"Sige."
Lumakad palabas si Zhao Feng sa kaniyang bakuran at nakipagkita kay Yang Gan.
Sa hindi pagkakita sa ikalawang nabanggit sa loob ng kalahating buwan, ang aura ni Yang Gan ay walang dudang mas naging malakas. Ang kaniyang 6th Sky Ascended Realm cultivation ay nagkakahuluguhan na siya na ang Head disciple.
Sinusuri rin ni Yang Gan si Zhao Feng sa iisang oras. Kahit na ang ikalawang nabanggit ay hindi nagkaroon ng mataas na cultivation, ang kaniyang aura ay mas lalong naging kakaiba, sa sobrang kakaiba natin kahit siya mismo ay hindi na makakita tagos dito.
Hindi naglakas-loob si Yang Gan na maliitin ang nakababata niya. Simula noong matapos ang trial, si Zhao Feng ay itinuring na bilang isang napakahalagang tao ni First Elder at ang lakas ni Zhao Feng ay sadyang napakalakas, halos walisin lahat ng disciples ni Hai Yun Master noong araw na iyon.
Hindi kalaunan, nakita na ng dalawa si First Elder.
"Feng'er, naging kakaiba ng kaunti ang iyong aura." Tahimik na sambit ng First Elder.
"Master, habang nasa misyon ako, nakakuha ako ng mental energy skill at ako ay naapektuhan ng isang bagay ngunit naniniwala na ako na kaya ko itong alisin sa susunod." Hindi itinago ni Zhao Feng ang mga katiting na detalye.
Natamaan siya ng isang misteryosong skill ng kalansay at mayroong nakadikit sakaniya na isang masamang pakiramdam.
Kahit ngayon, ang pakiramdam na ito ay hindi pa rin naglalaho at kahit nakikita niya ang mga bakas nito gamit ang kaniyang kaliwang mata, hindi pa rin niya ito natatanggal.
Hindi alam ni Zhao Feng na ito ay isang 'Ghost Mark' na itinakda ng isang Division Leader at kadalasan ito ay maglalaho lamang makalipas ang tatlong taon.
Siyempre, si Zhao Feng ay mayroong mataas na posibilidad upang masolusyunan ito mismo dahil ang kaniyang progreso sa mental energy ay pabilis ng pabilis.
"Titingnan ko."
Ginamit ni First Elder ang kaniyang Spiritual Vision upang balutin at suriin ang buong katawan ni Zhao Feng.
Hindi pumalag ang ikalawang nabanggit at pinadaloy lamang niya ang kaniyang bloodline power upang takpan ang kaniyang kaliwang mata.
Ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline ay natatago sa kaniyang dugo at sa true force. Kahit hindi niya ito gustong ihayag, mahirap pa ring hanapin ito. Dagdag pa rito, hindi nag-aalala si Zhao Feng na makikita ni First Elder ang kaniyang bloodline power, ang pinakamahalagang bagay ay, matatagpuan niya ang kaniyang talento sa mental energy lamang.
"Mukhang isa itong mental energy mark ngunit mas komplikado ito, para bang minarkahan ka ng isang tao." Bulong ng First Elder.
Subalit, kahit isang taong kasing lakas ni First Elder ay hindi kayang alisin ito.
"Ang cultivation ng taong iyon ay maaaring nakaabot na sa 'True Lord 'Realm' at hindi ko forte ang mental energy. Maaari itong matanggal ng mga tao mula sa Ancient Shrine, ngunit hindi nila ito madaling magagawa."
Kumunot ang mga kilay ni First Elder, na para bang alam ang gulo na maidudulot nito.
"True Lord Rank? Labis na katakot-takot naman iyon! Walang taong nakaabot sa ganoong rank sa Thirteen Clans sa mga nakaraang ilang daang taon!" Nagulat si Yang Gan.
Ang True Spirit Realm ay nahahati sa tatlong ranks: True Human, True Mystic at True Lord.
