Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 209 - Ao Yuetian

Chapter 209 - Ao Yuetian

Mula sa ilang daang yardang taas sa himpapawid, isang malinaw na piraso ng natural na lupa na mayroong berdeng mga damo at sumisipol na mga ibon ang makikita.

Ang Lin Moon Clan ay hindi nasa loob ng kailaliman ng kabundukan; nasa tabi ito ng isang ilog. Mula sa kaitaasan, ang ilog ay mayroong hugis ng isang nakakurbang buwan. Ang heavenly energy doon ay lagpas pa sa Broken Moon Clan at ang ilang mga talon doon ay nagdulot upang mas gumanda pa ang kapaligiran.

Ang paningin ni Zhao Feng ay mas malawak at mas malinaw, at nagdulot ito upang mapabuntong-hininga siya. Ang teritoryo ng Lin Moon Clan ay labis pang mas maganda kaysa sa Broken Moon Clan.

Ito lamang ang pagkakaiba sa panlabas na anyo – ang tunay nag pagkakaiba ay ang heavenly energy dito.

Ang lahat ng Clans ay nananatili sa isang lugar na hitik sa heavenly energy – nakatutulong ito sa cultivation ng isang tao at nagbibigay sa mga miyembro ng clan upang magkaroon ng mas magandang pagkakataon upang makapagbreakthrough.

Kung si Bei Moi ay naipuwesto sa pamilya ng Zhao, kahit ang unang nabanggit ay may talento, hindi niya pa rin maabot ang Ascended Realm bago siya umabot sa edad na dalawampu.

Sa lahat ng thirteen Clans, ang Lin Moon Clan ay nasa rank 4th, kung saan ang Broken Moon Clan ay pangalawa sa huli, kung hindi ang pinakadulo.

Matapos makapasok sa teritoryo ng Lin Moon Clan, naging taimtim ang mga ekspresyon ng mga Elders.

Sa oras na ito, isang kulay pilak na liwanag ang umusbong mula sa ibaba.

"Haha, tuloy kayo, aking mga kaibigan mula sa Broken Moon Clan."

Ang nagdating ay isang Elder na may suot ng isang kulay pilak/abong mahabang damit, na nagpakawala ng isang aura na mas mababa kay First Elder.

"Pagbati, Elder Qun."

Ngumiti si First Elder at binati ang bagong dating, ngunit sina Granny Liuyue at Hai Yun Master ay may bahagyang mga pangit na ekspresyon.

Si Elder Qun ay isang normal na elder lamang ng Lin Moon Clan. Si First Elder ay ang namumuno sa mga miyembro ng Broken Moon Clan, ngunit ang Lin Moon Clan ay nagpadala lamang ng isang normal na Elder.

Kadalasan nagpapadala ang Lin Moon Clan ng isang Clan Master o ng First Elder upang batiin sila.

"Haha, ang Clan Master at ang First Elder ang bumabati sa Silver Moon Clan."

Mukhang alam ni Elder Qun kung ano ang naisip ng mga Elders ng Broken Moon Clan at tumawa, ngunit pagkawalang-bahala ang kumislap sa kaniyang mga mata.

Sa tatlong Clans, ang Broken Moon Clan ang naipuwesto sa pinakababa at sila ang palaging huli sa Three Clan Party. Kumpara sa kanila, ang Silver Moon Clan ang ranked 7th sa Thirteen Clans at ang mayroong mas mataas na importansya.

Kahit galit ang mga Elders ng Broken Moon Clan, wala silang magagawa dahil ang Broken Moon Clan ay natatalo sa sunod-sunod na laban sa bawat Three Clan Party.

Sa pag-iisip nito, ang mga Elders ay tumigingin sa mga lalahok na disciples. Ang mga disciples ng henerasyon ngayon ay labis na mas malakas kaysa noon.

Lumapag ang Golden Ashen Giant Eagle sa tapat ng isang palasyo.

