Kapag kailangang maging high-key, maging high-key.
Paanong si Zhao Feng ay inakusahan ng mga problemang ito pagkalabas niya?
Sa sitwasyong ito, lahat at kahit anong paliwanag ay walang silbi. Kailangang manuna sa mga tao.
Nagtagumpay si Zhao Feng sa paggamit ng mayabang at nakakalamang na ugali! At walang masabi ang mga taong ito.
Ang pinakamalakas ang nanguna.
Nakuha ni Zhao Feng ang titulong ito at may karapatan siyang sabihin ito.
'Ang mga matagumpay ang nagsusulat ng kasaysayan,' sinong nakarinig na mga talunan ang nagsulat nito?
Ang Clan Master at mga Elder ay nagtinginan – hindi nila inakalang magiging mayabang pa rin siya sa harap ng maraming tao.
Ngunit nang maalalang ang batang ito ang nanguna sa trial at nagsanay ng Lightning Wind Palm, ang kaniyang mga ikinilos ay hindi naman masyadong kakaiba.
"Zhao Feng, anong karapatan mong maging mayabang!?"
Ang ekspresyon ni Elder Xue at Hai Yun Master ay madilim at ang kanilang aura ay kumalat sa hangin.
Isang kaisipan lang ang kanilang kailangan para mapatay ang disipulong ito. Ngunit hindi sila nangahas.
Una, si Zhao Feng ay nanguna sa trial. Ikalawa, nakasuporta si First Elder kay Zhao Feng.
Pinakawalan nila ang kanilang mga aura para mabawasan ang kayabangan ni Zhao Feng. Gayunman, nadismaya sila sa resulta.
Hinangin ang asul na buhok ni Zhao Feng at ang kaniyang tingin ay matalim pa rin at hindi gumagalaw. Sa trial, nalabanan ni Zhao Feng nang ilang beses ang True Spirit Realm.
Ang pinakanakakasindak na Mountain Monster, na natalo ang apat na black metal monster sa isang pag-isip, na may aura na mas malakas pa kaysa sa aura ng dalawang Elder sa kaniyang harapan.
Sa loob ng kaliwang mata ni Zhao Feng, umikot ang asul na liwanag, na nagpapakalat ng bloodline power sa kaniyang katawan para mabawasan ang puwersa ng aura.
Miao miao!
Si Zhao Feng ay hindi naapektuhan, at kahit ang munting pusang magnanakaw ay palokong tinatawanan si Hai Yun Master at Elder Xue.
"Hmm? Ang pusang iyan ay hindi simple! Iyan ba ang pusang nanloko kay Bei Moi?"
Ang mga mata ni Hai Yun Master ay nagliwanag.
Bilang nasa True Spirit Realm, paanong hindi niya napansing ang katalinuhan ng munting pusang magnanakaw ay isang bagay na hindi maikukumpara sa normal na halimaw?
Dagdag pa rito, kayang iwasan ng pusa ang puwersa na dala ng True Spirit Realm, na nangangahulugang ito ay mahusay o kaya naman ay may powerful bloodline.
Halimbawa, ang mga legendary beast tulad ng Dragon at Roc ay kayang mapuwersa ang mga normal na halimaw, kahit na mas mababa ang cultivation nito.
Nang maisip ito, mababakas sa mga mata ni Hai Yun Master ang pagmamadali.
"Lahat, kumalma kayo! Si Zhao Feng pa rin ang panalo ng trial na ito. Ang Clan ay magbibigay ng kasiya-siyang sagot."
Ang walang ekspresyong boses ng Clan Master ay puno ng kahigpitan.
Ang lahat ng mga Elder ay sumang-ayon. Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay ang makita kung gaano karaming pabuya ang makukuha ni Zhao Feng.
Kailangang malaman na mas tumagal sa trial si Zhao Feng kaysa kay Bei Moi, na nakatalo sa thousand year record, sa loob ng sampung araw.
Ang mga disipulong nais parusahan si Zhao Feng tulad ni Quan Chen, Bei Moi at ang iba pa ay naging tahimik. Kahit anong sabihin nila, si Zhao Feng pa rin ang nanguna.
Pinangunahan ng Clan Master si Zhao Feng patungo sa Central Division.
Kung titignan ito, ang nagawa ni Zhao Feng sa trial ay maaaring hindi na palakihin ng mga namumuno sa Clan.
Si Quan Chen, Lu Hu at iba pa ay mababakasan ng hindi pagsang-ayon sa kanilang mukha.
Sa mismong sandaling ito, isang makapangyarihang aura ng True Spirit Realm ang lumitaw.
"Batang Zhao Feng, huwag kang maging mayabang! Bawat bansa ay may sariling mga batas at ganoon din sa ating Clan! Kasama si Elder, ako, ako, kahit gaano pa kalaki ang iyong kontribusyon, mapaparusahan ka pa rin."
