Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 207 - Wakas

Chapter 207 - Wakas

Ito ang unang beses na gumamit si Zhao Feng ng maayos na mental energy attack at mas matagumpay pa ito kaysa sa inaasahan.

Si First Elder at Li Fuji ay parehong tama, ang tunay na talento ni Zhao Feng ay nandito.

Sa loob lang ng dalawa hanggang tatlong araw, nag-umpisa na siyang maintindihan ang mga pangunahing konsepto ng Heart Controlling Technique. Kung buhay pa ang nakatalukbong na anyo, siguradong magpapakamatay siya sa pagtama sa isang malaking bloke ng tokwa. Kung alam ng misteryosong kalansay ang tungkol dito, siguradong hindi ito kaagad na tatakas at papabagsakin si Zhao Feng kahit na ano pang kapalit.

Sa sandaling ito, sa pagitan ng mga puno...

"Bakit ka nagtaksil sa Broken Moon Clan?"

"Napilitan lang ako."

Ang mukha ng matandang lalaking may puting balbas ay puno ng paggalang at takot.

Ang mga kilay ni Zhao Feng ay nagsalubong – ang sitwasyon ay mas magulo pa kaysa sa inaasahan. Hindi lang napilitan ang matandang lalaking may puting balbas na magtaksil sa Clan, nagkaroon na rin siya ng pagsunod at takot sa Ancient Shrine.

Ang Heart Controlling Technique ay labis na malalim at kayang kontrolin ang kamalayan ng iba, ngunit kakatuto pa lang nito ni Zhao Feng at hindi pa ito malapit sa lebel ng nakatalukbong na anyo.

"Ano ang pinagmula ng puwersang ito? Ano ang kaugnayan sa pagitan ng Ancient Shrine at Scarlet Moon Religion?"

"Sinusunod ko lang ang mga kautusan at hindi alam ang kanilang pinagmulan o ang pagkabuo ng Scarlet Moon Religion..."

Ang matandang lalaking may puting balbas ay mayroong nagtatakang ekspresyon.

Si Zhao Feng ay labis na nagulat. Mukhang tagapaghatid lang siya ng mensahe at hindi pa malapit sa pagpasok sa inner circle – siya mismo ay walang gaanong alam.

Isa pang yugto ng pagtatanong ang nagkumpirma ng mga hinala ni Zhao Feng.

Ang matandang lalaking may puting balbas ay isa lang miyembro ng outer circle na kontrolado ng Scarlet Moon Religion at siya ay isa lang pain, isang piraso ng chess.

Ayon sa kaniyang nalalaman, lahat sa 13 Clans ay napasok na ng Scarlet Moon Religion ngunit limitado lang sila sa mga outer members.

Makalipas ang kalahating araw...

Sa loob ng isang silid-aklatan ng Guanjun Palace...

"Hindi ako makapaniwalang naging Core disciple ka na at may suporta ni First Elder sa loob lang ng kalahating taon."

Ang mga mata ni Lord Guanjun ay puno ng saya at gulat. Hindi niya inakalang magkakaroon ng magandang hinaharap si Zhao Feng nang ipadala ito sa Sky Moon Mountain.

Sa oras na iyon, akala ni Lord Guanjun na ang mas mababa pa sa 50% ang pinakamataas na tsansa niyang magtagumpay.

Ngayon, isa loob lang ng kalahating taon, naging Core disciple na si Zhao Feng ay magiging kalahok ng Three Clan Party.

Bukod pa kay Zhao Feng sa silid, naroon din ang matandang lalaking may puting balbas.

Sinabi ni Zhaoo Feng kay Lord Guanjun ang tungkol sa misyon at nang marinig ito, nagulat siya – hindi lang dahil sa pagpapakita ni Zhao Feng ng lakas, ngunit pati na rin dahil sa mga kamay ng Scarlet Moon Clan.

"Hindi ako makapaniwalang may taong nasa Sub-Division Leader tier sa Cloud Country."

Si Lord Guanjun ay nagulat.

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Zhao Feng ang tunay na katauhan ng misteryosong kalansay. Dahil ang kaniyang kaliwang mata ay kaya lang makakita at hindi ang makarinig.

Mula sa mga pakikitungo ng Blood Corpse Protector sa kalansay, mukhang ang kalansay ang Sub-Division Leader.

Noong nasa sukdulan ang Scarlet Moon Clan, mayroong kabuuang 108 Sub-Division na kahit sino ay kayang sirain ang Thirteen Clans.

Dahil dito, hindi inisip ni Zhao Feng na ang kalansay ay may mataas na antas – isang full na Division Leader.

"Master, anong klaseng clan ang Ancient Shrine?" biglang tanong ni Zhao Feng.

Ang ekspresyon ni Lord Guanjun ay seryoso: "Ang Ancient Shrine ay ang ikalawang antas sa 13 Clans at ang pinakamisteryoso. Ang mga himpilan ng Clan na ito ay nasa kalaliman ng Sky Cloud Forest. Halos walang nakakaala sa saktong kinaroroonan nito."

