"Siya iyon..."
Nagpalitan ng tingin sina Zhao Feng at Bei Moi at natiyak nila na ang Purple Smoke Goddess ay si Zhao Yufei nga, na siyang umalis ng araw na iyon noong sila ay nasa Guanjun Palace pa.
Sa loob ng kalahating taon, ang kaniyang orihinal na kagandahan ay mas lalo pang naging kaakit-akit. Ang bawat galaw at ngiti niya ay punong-puno ng bighani. Nang bumalik si Zhao Feng sa pamilya ng Zhao, sinabi sa kaniya ng pamilya ng Zhao kung gaano naging kamangha-mangha si Zhao Yufei.
"Noong magbalik si Sister Yufei, para bang diyosa siya. Kahit si Qiu Mengyu, ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City, ay mas mababa sa kaniya kung hitsura ang pag-uusapan."
Sa pag-iisip tungkol sa sinabi ng pamilya ng Zhao, sa tingin ni Zhao Feng ay hindi itong isang pagmamalabis.
Si Zhao Yufei ay isang prodigy na may talentong maaaring maikumpara sa Earth Spiritual Body at nakatanggap siya ng isang inheritance . Kahit ang walang ekspresyon na si Bei Moi ay napasigaw, hindi matanggap ang katotohanang ito.
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng at naalala niya kung ano ang nangyari nang subukan ni Zhao Yufei ang kaniyang talento.
Sa oras na iyon, ang kulay ng bola ay iba pa at naisip ni Lord Guanjun na ang talento ni Zhao Yufei ay kakaiba. Mukhang mayroon ding isang Changeable Body si Zhao Yufei, at mas malakas pa ito kaysa kay Sun Yuanhao.
"Yufei, ito ang mga kaibigan natin mula sa Silver Moon Clan..." Nagsimula ng ipakilala ni Meng Yun ang bawat isa.
Kung estado ang pag-uusapan, ang Silver Moon Clan ay mas mataas kaysa sa Broken Moon Clan, kaya naman nagsimula siya kay 'Mao Feng', ang head disciples ng Silver Moon Clan.
Pakiramdam ng mga naipakilala na bumilis ang pagtibok ng kanilang mga puso. Ang babae sa harapan nila ay nakatanggap ng isang inheritance at siya ang may pinakamataas na talento sa kanilang lahat.
Pagtapos ipakilala ang mga tao mula sa Silver Moon Clan.
Tumingin ang mga mata ni Meng Yun patungo sa tatlo mula sa Broken Moon Clan at walang kagana-ganang sinabi: "Ito ang mga manlalahok ng Broken Moon Clan, pinangungunahan ng head disciple na si Brother Yang Gan."
Ang binanggit lamang niya ay si Yang Gan.
"Karangalan kong makita ang 'Purple Smoke Goddess', ang pinakatalentado at pinakamagandang babae sa lahat ng tatlong Clans." Pagpupuri ni Yang Gan.
Subalit.
Nang lumapag ang tingin ni Zhao Yufei sa mga manlalahok mula Broken Moon Clan, sa umpisa ay natulala siya sunod ay napuno siya ng gulat at kaligayahan: "Brother Zhao Feng... Nandirito ka rin?"
Nakilala ni Zhao Yufei sina Zhao Feng at Bei Moi, ngunit hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili kundi sumigaw nang makita niya ang mukha ni Zhao Feng: "Brother Zhao Feng... ang mata mo?"
Shua!
Isang kulay lila ang lumipad at si Zhao Yufei ay lumitaw sa harap ni Zhao Feng, nagdadala ng isang mahalimuyak na amoy kasama niya.
"Yufei, matagal na tayong hindi nagkikita." Ngumiti si Zhao Feng at nagsalita.
Umihip sa hangin ang asul na buhok ni Zhao Feng, nagdulot upang bahagya siyang magmukhang kakaiba.
Nanlambot ang puso ni Zhao Yufei. Ang Zhao Feng sa puntong ito ay katulad noong nasa pamilya pa siya ng Zhao at sa Guanjun Palace – may postura at kalmado. Ang lakas ng loob na ito ay nagdulot upang dumepende ang babae sa kaniya.
At ngayon, nagbigay si Zhao Feng ng isang mas lalong misteryosong pakiramdam. Sigurado siya na hindi lang ayos si Zhao Feng, ang ikalawang nabanggit ay lubha pang mas lumakas kaysa noon.
"Masiyado akong natuwa." Tumalikod si Zhao Yufei at binati si Bei Moi.
"Kung ganoon magkakakilala kayo?" Bahagyang nasurpresa si Yang Gan.
Sina Ao Yuetian at si Meng Yun mula sa Lin Moon Clan ay mayroong mga pangit na ekspresyon. Lalo na para kay Meng Yun – sinadya niyang hindi ipakilala sina Zhao Feng at Bei Moi, subalit kilala na pala nila ang diyosa.
Bahagyang ikinagalit ito ni Ao Yuetian. Ang basurang iyon ay mukhang walang magandang relasyon kay Zhao Yufei.