Isang tila kulog, at matandang boses ang umalingawngaw ang nagpatigil sa paghakbang ni Elder.
Bago pa matapos ang mga salita, isang matandang lalaking may suot na berdeng damit, ang lumitaw sa hangin na may hawak na tungkod.
"Regulations Eder!"
Ang ilan sa mga disipulo at napasigaw at yumuko bilang paggalang.
May hawak na hindi karaniwang katungkulan ay Regulations Elder sa Clan. May kapangyarihan siyang pumatay at kontrolin ang mga batas ng Clan.
Kahit na nilabag ng Clan Master ang mga batas ng Clan, may karapatan ang Regulations Elder na litisin siya. Dagdag pa rito, may Spiritual grade weapon ang Regulations Elder, na nagbibigay sa kaniya ng lakas na mas matas kaysa sa mga normal na mga Elder.
"Maganda! Ang Master ay nandito na. Kahit ang Clan Master ay hindi makakapigil sa kaniya!"
Labis na kasiyahan ang mababakas sa mukha ni Lu Hu. Ang mga madilim na ekspresyon ni Quan Chen at iba pa ay nabaliktad.
Nang makita ang Regulations Elder, mababakas ang pag-aalala sa mga mata ng Clan Master.
Kung gusto nitong parusahan si Zhao Feng, kahit siya ay hindi ito mapipigilan.
Ang mga mata ng Clan Master ay sumuling kay First Elder nang may pagmamakaawa. Hindi lang ito dahil master siya ni Zhao Feng, kung hindi dahil sa kaniyang kapangyarihan.
"Regulations Elder, bakit hindi ka bumaba at saksihan ang pinakamataas na marka na naitala ng Floating Crest Trial?"
Ang boses ni First Elder at kalmado at mukha itong parehong paanyaya at kautusan.
Sa sandaling ito, ang ibang mga Elder ay tahimik.
"Sige, pupunta ako."
Ang Regulations Elder ay halatang hindi mapakali kay First Elder. May salitang 'First' sa First Elder, na ang ibig sabihin na siya ang may pinakamataas na katungkulan sa lahat ng mga Elder.
Si Elder Xue at Hai Yun Master ay nagtinginan at nagbuntong-hininga: "Nagdesisyon na ba si First Elder na protektahan nag disipulong ito?"
Ang totoo, gustong pabagsakin na agad ng Regulations Elder si Zhao Feng at parusahan ito. Gayunman, kahit na siya ang Regualtions Elder, kailangan pa rin niyang sumangguni kay First Elder.
Kinopya ni Zhao Fenga ng pangyayari sa kaniyang mata at hindi maiwasang maramdaman ang swerte na pinili niyang maging disipulo ni First Elder, kahit na isa lang siyang outer disciple.
Hindi kumuha ng maraming disipulo si First Elder ngunit kung nagkaroon siya, poprotektahan niya ang mga ito hanaggang sa huli, kahit isang outer disciple pa.
Ayaw gawing disipulo ni First Elder si Zhao Feng dahil nagkaroon siya ng disipulo noong nagsanay ng Lightning Wind Palm at namatay.
Mukhang walang pakialam si First Elder sa simula, ngunit nang makuha ang kaniyang pagkilala, buong pusong pahahagalagahan nito ang kaniyang mga disipulo. Pinangunahan ni First Elder ang daan at naglakad papunta sa Central Division sa harap ng Clan Master.
Kasama ang Regualtions Elder, sumunod siya sa likod nito. Ang ibang mga
Elder ay nagtinginan, na tila iniisip kung ano bang layunin nis First Elder.
Labis na makapangyarihan si First Elder ngayon. Ang ekspresyon ng Regulations Elder ay nagbago, naging bahagyang mas seryoso.
"Ang First Elder na ito, aking master! Nangunguna at makapangyarihan!" puno ng paghanga si Zhao Feng.
Ang kapaligiran ay nabago ni First Elder. Nararamdaman niyang kahit ang ibang mga Elder ay hindi mangangahas na huminga nang malalim.
Sa wakas…
Napagtanto ni Zhao Feng na ang katungkulan ni First Elder sa Clan ay mas mataas pa sa kaniyang inaasahan.
Kung titignan, tila ang Clan Master ang may pinakamataas na kapangyariham sa Clan. Gayunman, sa totoo lang, ay hindi.
Sa sandaling ito, nang maglakad si First Elder sa pinakaharapan, walang nagdalawang isip sa kaniya. Sa kabilang banda, lahat sila ay naging mas maingat.
"Brother Zhao, pumasok ka."
Binalaan ni Yang Gan si Zhao Feng sa pamamagitan ng bahagyang magulong ekspresyon. Hindi niya naisip na ang kaniyang Master ay poprotektahan ang kaniyang outer disciple.
Kung bakit ganoon ang kapangyarihan ni First Elder, walang naramdamang kakaiba si Yang Gan.
