Ayon sa pagkakaalam ni Zhao Feng, tanging si Bei Moi lang ang pinagpala at nakatanggap ng 'pamanang gantimpala,' ang ginto/berdeng damit.
"Ang mga pamanang gantimpala ay hindi nangangailangan ng mataas na cultivation, ngunit ang salitang 'pamana' ay nangangahulugang kaunting bilang lamang ang nakakagamit nito," dagdag ni Li Fuji.
Naintindihan ni Zhao Feng ang kaniyang ibig sabihin. Halimbawa, ang Yin Shadow Cloak ay nangangailangan ng kaniyang bloodline power. Kung wala siyang bloodline power, hindi niya ito mabubuksan.
Kapag hindi nakaabot sa mga kinakailangan, kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay walang masyadong magagawa sa mga pamanang gantimpala.
Pagkatapos nito, sinabihan ni Li Fuji si Zhao Feng na ayusin ang Yin Shadow Cloak.
"Para maayos ang balabal na ito, kailangan mo ng isang Grandmaster Blacksmith at kailangang nasa True Spirit Realm. Mayroon ding mga ilang mahalagang resources na halos mawala na sa kontinenteng ito. Maaari kong ibigay ang karamihan nito sa iyo, ngunit ang mga kinakailangang puntos ay mas mataas sa karaniwan," sabi ni Li Fuji.
"Ilan?" tanong ni Zhao Feng.
"Ang pagsagot sa iyong katanungan ay nagkakahalaga ng 200, at ang mga resources ay 500, lahat ay nagkakahalaga ng 700," sagot ng nagliliwanag na lalaki.
"Sige, palitan!" pumayag si Zhao Feng nang hindi nagdadalawang isip.
Ang mga pamanang gantimpala, lalo na ang ability of invisibility, ay mas mahalaga sa kaniya kaysa sa isang Spiritual weapon. Kailangang malaman na ang isang normal na Spiritual grade weapon ay nagkakahalaga lamang ng 500, ngunit wala itong silbi kay Zhao Feng bukod sa pagbigay nito sa Clan at pagtanggap ng kapalit.
"Mayroon ka pang 1670."
"Ipagpapalit ko sila sa isang Low grade Spiritual weapon, dalawang Spiitual class skill, apat na peak Mortal class skills, walong High class Mortal skills…"
Walang ekspresyong nagsabi si Zhao Feng ng mga bagay.
Karamihan dito ay mga skill at ang isang Spiritual grade weapon ay para makakuha ng atensyon.
Ang mga skill na ito ay mayroong partikular na tanawin sa loob, na mapagkuknan ng enlightenment.
Idinilat ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata at kinopya ang lahat nga mga skill papunta sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata. Nang sa gayon, hindi siya malulungkot kapag ibinigay na niya sa Clan ang lahat ng skill.
Broken Moon Clan.
48 araw na ang nakalipas nang magsimula ang trial at karamihan sa mga kalahok ay nakaalis sa loob lang ng isang buwan. Simula nang matalo ni Bei Moi ang thousand year record, kumalma na ang lahat. Limang taong mula sa True Spirit Realm ang umupo sa labas ng Floating Crest Palace.
Sa mga nakaraang araw, isang bagyo ang nabuo sa loob ng Clan. Ang mga kalahok ng henerasyong ito ay kapansin-pansing lumakas lahat. Ang pinakamalaking pagbabago ay ang posisyon ng mga Core disciple. Sa mga nakaraang araw, ang mga antas ng mga core disciple ay kapansin-pansing nagbago.
Una, nakalagpas na si Yang Gan sa Sixth Sky at nakuha ang katungkulan ng Head disciple.
Ang orihinal na Head disciple ay nakalagpas na sa edad 30 at hindi na siya disipulo pa. Ang Clan ay hindi patuloy na mag-aalaga ng nakababatang henerasyon. Matapos nilang dumating sa partikular na edad, isasakatuparan na nila ang mga gawain para sa Clan.
Gayunman, hindi naghinatay si Yang Gan na makaalis ang orihinal na Head disciple. Tinalo niya ito, na nasa Sixth Sky, sa isang laban.
Bukod kayYang Gan, si Bei Moi, Quan Chen, Ran Xiaoyuan at iba pa ay nagpamalas din nang mahusay.
Ito ay lalo na para kay Bei Moi. Kailan lang, nakatangap siya ng misteryosong gantimpala sa trial at nang siya ay lumabas, ang kaniyang cultivation ay nasa peak Fourth Sky.
Tatlong araw ang nakalipas…
Natalo ni Bei Moi si Chen Xingrui, na orihinal na nasa ikalawang antas! Sa labang ito, ipinakita ni Bei Moi ang kaniyang pangunguna at natalo ang Core disciple na nasa Fifth Sky. Bukod pa rito, si Quan Chen at Ran Xiaoyuan ay magkasunod na naging mga Fifth at Sixth core disciple.
