Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 205 - Sa Loob

Chapter 205 - Sa Loob

Sinuri ng pares ng mga matang tila kristal ang lugar kung nasaan si Zhao Feng. Ilang mga hibla ng mental energy ang nagkalat na tila sapot.

Naramdaman ni Zhao Feng na gumalaw ang lupa sa ibaba at biglang nasira, na naging kalaliman. Sa hangin, ilang bolang apoy, na ilang tonelada ang bigat, ang lumipad papunta sa kaniya. Ang pagkasirang maaari nilang magawa ay maaaring maapektuhan ang mga buhay ng nasa True Spirit Realm.

Sa harap ng buhay o kamatayan ay isang berdeng liwanag sa kaliwang mata ni Zhao Feng at ang asul na liwanag sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay umikot nang mas mabilis.

Hu!

Huminga nang malalim si Zhao Feng nang masira ang ilusyon sa kaniyang harapan. Ang kaniyang likod ay puno ng malamig na pawis.

Muntik nang mabiktima si Zhao Feng ng ilusyon ng nakatalukbong na anyo.

Kailangang malaman, na kahit ang Illusion Fox, na forte ang mga ilusyon, ay hindi makakaapekto kay Zhao Feng.

"Hindi! Hindi ito isang simpleng ilusyon lang, ito ay isa ring mental energy energy attack. Kung hindi dinurog ng aking kaliwang mata ang atakeng ito, siguro ay nasira na ang aking isip, na mas nakakasindak kaysa sa pisikal na pinsala…"

Nagsimula si Zhao Feng na analisahin ang atake ng nakatalukbong na anyo.

Ang kaniyang kalaban ay mahusay sa paggamit ng mental energy at ang mga ilusyong nagawa niya ay halos totoo na.

Sa sandaling ito, mayroong malinaw na tantiya si Zhao Feng ng lakas ng mga nakatalukbong na anyo. Ang huli ay nasa Seventh Sky of the Ascended Realm at ang kaniyang mental energy ay maihahambing sa True Spirit Realm.

"Ako lang ba?"

Ang nakatalukbong na anyo ay mababakasan ng pagtataka sa kaniyang mukha. Lubos siyang nakatitiyak sa kaniyang pakiramdam – ito ay isang kakayahang mayroon ang mga nagsanay ng mental energy.

Nagpadala siya ng isang ilusyon sa lugar, ngunit walang responde.

Kahit ang isang taong nasa Seventh Sky of the Ascended Realm ay mapipinsala kapag nakaharap ang atakeng ito.

"Hindi na ako makikita ng nakatalukbong na anyo." Nakahinga nang maluwag si Zhao Feng.

Walang duda, ang Yin Shadow Cloak ay isang Inheritance grade treasure. Sa gabi, ang invisibility effect ay nadodoble at nagpapahintulot sa kaniyang anyong maging kaisa ng kadiliman.

Dagdag pa rito, kakagamit lang ni Zhao Feng ng lahat ng kaniyang bloodline power at pinagana ang invisibility effect sa pinakamalakas na kapangyarihan.

Miao miao!

Sa kritikal na sandaling ito, isang munting kulay abong pusa ang tumalon sa puno.

Ano!?

Ang puso ni Zhao Feng ay literal na tumigil at lihim na nagmura. Ang munting pusang magnanakaw – bakit ngayon niya pa kailangang lumabas?

Ang munting pusang magnanakaw ay ngumit at hinarap ang nakatalukbong na anyo.

"Hmm? Isang pusang nakakaalam ng invisibility? Anong uri ito?" Ang nakatalukbong na anyo ay nagtataka.

Shua!

Ang munting pusang magnanakaw ay nakipag-isa sa kadiliman at nawala.

T*ng*n*?

Kaya ring maging invisible ng pusa?

Nagulat si Zhao Feng, ngunit ang isipin ito, ang mga pusa ay panggabi at ang munting pusang magnanakaw ay mayroong misteryosong karanasan.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw sa itaas ng isang malaking puno na nasa sampung yarda ang layo mula sa nakatalukbong na anyo.

"Ang pusang ito ay nakakawili, maaaring mayroon itong espesyal na bloodline…"

Ang nakatalukbong na anyo ay nagdesisyong hulihin ang pusa. Ang munting pusang magnanakaw ay ngumiti at nagdura ng isang tansong barya mula sa bibig nito.

Ang barya ay inihagis nito sa hangin at nagpatuloy sa pag-ikot bago bumagsak pabalik sa kamay nito.

"Hindi ba iyan ang kayamanang nilunok ng pusa noong trial?" Si Zhao Feng ay tumingin sa tansong barya.

Mukhang hindi naiintihan ng nakatalukbong na anyo ang ginagawa ng munting pusang magnanakaw, ngunit nakikita naman ang natutuwa nitong ekspresyon.

"Hindi ito maganda!"

Bigla siyang sumigaw at tumalikod.

