Sa oras na ito.
Tumigil si Zhao Feng at hinarap ang black metal monster, isang katakot-takot na nilalang mula sa True Spirit Realm. Ito ay isang bagay na walang ibang taong magtatangka sa paglilitis.
Kalabanin ang black metal monster?
Walang duda, kahit sino ay mamamatay agad at sa 3rd Sky cultivation ni Zhao Feng, hindi siya makaka iwas dito.
Sobrang kalmado si Zhao Feng at dinilat niyang maigi ang kanyang kaliwang mata. Ang kanyang asul na mata ay tila maaring makita ang nilalaman ng puso ng isang tao. Sa pamamagitan ng kanyang malinaw na paningin, nakikita ni Zhao Feng ang mga elemento sa hangin, ang alikabok, sinag ng liwanag maging ang tibok ng puso sa bawat pag hinga.
Nakikita ni Zhao Feng ang bawat kilos ng black metal monster, maging ang direksyon sa susunod na galaw nito.
Kahit na hindi ganoon kabilis ang halimaw, alam ni Zhao Feng na kapag lumapit ito ay mawawasak siya nito sa isang atake. Ang pagkaka-iba ng Ascended Realm at Trues Spirit Realm ay tulad ng pagkakaiba ng langit at kailaliman.
Maging ang cultivator sa peak 7th Sky Ascended Realm ay isang mas malaking langgam lamang sa harap ng isang True Spirit Realm.
Hu~ Kong---
Ang black metal monster ay pinagaspas ang kanyang pakpak na nagdulot upang ang mga alikabok ay lumipad kay Zhao Feng. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagsimulang kalkulahin ang bilis at atake ng black metal monster.
Ngayon ay sampung yarda na lamang ang layo ng halimaw kay Zhao Feng at sampung yarda ang saklaw ng atake ng black metal monster.
Biglang nakaramdam si Zhao Feng ng sobrang laking presyur na dumudurog sa kanya na nagpanigas sa kanyang dugo at True Force.
Kung ito ay normal na cultivator lamang sa ikalawa o 3rd Sky ng Ascended Realm, malamang ay hindi nito kakayanin na kahit palaganapin ang True Force nito. Sa malubhang sitwasyon na ito, sumigaw si Zhao Feng at ang kanyang bloodline power ay kumulo at sumanib sa kanyang defensive barrier.
Hu~Wu~
Sa oras ding ito, ang balabal sa tabi ni Zhao Feng ay umangat, naging kasing gaan lamang siya ng balahibo at sa pagkakataong iyon ay pumunta siya sa nagyeyelong lawa.
Boooom!
Ang magulong kulay berdeng hangin ay tumama sa kinatatayuan kanina ni Zhao Feng at nagdala ng tubig mula sa nagyeyelong lawa sa bawat paligid.
Ang tubig ay lubhang kakaiba at dumako ito sa black metal monster, naging dahilan ito upang bahagya itong manigas. Gayunpaman, ang halimaw ay umabot na sa True Spirit Realm at ang berdeng liwanag, ay lumusaw sa enerhiya.
Mayroon lamang itong isang hangarin at iyon ay ang mapatay si Zhao Feng.
Plop!
Ang katawan ni Zhao Feng ay biglang bumagsak sa nagyeyelong lawa at sumisid siya nang malalim.
Walang pag-aalinlangan, sumisid din ang black metal monster kasunod niya at ang dumapo ang nakanginginig na lamig, na bumalot ng yelo sa kanya.
"Hehe."
Bahgyang tumawa si Zhao Feng kasabay ng pag galaw ng kanyang azure bloodline power at naglabas ang Yin Shadow Cloak nang malakas na kapangyarihan.
Sou! Sou!
Lumipad ai Zhao Feng pabalik na tila isang kidlat.
Speed!
Ito ang kalamangan ni Zhao Feng sa black metal monster.
Sa sandaling ito, ginamit niya na ang kanyang buong bloodline power at kanyang Yin Shadow Cloak at ang kanyang bilis ay tumaas hanggang 6th Sky, kahit na ito ay sa loob lamang nang maiksing pagkakataon.
Sa panahong ito nahulog ang halimaw sa nagyeyelong lawa at wala itong nagawa.
Una sa lahat, ang bilis nito ay napigilan. Pangalawa, ito ay sobrang laki, nangangahulugan na mas maraming lamig ang papasok sa katawan nito.
Kung ito lamang, sa pamamagitan ng kanyang True Spirit Realm cultivation ay magagawa nitong makalaya.
