Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 200 - Higit pa sa Pagiging Mahusay

Chapter 200 - Higit pa sa Pagiging Mahusay

Pagkatapos ng laban, hindi halos makakilos si Zhao Feng. Ang kanyang mga kalamnan ay sumasakit at ang kanyang true force ay ubos na.

"Maraming true force ang nagamit ko sa opensa kaysa depensa. Dagdag pa roon, ang cultivation ni Bei Moi ay umabot na sa 4th Sky, kung kaya ang true force niya ay higit na nalipon kaysa sa akin." Taimtim ang mukha ni Zhao Feng.

Ito na yata ang pinakamatinding laban na pinasukan niya simula nang mapadpad siya sa Broken Moon Clan. Walang kahit sino ang kinalaban niya na nauwi sa 'draw' o pantay na resulta, walang panalo, walang talo.

"Tunay ngang si Bei Moi ang henyo ng Broken Moon Clan." Napabuntong hininga si Zhao Feng.

Kung nagpatuloy pa sa kanila, aaminin niya na ang kanyang pagkatalo dahil sa naubos niyang true force.

Syempre!

Mula sa simula hanggang ngayon, hindi gumamit si Zhao Feng ng kahit anong bloodline power at kakarampot lamang na lightning inheritance.

Kung gagamitin niya ang kanyang bloodline power, siguradong mananalo si Zhao Feng. Pero, mas gugustuhin niya pang matalo kaysa gawin ito.

Ang makipaglaban nang walang nanalo ay isang mababang uri ng desisyo para kay Zhao Feng, pero hindi niya lamang akalain na sobrang lakas pala ni Bei Moi at ang pinakamaliit na pagkakamali ay nangangahulugan ng pagkatalo.

"Zhao Feng!" Ngumiti si Vice Head Li nang bahagya at naglakad patungo sa kanya.

Mula sa kanyang karanasan, masasabi niya agad na ang true force ni Zhao Feng ay halos maubos na.

"Vice Head Li."

Ngumiti si Zhao Feng at binati si Vice Head Li. Isa siya sa mga kaunting tao na may pakialam sa kanya kahit noong kapapasok niya pa lamang.

"Zhao Feng, ang Lightning Wind Palm mo ay mukhang perpekto na ah?" Interesadong pagtatanong ni Vice Head Li.

"Tama iyan! Pagkatapos kong mag-upgrade, ang Lightning Wind Palm ko ay hindi na mapanganib bago pa ang ikaanim na antas."

Hindi itinago ni Zhao Feng ang katotohanang ito.

"Ibig sabihin sa pinakamataas nitong antas ay magkakaroon ng panganib?"

Bahagyang nadismaya si Vice Head Li. Sa ganitong lebel, tanging ang ikaanim na antas lamang ng Lightning Wind Palm ang makakakuha ng kanyang interes.

Malalim na wika ni Zhao Feng: "Ang pinakamataas na antas ay may kakayahang ipatawag ang Nine Tribulations Lightning, na kayang pumatay ng kahit sinong nasa True Spirit Realm at kahit sino ang naroroon ay mababahala. Hindi imposible na magkaroon ito ng panganib."

Tumango si Vice Head Li matapos itong marinig.

Hindi nga posible na hindi magkaroon ng peligro ang ganitong klaseng atake.

Ang kayamanan ng Lightning Wind Palm ay naririto – kahit ang mga nasa half step ng True Spirit Realm ay magiging interesado.

Sa katotohanan, may isang pang punto na hindi sinasabi si Zhao Feng!

Matagal niya nang naperpekto ang Lightning Wind Palm at mayroon na itong pitong antas sa halip na anim.

Ang ikaanim na antas nito ay hindi pa kayang ipatawag ang Nine Tribulations Lightning, pero kaya nitong tawagin ang kapangyarihan ng natural lightning mula sa Heavens o kalangitan. Kahit mas mahina na ang ikaanim na antas ngayon, ang panganib na kasama naman nito ay nabawasan.

Ang ikapitong antas ay nangangailangang gamitan ng Lightning Inheritance at kapag nagtagumpay siya, kaya na niyang kontrolin ang kidlat at kaharapin ang mga nasa True Spirit Realm.

Pero hanggang sa ngayon, ang ikapitong antas ni Zhao Feng ay nagsisimula pa lamang na mabuo.

"Nga pala, Vice Head Li, kailangan ko po sana ang tulong niyo." Biglang may naalala si Zhao Feng.

"Anong maitutulong ko?"

Mataas ang paggalang ni Vice Head Li sa kanya kung kaya dinala niya si Zhao Feng sa Central Division para makapag-usap sila nang masinsinan.

Ang mga normal na disipulo ay walang pribilehiyo na gaya nito.

"May dalawang bagay. Gusto ko muna sanang gumawa ng Clan mission."

Isinulat ni Zhao Feng ang pangalan ng mga materyales na kailangan niya sa isang pirasong papel. Lahat ng ito ay kailangan para maiayos ang Yin Shadow Cloak.