Ngumiti si Elder Qun: "Tayong mga matatandang nilalang ay magsipunta sa bulwagan at talakayin ang ating mga usapin. Iiwanan natin ang mga mas nakababatang henerasyon sa kani-kanilang mga gawain."

Tumango ang mga Elders ng Broken Moon Clan, hindi na sila nagulat.

Ito ang normal na gawain para sa Three Clan Party.

Ang Party ay mayroong dalawang layunin.

Una ay ang pag-usapan ang tungkol sa kooperasyon ng mga Clans. Ang Scarlet Moon Religion ay ang palaging napag-uusapan nitong mga araw at maaaring isa ito sa mga bagay na kanilang tatalakayin.

Halatang hindi makikisali rito ang mga nakababatang henerasyon.

Ang isa pang rason ay upang hayaan ang mga nakababatang henerasyon ng tatlong Clans na makipaglaban sa isa't isa.

Kung tutuusin, ang kinabukasan ng mga nakababatang henerasyon ang magdidikta ng kinakabukasan ng Clans at maaari nitong diktahan ang pagkakaiba ng lakas sa pagitan ng mga Clans.

Kadalasan, ang mas malalakas na Clans ang mayroong mas maraming resources at ang kanilang mga disciples ay mas malakas.

Halimbawa, ang 'Four Stars' ay ang top four ranked na mga kabataan ng Thirteen Clans, ibig sabihin na ang Lin Moon Clan ay mayroon ding isa sa mga Four stars.

Hindi kalaunan.

Pumasok na ang Broken Moon Clan sa bulwagan.

"Mga kaibigan, hayaan niyong ipakilala ko sainyo ang Lin Moon Clan." Isang walang ekspresyon na boses ang maririnig.

Ang taong bumati sa tatlo ay isang batang nakaputing damit, na mayroong walang ekspresyong pag-uugali. Ang ginawa lamang niya ay matamlay na tumingin sa tatlong disciples.

Masiyadong tinamad sina Bei Moi at Zhao Feng upang magsalita. Si Yang Gan lamang ang tanging ngumiti at nagpakilala sa kanila.

Sa pagkarinig tungkol kay Zhao Feng at Bei Moi, si Meng Yun, ang batang nakaputing damit ay matamlay na nagsalita: "Ah ito ang dalawang mga baguhan."

Mukhang magkakilala sina Meng Yun at Yang Gan, ngunit hindi sila tiyak na pamilyar sa isa't isa.

"Brother Meng, ano ang iyong rank sa Core disciples ng Lin Moon Clan?" Tanong ni Yang Gan.

Ang tanong na ito ay nagpa-udyok sa interes nina Zhao Feng at Bei Moi. Ang aura ni Meng Yun ay malapit kay Yang Gan, na nasa peak 5th Sky.

"Third." Sagot ni Meng Yun.

Sa paglalakad, pinamunuan niya ang mga disciples ng Broken Moon ng may pagkawalang-bahala. Tila ba hindi na siya nag-abalang kausapin pa sila – masiyado siyang tamad upan gawin ito.

Ang mga nasa itaas na posisyon ng Lin Moon Clan ay nagpadala lamang ng isang normal na Elder upang batiin ang Broken Moon Clan at nagpadala lang din sila ng isang third ranked Core disciple upang batiin si Zhao Feng at ang iba pa.

"Nabalitaan ko na ang isang disciple ng iyong Clan ay naging isa sa mga 'Four Stars', nakakahanga ang ganoong henyo..." Bigkas ni Yang Gan at nagsimulang magtanong tungkol sa mga sitwasyon ng Lin Moon Clan.

Ang pag-uugali ni Meng Yun sa kaniya ay katamtaman lang at walang magawa si Yang Gan dahil ang mukhang ang dalawang katabi niya ay walang balak na magsalita.

Si Bei Moi ay palaging walang ekspresyon, samantalang si Zhao Feng ay masiyadong tamad para magsalita.

Ahh, ang dalawang lalaking ito ay parehas na nakatuon sa kanilang sarili, mga hambog na siraulo.

