Ang laban sa pagitan nina Meng Yun at Bei Moi ay iisang panig lamang. Si Meng Yun, na nakaabot ng peak 5th Sky, ay natalo lamang sa loob ng ilang galaw.
Sa puntong ito, ang mga disciples ng tatlong Clans ay natulala. Ang dahilan kung bakit sila ay natulala ay hindi lamang dahil sa kung gaano kalakas si Bei Moi. Dahil rin ito sa Broken Moon Clan mismo.
Sa tuwing gaganapin ang Three Clan Party, ang Broken Moon Clan ang huli at simula sa henerasyon ni Hai Yun Master, wala ng kahit sinong nangingibabaw na mga henyo.
"Ang inheritance na natanggap niya ay hindi basta-basta." Nagpalitan ng tingin ang Clan Master at ang mga Elders ng Broken Moon Clan.
Ang Three Clans ay lahat may kani-kaniyang lugar sa trial at bihira ito para sa isang tao na makatanggap ng isang inheritance . Kadalasan, isa lamang sa loob ng daan-daang taon ang makatatanggap ng inheritance , ngunit sa henerasyon ngayon ang bawat Clan ay mayroong isang taong nakatanggap ng inheritance .
Subalit kahit ganoon, may pagkakaiba-iba pa rin sa mga inheritance . Halata na ang Dark Water Inheritance ni Bei Moi ay isang napakamapangyarihang inheritance at ayon sa mga salita ni Hai Yun Master – isa ito sa mga pinakamagagandang inheritance sa Floating Crest Palace.
"Ang Broken Moon Clan ay mayroong isang nakamamatay na tao ngayong henerasyon." Lubhang nagbago ang ekspresyon ni Mao Feng.
Ang lakas na ipinakita ni Bei Moi ay sobrang lakas na kahit siya ay nawalan ng lakas ng loob na manalo.
"Ako naman." Ang sword-user na may kulay pilak na kapang katabi ni Mao Feng ay nagsalita sa isang mababang boses.
"Shang Guanyu, mag-ingat ka." Babala ni Mao Feng.
Kahit si Shang Guanyu ay ranked third sa Silver Moon Clan disciples, nakatanggap na siya ng isang Inheritance at kung battle prowess ang pag-uusapan, mas magaling pa siya kaysa kay Li Hong.
"Brother Bei, mag-ingat ka."
Kasingtalim ng espada ang tingin ni Shang Guanyu at isang hindi nakikitang katulisan ang lumitaw mula sa kaniya.
Jiang!
Isang malamig na kislab ang tumusok sa hangin papunta kay Bei Moi.
Ang nag-iisang espada na iyon ay parang kidlat sa gabi. Taimtim ang ekspresyon ni Bei Moi, hindi niya naisip na makakatapat siya sa isang tao na ang forte ay espada.
Hindi espada ang espesyalisasyon ng tatlong Clans, ngunit sa buong kontinente, ito ay lubhang kilala. Kahit ngayon ay marami pa ring sword Inheritances.
Ang forte ng espada ay opensa. Naniniwala sila na ang isang espada ay kayang wasakin ang sampung libong mga teknik.
Mula sa aura na pinakakawalan ng sword strike ni Shang Guanyu, malalaman mo agad na isa itong bagay na hindi masasalag ng mga cultivators na nasa 5th Sky.
Dark Water Mountain!
Huminga si Bei Moi at ang kulay madilim na asul na tubig sa paligid niya ay tumaas, na para bang isa itong sampung libong bigat na bundok. Ang mga nasa parehas cultivation gaya ni Bei Moi ay mapipilitang sumuka ng dugo.
Bahagyang huminto ang anyo ni Shang Guanyo bago mahati ng malamig na espada ang Dark Water Mountain ni Bei Moi. Ngunit kahit ganoon, siya mismo ay napaatras din ng ilang hakbang.
"Grabeng napakalakas na opensa!" Sigaw ng mga miyembro ng mga tatlong clans.
Ang forte ng Inheritance ni Bei Moi ay halatang depense, samantalang ang forte naman ng sword Inheritance ni Shang Guanyu ay opensa.
Sa lugar ng pinaglalabanan, ang dalawang anyo ay nagpalitan ng galaw at sumunggab ng sumunggab ang mga sword strikes ni Shang Guanyu.
"Nakakainis talaga ang mga sword cultivators." Bulong ni Ao Yuetian nang may naalala siya.
Sa lakas niya, malamang ay hindi man lang niya binigyan ng pansin si Shang Guanyu.
Ngunit mayroong isang henyo sa labing tatlong clans na mayroong isang tatlong talampakang taas na espada at may titulong 'One sword slaying the Heavens'.
Ibig sabihin nito na ang isang sword strike ay kayang tumalo sa lahat ng mga henyo ng henerasyon na ito. Ang taong iyon ay isang babae. Ngunit gamit ang kaniyang isang espada, dinurog niya ang bawat lalaki sa kaniyang mga paa.
Bawat pagkakataon, natatalo niya si Ao Yuetian. Siya si Cang Yuyue, ang Head ng Four Stars at nagmula sa 'Cloud Sword Caln', na ranked 1st sa Thirteen Clans.
Si Shang Guanyu ay kagaya ni Cang Yuyue sa kung paano sila nagsanay ng espada.
Ang opensa ni Shang Guanyu ay kaya pang maging banta sa mga nasa 6th Sky at si Bei Moi ay hindi magawang makalamang sa maikling panahon.
"Brother Zhao, ano sa tingin mo ang pagkakataon ni Bei Moi na manalo?" Tanong ni Yang Gan.
"Mananalo si Brother Bei. Ang kaniyang Dark Water Inheritance ay nag-eespesyalisa sa depensa, samantalang ang mga sword cultivators ay nakatuon sa kataliman. Kung hindi sila magtatagumpay sa hindi kalaunan, babagsak ang opensa nila." Lakas-loob na sinabi ni Zhao Feng.
Sa pagkarinig nito, tumango sina First Elder at Yang Gan. Hindi lamang si Zhao Feng ang may ganitong pagdidikta.
"Dark Water Reversing Wave."
Ang maitim na tubig na bumabalot kay Bei Moi ay biglang tumibok at sumabog palabas, at nasira nito ang atake ni Shang Guanyu.
Napaatras ang nabanggit ng sampung yarda at hiningal siya.
"Salamat." Sinabi ni Bei Moi ng walang emosyon, na para bang normal lamang ito.
Pagtapos matalo ang dalawa, tumingin siya kay Mao Feng. Hinahamon ang Head disciple.
Nagbago ang mga ekspresyon ng bawat disciple.
Kung hinamon ni Bei Moi si Mao Feng at siya ay nanalo, ibig sabihin nito na ang buong Silver Moon Clan ay nadurog ni Bei Moi.
"Sige."
Marahang tumayo si Mao Feng.
"Brother Bei, kumunsumo ka na ng maraming enerhiya sa dalawang laban na iyon. Hayaan mong ako naman."
Kumislap si Yang Gan sa gitna ng kalupaan.
Hindi na pumalag si Bei Moi at lumakad siya pabalik sa lugar ng Broken Moon Clan ng walang ekspresyon.
Tumango si Hai Yun Master, ang pagpapakitang gilas ni Bei Moi ay nagpataas ng reputasyon niya.
Sa puntong ito, sa lugar ng paglalabanan.
Ang sagupaan sa pagitan ng mga Head disciples ay nagdulot ng kaguluhan.
May hawak si Yang Gan na isang mahabang sinaunang gintong espada, na puno ng pangingibabaw, na para bang tumataas ang isang mamumuno. Ang lakas ni Yang Gan ay ikinagulat ng ibang mga disciples.
Nasurpresa rin si Zhao Feng. Hindi niya inasahan na tumaas ng ganito ang lakas ni Yang Gan matapos ang trial.
Isang mayabang na ekspresyon ang ipinakita ni First Elder.
Mayroon na agad magandang comprehension at talento si Yang Gan. Sa pamamagitan ng trial, labis na tumaas ang kaniyang battle ability. Dagdag pa rito, ang puwersang dulot nina Zhao Feng at Bei Moi ang nagtulak sa kaniyang potensyal.
Sa isang galaw lamang, naging lamang na agad si Yang Gan. Ang kaniyang blade ay puno-punong ng kabanalan at pangingibabaw.
Makalipas ang dalawampung galaw, bahagyang hinihingal na si Mao Feng at tulalang-tulala: "Anong problema sa Broken Moon Clan ngayon? Mukhang malakas si Bei Moi, ngunit dahil lang ito sa natanggap niyang Inheritance. Paanong ang isang Head disciple ay mayroon ding hindi kapani-paniwalang lakas?"
"Napakalakas." Bulong ni Bei Moi sa kaniyang sarili.
Pagtapos makatungtong sa 5th Sky, nais niya nang hamunin si Yang Gan. Sa hitsura ng mga bagay ngayon, ang pagkakaton niyang manalo ay hindi lalagpas sa 20% at ang tabla ay nasa 40% bilang pinakamataas.
Kinailangang tanggapin ni Zhao Feng na si Yang Gan ang tunay na may karapatan na maging isang Head disciple. Sa normal na sitwasyon, kung wala ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline o ang matinding paggamit ng Lightning Inheritance, talagang hindi siya ang katapat ni Yang Gan. Kung tutuusin, wala siyang solidong depensa gaya ni Bei Moi at kulang siya sa cultivation.
Makalipas ang tatlumpung galaw, napaatras ni Yang Gan si Mao Feng gamit ang blade at nag-iwan siya ng isang linya ng dugo sa mukha ng nabanggit.