Kahit kaya naman itong kunin ni Zhao Feng, mas madali kung bibilhin niya na lamang ito dahil marami naman siyang pera.

Maraming mga nakatataas sa Clan ang gumagawa ng misyon at kumukuha sila ng mga disipulo na siyang maghahap ng mga resources nila.

Napagpasyahan ni Zhao Feng na gumawa ng misyon.

Tumingin si Vice Head Li at nasorpresa: "Ang halaga ng mga materyales na ito ay napakamahal."

"Alam ko, nagkakahalaga ito ng daan-daan at libo-libong primal crystal stones."

Walang pakialam. Binigyan siya ng Clan ng 8000 na low grade primal crystal stones, na nagkakahalaga ng 800,000 na substandard primal crystal stones.

Ang madalas na ginagamit bilang pera ay ang substandard primal crystal stones at tanging sa matataas na klase lamang ng pakikipagpalitan ginagamit ang low grade primal crystal stones.

"Sige, dahil marami ka namang primal crystal stones, pwede kong ibigay ang misyon na ito sa'yo."

Sobrang desidido ni Vice Head Li.

Ang paggawa ng misyon ay nagkakahalaga ng maraming primal crysta stones at nangangailagan rin ng contribution points. Ito ang bayad sa paghahanapa ng mga resources na gagamitin. Wala namang kahit sino ang gagawa para sa libre.

Sinabihan ni Zhao Feng si Vice Head Li na gusto niyang umuwi.

"Kalahating buwan?"

Bahagyang napakislot ang mga kilay ni Vice Head Li, medyo matagal ito. Karamihan ng mga Clan ay istrikto. Napakaswerte na ng isa kung papayagan siya ng ilang araw, pero paano ang kalahating buwan.

"Iniisip ng mga disipulo dito na pwedeng tumanggap ng normal na misyon kasabay ang pagbisita sa iyong pinanggalingan."

Inisip na lahat ito ni Zhao Feng. Masyado nga talagang matagal para sa kanya ang umalis ng kalahating buwan, pero kung gagamitin niya ito sa likod ng pangalang 'task' o gawain, mag-iiba ang limit ng panahon.

"Guanjun Province? May misyon doon, pero five stars nga lang." Wika ni Vice Head Li.

Ang mga five star missions ay kadalasang nangangailangan ng mga nasa 5th Sky..

Tinignan ni Zhao Feng ang impormasyon at ang gagawin ay sundan ang mga bakas ng isang Clan mula sa isang lugar. Nangangahulugang ang lugar na ito ay hindi kabilang sa faction o dibisyon ng bansang ito.

Maaari maging malaki rin ang sakop nito, maaring hindi lamang ito pwersa na nasa pagitan ng 13 countries.

Ang kontinente pa naman ay napakalaki. Kahit ang hilagang bahagi lamang nito ay naglalaman na ng milyon-milyong clans. Sino ang makakaalam kung saan ito nagmumula?

Gawain: Sundan at alamin ang kasaysayan ng Clan na ito at tantsahin ang kanilang lakas. Kung kakayanin, alamin rin ang intensyon nila.

"Walang problema, ang pag-iiskawt o pagsunod sa mga bakas ay forte ko." May kumpiyansang kinuha ni Zhao Feng ang misyon.

Natural lang talento niya sa pag-iiskawt dahil sa kanyang kaliwang mata. Dagdag pa roon, may Inheritance item na rin siya – ang Yin Shadow Cloak. Kaya nitong burahin ang kanyang aura at itago ang kanyang pisikal na kaanyuan, na siyang magbibigay ng pinakamagandang sandata sa kanya sa pangangalap nang palihim.

Pagkatapos kunin ang misyon.

Nagpaalam na si Zhao Feng kay Vice Head Li at tumungo para hanapin ang First Elder.

Parehong ang First Elder at si Yang Gan ay naroroon. Dumating na si Yang Gan sandali lamang bago iulat ang sinabi ni Zhao Feng sa elder.

"Zhao Feng, natapos mo ba ang pinapagawa ko sa'yo?" Tumawa ang First Elder.

"Opo, tapos na po."

Gayon din, ikinuwento ni Zhao Feng ang istorya kung paano niya hinamon ang mga core disciples.

Higit na nagulat si Yang Gan nang marinig ito. Sa isang kisapmata lamang, hinamon ni Zhao Feng ang tatlong core disciples at halos tinalo ang lahat ng disipulo ni Hai Yun Master.

"Zhao Feng, may alitan ba kayo ni Hai Yun Master?" Bahagyang nagulantang ang First Elder.

"Master, oo nga po at may kakaunti po kaming alitan."

Sinabi ni Zhao Feng kay First Elder ang tungkol kay Lord Guanjun. Hindi rin naman ito sikreto at gusto rin namang sabihin ni Zhao Feng kay First Elder ito upang maprotektahan si Lord Guanjun.