Kahit si Lin Fan at Liu Yue'er ay nakaabot na rin sa peak Third Sky at may kakayahang kalabanin ang mga Core disciple. Ngunit ngayon, naghihintay sila ng tamang oras.
Kahit na ang mga posisyon ng mga Core disciple ay bahagyang nagbabago pagkatapos ng trial, bihira pa rin ang pagpapalit ng maraming posisyon ng mga Core disciple.
Dagdag pa rito, si Zhao Feng, ang baliw na taong nanguna at nagsanay ng 'Lightning Wind Palm,' ay hindi pa umaalis.
Maiisip na ang sampung posisyon ng mga Core disciple ay magbabago pa sa mga susunod na mga buwan. Ang buong bagay ay napunta sa mataas na pamumuno ng Clan.
Lahat ng mga Elder at Clan Master ay masayang mahigpit ang kompetisyon ng mga inner disciple. Ito ang mag-uudyok sa nakababatang henerasyon.
Sa pasukan ng Floating Crest Palace…
Nakikita ng Clan Master at mga Elder ang hidwaan sa mga disipulo sa Central Division sa ibaba.
"Ang Floating Crest Trial ngayon ay maaaring madala ang Broken Moon Clan sa panibagong lebel." Isang makulay na liwanag ang lumitaw sa mga mata ng mga Clan Master.
Ang mga Elder ay tumango at lubos na umaasa sa kanilang mga disipulo.
"Sa mga nakaraang araw, ang aking Broken Moon Clan ay palaging huli o ikalawa sa huli sa Thirteen Clan Aliance Event. Ang Alliance competition ay mag-uumpisa sa susunod na kalahating taon at umaasa akong ang mga disipulong ito ay magpapakilang gilas sa mas malaking entabladong iyon." Babae nga ang Broken Moon Clan Master ngunit ang kaniyang mga salita ay puno ng layuning makipaglaban.
"Ang mga henyo ay totoong tila mga ulap sa Alliance Event. Ito na ang pagkakataong madagdagan ang kanilang kaalaman, ngunit bago ito, ang 'Three Clan Party' kasama ang Silver Moon Clan at Ling Moon Clan ay papalapit na," bahagyang ngumiti si First Elder.
Pgkasabi sa 'Three Clan Party,' bahagyang nagbago ang mga ekspresyon ng iba pang mga Elder. Halatang pinahahalagahan nila ito.
Ang Three Clan Party ay sa pagitan ng Ling Moon Clan, Silver Moon Clan at Broken Moon Clan.
Kung papansinin, masasabing ang lahat ng pangalan ng mga Clan na nabanggit ay may 'moon.' Noong napakatagal nang panahon ang nakalipas ay magkakasama ang tatlong Clan na ito sa isang Sect ngunit dahil sa iba't ibang dahilan, naghiwalay sa tatlo ang Sect na naging ang Ling Moon Clan, Silver Moon Clan at Broken Moon Clan.
Hanggang ngayon, ang tatlong Clan ay nanatili pa ring may koneksyon at magkakalapit sila. Maraming beses silang magkasamang lumaban sa mga mas malakas na mga kalaban. Syempre, habang nasa iisang alyansa, ang tatlong Clan ay mayroon pa ring kompetisyon sa bawat isa.
Kada limang taon, mayroong 'Three Clan Party' at ito ang panahong sila ay maglalaban.
"Ang Ling Moon Clan ay nagpadala ng imbitasyon noong nakaraang kalahating buwan na nagsasabing gaganapin angThree Clan Party isang buwan mula ngayon. Ngayon, bibigyan natin sila ng sorpresa," malakas na loob na sinabi ng Clan Master.
Nang masabi ang Three Clan Party, nagsalubong ang mga kilay ng Clan Master at First Elder. Ito ay dahil ang dalawang Clan ay may magkasunod na antas na ikaapat at ikapito sa 13 Clan, na ang ibig sabihin ay mas malakas sila sa Broken Moon Clan nang hindi lang kaunti.
Ang Broken Moon Clan ay palaging nasa huli at ang Clan Master at mga Elder ay nahihiya at nalulungkot.
"Umaasa akong ngayon, mababaliktad na natin ang mga talo at kung hindi ay wala na akong mukhang maihaharap sa mga matandang ungas na iyon." Nagtinginan at nagngitian ang mga Elder.
Bago pa managinip ang mga Elder…
Weng!
Isang liwanag ang lumitaw sa pasukan ng Floating Crest Palace.
Isang youth na may asul na buhok ang lumitaw.
"Sa wakas ay nakalabas na ako."
Huminga si Zhao Feng nang may maputlang mata. Kinopya niya ang lahat ng mga skill, na gumamit ng malaking parte ng kaniyang lakas.
Ang biglaang paglitaw ng anyo ang nagpabalik sa inis ng limang nasa True Spirit Realm.
