Wala?
Mula sa Clan Master hanggang sa mga disipulo, lahat sa kanila ay may hinala at gulat sa kanilang mga ekspresyon.
Ang taong nanguna sa trial, ang nakatalo sa ten-thousand year record ay hindi nakatanggap ng gantimpala?
Kahit si Bei Moi, na naging ikalawa sa pinakamataas at hindi nakakuha ng 1000 puntos, ay nakatanggap ng gantimpala, kaya't paanong siya ay hindi?
"Nakadepende sa swerte ng isang tao ang pagtanggap ng gantimpala."
Bahagyang pagkadismaya ang mababakas sa mukha ng Clan Master.
Si Zhao Feng ay isang prodigy para sa pagtalo sa then-thousand year record at may sarili siyang paraan sa paggawa nito. Kung nakatanggap siya ng gantimpala, makakahabol siya sa iba dahil sa pagkakaiba sa talento at matutulungan siyang maging isang henyo ng Broken Moon Clan.
Sa kasamaang palad, natalo nga ni Zhao Fenga ng ten-thousand year record, ngunit hingi naman niya nakuha ang pinakamahalagang bagay sa kaniya.
Kasabay nito…
Lihim na nakahinga ang maraming tao sa sagot ni Zhao Feng.
"Kung walang gantimpala, ano naman kung nanguna ka sa trial? Tadhana mo na ang madurog ko."
Isang ngiti ang mababakas sa mga labi ni Bei Moi.
Ang talento ni Zhao Feng ay karaniwan lang. Kung nakatanggap siya ng gantimpala, maaari niyang mapagbantaan ito. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya nagawa.
"Swerte…" nakahinga nang maluwag si Hai Yun Master.
Ang talento ni Zhao Feng ay hindi mataas, ngunit ang potensyal at paraang ipinakita niya ay nakakasindak. Kung nakatanggap siya ng gantimpala, ang panganib na madadala niya ay napakalaki.
Sa kabutihang palad, ang batang ito ay hindi nakatanggap ng gantimpala – si Bei Moi lang ang kayang makatalo sa kaniya.
Kahit si Sun Yuanhao ay may panghahamak sa kaniyang mga mata: "Kung walang gantimpala, sa iyong Low tier Spiritual body, agad kitang matatalo. Isang araw, matatalo kita at maibabalik ang hiya!"
Sa sandaling ito, magaan na ang tingin ng lahat kay Zhao Feng. Kahit na sa mga mata lang ni Hai Yun Master at iba pa, kayang magmayabang ni Zhao Feng sa maiksing panahon, ngunit ang kaniyang hinaharap ay llimitado.
Si Zhao Feng, na nasaksihan ang buong pangyayari, ay lihim na natawa.
Ito ang nais niyang resulta.
Kung kailangang maging high-key, maging high-key. Kung kailangang magpakababa, gawin ito.
Nakakuha na siya ng labis na atensyon dahil sa pagtalo ng ten-thousand year record. Nagdahilan ito para maalarma ang kaniyang mga kalaban.
Para kay Zhao Feng na nagyayabong pa, ito ay hindi magandang bagay.
Sa kontinenteng ito, mayroong napakaraming mga henyo, ngunit iilan lang ang natira ngayon. Ang kanilang taglay na potensyal at napakataas at maraming mga namatay sa pataksi na pagpatay.
Kahit ang isang prodigy na may 'Sky tier Spiritual body' ay maaaring mapatay ng kahit na sinong tao.
Kung malalaman ni Hai Yun Master at iba pang nakakuha siya ng pinakamagandang gantimpala, ang 'Lightning Inheritance,' siguradong mangangahas silang patayin si Zhao Feng bago pa siya lubusang magyabong.
Samakatuwid…
Itinago ni Zhao Feng ang katotohanan.
Ang isang disipulong may karaniwang talento at walang gantimpala ay hindi isang panganib. Ang mga disipulong kasing edad ni Zhao Feng, ay nakaramdam na mas mataas sila rito.
Gayunman, kahit na ang mga salita niya ay nakapanlilinlang ng mga disipulo, ang mga Elder ay hindi madaling malilinlang.
Ang mga mata ni Elder Xue at Hai Yun Master ay nagningning.
Paaong ang isang tao, na nakatalo sa ten-thousand year record, ay hindi makakatanggap ng gantimpala? Masyado itong nakakapanghinala o may ibang bagay pang nangyari?
"Zhao Feng, naalala kong kapag nakaabot ang isang tao sa partikular na marka, magbibigay ang trial ng isang simple at libreng gantimpala," hindi siguradong tanong ni Elder Xue.
Kaunti nga naman ang nakakaabot sa markang ito at ang lahat ay narinig lang mula sa iba. Nakaramdam si Hai Yun Master na may kakaiba ngunit hindi niya matukoy kung ano.
"Ang aking marka ay madaling nakalagpas sa mga kinakailangan," tumawa si Zhao Feng.