"Hindi nakapagtataka. Narinig ko nga dati na noong bata pa si Hai Yun Master ay marami siyang kinakalaban. Ngunit, ayoko sanang palalain pa ang alitang ito." Bigkas ng First Elder.

"Huwag po kayong mag-alala. Wala po ako rito para gumanti. Ang gusto lamang po ng disipulo na ito ay malagpasan si Hai Yun Master at matalo siya! Iyon lamang po!" Agad na isiniwalat ni Zhao Feng ang kanyang layunin.

Malalim na sinabi ng First Elder: "Kung ito lang naman, wala naman akong problema rito."

Bahagya rin siyang masaya na kinuha niya ang mga disipulong ito. Mukhang pinapahalagahan nga talaga ni Zhao Feng ang pagkakaibigan at mga emosyon. Kung maaabot nga talaga niya ang mataas na estado, talagang matutuwa ang First Elder.

"Nag-alala lamang ang disipulo niyo na baka hindi ako hayaang lumago ni Hai Yun Master at maaaring ilabas niya ang kanyang galit kay nila Xu Ran at sa iba pa." Agad na sinabi ni Zhao Feng ang mga inaalala niya.

"Huwag kang mag-alala, hangga't andito ako, hindi susubukan ni Hai Yun Master na galawin ka o saktan ang mga kaibigan at pamilya mo dahil bawal rin naman ito sa Clan."

Isang liwanag ang gumuhit sa mga mata ng First Elder.

"Pero ang master mo, ako, ay hindi pwedeng makialam sa kompitensya na mayroon kayong mga kabataan." Agad na dagdag ng First Elder.

Tumango si Zhao Feng. Sa kapangyarihan na mayroon ang First Elder, hindi talaga siya makikialam sa mga kabataan.

Gaya ng araw ngayon, halos matalo ni Zhao Feng ang lahat ng statlong disipulo ni Hai Yun Master, pero hindi pa rin ito nakialam.

Sa pangakong binitawan ng First Elder, walang kahit sino na may kaugnayan sa kanya ang maaaring maapektuhan.

"Ang gustong mangyari ni Hai Yun Master ay talunin ako sa pamamagitan ni Bei Moi. Ngunit, hindi niya alam na kung tunay na lakas lamang ang sukatan ay hindi ko siya kapantay." Inisip ni Zhao Feng.

Ang dahilan kung bakit hindi niya ginulpi si Bei Moi ay dahil sa pwede niya itong gamitin bilang kanyang pantasa.

Habang lumalago si Zhao Feng, ganoon rin ang nangyayari kay Bei Moi. Ang dalawa ay parehong nakatanggap ng inheritances sa Floating Crest Palace.

Gamit ang isang napakagandang pantasa, paano namang mangyayari na hindi ito gamitin ni Hai Yun Master?

Bago siya umalis.

Binalaan siya ng First Elder: "Dapat kang makabalik dito sa loob ng kalahating buwan para sa Three Clan Party."

Ngayon, naabot na ni Zhao ang top three ng core disciples, kung kaya wala nang makakapigil pa sa kanya.

Pagkatapos iwan ang First Elder, inayos na ni Zhao Feng ang kanyang mga gamit at inilagay ito sa interspatial bracelet niya.

Sa ikalawang araw.

Umalis na si Zhao Feng ng Broken Moon Clan.

Nang gawin niya ito, napagtanto niyang parehong si Nan Gongfan at Yang Qingshan ay naabot na ang Ascended Realm at nasa daan na sila patungo sa pagiging inner disciples.

Tumango si Zhao Feng. Matapos niyang maging isang inner disciple, alam niyang ang mga disipulong iyon ay mahalaga at dapat na pinapalago at hindi lamang mga langgam na tinatapak-tapakan.

Sa parehong araw ay lumisan si Zhao Feng.

Nagtitipon-tipon ang karamihan sa mga Elders at Clan Master.

"Muling nagbigay ng imbitasyon ang Lin Moon Clan. Bawat Clan ay mayroong tatlong delegado sa pagkakataong ito." Magaang banggit ng Clan Master.

"Kadalasang apat hanggang lima. Bakit kakaunti lang yata ngayon?"

Bahagyang nagulat si Hai Yun Master.

"Narinig kong ang mga henyo ng Silver Moon Clan at Lin Moon Clan ay talagang napakalakas ngayon. Isang tao mula sa bawat Clan nila ang nakatanggap ng 'inheritance' sa kani-kanilang mga trials." Pagpapatuloy ng Clan Master.

Naging taimtim ang ekspresyon ng mga Elders.

Parehong ang Lin Moon Clan at Silver Moon Clan ay may mga disipulo na nakatanggap ng mga inheritances.

Kadalasan, bawat daang taon, mayroon lamang isa o dalawang disipulo ang makatatanggap ng inheritance at kadalasang hindi pa ito ganoon kalakas.

Ngunit sa ngayon, ang bawat Clan ay mayroong isang tao na nakatanggap ng inheritance.

Ang kompetisyon ay talagang magiging matindi.