Nang mawala ang liwanag…
Nakita ni Zhao ang limang pares ng mga matang nakatingin sa kaniya.
"Masamang pinakabata, sa wakas ay lumabas ka na! Lumuhod ka at ipagtapat ang iyong mga kasalanan!" inilabas ni Elder Xue ang lahat ng kaniyang galit.
"Zhao Feng, alam mo ba ang iyong mga kasalanan!?" sigaw ni Hai Yun Master nang walang ekspresyon sa kaniyang mga mata.
Nagsalubong din ang mga kilay ni Granny Liuyue at hindi rin niya nagustuhan si Zhao Feng.
Nahirapan si Zhao Feng na huminga dahil sa aura ng True Spirit Realm.
Sa mismong sandaling ito…
Boom…
Biglang gumalaw ang Floating Crest Palace at nangalahati ang mga nakapalibot na kidlat dito. Isang makapangyarihang arko ng kidlat ang nagpaalis sa lahat.
"Nagsara na ang Floating Crest Palace," sigaw ni First Elder nang hawakan si Zhao Feng at bumagsak sa Central Division sa ibaba.
Qiy Qiu Qiu---
Ang Clan Master at iba pang mga Elder ay bumagsak sa lupa. Ang paggalaw ng Floating Crest Palace ay nakuha ang atensyon ng maraming miyembro ng Clan.
"Nakalabas na ba ang lalaking iyon?"
"Hmph! Isang ungas may pangalang Zhao, hintayin mo at harapin ang galit ng lahat!"
Si Yang Gan, Bei Moi, Quan Chen at ang iba pa ay may iba't ibang reaksyon.
Sa loob ng isang madilim na bulwagan sa Clan.
"Natapos na ang trial. Ang ungas na iyon ay hindi na makakatakas sa parusa ng Clan."
Isang walang ekspresyong boses ang umalingawngaw sa bulwagan.
Sa maiksing oras, ang buong Clan ay nagkagulo.
Maraming mga anyo ang pumunta sa Central Division.
Si Quan Chen, Lu Hu Sun Yuanhao at iba pa ay nagsasabing parusahan si Zhao Feng.
"Zhao Feng! Masamang ungas ka! Niloko mo ako at ninakaw ang aking mga gantimpala sa digmaan…"
Ang mukha ni Quan Chen ay sobrang madilim at mukhang gusto niyang patayin si Zhao Feng.
"Zhao Feng, anong karapatan mong dalhin ako sa kalaliman sa tral? Ang aking Master ay ang Regulations Elder, hindi ka niya mapapatawad!" sigaw ni Lu Hu.
Kung walang mga Elder na naroon, siguradong nilabanan na siya si Zhao Feng.
"Wuwu… Brother Zhao! Hindi ako makapaniwalang ganoong klaseng tao ka! Isang beses lang maaaring makapasok ang isang tao sa Floating Crest Trial sa kaniyang buhay. Kung hindi mo ako dinala sa kalaliman, siguro ay matutulad ako kay Brother Bei at makakatanggap ng ilang gantimpala," ang batang mukha ni Sun Yuanhao ay puno ng kadalisayan.
"Hmph! Hindi ako makapaniwalang may ganiyang tao sa ating Clan!"
Hindi maiwan ng ilang mga babaeng disipulo ang maawa.
Miao miao!
Isang munting kulay abong pusang kasinglaki ng isang palad ang tumalon sa balikat ni Zhao Feng at tumingin sa mga tao ang mga mata nitong itim.
Isang nakaktuwang pusa!
Nagliwanag ang mga mata ng ilang babeng disipulo.
"'Yan ang pusang nanloko sa akin!" biglang nagalit si Bei Moi nang makita ang munting pusang magnanakaw.
Sa oras na ito, ang lahat ay nagkakagulo habang sinasabing parusahan si Zhao Feng.
Nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng – ang mga taong ito ay minumura siya.
Ang pagiging kalahok na nanguna sa trial, tatayo na lang ba siya roon?
"Isang grupo ng mga hangal!" walang ekspresyong sigaw ni Zhao Feng na kasing lakas ng kidlat.
Ano!?
Nagalit ang mga disipulo. Hindi nila inakalang ang taong ito ay mayabang sa harap ng lahat.
"Huwag kayong magrason para pagtakpan ang inyon pagiging walang kwenta. Kung malakas kayo, hindi ako ang mangunguna," mayabang na pahayag ni Zhao Feng nang suriin ang mhga tao nang may matalim na tingin.
Inisip niya: "Simula pa noong unang panahon hanggang ngayon, tanging ang mga matagumpay lang ang sumusulat ng kasaysayan."
Sinong nanguna?
Ako!
Hindi kayong mga payaso!
"Ikaw…ikaw…"
Ang lahat ng mga disipulo ay biglang walang nasabi.