"Napakamisteryoso."

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na patunugin ang kaniyang dila.

Ang isang Can ay kayang magtago sa kalaliman ng Sky Cloud Forest.

"Ang forte ng Ancient Shrine ay mental energy at kahit na ito ay hindi karaniwan, tanging iilang mga disipulo lang ang kaniyang kinukuha bawat henerasyon. Ang kabuuang bilang ng Ancient Shrine ay hindi lalagpas sa 100, maaaring maskaunti pa..." paliwanag ni Lord Guanjun.

Nag-isip nang malalim si Zhao Feng – ang mga mahusay sa path of mental energy ay labis na kaunti, kaya kaunti lang ang mga disipulong kinukuha nila sa bawat henerasyon. Tila paghahanap ito ng mga taong kasinghusay ni Bei Moi.

"Ngunit huwag maliitin ang Ancient Shrine. Kahit na kaunti ang kanilang mga miyembro, ang kanilang pangkalahatang lakas ay nasa ikalawang antas sa 13 Clans. Ang nakatalukbong na misteryosong anyo noon na nakontrol sa mga halimaw at umatake sa Guanjun Province City at isang miyembro ng Ancient Shrine," dagdag ni Lord Guanjun nang seryoso, hakatang nag-aalala sa Clan na ito.

Si Zhao Feng ay ngumit nang marinig ang tungkol sa nakatalukbong na anyo, ngunit wala siyang sinabi. Kung malaman ni Lord Guanjun na napatay na ni Zhao Feng ang nakatalukbong na anyo, sinong nakaaalam kung anong mararamdaman niya?

Ngunit ang pagkamisteryoso ng Ancient Shrine ay nagdahilan para maghinala si Zhao Feng.

Palagi niyang nararamdamang may espesyan na kaugnayan sa pagitan ng Ancient Shrine at Scarlet Moon Religion.

Ayon sa lohika, ang ganoon kamisteryosong Clan na katangi-tangi sa mental energy ay hindi madaling makontrol o ang buong Thirteen Clans ay siguradong masisira.

Sa larangan ng hirap sa pagpasok, ang Ancient Shrine ang pinakamahirap.

Syempre, ito ay ayon sa mga hula at pag-analisa ni Zhao Feng, walang ebidensya o patunay, kaya hindi pa ito makukumpirma.

Kung nagsimula siyang magkalat ng mga tsismis, ang Broken Moon Clan ay haharap sa malaking puwersa mula sa Ancient Shrine.

"Master, ang Three Clan Party ay malapit nang mag-umpisa. Ang inyong disipulo ay kailangan nang umalis ngayon."

Si Zhao Feng ay nagdesisyong hindi magtagal sa Guanjun Palace.

Ang Three Clan Party ang pinakamahalagang bagay ngayon. Kahit hindi nagmamadali si Zhao Feng, si First Elder ay kabaligtaran.

"Mabuti, mabuti! Three Clan Party! Mukhang minaliit ko ang iyong lakas."

Hindi mapigilan ni Lord Guanjun ang kaniyang tuwa. Ang Three Clan Party ay isa lang alamat sa kaniya noong siya ay isang outer disciple pa lamang.

"Feng'er, dahil kalahok ka ng Three Clan Party, ang ibig sabihin nito ay magkakaroon ka ng malaking pagkakataong makapasok sa Alliance Banquet sa susunod. Ayon sa aking nalalman, ang Three Clan Party ay tanging labanan sa pagitan ng tatlong magkakalapit na mga Clan. Ang Alliance Banquet ay ang tunay na entablado ng mga henyo. Dito naglalaban ang mga prodigy. Kahit si Bei Moi ay hindi ang pinakamahusay roon."

Ang mukha ni Lord Guanjun ay puno ng pag-asa.

Ang Three Clan Party at Alliance Banquet ay naging pangarap niya ngunit dahil sa limitasyon sa talento, wala sa mga ito ang kaniyang naabot.

"Master, kalma. Ang iyong disipulo ay ibabalik ang iyong dangal," sabi ni Zhao Feng.

Pagkatapos ay umalis na siya kasama ang matandang lalaking puting balbas, na sumunod sa kaniyang likod na parang tagapaglingkod.

Biglang nakita ni Lord Guanjun ang isang pakete sa ibabaw ng mesa at nang buksan ito, may mga Spiritual Pills pati na ilang mga martial arts pati na dalawang Middle Grade Mortal weapons.

Nang makita ito, ang mga mata ni Lord Guanjun ay naging pula, ngunit hindi niya alam kung para ito sa pasasalamat o emosyon.

Sa parehong gabi...

"Aking panginoon, isang misteryosong tao ang nag-iwan ng isang bagay para sa'yo."

Isang miyembro ng Guanjun Corp ang yumuko at nag-abot ng isang metal na lalagyan.

