Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 177 - Misteryosong Nayon

Chapter 177 - Misteryosong Nayon

Huminga nang malamig si Zhao Feng - hindi niya inaasahan na ganoon ang pagbabago ng Louhou Bow.

Ang kapangyarihan nito ay hindi tumaas, ngunit ang totoong pagbabago nito ay ang pagbabago ng elemental properties.

Ang ice lotus na simbolo nito ay lumitaw sa Luohou Bow, habang ang mga palaso sa kawag ay bahagyang nagkulay asul.

May parte sa kapangyarihan mula sa kristal ang pumasok sa pana gamit ang tali nito, ang mga palaso ay nakalapit sa kristal na alon na nakakuha ng enerhiya nito.

Ngunit limitado lamang ang mga palaso, ito ay isang beses lamang magagamit kada piraso.

Malalim na nag-isip si Zhao Feng bago niya pinulot ang patpat sa lupa at tinira gamit ang Luohou Bow.

Sou!

Ang patpat ay tumama sa target ngunit pulga-pulgadang natitibag, naglabas ng yelo sa paligid ng target ngunit hindi niya ito tuluyang nabalot.

"Mukhang ang mga 'nabagong' palaso lamang ang may kakayahang maka gamit sa buong kapangyarihan ng yelo."

Naisip ni Zhao Feng sa kanyang puso.

Ito ay nangangahulugan na ang natitirang sampung palaso ay napaka halaga dahil kaya nitong balutin ng yelo ang target, at mula sa kapangyarihang naipakita nito kanina, sino man na nasa 4th Sky ng Ascended Realm ay mababalot nito ng yelo kung tatamaan.

Ang mga nasa ikaapat o 5th Sky ay hindi kayang tumakas nang mabilis, ngunit may pagkakataon pa rin silang mabuhay.

Kahit na hindi mababalot ng yelo ang mga nasa 6th Sky ng Ascended Realm, ang kanilang galaw ay maapektuhan.

Ang epekto nito ay nakababaliw; ang nakapang hihinayang lamang ay isang beses lamang magagamit ang mga palasong ito.

Naisip ni Zhao Feng na kung ilalabas ang mga palasong ito sa labas na mundo, masisira ito dahil sa ogbbago ng temperatura.

Si--- Si---

Ang lamig na nagmumula sa nagyeyelong lawa ay nagpatuloy.

Tumayo si Zhao Feng malapit dito at nanginig ang kanyang katawan sapagkat may limitasyon ang kanyang bloodline power, at ang tagal ng epekto ng Scarlet Blood Fruit ay malapit na ring matapos.

Alis!

Labag sa kalooban na tumingin si Zhao Feng sa nagyeyelong lawa, ngunit ang kanyang isip ay nagsabi sa kany na hindi ito ang kayamanan na kailangan niya.

Ito ay katulad ng 'Blood Moon Devouring Spirit Sword'. Hindi niya ito kayang kontrolin.

Kailangan umabot ni Zhao Feng sa True Spirit Realm upang makuha ang mysterious crystal tears at kasama ang kapangyarihan ng kanyang boodline - ang ibang nasa True Spirit Realm ay maaring hindi magtagumpay.

Habang iniisip ito, Napag-tanto ni Zhao Feng na hindi na masama ang kanyang gantimpalang nakuha.

Ang Louhou Bow ay binago ng kristal at ang kaoangyarihan nito ay umangat sa kalahating lebel.

Ang isang beses na magagamit na palaso ay nagbugay kay Zhao Feng ng lihim na alas, at naramdaman niya rin na mas lumakas abg kanyang katawan sa paglaban sa lamig.

Matapos umalis sa nagyeyelong lawa, pumunta si Zhao Feng sa diresksyon ng Timog-Silangan. Sa daan papunta, patuloy na bumababa ang temperatura.

Halata na ang mysterious crystal tears ay 'ipinagbabawal' na bagay sa Sky Boundary Island, ay aksidenteng nahawakan ito ni Zhao Feng, na bumago sa temperatura ng buong isla.

Sa biglang pagbaba ng temperatura, ang Yao beasts ay bumalik rin sa mga kweba at ang mga mahihina ay namatay.

Tanging ang mga malalakas na Yao beasts lamang ang hindi naapektuhan.

Ito ay nagpababa sa hirap ng ikatlong yugto dahil ang probabilidad na atakihin ng pangkat ng mga halimaw ay malaki ang ibinaba.

Hindi alam ni Zhao Feng na ang ginawa niya ay muling maapektuhan ang buong Floating Crest Trial.

…..

Tatlong oras ang nakalipas, nakita niya ang isang canyon.

Ilang oras kanina, mukha itong canyon ngunut ngayon ay isa itong bangin na yelo.

Sa mapa sa isipan ni Zhao Feng, mayroong ilang grupo ng halimaw sa paligid, ngunit dahil sa pagbabago ng temperatura, marami sa kanila ang bumalik sa kweba, na nagpadali sa paglalakbay ni Zhao Feng.