"Sa pagiging isa sa mga Four Stars, maaaring magpakita si Brother Ao o hindi sa Three Clan Party ngayon. Nakaabot na siya sa peak ng 6th Sky nakaraang ialng buwan at natutunan niya na rin ang pinakamahirap na skill ng Lin Moon Clan na 'Moon God War', isang bagay na hindi pa nagagawa sa edad niya sa loob ng ilang daang taon."

Nang binanggit ni Meng Yun si Ao Yuetian, isang mapang-insultong ngiti ang lumitaw sa dulo ng kaniyang mga labi. Sa tingin mo ba ang mga clows na gaya mo ay may karapatang hamunin siya?

Si Ao Yuetian ay isa sa mga Four Stars ng Thirteen Clans, ang lakas niya ay top tier.

Kahit sa loob ng Thirteen Clans, walang masiyadong taong nakakatapat sa kaniya, kaya't paano na ang mga tauhan ng tatlong Clans?

"Imposible... Talagan cinultivate ni Ao Yuetian ang 'Moon God War'." Sigaw ni Yang Gan.

Ang Moon God War ay isang pinagbabawal na teknik ng Lin Moon Clan, gaya ng Lighting Wind Palm sa Broken Moon Clan. Subalit ang Moon God War ay mas angat at mas kumpleto, kaya naman ang kapangyarihan nito ay lubhang nakakatakot.

"Nabalitaan ko na isang tao sa inyong Clan ay nakatanggap ng inheritance , mas maganda pa sa iniisip ko." Pag-udyok ni Meng Yun.

Sa pagkarinig nito, nagalit si Yang Gan na para bang puputok na siya.

"Sige, ito na iyon."

Pumihit ang mga salita ni Meng Yun at pinangunahan ang tatlo sa isang magandang hardin.

Sa kalagitnaan ng hardin, may isang patyo na mayroong mga pagkain sa loob. Ang mga disciples sa parehas na Lin Moon Clan at Silver Moon Clan ay nagsi-upuan sa loob ng patyo.

"Brother Ao at ang mga kasamang daoists mula sa Silver Moon CLan, ang mga manlalahok na disciples mula sa Broken Moon Clan ay dumating na." Sinadyang lakasan ito ni Meng Yun upang makuha ang atensyon ng lahat.

Sa gitna ay nakaupo si 'Ao Yuetian', nakasuot ng asul na kapa. Kung karisma at pagiging kaakit-akit ang pag-uusapan, kapantay niya si Yang Gan, ang lalaking pinapangarap ng mga kababaihan. Ngunit mayroong kayabangan na bumabalot kay Ao Yuetian at sa kaniyang mga mata pa lamang ay mayroong nanggagaling na labis na pagkakaba.

"En."

Ang ginawa lamang ni Ao Yuetian ay matamlay na tumango. Walang kahit anong intensyon sa pagtayo at pagbati sakanila.

Nagsimula ng ipakilala ni Meng Yun ang lahat.

"Ito ang Head disciple ng Silver Moon Clan, si Mao Feng..."

Ang pag-uugali ni Meng Yun ay bahagyang mas magalang nang siya ay nagsimulang ipakilala ang Silver Moon Clan.

Ang Head disciple ng Silver Moon Clan ay may katulad na cultivation level gaya ni Yang Gan. Sa kaliwa't kanan ni Mao Feng ay may nakaupong isang may kulay pulang buhok na bata at ang isa naman ay isang sword-user na mayroong kulay pilak na kapa.

Hmm?

Ang paningin ni Zhao Feng ay napunta sa kulay pulang buhok na bata. Hindi ba't siya ang batang nakita niya noong isang araw na iyon sa sinaunang templo?

"Ito si Li Hong, ranked 2nd sa mga core disciples ng Silver Moon Clan." Bahagya lamang siyang binanggit ni Meng Yun.

Hindi kalaunan, ang grupo ng bawat Clan ay inanunsyo.

