laban?

Ang pinakamahalagang bagay ay makapagpakitang-gilas siya sa harap ng babaeng pinapangarap niya.

Sa pag-iisip hanggang dito, sumilip si Ao Yuetian kay Zhao Yufei mula sa dulo ng kaniyang mga mata, ngunit nakita niya na ang nabanggit ay nakatuon ang pansin sa tatlong disciples ng Broken Moon Clan.

Sa gitna ng kalupaan.

Dalawang prodigies ang nagharap.

Nakatayo si Ao Yuetian at ang mga kamay niya ay nasa kaniyang likuran at kahit hindi siya gumagalaw, matinding puwersa ang pinakakawalan niya.

Huminga ng malalim si Mao Feng. Nang nakaharap niya na si Ao Yuetian atsaka lang niya napagtanto kung gaano kasindak-sindak ang kalaban. Ang puwersa na mayroon si Ao Yuetian ay hindi mas mahina kaysa sa mga nasa 7th Sky.

Hindi naglakas-loob si Mao Feng na maliitin ang kaniyang kalaban at mabilis niyang nilipon ang kaniyang True Force, nagbuo ito ng isang hanay ng pilak na liwanag.

Flying Cloud Doppleganger!

Sa madilim na alapaap na gabi, kulay pilak na mga afterimages ni Mao Feng ang makikitang paikot-ikot kay Ao Yuetian.

Kung bilis ang pag-uusapan, tiyak na isa si Mao Feng sa mga pinakamabibilis sa tatlong Clans.

Sa isang iglap, napalibutan na niya agad si Ao Yuetian at isang bagyo ng pilak na liwanag ang bumalot kay Ao Yuetian.

Thousand Blade Slice!

Sa wakas ay nabuo na ni Mao Feng ang nakamamatay na galaw na ito sa pamamagitan ng pagsasama nito sa kaniyang matinding speed skill.

Nakamamatay ang skill na ito at batay sa teorya, maaari nitong hiwain ang isang tao at maging 'Thousand layered cake'.

Nanlamig ang mga puso ng mga manonood nang makakita sila ng mga linya ng pilak na liwanag papuntak ay Ao Yuetian. Subalit, hindi gumalaw ang nabanggit at nakatayo pa rin siya nang nasa likuran ang kaniyang mga kamay.

"Moon God War Body."

Isang pilak na liwanag ang kumawala sa katawan ni Ao Yuetian, na kasing linaw ng isang salamin.

"Talagang natutunan niya ang Moon God War."

"Ang Moon God War Body ay isa sa mga nakamamatay na galaw ng skill na ito."

Hiyawan ang maririnig na nagmumula sa dalawa pang Clans.

Ang Moon God War ay isang pinagbabawal na skill at katulad ito ng isang inheritance dahil naglalaman ito ng bawat aspeto – speed, power, defense. Hindi ibig sabihin ng Inheritances na malakas ka na. Ang ilang skills na nakagugulantang ay ang maaaring magdulot upang pamunuan ng isang tao ang mundo.

Moon God War Body!

Ang mga linya ng pilak na liwanag ay humiwa sa katawan ni Ao Yuetian, at ang mga pilak na liwanag, na siyang madaling kayang hiwain ang mga Low grade Mortal weapons, ay kumalat ng kaunti bago tuluyang naglaho.

Ang liwanag ng buwan na pumapalibot kay Ao Yuetian ay nagdulot upang magmukha siyang isang diyos na bumaba sa lupa.

"Napakapambihirang skill. Naglalaman ito ng mga kaalaman mula sa Moon Light, pati na rin ang flexible defense na kagaya ng 'Dark Water Inheritance' ni Bei Moi."

Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Zhao Feng.

Sa ilalim ng enhanced vision ng kaniyang kaliwang mata, mas malinaw siyang nakakakita. Dagdag pa rito, nakikitan i Zhao Feng na mayroong isang bagay si Ao Yuetian na wala ang iba at iyon ay ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline.

Ito ang dahilan kung bakit kaya niyang magcultivate ng isang pinagbabawal na skilla na Moon God War.

Hindi man lamang napinsala ng galaw ni Mao Feng si Ao Yuetian kahit na katiting.

"Talo."

Winagayway ni Ao Yuetian ang kaniyang kamay at isang maliwanag na kulay pilak na buwan ang lumabas mula sa kaniyang palad. Kahit na maganda at nakakahanga ito, ang pinsalang maaari nitong maidulot ay hindi maaaring maliitin.