Qiu Sou -----

Isanh pulang liwanag ang lumipad mula sa katapat na direksyon. Sa sandaling ito, ang aura ng True Spirit Realm ay nagdahilan ng labis na takot sa napakaraming may buhay.

True Spirit Realm aura!

Hindi na makalimutan ng nakatalukbong na anyo ang pusa dahil ang aura ay hindi na maalis sa kaniya.

Nilunok ng munting pusang magnanakaw ang barya papunta sa tiyan nito bago umupo sa puno, na handang manood ng palabas.

Ang pulang liwanag ay agad na tumigil sa hangin, nawala, at may isang elder na nakapulang damit at isang youth na may pulang buhok na lumitaw, na nasa 17 hanggang 18 taong gulang.

"Master! Ito ay nandito na! Ang inyong disipulo, ako, ay natukoy nila rito!" Tinuro ng youth na may pulang buhok ang nakatalukbong na anyo.

Ang nakatalukbong na anyo ay tumawa habang dinaanan sila ng kaniyang asul na matang tila kristal, na nagpadala ng isang transparent wave.

Ang mga kilay ng elder na nakapulang damit ay nagsalubong at pinigilan ang atake, ngunit ang youth sa tabi nito ay sumigaw.

"Hong'er!"

Kaagad na prinotektahan ng elder na nakapulang damit ang youth at nagpadala ng red sandstorm sa nakatalukbong na anyo.

Sa isang saglit, ang lupa ay naging itim. Ang nakatalukbong na anyo ay nataranta at tumakas, halatang hindi kayang tapatan ang isang cultivator ng True Spirit Realm.

Kung siya ay natamaan ng ganoong lakas, siya ay mamamatay pa rin, kahit na nakaabot na siya sa Seventh Sky of the Ascended Realm.

Wah!

Ang nakatalukbong na anyo ay dumura ng dugo at tumakas papunta sa loob ng isang illusion array.

"Hmph! Galing ka pala sa 'Ancient Shrine.' Bilang isang miyembro ng Thirteen Clan, bakit mo inatake si Hong'er?"

Pinakain ng elder na nakapulang damit ng Spiritual pill ang youth at pagkatapos ay pinasok ang makalumang templo. Mula sa kasalukuyang sitwasyon, mukhang ang mga puwersa mula sa loob ng makalumang templo ay hindi lang inatake ang mga nagmula sa Broken Moon Clan, kinalaban din nila ang mga kalapit na mga grupo.

Ang youth na may pulang buhok ay nakaabot na sa Fifth Sky of the Ascended Realm at magiging ikalimang pinakamataas sa Broken Moon Clan.

Sa kasagsagan ng gulo, tumalon si Zhao Feng sa isang punong may 100 yarda ang taas. Habang nakatayo sa itaas ng puno, nakikita ni Zhao Feng ang sitwasyon sa loob ng illusion array.

Ang elder na nakapulang damit ay natambangan na nang ilang beses, ngunit dahil nasa True Spirit Realm na siya, napatay niya ang nasa lima hanggang anim na tao nang sabay.

Ang mga napatay na tao ay nasa Fifth Sky of the Ascended Realm sa isang galaw lang.

"Ito ang kapangyarihan ng True Spirit Realm!"

Pinatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila.

"Zhe zhe, isang Elder ng Silver Moon Clan ay tunay na kakila-kilabot, ngunit hindi mo ba nakikita ang 'Heart Controlling Seed' sa loob ng youth?" Ang nakatalukbong na anyo ay tumawa ng masama.

"Ano!? Heart Controlling seed?"

Ang ekspresyon ng elder na nakapulang damit ay kapansin-pansing nagbago.

Toook!

Isang maiksing patalim ang sumaksak sa dibdib ng elder na nakapulang damit. Ito ay gawa ng youth na may pulang buhok.

"Hong'er, ikaw…"

Sigaw ng elder na nakapulang damit at pinalipad ang youth gamit ang isang ragasa ng True Force. Kaagad na sumigaw ito: "Kapag napatay ko ang naglagay ng Heart Controlling seed kay Hong'er, maibabalik sa kaniya ang kaniyang kalayaan."

Sa itaas ng puno, tila umikot ang mga isip ni Zhao Feng.

Ang elder na nakapulang damit ay mula sa Silver Moon Clan, isa sa mga kalahok ng Three Clan Party. Habang ang nakatalukbong na anyo naman ay mula sa Ancient Shrine, na isa pang kasapi ng Thirteen Clans.

Sa sandaling ito, ang sitwasyon ng makalumang templo ay nagbago.

"Kekeke…"

Isang silver striped blood corpse ang lumabas mula sa makalumang templo.

Ang silver striped blood corpse ay may malamig na aura at ang mga mata nito ay kasinpula ng dugo. Naglabas ito ng aura na mas malakas pa kaysa sa nakatalukbong na anyo.

"Siya 'yon! Ang Blood Corpse Protector!"