Ngumiti si Zhao Yufei at kaswal na ipinakilala ang dalawa.
Naintindihan ng lahat – sina Zhao Feng at Zhao Yufei ay parehas nagmula sa pamilya ng Zhao at sila ay mga disciples ng iisang Master kasama si Bei Moi.
Sa loob ng patyo.
Ang nakakailang na pakiramdam sa hangin ay nawala. Lahat ay nakatagpo na ng mga kaibigan at nagsimula na silang magusap-usap.
Nakita na ni Zhao Feng ang may kulay pulang buhok na si Li Hong mula sa Silver Moon Clan nakaraang ilang araw at maaari na siyang maituring bilang isang taong kilala na niya. Ngunit si Zhao Feng ay nag-alala kay Li Hong – ano ang relasyon sa pagitan niya at ng Scarlet Moon Clan?
Ang tinatalakay ng usapin ay sunod napunta sa cultivation.
Ang 'Moon God War' ni Ao Yuetian at ang mga inheritance na natanggap nina Zhao Yufei at ni Bei Moi ang pinakasentro ng atensyon.
Siyempre, binanggit lamang sila ng ibang tao, ngunit wala ng mas nagpalalim nito.
"Ang Brother Zhao na ito ay maaaring mayroong dahilan upang makadalo sa Three Clan Party na may cultivation na sa 4th Sky." Nagdesisyon si Ao Yuetian na guluhin si Zhao Feng.
Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon baka hindi niya ito bigyang pansin masiyado upang gawin ito, subalit dahil sa relasyon sa pagitan niya at ni Zhao Yufei, nakuha nito ang atensyon ni Ao Yuetian.
"Ang lakas ni Brother Zhao ay ayos lang." Ito lang ang naisagot ni Yang Gan.
Masiyadong tamad is Zhao Feng para sumagot at tiyak na hindi siya tutulungan ni Bei Moi. Para naman sa sitwasyon ni Zhao Feng, kaya lamang itong ipag-walangbahala ni Yan Gan.
Ang mga disciples mula sa Lin Moon Clan at Silver Moon Clan ay mayroong pagkamuhi at selos sa kanilang mga mata. Siguro ay dahil mayroong magandang pakikisama si Zhao Feng kay Zhao Yufei at naghihintay silang mapahiya ang unang nabanggit.
Ngunit dahil hindi nag-abalang sumagot si Zhao Feng at si Bei Moi ay palaging walang ekspresyon, hindi kalaunan ay nawalan na sila ng interes.
Mabilis na lumipas ang oras.
Pagsapit ng alas dyis, natapos na ang pag-uusap sa pagitan ng mga nakatataas.
Sunod ay ang pinakainaabangang paglalaban.
Marami sa mga nakatataas na nilalang sa pagitan ng tatlong Clans ay nagtipon-tipon sa kalupaan ng Lin Moon Clan.
Ang bawat Clan ay mayroong naaayon na lugar sa lugar na paglalabanan.
Sa lugar ng Broken Moon Clan.
"Ang mga disciples ng henerasyon ng Lin Moon Clan ngayon ay mas malakas kaysa sa inaasahan." Mayroong pag-aalala sa mga mata ni Granny Liuyue.
Tumango si Hai Yun Master: "Ang pagkakaiba sa pagitan natin at ng Lin Moon Clan ay masiyadong malaki – halos imposible para sa atin ang manao, ngunit kung kaya nating labanan ang Sivler Moon Clan hanggang sa isang tabla, ang ibang dalawang Clans ay magkakaroon ng panibagong tingin sa atin."
"Ito lamang ang kaya nating gawin." Bumuntong hininga si First Elder.
Ika-una.
Ang pag-aayos ng Lin Moon Clan ay masiyadong malakas. Si Ao Yuetian ay nakaabot na sa peak 6th Sky at isa siya sa mga Four Stars.
Sina Zhao Yufei at Meng Yun ay parehas na nakaabot sa peak 5th Sky at ang unang nabanggit ay nakatanggap ng isang inheritance .
Kung ang pag-uusapan ay personal at team strength, madaling nalalagapasan ng Lin Moon Clan ang dalawa pa.
Hindi lubos maisip ng Broken Moon Clan na matatalo nila ang Lin Moon Clan – ang tanging hiling lang nila ay labanan ang Silver Moon Clan hanggang sa isa tabla.
Ngunit ang Silver Moon Clan ay mayroong isang manlalahok na nasa 6th Sky at ang isa pang dalawa ay nasa 5th Sky. Sa panlabas, mukhang mas malakas sila kaysa sa Broken Moon Clan.
Tumingin si First Elder sa kalmadong si Zhao Feng. Mayroon siyang katiting na pagasa sa kaniyang puso na ang disciple niya na ito ay mayroong isang surpresa.
Si First Elder lamang ang nakakaalam na si Zhao Feng ay nakatanggap ng Lightning Inheritance at ang kaniyang battle power ay lubos na nakakasindak.
Sa oras na ito.
Inanunsyo na ni Ao Yuetian na mula sa Lin Moon Clan ang simula ng paglalaban.