Boom----

Napatalsik agad si Mao Feng ng tirang iyon at sumuka siya ng maraming dugo.

Lahat ay tulala, nahihilo.

Masiyado siyang malakas.

Si Ao Yuetian ay ang parang nagkatawan-tao ng Moon God. Ang opensa at depensa niya ay nasa tugatog.

"Gamit ang bloodline power niya upang paganahin ang isang pinagbabawal na skill. Kaya pala napakayabang niya."

Gamit ang kaliwang mata niya, nakita ni Zhao Feng na ang kapangyarihan sa loob ng katawan ni Ao Yuetian ay tumaas pa sa panibagong level.

Sa kasamaang palad, ang mga skills na nangangailangan ng bloodline power upang gumana ay hindi niya magagalit kahit na maintindihan niya ang mga ito.

Ito ay dahil si Ao Yuetian at ang kaniyang bloodline power ay magkakaibang klase.

Sa isang galaw lamang, natalo na si Mao Feng.

Makalipas pa ng ilang sandali bago manumbalik ang mga manonood sa pagkagulat nila at lahat sila ay malamig na huminga.

Dali-dali.

Umakyat si Yang Gan sa entablado. Wala siyang takot sa kaniyang mga mata – kahit na siya ay matatalo, gagamitin niya ang lahat ng kaniyang lakas. Sa ganitong paraan lamang siya lalago.

Dominant Moon Heavenly Blade.

Humawi si Yang Gan gamit ang kaniyang sinaunang gintong espada, na nagpakawala ng isang nangingibabaw na aura, at bumuo ito ng patong-patong ng blade waves.

Kumpara noong kinakalaban niya si Mao Feng, mas malakas si Yang Gan ngayon. Walang nakakaalam kung tinago ba niya ang lakas niya kanina o napiga lang ang kaniyang potensyal.

Dominant Moon Heavenly River Rage!

Sunod-sunod na dumaloy ang mga atake ni Yang Gan at nagdulot ito upang maglaho ang liwanag ng buwan sa katawan ni Ao Yuetian.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng nabanggit habang inilalabas niya ang kaniyang kamay at nagbato siya ng mga liwanag na hugis kahalating buwan patungo kay Yang Gan.

Ding Ding Dang-------

Lumipad ang mga kislap sa mahabang espada ni Yang Gan at napilitan siyang umatras.

Makalipas ang tatlong galaw.

Mayroong mga naiwang hiwa sa kaniyang katawan.

"Moon God Doppleganger."

 Naging malabo si Ao Yuetian at talong anyo ang sumusuntok kay Yang Gan nang magkakasabay.

Wah!

Napasuka bigla ng dugo si Yang Gan at nalaglag niya ang kaniyang espada.

Shua.

Ang tatlong anyo ay nanumbalik muli sa pagiging isa.

"Kung ganoon tunay ang lahat ng tatlo... Tiyak na makapangyarihan ang Moon God War."

Pinunasan ni Yang Gan ang dugo mula sa kaniyang mga labi at tinanggap niya ang kaniyang pagkatalo.

Matapos manalo ni Ao Yuetian, sinuri niya ang mga natitirang disciples.

Sa pagkakataong ito, napatunayan niya na ang mga salitang sinabi niya kanina ay hindi dulot ng kayabangan. Kailangan nilang aminin na kahit sabay pang umatake ang dalawa, mananalo pa rin si Ao Yuetian.

"Totoo ngang nararapat sa kaniya ang titulo ng pagiging top disciple ng tatlong Clans."

Tumango si Zhao Feng, may karapatan ngang maging mayabang si Ao Yuetian. Kung makakaabot ka sa level niya, talagang hindi mo bibigyang pansin ang Three Clan Party.

Pinag-aralan ni Zhao Feng na kung gagamitin niya ang kaniyang bloodline power at ang Lightning Inheritances, ang pinakamagagawa lamang niya ay labanan si Ao Yuetian hanggang sa magtabla.

Kung tutuusin, mayroon ding bloodline power si Ao Yuetian at nagcultivate siya ng isang makapangyarihang pinagbabawal na skill.

Subalit kung mas mataas lang sana ang cultivation ni Zhao Feng at kung mas lalo lamang niyang naintindihan ang Lightning Inheritance at ang mental energy techniques, atsaka lang siya magkakaroon ng posibilidad na manalo.