Ngayon, wala pang kahit sinong Elder ang nakaabot sa True Mystic Rank.
Ang True Lord Rank ang pinakatuktok sa Northern Continent at ang mga nasa ganoong rank ay may titulo ng 'True Lord'.
Naudyok din si Zhao Feng, si First Elder ay nasa peak lamang ng True Human Rank at ang ibang mga Elders ay nasa pinakauna o pinakahuling mga stages ng True Human Rank.
"Feng'er, kailangan mong mag-inga. Hindi ko alam kung ano ang layunin ng taong iyon. Pagtapos ng Alliance Banquet, manghihingi ako ng tulong sa Ancient Shrine." Bumuntong hininga si First Elder.
"Master, kalma. Hindi mo kailangang hanapin ang Ancient Shrine, naniniwala akong kaya ko ito ayusin mag-isa." Lakas-loob na sinabi ni Zhao Feng, ngunit hindi si First Elder o kahit si Yang Gan ay hindi naniwala sa kaniya.
Ang True Lord Rank, ay ang pinakatuktok ng lahat. Kahit sino sa kanila ay maaaring kontrolin ang lahat ng buhay at yugyugin ang kalangitan.
Ang pagkakaiba sa True Human Rank at sa True Lord Rank ay parang ang 1st Sky ng Ascended Realm at ang 7th Sky.
Makalipas ang isang oras.
Dinala ni First Elder ang dalawa sa Central Division.
Naroon na sina Hai Yun Master at si Bei Moi.
Bukod sa kanila nandoon din si Granny Liuyue. Siya ang responsable sa pill making at medisina.
Ang tatlong Elders at ang tatlong Core disciples ay lahat naroon.
"Hmm?"
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng nang mapunta ang paningin niya kay Bei Moi. Sa loob lamang ng kalahating buwan, ang lalaking ito ay nakaabot na sa 5th Sky.
Noong naglaban sila noon, si Bei Moi ay nasa peak pa lamang ng 4th Sky.
Ang ganitong progreso ay talagang nakasisiguro ng kaniyang talento.
Ang hindi alam ni Zhao Feng ay matapos niyang talunin ang halos lahat ng disciples ni Hai Yun Master, nagsimula na si Bei Moi sa labis na pagpapalago ng kaniyang cultivation.
Lalago ang isang tao at makakagawa ng milagro sa pamamagitan lamang ng kompetisyon.
Kung wala si Zhao Feng, malamang hindi mapipiga ni Bei Moi ang kaniyang potensyal ng ganito kabilis. Kasabay nito, kung wala si Bei Moi, hindi rin magagawa ni Zhao Feng maabot ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon.
Kahit ang Head disciple na si Yang Gan ay nakaramdam ng kaba. Si Bei Moi ay isang taong nakatanggap ng Inheritance at ngayon ay nakarating na siya sa 5th Sky, ibig sabihin na mayroon siyang nakatakdang banta para sa kaniya.
Nabuo na ang mga taong magpupunta sa Three Clan Party.
Head disciple, Yang Gan, 6th Sky.
Core disciple, Bei Moi, 5th Sky.
Core disciple, Zhao Feng, 4th Sky.
"Maghanda na kayo sa pag-alis."
Hinawi ni First Elder ang kaniyang kamay at isang pito ng agila ang maririnig. Isang higanteng gintong agila ang lumipad sa hangin. Ang mga pakpak nito ay nagpadala ng mga alon ng hangin.
"Ito ang Golden Ashen Giant Eagle?"
Nagsimula na itong suriin ni Zhao Feng.
Ang Golden Ashen Giant Eagle ay mayroong mga pakpak na sakop ang pito hanggang walong yarda at maaari nitong masakop ang isang maliit na hardin. Madali lang nitong mabibitbit ang sampung tao.