Ang puso ni Zhao Feng ay tumigil sa pagtibok nang makita ito.

Ang silver striped blood corpse ay isa sa kaniyang mga nakaharap sa Scarlet Moon Cave. Sa oras na iyon, ang corpse ay napakahina dahil kakagising lang, ngunit kahit na ganoon, halos mapatay pa rin nito si Zhao Feng at kaniyang mga kasama.

Ngayon, nanumnbalik na ang lakas ng Blood Corpse Protector sa half step True Spirit Realm at lubos na makapangyarihan ang katawan nito.

Tumanggap ito ang direktang atake mula sa elder na nakapulang damit at nagpatuloy pa rin sa pagsugod. Ang katawan ng corpse ay napakatigas at kayang pigilan ang mga atake mula sa isang taong nasa True Spirit Realm.

Ang nakatalukbong na anyo ay nakatayo mula sa malayo at nagpatuloy sa paggamit ng kaniyang mental energy attacks para makigulo.

"Ngunit kahit na, mahirap pa ring talunin ang taong nasa True Spirit Realm," pagsuri ni Zhao Feng.

At totoo nga, ang dalawa ay walang balak na manalo. Sa halip, unti-unti silang umaatras at hindi nagtagal ay tuluyan nang tumakas papunta sa makalumang palasyo.

Ang elder na nakapulang damit at ang youth ay kaagad silang sinundan.

Isang kakaibang bagay ang nangyari.

Sa sandaling tumapak ang lahat sa makalumang templo, naging tahimik ang lahat ng bagay.

Tila nakain ng halimaw ang elder na nakapulang damit at ang youth.

Naramdaman ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng mental energy sa loob ng templo.

Hindi nagtagal…

Ang elder na nakapulang damit at ang youth ay lumabas ng tamplo nang walang ekspresyon at umalis na.

Tila walang nangyari.

"Lubhang kakaiba," bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Huminga siya nang malalim bago ipalaganap ang kaniyang kaliwang mata sa sukdulang lakas. Pagkatapos ay tumingin sa pasukan at nakita ang kasulukuyang sitwasyon sa loob.

Sa loob ng templo…

Parehong ang nakatalukbong na anyo at ang blood corpse protectore ay may pinsala. Lalo na ang blood corpse protector, ang mga buto nito ay halos matanggal na. Kung isa itong taong nasa half-True Spirit Realm, malamang ang namatay na ito.

Sa gitna ng bulwagan ay may isang higaan na may isang walang buhay na kalansay na nakaupo sa ibabaw nito. Gayunman, ang mga butas sa pagitan ng mga buto sa kalansay ay may dalawang napakapulang mga apoy.

Agad na iniwas ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata sa mga ito.

Hu!

Ang mga liwanag sa mga mata ng kalansay ay unti-unting naging madilim, na tila nanghihina.

"Walang dudang isa sa 12 Division Leaders ang Great Lord. Kahit nasa mahinang kalagayan, nagawa pa rin niyang kontrolin ang isang taong nasa True Spirit Realm."

Sa loob ng mga mata ng nakatalukbong na anyo ay ang napakalalim na paggalang.

Isang boses ang nanggaling sa kalansay: ""Isa lang itong taong nasa first rank of the True Spirit Realm, ang 'True Human rank.' Nakapatay na ako ng hindi mabilang na langgam na katulad niya noon. Dalawa kayo ay may nagawa para mapahina siya, na nakapagpahintulot sa aking makontrol siya. Ngayon, kailangan ko ng kalahating buwang pahinga."

Kahit na hindi marinig ni Zhao Feng ang kanilang sinasabi, siya ay nanlamig pa rin.

"Division Leader, ang lugar na ito ay siguradong ligtas naman. Ang labis na mabilis nating pagpapalawak ay malamang nakakuha ng atensyon mula sa Thirteen Clans," nag-aalalang sabi ng Blood Corpse Protector.

"Tama, ngunit bago pa ito…"

Isang pulang liwanag ang biglang lumabas sa mga mata ng kalansay.

Hindi ito maganda!

Si Zhao Feng, na nakatayo sa itaas ng puno ay naramdamang tila nasunod ang kaniyang isip, na tila may bagay na hindi matanggal sa kaniya.

"Wuyou, lumabas ka at hulihin ang ungas na iyon. Naglagay na ako ng 'Ghost Mark' sa kaniya. Tanging ikaw lang ang makakaramdam nito at may natitira pang lakas para patayin siya," sabi ng misteryosong kalansay.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay biglang tumalon pabalik sa interspatial bracelet.

"Ang misyon ay tapos na, takbo!"

Ang kulay abong balabal sa likod ni Zhao Feng ay gumalaw at gaya ng kidlat, mabilis na siyang nawala sa kadiliman.

"Ungas, hindi ka na makakatakas."

Ang mga asul na mata ng nakatalukbong na anyo ay nakatuon kay Zhao Feng.

Related Books

Popular novel hashtag