"Talagang malakas si Brother Yang. Tiyak na hindi ako ang iyong katapat."
Hindi masiyadong nalungkot o nalugmok si Mao Feng dahil ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya, ngunit ang pagkakaiba sa pagitan nila ni Yang Gan ay masiyadong malaki.
Nagkonsumo rin ng maraming enerhiya si Yang Gan matapos ang laban at nagdesisyon siyang magpahinga na. Sa kaniyang level, ang taong maaari niyang hamunin ay si Ao Yuetian at kinailangan niyang mapunta sa kaniyang peak state upang magawa ito.
"Ayos lang ang lakas nila. Akala ko ay mawawalan ako ng pagkakatong makalaban ngayon." Hindi itinago ni Ao Yuetian ang kayabangan sa kaniyang boses.
Hindi man lamang niya binigyang pansin ang Three Clan Party. Ang layunin niya ay ang Alliance Gathering, kung saan ang kaniyang magiging mga kalaban ay sila Cang Yuyue, Lin Tong, Xu Zixuan, at ang iba pang three Stars.
Matapos umalis ni Yang Gan, naging kakaiba na ang paligid.
Ang lakas na ipinakita ng Broken Moon Clan ay masiyadong nakasisindak at dinurog nila ang Silver Moon Clan.
Nawalan na ng ganang lumaban ang Silver Moon Clan. Bahagya ring pumangit ang ekspresyon ni Meng Yun.
Hindi man lamang niya pinansin ang mga disciples ng Broken Moon Clan nang binati niya sila, ngunit sina Bei Moi at Yang Gan ay madali lamang siyang matatalo.
Sa puntong ito.
Ang kapangyarihan ng Broken Moon Clan ay nagdulot upang mag-alala ang dalawa pang Clans.
"Feng'er, hindi ka ba magpupunta?" Sambit ng First Elder.
Ang kaniyang mga salita ay nagdulot upang magbigay ng kakaibang tingin ang mga miyembro ng Broken Moon Clan sa kaniya.
Sa tatlong kumakatawan, si Zhao Feng ang pinakamisteryoso at kahit si First Elder ay hindi nalalaman ang lahat.
Hmm?
Nagliwanag ang mga mata ni Meng Yun at ng mga disciples ng Silver Moon Clan.
Tama iyan.
Siguro nga ay malakas ang Broken Moon Clan ngayon at si Yang Gan ay si Bei Moi ay hindi dapat alipustahin. Ngunit ang Broken Moon Clan ay mayroon ding kahinaan.
Ang disciple na ito na nasa 4th Sky ay maaaring magkaroon ng mataas na rank sa loob ng Clan, ngunit hindi pa ito sapat sa Three Clan Party.
"Hmph, kailangan kong piliin ang pinakamadali at ipakita sa lahat kung gaano kakapangyarihan ang Lin Moon Clan."
Ginawa na ni Meng Yun ang kaniyang desisyon. Dagdag pa rito, ang relasyon sa pagitan nina Zhao Feng at ni Zhao Yufei ay ikinaselos niya.
Sa kabilang banda.
"Kayong dalawa, umalis na kayo at hamunin si Zhao Feng at ipanalo niyo ang kahit isang round para sa Silver Moon Clan." Bulong ni Mao Feng.
Tumango sina Shang Guanyu at si Li Hong nang marinig nila ito.
Talagang natalo na ang Silver Moon Clan ngayon ng Broken Moon Clan.
Subalit ngayong oras.
Lumakad si Zhao Feng patungo sa lugar ng paglalabanan ayon sa 'pagpapalakas ng loob' ni First Elder sa kaniya.
Bago pa siya makapagsalita, sina Meng Yun at Li Hong ay parehas na lumakad ng magkasabay.
Bw*sit anong nangyayari?
Tumigil si Zhao Feng. Bakit labis ang pagsalubong sa kaniya?
"Ano, nais din bang makipaglaban ni Brother Li Hong sa kaniya?" Tumawa si Meng Yun.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa at alam na agad nila kung ano ang iniisip ng isa't isa.
Ang mga miyembro ng tatlong Clans ay huminto muna bago nagkaintindihan.
Hindi sila mangmang, ang Three Clan Party ang kumakatawan sa mga mukha ng tatlong Clans. Gagawin ng bawat manlalahok ang lahat ng magagawa nila upang manalo.
Kung hindi man lamang manalo ng isang round ang isang tao, gaano katinding kahihiyan ito?
"Tama 'yan, lubos din akong nagtataka tungkol kay Brother Zhao."
Bahagyang naging pula ang mukha ni Li Hong.
"Parehas tayo." Umubo si Meng Yun.
Mukhang walang intensyong umalis ng dalawang ito – makapal masiyado ang kanilang mga pagmumukha.
Kahit ang mga Clans ay nahiya. Sina Yang Gan at Bei Moi lamang ang mayroong natuwang mga ekspresyon.