Ang Lin Moon Clan ay pinangungunahan ni Ao Yuetian. Ang Silver Moon Clan ay pinangunahan ni Mao Feng. Ang Broken Moon Clan ay panmumunuan ni Yang Gan.

Kung sa bagay si Ao Yuetian ay isa sa mga Four Stars, at nasa isang tier siyang mas mataas kaysa sa dalawa.

"Ang Broken Moon Clan ay nagpadala pa ng mga disciples na nasa 4th Sky." Ilang mga Core disciples ay nagusap-usap sa loob ng Lin Moon Clan.

Talaga nga.

Sa harapan ng mga representatibong ito, ang 4th Sky cultivation ni Zhao Feng ay nangingibabaw.

Ilan sa mga Core disciples ng Lin Moon Clan ay nagsalita pa sa pagkawalang-bahala: "Kahit magpadala pa sila ng mga mas mahihinang Core disciples, mawawasak pa rin natin ang lalaking iyan. Mukhang ang Broken Moon Clan ay talagang bumagsak na."

"Tahimik." Malamig na pagsita ni Ao Yuetian at ang patyo ay biglang naging tahimik.

Hindi niya sinisisi ang mga taong ito sa pagiging bastos, naramdaman lang niya na parang nakakahiya ito. Mula simula hanggang ngayon, hindi niya malinaw na tinignan ang mga disciples ng Broken Moon Clan, at bakit naman siya titingin sa basurang nasa 4th Sky?

Subalit, ang ilang mga disciples na nasa Clan niya ay nagusap-usap tungkol sa 'pagkumpara' nila sa kaniya, hindi ba't nakakahiya iyon?

"Ang henyo ba na may talentong maaaring maikumpara sa Earth Spiritual Body ay nagpakita na?" Biglaang tinanong ni Mao Feng ng Silver Moon Clan.

Earth Spiritual Body!

Ang mga ekspresyon ng mga henyo mula sa parehas na Clan ay biglang nagbago at isang kislap ng liwanag ang lumitaw sa mga mata ni Bei Moi.

"Darating na si Sister Zhao maya-maya."

Isang kakaibang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Ao Yuetian.

"Nandirito na si Sister Zhao."

Hiyaw ng ilang mga Core disciples.

Isang tahimik, mala-diyosang babae ang lumakad papasok mula sa labas. Ang kaniyang ganda ay hindi maikukumpara at mukha siyang isang maingat na inukit.

May suot siyang isang mahabang lilang damit at nababalot ng berde, ang kaniyang mga mata ay kasing linaw ng kristal at mayroong balat na kasing kinis ng isang jade.

Sa segundong pumasok siya sa loob ng patyo, maraming disciples ang naligaw sa kaniyang ganda.

Bukod kay Mao Feng, ang dalawang disciples ng Silver Moon Clan, ang may pulang buhok na si Li Hong at ang may suot na kulay pilak na sword-user ay parehas natulala.

"Iyan ang nababalitang 'Purple Smoke Goddess'? Ang ganda na mayroong talentong maaaring maikumpara sa isang Earth Spiritual Body at ang taong nakatanggap ng isang inheritance ? Ang mga usap-usapan ay malayo mula sa katotohanan."

Hindi mapigilan ni Mao Feng ang pag-ibig at pagkatulalang tingin sa kaniyang mga mata.

"Sister Zhao."

Ngumiti si Ao Yuetian at tumayo upang batiin ang Purple Smoke Goddess. Ang kaniyang pag-uugali sa kaniya ay labis na mas katanggap-tanggap kaysa sa pagbati niya sa ibang disciples.

Ang ibang mga tao ay nakatanggap ng bahagyang pagseselos, ngunit dahil sa nakawiwindang na lakas ni Ao Yuetian, wala silang magawa.

"Huli na si Yufei." Matamlay na ngumiti ang Purple Smoke Goddess, tila ba isang lotus na namumulaklak.

Ngunit ang dalawang tao sa mga naroroon ay lubhang nasurpresa.

"Siya iyon..."

Natulala sina Zhao Feng at Bei Moi.