"Manatili ka dito habang buhay."
Huminga nang malalim si Zhao Feng kasabay nang pagkuha niya sa Louhou Bow at ibinuhos niya ang kanyang bloodline power dito. Ito ng dahilan sa pag-kislap ng lotus sa pana.
Beng~ Sou- Sou- Sou-----
Tatlong ice blue arrows ang tumama sa nagyeyelong lawa.
Matapos itong makapasok sa lawa, ang kapangyarihan ng palaso ay tumaas. Ito ay dahil ang kapangyarihan ng Louhou Bow at ang mga palaso ay nagmula sa lawa. At sa lawa, ang kapangyarihan nito ay dumoble.
Maliban pa dito, ang buong bloodline power ni Zhao Feng ay naging dahilan rin sa pag doble ng lakas nito. At mayroong tatlong palaso, hindi isa. Sa mga pangyayaring ito, ang palaso ay umabot sa hindi kapani-paniwalang pinsala.
Ang tatlong palaso ay matagumpay na tumagos sa depensa ng black metal monster. Ang unang palaso ay nagka pira-piraso, ang ikalawa ay tumama sa halimaw at ang ikatlo ay sumabog, na naging dahilan nang pag-alon ng kalamigan na bumalot sa halimaw.
Ang makapal na tipak ng yelo ay nabuo sa ibabaw ng black metal monster at sa nagyeyelong lawa, ang sealing effect ay dumoble, mas higit pa sa tatlong palaso.
Ang katawan ng black metal monster ay nagsimulang lumubog.
Ito na ang simula ng bangungot na nagangahulugan ng habang-buhay na pagtulog sa kanya dahil ito ay lumulubog sa 'blue crystal tear'.
Alam ni Zhao Feng kung gaano nakatatakot ang kristal. Sa sirit lamang ng kapangyarihan nito ay naging dahilan na sa pagbabago ng temperatura ng buong Sky Boundary Island.
Ito ay ipinagbabawal sa lugar na ito!
Habang lumalalim ang paglubog ng halimaw, mas tumitibay ang selyo nito. Noong umabot na ito sa hangganan ng luha, isang asul na alon ang lumitaw.
Siiiiiiiii~~~~~~
Ang ngpupumiglas na black metal monster ay nanigas at ang kapangyarihan nito ay nagyelo.
"Pagbalik!"
Nakaramdam si Zhao Feng ng pamilyar na lamig. Pinalaganap niya ang kanyang bloodline power at sinagad ang Yin Shadow Cloak at naging half-transparent ang kanyang pigura na tumulin sa ibayo ng kalangitan.
Kumalat ang kalamigan mula sa pinang galingan ni Zhao Feng at hindi niya mapigilan na sinukin kahit na ilang daang metro na ang kanyang layo.
Mabuti na lamang at ang kanyang bloodline power gayun din ang simbolo ng lotus sa kanyang Louhou Bow ang tumatanggap ng ilan sa lamig.
Sa tulong ng Yin Shadow Cloak, makalilipad na si Zhao Feng sa langit sa loob ng isa hanggang dalawang milya bago lumapag. Kung wala ang kanyang balabal at bloodline power ay imposible niya itong magawa.
Matapos makalagpas sa sitwasyong iyon, huminga si Zhao Feng at tiningnan ang direksyon ng nagyeyelong lawa.
Ito ay lubhang tahimik.
Naiisip ni Zhao Feng na ang black metal monster ay selyado na sa yelo at habang-buhay nang matutulog.
Sa oras ding iyon.
Muling bumaba ang temperatura ng Sky Boundary Island. Tatlumpung digri ang binaba nito noon, nangangahulugan n kapag bumagsak ang isang tubig agad itong magiging yelo.
Ang mga nasa 3rd Sky ng Ascended Realm ay kaya itong paglabanan at ang mga nasa 4th Sky lamang ang may kakayahan na gumalaw pa rin ng malaya.
"Bakit bumaba muli ang temperatura?"
Isang daang milya ang layo, si Bei Moi na hinahabol ng black metal monster ay nagulat. Tumaas ang kanyang kilay; ito ay katulad sa nangyari sampung araw na ang nakalilipas. Ngunit ang kanyang natural na pag-iisip ay nagsasabi sa kanya na ito ay gawa ng tao, hindi gawa ng Sky Boundary Island
Dahil siya ay halos mayroong 'Spiritual Earth Body', mas ramdam niya ang pagbabago sa elemento ng hangin kumpara sa iba. Ang ibang mga disipulo ay naramdaman din ang pagbaba ng temperatura.