Ang buong oras ng paglalaban ay inorganisa ng mga nakababatang henerasyon. Ang nakatatandang henerasyon ay manonood lamang at magbibigay sila ng mga payo paminsan-minsan ngunit hindi sila makikisali.
"Bilang isang taga-pamahalang Clan, ako muna ang lalaban. Sinong kaibigan ang nais makipaglaban sa akin?"
Nakatayo si Meng Yun sa gitna ng lugar na paglalaban at tinanong niya ang Silver Moon Clan at ang Broken Moon Clan.
"Ako."
Ang may kulay pulang si Li Hong na mula sa Silver Moon Clan ay tumayo at isang naglalagablab na aura ang lumitaw mula sa kaniyang katawan.
Fire Moon Technique!
Magulo ang atake ni Li Hong at puno ito ng apoy – kaya nitong pulbusin ang buong lugar sa isang saglit.
Tumango si Zhao Feng. Kung opensa ang pag-uusapan, ang Fire Moon Technique ni Li Hong ay katulad ng Burning Wind Stance na mayroon siya, ngunit mas makapangyarihan ito.
Wind Cloud Piercing Moon Technique.
Mayroong hawak na pamaypay si Meng Yun at nagpadala siya ng linya ng matatalim na true force na naging kulay pilak na mga guhit ng hangin na bumalot sa lahat ng nasa landas nito.
Kung purong opensa ang pag-uusapan, bahagyang mas magaling si Meng Yun kaysa kay Li Hong, ngunit dulot lang ito sa pagkakaiba ng kanilang cultivation. Subalit, ang galaw at liksi ng kaniyang atake ay mas nakakaangat at ang mga simpleng galaw na mayroon siya ay kahanga-hanga.
Piercing Moon Wind Carrying Stance.
Biglang pinagaspas ni Meng Yun ang kaniyang pamaypay at nagpadala siya ng isang ragasa ng alon ng pilak na hangin papunta kay Li Hong, na nagdulot upang mapaatras ang ikalawang nabanggit at bahagyang mapinsala.
"Salamat."
Hindi nagpatuloy sa pagtulak si Meng Yun o kung hindi, maaaring maitulak niya palabas sa lugar na pinaglalabanan si Li Hong.
Natalo si Li Hong ng siya ay magbalik sa Silver Moon Clan. Ang nakapulang kapa na Elder na katabi niya umiling at bumuntong hininga: "Hong'er, natalo ka dahil sa dalawang rason. Una, gusto mo lang ay manalo. Ikalawa, mas matalino ang kalaban mo kaysa sa'yo."
Nanalo sa laban si Meng Yun sa loob lamang ng sampung galaw.
Siya ay ranked third lamang ngunit may ganito na siyang lakas. Nagdulot ito ng matinding kaba sa nakatatandang henerasyon ng ibang dalawang Clans.
"Aling kaibigan mula sa Broken Moon Clan ang nais makipaglaban sa akin?"
Napunta ang tingin ni Meng Yun patungo kay Yang Gan at sa iba at napunta ito kay Bei Moi.
Wala siyang masiyadong lakas ng loob upang kalabanin si Yang Gan, ngunit kung hahamunin niya si Zhao Feng, para niya na ring 'inalipusta' ang mahina.
Bagay si Bei Moi para sa kaniya – nakatanggap siya ng isang inheritance at makakaramdam ng tagumpay si Meng Yun kapag natalo niya si Bei Moi.
Lumakad si Bei Moi sa lugar na paglalaban ng walang ekpresyon at sinabing: "Hindi ikaw ang katapat ko."
"Hehehe, bata, masiyado kang hambog."
Hindi lamang si Meng Yun ang nasurpresa, pati na rin ang ibang disciples.
'Four Waves of the Northern Heavenly Water.'
Inisip ni Bei Moi at isang dagat ng maitim na asul na tubig ay nagpakita, nagdadala ng isang matinding puwersa. Naramdaman ni Meng Yun ang paninigas ng kaniyang dugo at nahirapan siyang huminga. Sa wakas ay napagtanto niya na kung gaano kalakas ang walang ekspresyong bata na ito.
Piercing Moon Wind Carrying Stance.
Ginamit muli ni Meng Yun ang galaw na ito.
Boom!
Ang kulay madilim na asul na tubig ay rumagasa patungo kay Meng Yun at nagdulot ito upang mapaubo ng dugo ang ikalawang nabanggit.
"Napakalakas."
"Siya ang taong nakatanggap ng isang inheritance mula sa Broken Moon Clan?"
Napasigaw ang mga manonood.
Makalipas ang dalawa o tatlong galaw, napatalsik si Meng Yun at lumagapak siya sa sahig.
Biglang nagusap-usap ang lahat.
Plop
Punong-puno ng pagsisisi at gulat si Meng Yun. Ang mga disciples na nakatanggap ng mga inheritance ay nakakasindak. Kung maaga niya itong nalaman, siguro ay si Zhao Feng ang hinamon niya, na nasa 4th Sky lamang. Kahit na mang-aalipusta siya ng mahina, mas maganda ito kaysa matalo.