"Hehe, kung walang tatanggi, dito na nagtatapos ang paglalaban."

Sinuri ni Ao Yuetian ang kalupaan.

Nagdadalawang-isip si Bei Moi ngunit napagdesisyunan niyang hamunin siya. Inilabas niya ang kaniyang Gold Green Shirt na nakuha niya sa Trial.

"Kung may gusto sainyong lumaban, magkita na lang tayo sa Thirteen Clan's Alliance Banquet."

Tumanggi na namang lumaban si Ao Yuetian. Sa lakas na mayroon siya at ang pagtalo niya kay Yang Gan at Mao Feng, tiyak na may karapatan siyang tumanggi sa laban.

"Tumatanggi ako."

Isang malambot, at malinaw na boses ng isang babae ang maririnig.

Lahat ay nagtinginan at nakita na ito ang 'Purple Smoke Goddess', si Zhao Yufei.

"Oh? Ano ang tinatanggihan mo Yufei?" Nagtatakang tanong ni Ao Yuetian.

"Maagang tinatapos ni Brother Ao ang paglalaban. Hindi pa ako nakakalaban sa isang matinding tapatan." Sambit ni Zhao Yufei.

"Nais bang makipaglaban ni Yufei sa akin?"

Lumaktaw ng isang tibok ang puso ni Ao Yuetian at nagpakita siya ng isang ngiti. Matindi ang pagkasuklam niya upang lumaban sa iba, ngunit kung ang junior martial sister niya na ito ay nais makipaglaban sa kaniya, papayag siya.

Kung ang pag-uusapan ay kagandahan, talento at aura, si Zhao Yufei nga ang nababagay na babae para sa kaniya.

"Hindi, nais kong hamunin si Brother Zhao Feng." Kalmadong sinabi ni Zhao Yufei at naglakad siya papunta sa lugar na paglalabanan.

Hamunin si Zhao Feng?

Nagtinginan ang lahat ng disciples sa batang may asul na buhok at nag-iisang mata. Lubhang misteryoso ang bata, ngunit ano ang mayroon siya upang hamunin siya ng magandang dilag ng Lin Moon Clan?

Nanigas ang ekspresyon ni Ao Yuetian, ngunit hindi siya nagsalita. Ang ginawa lamang niya ay tingnan si Zhao Feng ng may nanliliit na mga mata.

"Bakit naisipan ito ni Yufei?"

Naglakad si Zhao Feng ng mayroong pagtataka sa kaniyang mukha.

Noon sa pamilya ng Zhao at sa Guanjun Palace, nakipaglaban na siya kasama ang babae ng maraming beses.

"Sa matagal na panahon, si Brother Zhao Feng ay nanatiling misteryoso at makapangyarihan sa aking puso. Nakaraang isang taon, mayroon lamang akong paghanga, pagpupuri at wala akong magawa." Bumuntong hininga si Zhao Yufei, ngunit ang kaniyang mga mata ay nagkislapan sa pagnanais lumaban.

Nanatili si Zhao Feng. Nakaramdam siya ng isang matinding pagnanais lumaban mula kay Zhao Yufei.

Komplikado ang mga emosyon ni Zhao Yufei. Nakaraang taon, ang bata sa harap niya ay tinalo siya ng paulit-ulit. Sobra niyang dinurog ang kaniyang pagmamalaki kaya't hinangaan niya siya, hindi na niya nagawang makapag-isip na pumalag.

"Sa nakaraang kalahating taon, labis na tumaas ang lakas ko at naniniwala ako na mayroon akong lakas ng loob upang hamunin kahit sino, gaano man sila kalakas. Ngunit magmula makita ko si Brother Zhao Feng, napagtanto ko na ang desperadong pakiramdam ko ay nandirito pa rin." Naging bahagyang mapait ang boses ni Zhao Yufei, ngunit mas tumindi ang pagnanais niyang lumaban sa kaniyang mga mata.

Sa pagkarinig nito, mayroong mapanimdim na mga ekspresyon sila Ao Yuetian at ang iba pa.

"Mukhang ako ang buhol na lubid sa iyong puso. Upang maayos ang buhol na ito at magkaroon ka ng paniniwala at lakas ng loob upang hamunin ang kahit sino, kailangan mo akong talunin."

Nakita na agad ni Zhao Feng kung ano ang problema.