Ang mga nasa lower cultivation katulad nina Liu Yue'er at Lin Fan ay parehong nakaramdam ng matinding lamig. Ngunit salungat nito, karamihan sa mga halimaw ay namatay o nagtago sa kanilang mga kweba.
Walang makaiisip na ang halos hindi matalo-talong 'black metal monster' ay napilitang matulog habang-buhay.
"Hahaha, ngayon ay naalis ko na ang panganib, ano pa ang magagawa sa akin nang paglilitis ngayon?" Tumawa si Zhao Feng.
Dahil wala ang halimaw na humahabol sa kanya, na pagpasyahan niya na bumalik sa kastilo.
Ang treasury.
Mayroong Yin Shadow Cloak si Zhao Feng na nagtatago sa kanya at dahil pamilyar na siy sa lugar, madali siyang nakapasok sa kastilo.
Mayroong daan-daang aparador na naglalaman nang iba't ibang kayamanan n maaring pagpilian ni Zhao Feng.
"Kukuha ba ko ng armas ngayon?"
Malawak ang ngiti ni Zhao Feng. May ilang mga armas dito na nasa Spiritual grade - mga kagamitan na itinuturing na antigo at napakahalaga sa Broken Moon Clan.
Pinag-isipan ito ni Zhao Feng at napag pasyahan niya na huwag na sapagkat ang Spiritual grade weapon ay masyadong mataas para sa kanya. Kahit na kumuha siya ng isa, ibibigay lamang niya ito sa Clan. Kung hindi, magdudulot lamang ito ng gulo.
Ayon sa kaalaman ni Zhao Feng, madalas sa mga cultivators sa True Spirit Realm ay wala nito. Magiging malapit lamang siya sa kamatayan, isang disipulo sa Ascended Realm, mayroon nito? Dahil dito, napagpasiyahan niya na humanap ng iba.
"Hmm? Ano ito?"
Napunta ang tingin ni Zhao Feng sa mas malaking aparador. Sa loob nito ay mga metal na sinusuot - sa ulo, braso, armor… Lahat ay gawa sa ginto.
Sinuri ito ni Zhao Feng at napag tanto na ito ay para sa Golden guard, may pagka katulad sa silver at black armored guards sa labas, ngunit ang kagamitan nito ay mas maganda.
"Anong kalakasan mayroon ang mga golden guards na ito? Gagana ba ito sa akin kapag pinag sama-sama ko sila?" Naisip ni Zhao Feng.
Sadyang matalino si Zhao Feng at nagawa niyang mahulan kung para saan ang mga kagamitang ito.
Mayroong tinatawag na 'Puppets' ang ang mga guwardiya na ito ay Mechanical Puppets. Ang mechanical puppets ay nilikha ng mga espisipikong arrays at energy cores at maari silang kontrolin ng tao.
"Dahil mechanical puppet ito, wala itong kamalayan. Hanggang may energy core sila, maaari silang kontrolin ng mga tao."
Pinag-isipan ito ni Zhao Feng at tumango.
Sa kabila ng lahat ang mechanical puppets ay mga kagamitan sa labas! Pinigilan niya ang sarili niya na kumuha ng tulong mula sa mga kagamitan sa labas, kahit na sinuri niya ang kalakasan ng golden guards ay nasa 7th Sky at maari itong laban sa True Spirit Realm.
Ang mga mata ni Zhao Feng ay napunta sa ibang bagay. Isa itong kulay abong itlog na kasing laki ng kamao na may kakaibang mga linya na nakaukit dito. Kahit na dinilat na ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata, hindi niya pa rin makita ang nilalaman ng itlog.
Ang hindi pa kapani-paniwala dito ay nahuli niya ang tanda na mayroong buhay sa loob ng itlog.
Buhay sa loob ng itlog?
Kung wala ang kaliwang mata ni Zhao Feng, hindi siya maniniwala dito. Ang Floating Crest Palace ay sobrang antigo at ayon sa Broken Moon clan, ito ay halos sampung libong taon na ang tanda.
Sampung libong taon at buhay pa rin - ang buhay nito ay mas malakas pa sa iniisip ng iba.
"Hm, susubukan ko pa rin. Wala na rin naman akong magagawa at kahit na walang kapintasan ang protective array, kaya ko pa rin itong wasakin sa anim hanggang pitong araw…" Bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili.