Sa pagkakita na parehas sina Meng Yun at Li Hong na ayaw umalis.
"Paano kung sabay kayong umatake sa akin? Para mas kaunti ang abala." Pasimpleng sinabi ni Zhao Feng.
"Huwag kang masiyadong mayabang!"
"Bata, alam mo ba kung gaano kataas ang kalangitan?"
Nagalit sina Li Hong at Meng Yun nang marinig nila ito.
Ang mga salita ni Zhao Feng ay ikinagulat ng mga manonood. Nakakita na sila ng mga mayayabang na tao, ngunit hindi ganito kayabang.
Isang hampaslupang cultivator na nasa 4th Sky ay humamon sa dalawang disciples na nasa 5th Sky.
Siyempre.
Kahit gaano pa kakapal ang mga pagmumukha nila, hindi pupwedeng sabay na umatake sina Meng Yun at si Li Hong, kahit na gustuhin pa ito ni Zhao Feng.
Naisip nila na walang pagkakataong manalo si Zhao Feng, kaya't nasabi niya ito.
"Aye, nagiging mabait lang ako."
Halos dumura ng dugo sina Meng Yun at si Li Hong, hindi talaga alam ng batang ito kung ano mas nakabubuti para sa kaniya.
"Meng Yun, bumalik ka rito. Hindi ka pa ba nahihiya?" Malamig na pagsita ni Ao Yuetian ng mayroong isang madilim na ekspresyon.
Naramdaman niyang ipinahihiya na ni Meng Yun ang Clan sa pagkampi niya sa isa pang cultivator na nasa 5th Sky upang mang-alipusta ng isang 4th Sky disciple.
"Opo, Brother Ao."
Hindi na naglakas-loob sumagot si Meng Yun at siya ay bumalik.
Si Ao Yuetian ay parang emperador, ang kasikatan niya ay kalat pati sa Thirteen Clans. Sa lugar na pinaglalabanan, sina Li Hong at Zhao Feng na lamang ang natira.
Pinigil ni Li Hong ang pananabik sa kaniyang puso. Ito na lamang siguro ang laban na maaari niyang maipanalo.
Sumabay sa ihip ng hangin ang buhok ni Zhao Feng at nagbigay ito ng isang kakaibang aura. Naramdaman ni Li Hong ang pagyanig ng kaniyang kaluluwa habang nakatitig sa kaniya ang unang nabanggit.
"Brother Li, tanggapin mo na ang pagkatalo. Hindi kita katapat."
Isang hindi makitang alon ng metal energy ang sumunggab patungo sa puso ni Li Hong.
"Ikaw..."
Nanigas ang katawan ni Li Hong.
Sa sumunod na saglit, nakaramdam siya ng walang hanggang bilang ng mga arko ng kidlat na bumaba mula sa alapaap at yumanig ang mundo, naging impyerno ito.
Nang magbalik si Zhao Feng sa Clan, mas lalo pa niyang naintindihan ang Lightning Inheritance. Kaya niya na ngayon pagsamahin ang ilan sa mga Lightning Inheritance papunta sa kaniyang mental energy at nagbigay ito ng hindi kapani-paniwalang kapangyarihan.
Hindi maganda!
Sa oras na nahulog si Li Hong sa ilusyon, nakaramdam siya ng pagragasa ng hangin.
Bam!
Pinatalsik siya ni Zhao Feng sa isang sipa lamang.
Hua!
Nagkagulo ang mga disciples. Anong nangyari?
"Oh, kung ganoon isa itong mental energy skill. May alam ang batang ito sa mga kakaiba at pambihirang teknik."
"Kahit na kakaiba ito, hindi pa rin ito masasalag ng isang tao. Ang Ancient Shrine, ranked 2nd sa Thirteen Clans ay isang halimbawa."
Nagpalitan ang mga nakatataas ng tatlong Clans. Sa puntong ito, kaawa-awang nakaupo si Li Hong sa sahig.