Nang marinig ito, ang ekspresyon ni Bei Moi, Quan Chen at iba pa ay nagbago. Niloloko lang ba sila ni Zhao Feng?
"Sa kasamaang palad, ang Floating Crest Palace ay walang mainam na gantimpala para sa akin. Ang aking talento ay mental energy," sinabi ni Zhao Feng nang may pagsisisi.
"Mental energy?" Lahat ng mga Elder ay nagtinginan.
Sa kailang lebel, madali nilang makikita na si Zhao Feng ang may taglay na maraming mental energy, na nakakapagpahintulot sa kaniyang makalaban sa mga aura ng True Spirit Realm. Ang punto ay unang napansin ni First Elder.
"Ang mental energy ay totoong ibang daan o ito ay pag-aari ng Wicked. Bilang mula sa mga Righteous, ang Floating Crest Palace ay hindi magkakaroon ng mga gantimpala tungkol dito," nagbuntong hininga ang Clan Master at naniwala sa mga sinabi ni Zhao Feng.
Lahat ng mga Elder ay napag-alamang si Zhao Feng ay may talento sa mental energy at ang mga disipulo ay naranasan na ito.
Sa ikalawang hakbang, natalo ni Zhao Feng ang napakaraming bilang ng mga paniki gamit ang kaniyang mental energy sound attack, na hindi nakapinsala o nakasakit sa mga disipulo.
"Zhao Feng, dahil sa iyong napakahusay na ipinamalas sa trial pati na sa mga naiambag mo sa Clan, napagdesisyunan kong gantimpalaan ka ng 500,000 puntos at hayaan kang basahin ang kahit anong skill sa Hollow Building. Dagdag pa rito, gagantimpalaan ka rin ng Clan para sa mga bagay na ibinigay mo."
Anunsyo ng Clan Master.
500,000 puntos!
Ang lahat ay nagulat.
Kahit ang mataas na lebel ng Clan ay mukhang walang ganito kataas na puntos.
Sa ganoon karaming puntos, anong hindi niya kayang gawin?
"Sige, ang pabuya ay naigawad na, ngayon naman ay ang parusa. Ang pabuya at parusa ay hindi dapat pagsamahin."
Mabagal na tumayo ang Regulation Elder.
"Tama, marami ngang naitulong si Zhao Feng sa Clan, ngunit ang kaniyang mga ikinilos sa trial ay kailangan maparusahan," pagsang-ayon ni Elder Xue.
"Kahit na nanguna si Zhao Feng, sinira niya pa rin ang hinaharap ng iba," walang ekspresyong sinabi ni Hai Yun Master.
Ang dalawang Elder ay sumasang-ayon sa Reguations Elder.
Ang biglang pagbabago ay nahuli ang Clan Master. Si Granny Linyue ay walang pinapanigan at walang tinulungan. Naging matalim ang tingin ni First Master at naging nakakanerbiyos ang kapaligiran.
Halatang pinlano ito ng tatlo. Ang Regulations Elder ay hihiling ng parusa at ang dalawang Elder ay susuporta sa kaniya, na ang ibig sabihin ay hindi sila mapipigilan ni First Elder.
Wala naman kasing may kapangyarihang kontrolin ang lahat.
"Ano bang iniisip ng Regulation Elder?"
Naging kalmado muli ang ekspresyon ni First Elder.
"Ang Clan ay patas. Hindi naming pagbibintangan ang isang mabuting tao, at hindi patawarin ang masamang tao. Gagawin natin ito sa harap ng lahat, na maaaring mapanood ng kahit na sino. Sa tingin ko ay wala namang tutol dito?" sabi ni Regulations Elder.
"Tama! Sumasang-ayon ako."
"Si Zhao Feng ay isang masama at tusong youth at dapat na patalsikin sa Clan."
"Ang dahilan kung bakit siya nanguna ay ang katotoohanang siya ay madamot at sinaktan ang iba kasbay nito. Ang mga taong tulad niya ay dapat na parusahan."
Sa pangunguna ni Quan Chen at Lu Hu, marami silang sinabing kung ano-ano. Sa ganitong sitwasyon, kahit ang Clan Master at First Elder ay walang magagawa.
"Kung malulutas ito nang patas, ay wala akong masasabi," sabi ni First Elder.
"Sige, lilitisin naming si Zhao Feng. Zhao Feng, may nakikita ka bang problema?"
Tumango ang Regulations Head.
"Wala."
Si Zhao Feng ay mayroon pa ring kaswal na ugali.
"Tinatanong kita, bakit mo dinala si Sun Yuanhao at Lu Hu sa kalaliman sa unang hakbang?" mahigpit na tanong ng Regulations Elder.
Nang matapos siya sa pagsasalita, nagsimula nang magpaliwanag si Sun Yuanhao at Lu Hu kung paano sila nalinlang ni Zhao Feng.
"Ang ungas na ito ay walang respeto sa kaniyang mga Elder at dinala ako, na isang Core disciple, sa kalalilaman, na nakasira sa aking hinaharap…" umiyak si Lu Hu.