Kung lakas ang pag-uusapan, ang Golden Ashen Giant Eagle ay maikukumpara sa 7th Sky ng Ascended realm, ngunit kung purong bilis ang pinag-uusapan, maaari nitong malagpasan ang mga normal na cultivators na nasa True Spirit Realm. Kung tutuusin, ang mga nasa True Spirit Realm ay maaari lamang makalipad sa loob ng maikling oras.
Pinamunuan ni First Elder ang grupo ng mga tao sa likod ng agila.
Miao miao!
Biglang nagpakita ang munting pusang magnanakaw at nagsimula sa pagsusuri ng kapaligiran nito.
Nang si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay tumapak sa likuran ng agila, ang nabanggit ay nanginig ng bahagya at nagpakita ng isang senyales ng takot.
"Hmm?"
Parehas itong naramdaman nina First Elder at ni Hai Yun Master. Hinimas ng unang nabanggit ang Golden Ashen Giant Eagle, na nagdulot upang matalo nito ang takot. Sa kabilang banda, ang tingin ni Hai Yun Master ay mas lalo pang naglagablab habang tinititigan niya ang munting pusang magnanakaw.
Ang Golden Ashen Giant Eagle ay naglalaman ng mga bakas ng ancient bloodline at ito ang pinakamalakas na hayop sa Broken Moon Clan. At ang nilalang na gaya nito ay natatakot sa munting pusang magnanakaw.
Siyempre, hindi napagtanto ni Hai Yun Master na si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay parehas na tumapak sa iisang oras at walang nakakaalam kung natakot ba ang agila dahil sa unang nabanggit o sa ikalawa.
Ngunit hindi binigyang pansin ni Hai Yun Master ang presensya ni Zhao Feng.
"Miao miao!"
Umikot ang mga mata ng munting pusang magnanakaw habang maliksi itong pumihit sa hangin at lumapag sa balikat ni Hai Yun Master.
Ehhh?
Si Zhao Feng at ang iba pa ay lahat huminto.
Sa una nagulat si Hai Yun Master, ngunit sunod ay labis na siyang nagalak. Alam ba ng munting pusang magnanakaw na kung gaano kalakas ang isang tao, ay mas maayos ito?
Huhu----
Pinagaspas ng Golden Ashen Giant Eagle ang mga pakpak nito, nagbubuo ng isang bagyo ng gintong hangin at sunod ay lumipad ito pataas sa alapaap.
"Napakabilis!"
Tumayo si Zhao Feng sa likuran ng agila at pinagmasdan ang mga kabundukan at ang mga ilog sa ibaba.
Nakaraang taon, noong nasa pamilya pa siya ng Zhao, maaari bang naisip niya na magiging ganito siya makalipas ang isang taon?
Balang araw, gagamitin ko ang sarili kong kapangyarihan at maglakbay sa kabuuan ng misteryosong kontinente na ito.
Miao miao!
Mukhang naging maayos ang pakikisama ng munting pusang magnanakaw kay Hai Yun Master at ang ikalawang nabanggit ay nag-uumapaw sa kasiyahan. Sa oras na nagkaroon siya ng magandang relasyon kasama ng pusa, hindi na siya matatanggihan ni Zhao Feng kung mayroon siyang ia-alok kapalit ng pusa.
Wala lang ito kay Zhao Feng, ang munting pusang magnanakaw ay mayroong masiyadong mataas na basehan at mukhang hindi ito susunod kay Hai Yun Master. Maaaring may pinaplano itong bagay.
Labis na nagagalak si Hai Yun Master at pinakain niya ang lahat ng kaniyang Spiritual Pills sa munting pusang magnanakaw.
Miao miao!
Sa pagkabusog, tumango ang munting pusang magnanakaw sa pagkakuntento at tumalon pabalik sa balikat ni Zhao Feng habang nagpapakita ng isang mapang-asar na ngiti.
Ang ngiti sa mukha ni Hai Yun Master ay nanigas – ang pusang iyon ay nagpunta lamang upang magnakaw ng pagkain!
Makalipas ang ilan na namang sandali.