Ang lahat ng ito ay dahil sa isang bagay – si First Elder ang pinakamalakas sa Clan.
Nakakataas ang lakas sa lahat ng bagay.
Hindi mahalaga kung 'Mabuti' o 'Masama' ang isang tao, ito ang batas.
Ito ay dahil si First Elder ay ang pinakamalakas na ang ibang mga Elder ay kailangang umiwas.
Tumawa si Yang Gan: "Si Master ay karaniwang low-key sa Clan. Ginagawa ng mga Elder na ito ang kanilang gusto ngunit ngayon, napagtanto na nila kung sino ang totoong pinuno!"
Hindi nagatagal, ang grupo ng mga Elder ay pumasok sa Central Division Hall.
Kinabahan si Vice Head Li. Anong nangyayari? Bakit nandito ang lahat ng mga Elder at bakit ganito ang kapaligiran?
Sa loob ng bulawagan, bukod sa mga Elder, ang ibang mga disipulong lumahok sa trial ay pumasok din.
"Zhao Feng, ano ang iyong huling marka?"
Puno ng pah-asa ang mga mata ng Clan Master.
"1000 at kaunti pa," kaswal na sagot ni Zhao Feng.
1000 at kaunti pa?
Ang iba pang mga disipulo ay nanlamig.
"Nakaabot sa 1000 ang kaniyang marka! Kahit si Bei Moi ay nasa hanggang 900 lang o higit pa."
"Ang markang ito ang siguradong nakatalo sa ten-thousand year record."
Nagkagulo ang loob ng bulwagan.
Hehe, mukhang 900 puntos lang ang nakuha ni Bei Moi.
Lihim na natawa si Zhao Feng.
"1000 at kaunti pa? Ilan ang kaunti?"
Nanggigil si First Elder kay Zhao Feng.
"1588."
Sinadyang sabihin ni Zhao Feng ang napakababang marka dahil ang ilang puntos ay ginamit para gantimpalaan ang kaniyang mga kahilingan.
"1500+, natalo na nito ang then-thousand year record!"
Lubos na nagalak si First Elder at ang kaniyang mukha ay namumula.
Pagkatapos nito, inilibas na ni Zhao Feng ang kaniyang mga pabuya.
"Spiritual grade weapon!"
Ang unang bagay ay isang Spiritual grade sword, na nagpaliwanag sa mga mata ng mga Elder. Pagkatapos ay inilabas na niya ang dalawang Spiritual class skill, higit ng isa kay Bei Moi.
Ang mga Spiritual class skill ay itinuturing na pamana sa Clan. Ang dalawang magkasabay ay isang malaking sorpresa.
Bukod pa rito, mayroon ding apat na peak grade Mortal skills, na karaniwang ibinibigay lang sa mga Elder at Vice Head para magsanay.
Si Zhao Feng ay labis na mapagbigay at ibinigay ang lahat sa Clan.
Mayroon ding lupon ng mga resources na may malaking halaga. Kung hindi kailangan ito ni Zhao Feng, ibibigay niya rin ito sa Clan. Ang totoo, ang pinakamahalagang mga skill ay nakopya na sa kaliwang mata ni Zhao Feng.
"Ang pusa mo ay mukhang hindi simple."
Umikot ang mga mata ni Hai Yun Master.
Miao miao!
Ang munting pusang magannakaw ay tinawanan si Hai Yun Master nang may panghahamak at panloloko.
"Hahaha…"
Nang makitang minamaliit ng pusa si Hai Yun Master, nagsitawanan ang iba pang mga Elder.
Hindi nagalit si Hai Yun Master at tumingin siya kay Zhao Feng: "Gaano karaming spirit stones ang gusto mo para sa pusang ito? Makakapagbigay din ako ng iba pang mga bagay."
"Hindi ito ipinagbibili! Ang munting pusang magnanakaw ay nagsagawa na ng blood pact kasama ako."
Umiling si Zhao Feng nang hindi nagdadalawang isip.
Kasabay nito, pinatunog niya ang kaniyang dila – ang mga mata ni Hai Yun Master ay tunay na natatangi.
"Feng'er, nakatanggap ka ba ng gantimpala sa trial para sa pagtalo sa ten-thousand year record?" si First Elder ay puno ng pagmamadali.
Nang marinig ito, naantig si Zhao Feng. Ang lahat ng ibang mga Elder ay gustong malaman kung anong halaga ang makukuhang kita ng Clan at hindi siya.
Para sa mga gantimpala, ito ang pinakakapaki-pakinabang na bagay para sa mga cultivator. Ang ibang mga bagay, ay mga bagay lang.
Pagkatapos na masabi ang katanungang ito, ang ibang mga Elder at disipulo ay nagtataka.
Ito ay lalo na para kay Bei Moi dahil siya lang ang tanging nakatanggap ng gantimpala.
"Wala."
Ang simpleng sagot ni Zhao Feng ay nakapagpagulat sa lahat ng nasa bulwagan.