"Salamat." Walang ganang sinabi ni Zhao Feng.
Ang mga nasa Silver Moon Clan ay mayroong pangit na mga ekspresyon. Kahit si Zhao Feng, na mayroong pinakamababang cultivation, ay ganito kalakas – natalo si Li Hong ng walang pag-aalinlangan.
"Mental energy technique..." Nanahimik si Ao Yuetian.
Bigla niyang naalala si 'Lin Tong', isang taong ranked second sa Four Stars. Sa lahat ng Four Stars, ang pinakamisteryosong tao ay walang dudang si Lin Tong.
Nagmula siya sa Ancient Shrine at mayroon siyang isang kakaibang bloodline na nagdulot upang makapagcultivate siya ng pinakamahalagang skill sa Anciend Shrine – ang 'Heavenly Absent Eyes'.
Sa tuwing itinutuon ni Lin Tong ang kaniyang 'Heavenly Absent Eyes', kadalasan ay napapatay niya ang kalaban sa isang galaw lamang.
Ilan sa mga henyong natalo ni Lin Tong ay nagkaroon ng wasak na mental energy at nababaliw sila. Ang mga hindi nababaliw ay nagkakaroon ng isang malalim na imahe ni Lin Tong na naiiwan sa kanilang mga puso.
Kahit si Ao Yuetian, na naglakas-loob hamunin si Can Yuyue, ay hindi basta-basta hinamon si Lin Tong, dahil ang huling nabanggit ay labis na pambihira at ang kaniyang mga atake ay mahirap depensahan.
Si Zhao Feng na nasa harapan niya ay mental energy din ang forte.
Siyempre, hindi niya papansinin si Zhao Feng dahil para lang itong larong pangbata sa kaniyang paningin. Ang Four Stars ang pinakatuktok ng tore at nalagpasan na nila lahat ng ibang prodigies.
"Sino pa ang gustong makipaglaban sa akin?"
Ngumiti si Zhao Feng kay Meng Yun. Ang huling nabanggit ay nanigas ngunit tumayo pa rin siya.
Naniwala siya na ang kaniyang puso't isipan ay malakas – kaya naman, hindi siya takot kay Zhao Feng.
Hangga't hindi siya natatakot sa mental energy ng kalaban niya, madali lamang magtagumpay.
"Brother Zhao, inaamin kong minaliit kita, ngunit 'wag mong isipin na matatalo mo ako sa iisang paraan." Malamig na humagikhik si Meng Yun.
"Hehe, ganoon ba? Hindi ako naniniwala." Matamlay na tumawa si Zhao Feng at ang kakaibang aura na nakapalibot sa kaniya ay mas lumakas pa.
Nag-aalalang pinrotektahan ni Meng Yun ang kaniyang isipan, sunod ay nag-iwan siya ng mga afterimages sa himpapawid bago lumukso patungo kay Zhao Feng.
Sa peak 5th Sky, ang battle power ni Meng Yun ay hindi dapat maliitin.
Ta!
Sigaw ni Zhao Feng at siya ay nagpadala ng isang alon ng mental energy na kasing lakas ng kulog patungo kay Meng Yun. Kahit na mabilis ang huling nabanggit, hindi pa siya kasing bilis ng naiisip niya.
Boom!
Nanginig ang anyo ni Meng Yun at kumulo ang kaniyang dugo. Namutla ang kaniyang mukha at isang guhit ng dugo ang lumitaw sa kaniyang mga labi.
Nagulat ang mga disciples mula sa tatlong Clans. Kahit ang mga nakatatandang henerasyon ng mga Clans ay nasurpresa – hindi nila inakalang ganito kalakas ang mental energy technique ni Zhao Feng.