"Gusto niyang makuha ang lahat ng mga kayamanan para sa kaniyang sarili at takot takot siyang ipaglalaban ko ito, kaya dinala niya ako sa kalaliman," tumangis si Sun Yuanhao.
Binago ng dalawa ang katotohanan at magaling na umarte na ang lahat ay naawa sa kanila.
"Zhao Feng! Paano mo ipapaliwanag ito?" tanong ng Regulatoions Elder.
"Ang kalooban ng dalawang ito ay mahina! Nakontrol sia ng illusion fox. Sa tingin ng inyong disipulo rito ay madadamay lang nila ang mga tao pababa. Dahil dito, napagdesisyunan kong paalisin sila," walang ekspresyong sinabi ni Zhao Feng.
"Zhao Feng! Huwag kang mangahas na hamakin kami!"
Si Lu Hu at Sun Yuanhao ay puno ng galit.
Lihim na natawa si Zhao Feng – Sa tingi niyo ba ay makikipag-away ako sa inyo para sa 'katotohanan'?
Ang mga taong ito ay siguradong nagplano na laban kay Zhao Feng. Matapos marinig ang 'paliwanag' ni Zhao Feng, nagulat ang lahat. Ito ay dahil wala silang silbi kaya sila napaalis.
"Bwisit! Napkayabang ng lalaking ito."
Maraming tao ang nagalit.
Si Lu Hu at Sun Yuanghao at parehong mababakasan ng kalungkutan sa kanilang mukha. Sa ganitong sitwasyon, minamaliit pa rin sila.
Bahagyang napatigil ang Regulations Elder – ang mga planong ginawa nila ay hindi ito kayang tapatan.
"Anong karapatan mong maging mayabang! Ngayon ay tinatanong kita, bakit mo inatake si Quan Chen sa ikalawang hakbang?" walang ekspresyong tanong ni Regulations Elder.
"Para sa Clan Master at mga Elder, ang inyong disipulo rito ay nakapasok na sa kalagitnaan ng kastilyo at si Zhao Feng, na nakapasok na sa gitna, ay gustong nakawin ang aking mga gantimpala sa digmaan…"
Sinabi ni Quan Chen habang nagngangalit ang ngipin.
"Zhao Feng, paano mo ipapaliwanag ito?"
Tumawa si Zhao Feng: "Tinulungan ako ni Brother Quan na atakihin ang kastilyo, ngunit siya ang walang silbi. Pinahirapan niya ako – mas makakatulong pa siya kung wala siya roon."
Walang silbi? Pinahirapan siya?
Ang mata ng lahat ay halos lumuwa na. Ang rasong ito ay napakahina.
"Zhao Feng! Tumigil ka sa pag-iimbento!"
Lubos nag alit si Quan Chen – kailan niya pa pinahirapan si Zhao Feng?
Ni hindi nga siya nagpapaliwanag, hinahamak niya ang mga ito.
"Magaling, magaling. Zhao Feng, matagal na akong Regulationg Elder at ito ang unang beses na nakakita ako ng isang taong mayabang. Tinatanong kita, bakit mo nilinlang si Bei Moi sa huling hakbang at pinaalis siya nang maaga?" walang ekspresyong tanong ng Regulations Elder.
"Ang pusang iyon ay sumama kay Zhao Feng at nilinlang ako. Iniisip ba ni Zhao Feng na wala rin akong silbi?"
Tumingin si Bei Moi sa munting pusang magnanakaw at tumawa.
Ang lakas ni Bei Moi ay hindi mapagdududahan. Kasabay nito, ang kaniyang talento at swerte ay mataas din.
Inisip ng lahat "Hindi mo na maaaring gamitin ang mga salitang 'walang silbi' at 'pinahirapa ako' ngayon."
"Si Brother Bei ay siguradong makapangyarihan, ngunit ang kaniyang katalinuhan… Paano mo napaniwalaan ang sinasabi ng isang pusa?
"Sinasabi mo bang ang aking katalinuhan ay mababa?" halatang nagalit si Bei Moi.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Zhao Feng at tumango at kumaway sa bilang pagsang-ayon.
"Ikaw… ikaw…"
Galit na galit si Bei Moi na halos umubo na siya ng dugo.
Ni hindi nga nagpapaliwanag si Zhao Feng, hinahamak niya ang mga ito.
"Isang mayabang na ungas!"
Ang Regulations Elder ay halos sumabog na sa galit. Hindi ginawa ni Zhao Feng ang gusto niyang magyari, kaya sumablay lahat ng kaniyang mga patibong at mga plano.
Kaagad na yumuko si Zhao Feng sa Clan Master at First Elder: "Ang mga taong ito ay hindi walang silbi o hangal. Habang nag-iisip para sa buong trial, napagdesisyunan kong paalisin sila. Ang inyong disipulo rito ay handang tumanggap ng inyong parusa para sa 'kayabangan'!"
Inaamin ko… ang kasalanang ito!