"Ang jade pendant ko!"
Nagbago ang ekspresyon ni Hai Yun Master habang kinakapkapan niya ang kaniyang sariling katawan.
"Anong problema, Brother Hai Yun?"
Tumingin si First Elder at Granny Liuyue.
"Mayroon akong isang 'Jade Heart Pendant' sa akin na mayroong abilidad upang mapigilan ang Heart Demon, subalit ngayon wala na ito! Ah 'yun na nga! Siguro iyon ang pusa na iyon nang lumapit siya sa akin."
Nanliit ang paningin ni Hai Yun Master nang tinuro niya ang munting pusang magnanakaw.
Paano nangyari ito?
Pakiramdam ng lahat ng taong nasa likuran ng agila na hindi kapani-paniwala ito. Ang munting pusang magnanakaw ay kasinglaki ng isang palad, paano niya nanakaw ang jade pendant ng Elder? Dagdag pa rito, paanong siya na nasa True Spirit Realm ay walang naramdaman nang manakaw ito?
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay tumayo sa balikat ni Zhao Feng at tuloy-tuloy niyang inalog ang ulo niya ng may isang inosenteng ekspresyon. Kahit ang mga mata nito ay nagsimulang magtubig, kinukuha ang simpatya ng lahat.
Ngunit si Hai Yun Master at ang kaniyang disciple ay hindi naniwala rito.
"Siguro nga ang pusa 'yon." Lakas-loob na sinabi ni Bei Moi – alam niya kung paano katuso ang pusa.
Desperadong umiling si Zhao Feng: "Kung hindi naniniwala si Hai Yun Master dito, kung ganoon maaari niyong halughugin ang aking interspatial bracelet."
Miao miao!
Umiling ang munting pusang magnanakaw at winagayway ang mga paa nito, ipinapakitang ayaw niya.
"Hmph, sabi na nga ba..."
Lumakad patungo kay Zhao Feng si Hai Yun Master.
"Eh... Hai Yun Master, ibig sabihin ng pusang ito na paano kung wala kang makitang kahit ano? Ipinapahiya mo ba ang dignidad ng isang pusa?"
Nagawa lang ni Zhao Feng tulungang 'isalin' ito.
Ang munting pusang magnanakaw ang kaniyang alaga kung tutuusin at kaya naman, alam niya kung ano ang iniisip ng pusa.
"Ito..."
Si Hai Yun Master ay bahagyang naguluhan, si Zhao Feng ay disciple ng First Elder at kung talagang hinalughog niya si Zhao Feng at nakita ang jade pendant, ayos lang ito. Ngunit paano kung hindi? Hindi ba't para niya na ring sinampal ang pagmumukha ng First Elder?
"Paano kung nakita ko ito, at mapapasakin ang pusa? Subalit kung hindi ko ito makikita bibigyan kita ng 100 low grade Primal Crystal Stones at ilang pagkain ng pusa?" Sambit ni Hai Yun Master.
Isang daang low grade Primal Crystal Stones?
Bahagyang naudyok ang lahat, ito ay katulad ng sampung libong sub-standard Primal Crystal Stones, hindi ito maliit na bilang.
"Sige."
Nakipagpalitan ng tingin si Zhao Feng sa munting pusang magnanakaw at tumango siya.
Makalipas ang ilang sandali.
Inabot ni Hai Yun Master ang lagpas isang daan ng Primal Crystal Stones at lumipat siya sa kabila ng mayroong isang madilim na ekspresyon.
Miao miao!
Nagpakita ang munting pusang magnanakaw ng isang matagumpay na ngiti at winagayway nito ang kaniyang mga paa kay Zhao Feng.
Sige sige! Hahatiin natin ito 50-50."
Sa pagkarinig nito, halos himatayin ang lahat.
Sina Hai Yun Master at Bei Moi ay parehas na may pangit na ekspresyon at hindi na sila nagsalita pa sa buong paglalakbay doon.