Tama si Li Fuji – ang mental energy ang tunay na talento ni Zhao Feng. Dagdag pa rito, ang mga atake ng mental energy ni Zhao Feng ay naglalaman ng mga kaalaman mula sa Lightning Inheritance. Tuluyan ng nakapasok si Zhao Feng sa unang palapag ng Lightning Inheritance.
Paano naging posible ito?
Nanggigigil na iwinagayway ni Meng Yun ang kaniyang pamaypay at nagpadala siya ng isang alon ng pilak na hangin kay Zhao Feng.
Nanatili lamang si Zhao Feng at hindi niya sinubukang umalis o umiwas. Sa halip, isang malamig na hagikhik ang maririnig mula sa kaniya.
Lightning Wind Palm!
Biglaan niyang itinulak palabas ang kaniyang palad na nagdulot upang sumabog ang kulog at nagpakita ang mga arko ng kidlat na parang sapot ng gagamba.
Sa segundong ginawa niya ang galaw na ito, nagbago ang mga ekspresyon ng mga Elders ng tatlong Clans.
"Siguro ay naabot niya na ang fifth level ng Lightning Wind Palm, na maaaring maikumpara sa tugatog ng skill na ito." Sigaw ni First Elder.
Sa isang iglap, nasira ang Piercing Moon Wind-Carrying Stance ni Meng Yun at napalibutan ng mga arko ng kidlat ang kaniyang katawan.
Sunod ay nawalan siya ng malay.
Plop.
Nakita ng lahat ang pag-agos ng dugo mula sa tenga, ilong at mga mata ni Meng Yun bago siya hinimatay.
"Brother Meng." Ilang mga disciples ng Lin Moon Clan ay nagsipuntahan sa harap upang tumulong.
Nanatili lamang si Zhao Feng sa madilim na gabing alapaap. Ang hinahangin niyang buhok at nag-iisang mata ay ikinayanig ng puso ng bawat isa at nagdulot upang magtayuan ang kanilang mga balahibo.
Nakakatakot ang batang ito.
Naisip ng mga disciples ng tatlong Clans.
Hindi nila inakalang ang pinakanakakatakot na tao ng Broken Moon Clan ay si Zhao Feng, na siyang mayroong pinakamababang cultivation.
At hindi lamang mayroong mental energy si Zhao Feng, mayroon din siyang matinding battle power. Makikita ito mula sa palad na ginamit niya upang patalsikin si Meng Yun.
Nais mandurog nina Li Hong at Meng Yun ng malalambot na kamagong (isang malalim na kasabihan sa pagpili ng mahihina), ngunit sa halip ay nakatapak sila sa isang nakatanim na bomba.
"Sino pa?" Sinuri ng paningin ni Zhao Feng ang lipon ng mga tao.
Ang tatlong Core disciples ng Silver Moon Clan ay tahimik. Walang masiyadong pag-asang manalo si Shang Guanyu at si Mao Feng ay kalalaban pa lamang, nagkonsumo siya ng maraming enerhiya. Kung matatalo siya sa isang batang nasa 4th Sky ng Ascended Realm... lahat ng nasa Silver Moon Clan ay walang maipapakitang mukha.
"Upang panatilihin ang pagiging patas, ang bawat isa ay makakalaban lamang ng dalawang sunod-sunod na laban." Biglang sinabi ni Ao Yuetian.
Ang patakarang ito ay nagpipigil sa ibang mga tao sa tuloy-tuloy na paglaban na ikakapagod nila.
"Sige." Tumango si Zhao Feng at naglakad palayo.
Sa pag-alis ni Zhao Feng, nagpasikat na ang lahat ng mga tatlong Core disciples ng Broken Moon Clan. Ngayon, nahugasan na ng Broken Moon Clan ang lahat ng mga kahihiyan sa nakaraan.
"Zhao Feng, mukhang nakaabot na sa 5th level ang Lightning Wind Palm mo, isang level bago ang pinakamataas?"
Nagningning ang mga mata ni Hai Yun Master tila ba siya ay nagtataka.