Binuksan ito ni Lord Guanjun at napagtantong mayroon rin itong ilang mga Spiritual Pills at mga skill. Kahit na hindi ito kasingrami ng ibinigay ni Zhao Feng, marami pa rin ito.

Sa ilalim ng lalagyan ay may sulat: "Isang araw ay siguradong makukuha ko rin ang ulo ni Hai Yun Master at iaalay ito kay Master.

Mula kay: Bei Moi."

Nanlamig si Lord Guanjun at agad na sinira ang papel hanggang sa maging pino.

"Feng'er... Moi'er... Swerte akong kayo ay aking mga disipulo. Wala akong pinagsisishan. Hai Yun, maaaring nagkaroon ka ng magandanng buhay ngunit ikaw ay natalo, natalo..."

Dumaloy ang mga luha sa mukha ni Lord Guanjun at halos mabaliw na.

Broken Moon Clan.

Mayroon na lamang tatlong araw na natitira bago ang Three Clan Party.

Sa araw na ito, si Zhao Feng ay bumlaik at ipinaubaya ang matandang lalaking may puting balbas kay Vice Head Li.

"Sa nakaraang kalahating buwan, may mga balita ng pagpasok ng Scarlet Moon Religion sa Thirteen Clans. Kahit na sinubukan ng Scarlet Moon Clan na tumaas sa mga nakaraang araw, palagi silang sinisira ng mga malaking grupo ng North Continent. Ang mga maliit na puwersa tulad natin ay kailangan lang protektahan ang ating mga core members..."

Si Vice Head Li ay hindi man lang nagulat sa resulta ng misyon.

Si Zhao Feng ay nagulat – may posibilidad ng Sub-Divisions Leader dito.

"Tama, ang sinabi mo lang ay 'maaari.' Iuulat ko ito as Clan, ngunit isang bagay lang ang sigurado. Dahil sa iyong pagpapakita, ang kuta ng Scarlet Moon Religion ay maaaring malipat," malakas na loob na sinabi ni Vice Head Li.

Parehong si Zhao Feng at Vice Head Li ay hindi alam na ang misteryosong kalansay ay hindi isan gSub-Division Leader, ngunit isang full Division Leader.

Ang Scarlet Moon Religion ay sinasabing may 12 Division, at 108 Sub-Divisions.

Ang isang Division Leader ay kayang rumagasa sa Northern Continent at kayang sirain ang maliit na Clan na tila naglalaro lang.

Sa kabutihang palad, ang Thirteen Clan ay masyadong mahina sa kanilang mga mata at walang patutunguhan kung sisirain nila ang lugar na ito.

Inisip ni Zhao Feng na kahit ang mataas na katungkulan ng Clan ay walang pakialam, bakit ako magkakaroon?

Ngunit iniulat pa rin niya ang lahat kay First Elder.

"Ang ibig mo bang sabihin...isa sa mga Elder ng Silver Moon Clan ay maaaring nakuha na ng Scarlet Moon Religion?"

Bahagya lang itong pinaniwalaan ni First Elder dahil kung mayroon ngang ganoong nakakasindak na bagay, hindi makakatakas si Zhao Feng nang hindi nasasaktan.

Sa parehong araw...

Ang Broken Moon Clan ay nagpadala ng dalawang Elder at ilang mga elite para magmasid sa labas ng makaluamng templo, ngunit ang lugar na ito ay sira na.

Wala na silang magawa.

Ang pinagtutuunan ng pansin ng Broken Moon Clan ngayon ay ang Three Clan Party at sa oras na iyon, ang tatlong mga Clan ay mag-uusap tungkol sa ilang mga usapin, kasama ang pagharap sa Scarlet Moon Religion.

Wala naman talagang pakialam si Zhao Feng – hindi mahalaga kung gaano kagulo ang mundo, tanging ang lakas ang sagot sa lahat.

Sa isang kisapmata, tatlong araw na ang nakalipas at mas nagyabong pa si Zhao Feng sa kaniyang mental energy.

Sa sandaling ito, kinokontrol niya ang isang ibong lumilipad gamit ang kaniyang kaliwang mata.

Fffsssh!

Nang ibon ay malapit na sa Floating Crest Palace, naging abo ito dahil sa kidlat.

Tila nayanig si Zhao Feng at mukhang nakakuha ng ilang enlightenment. Habang mayroong sariling kagustuhan pagdating sa kidlat, ang kaniyang kabatiran sa Lightining Inheritance ay mas lumalim.

Ibinuka niya ang kaniyang palad at ilang maliit na mga arko ng kidlat ang lumtiaw.

Sa wakas ay naintindihan na niya ang 10% ng first floor ng Lightning Inheritance.

"Junior Brother Zhao, nais kang makita ni Master. Ang Three Clan Party ay magsisimula na."

Sa labas ng hardin ay narinig ang boses ni Yang Gan.