Halatang alam ni Zhao Feng kung ano ang ibig sabihin niya. Ang mga taong nag-ensayo ng Lightning Wind Palm hanggang sa pinakamataas na level nito ay lahat namatay.
"Maaaring abutin ako ng isa o dalawang taon hanggang sa maabot ko ang 6th level." Walang ekspresyong sinambit ni Zhao Feng.
Ang kaniyang Lightning Wind Palm ay naging perpekto na hanggang sa 7th level. Kasabay nito, ang orihinal na 5th level ay labis na mas malakas kaysa noon, simula ipinagsama ni Zhao Feng ang mga natutunan niya mula sa Lightning Inheritance. Hindi lang iyon, ang paggamit at daloy nito ay mas naging maayos.
Mukhang hindi ito alam ni Hai Yun Master at naisip niya: "Mukhang pineperpekto ng Zhao Feng na ito ang Lightning Wind Palm, hindi ko lang alam kung mabubuhay o mamamatay siya kapag narating niya ang 6th level."
Kung mamatay si Zhao Feng dulot ng Lightning Wind Palm, halatang mas gagaan ang pakiramdam niya.
Nagpatuloy ang paglalaban.
Pagtapos nito, nagsagupaan na ang Lin Moon Clan at ang Silver Moon Clan.
Hinamon ni Shang Guanyu si Zhao Yufei, na mayroon ding Inheritance. Si Zhao Yufei ay nakaabot nasa peak 5th Sky at nakakuha rin siya ng Inheritance sa trial.
Matapos makipagpalitan ng dalawapu o higit pang mga galaw, gumamit si Zhao Yufei ng paraan na kagaya ng kay Bei Moi upang matalo si Shang Guanyu.
"Anong Inheritance ang natanggap ni Yufei?" Mukhang hindi makahanap ng halatang sagot si Zhao Feng.
Ang movement skill ni Zhao Yufei ay katulad noon – maliksi at magaan, kagaya ng illusion fish technique ni Zhao Feng.
Kung opensa ang pag-uusapan, matalim at maliksi ito. Kung depensa ang pag-uusapan, maaari rin itong ituring na malakas, o kung 'di hindi nito magagawang salagin ang sunod-sunod na mga atake ni Shang Guanyu. Ngunit sa kabuuan, hindi ito itinuring na espesyal ni Zhao Feng.
Matapos manalo, nagpatuloy si Zhao Yufei sa paghamon kay Bei Moi.
Inheritance laban sa Inheritance.
Ang bilis at ang mga atake ni Zhao Yufei ay kaaya-aya pa rin at maganda itong tingnan.
Nagsusuri pa rin si Zhao Feng gamit ang kaliwa niyang mata at nakita niya na malinaw at puro ang true force sa loob ni Zhao Yufei – sumanib na rin ito sa kaniyang dugo kaya naman kapag nagamit, magaang dumadaloy ang lahat.
Nagpalitan ng ilang daang galaw sina Zhao Yufei at Bei Moi at lumaban sila hanggang sa magtabla.
Napilitang dumepensa si Bei Moi sa kabuuan ng laban, ngunit dahil ang kaniyang forte ay depensa, hindi siya natalo. Nagtabla ang dalawa matapos ang ilang daang galaw.
Mukhang may napansin si Zhao Feng, ang Inheritance na natanggap ni Zhao Yufei ay dapat na isang supporting type. Kasabay nito, naramdaman niya na hindi normal ang bloodline ni Zhao Yufei o kung hindi naman paanong ganito kapuro at kalinaw ang kaniyang true force? Dagdag pa rito, puno pa rin ng enerhiya si Zhao Yufei at ito ay makalipas na ng dalawang laban.
Bahagyang nalungkot si Zhao Yufei, ninais niyang hamunin si Zhao Feng o si Yang Gan pagkatapos, ngunit napagtanto niya na lumaban na siya ng dalawang sunod-sunod na laban.