Ang canyon na ito ay binabalot ng malaking makapangyarihang illusion array, nangangahulugan na may mali dito.

Kung sa laki naman, ang lugar na ito ay kasing laki ng forgotten garden, ngunit nakatago ito sa kasalungat.

Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang nasa loob ng canyon; maaring ito ay swerte o panganib - walang nakaaalam.

"Mayroonv sikreto dito dahit itinatago ito ng illusion array."

Lumipad si Zhao Feng pababa mula sa itaas at tumingin sa baba.

Mula sa aknyang anggulo, ang canyon ay mukhang itim na kailaliman na puno ng ulap.

Isang malabong ingay at aura ang nagsama sa ulap na may kasamang ilang nagkataon na aura na mas malakas na sa True Spirit Realm, ngunit bilang isang array master, may buong panlaban si Zhao Feng mula sa mental energy illusions at gamit ang kanyang kaliwang mata, nakikita niya ang pagbabagu-bago ng array power.

Hmm?

Hindi pa rin kita ni Zhao Feng ang buong array kahit na gamitin niya ang kanyang buong pwersa - ang nakikita niya lamang ay ang tanawin sa canyon.

Walang itim na kailaliman o kasindak-sindak na Yao beast king.

Ceng!

Tumalon ang katawan ni Zhao Feng sa hangin at lumutang papubta sa canyon habang hindi pinapansin ang kapangyarihan ng illusion array.

Noong lumapag siya, naramdaman niya na nahuhulog siya sa kailaliman, na tila binuksan ng halimaw ang kanyang bunganga at kinain siya. Gayunpaman, alam niya na ito ay isang array lamang.

Sa kabila ng lahat, ito ay antigong lugar. Kahit na mayroon siyang misteryosong kaliwang mata, hindi ito nangangahulugan na siya ay hindi mapipigilan.

Matapos tumalon sa hangin ng ilang beses, lumapag siya sa isang nayon.

Mayroong matanda at bata, babae at lalaki na may suot na simpleng damit at ang mga estruktura ay mukhang luma na.

"Spicy smelly tofu, dalawang piraso para sa salapi."

"Sweef iced shaw, bayad para sa isa."

...

Sa kahit saan, ang raketang maingay ay naroon.

Nahihilo si Zhak Feng habang tumayo sa gitna ng bilihang ito. Na tila ang lugar na ito ay walang kinalaman sa Floating Creat Trial, ngunit sa tingin niya ay hindi sobrang mapanganib ang lugar na ito.

"Mukha itong totoi, ngunit ang lahat ng ito ay kapangyarihan pa rin ng array."

Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Ang kapangyarihan ng illusion array malawak at mukhang totoo. Maging ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay hindi ito tuluyang makita.

Hindi niya maisip kung paano nakabuo ang array ng ganito kalaking lugar.

Mayroong mga tao na nagtitinda ng gulay, nagpapakita ng tricks at kahit mga gangsters.

Parang totoo ang lahat, at kung walang misteryosong kaliwang mata si Zhao Feng, hindi niya mapapansin na lahat ito ay hindi totoo.

Kasabay nito, may mga karagdagang bagay ang sumama sa isipan ni Zhao Feng.

Ang Unang Elder ay kinausap siya tungkol sa paglilitis at sinabi sa kanya na hindi lahat ng bagay ay ginagantimpalaan dahil sa pagpatay.

Totoo nga, ang Righteous Inheritances ay kadalasang sinusubok ang puso at determinasyon.

Kailangan na maibigay ang mga kinakailangan bago makuha ang mga kayamanan.

"Ang mga normal na kasali ay hindi maiisip na ito ay peke. Kung gayon, kailangan kong itrato ang lugar na ito na parang totoo.

Isang ideya ang naisip ni Zhao Feng.

Sinubukan niya na tipunin ang mga impormasyon mula sa bilihan ngunit na pag tanto niya na sobrang dami nito.

Kung gayon, na pagpasyahan ni Zhao Feng na lumibot sa buong nayon, hanggang sa marinig niya ang galit na boses ng kabataan: "Mga hayop kayo, pakawalan niyo ng nanay ko…."

Sobrang linaw ng boses sa isipan ni Zhao Feng, kaiba sa mga magugulong boses. Kahit na wala ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay maririnig niya ito.

"Sinasadya ba ng illusion na marinig ng mga kasali ang mga ito?"

Ngumisi si Zhao Feng.

Sa pag liko sa gilid, nakita niya ang lumang tindahan na nagtitinda ng tinapay at ang magandang babae na hinihila ng tatlong gangster.

"Bitiwan niyo ang nanay ko!"

Isang bata ang may suot nang gula-gulanit na damit ang nakipag-away sa isa sa kanila.

Peng!

Sinampal ang bata ng isang gangster at lumabas ang dugo mula sa kanyang labi.

"Hmph! Ang nanay mo ay nagsugal at natalo, may utang siyang tatlong libong pilak. Ang tindahan ay nagkakahalaga ng isang libong pilak at ang maganda mong nanay ay mapupunta ka kay Yihong Brother upang magtrabaho. Mas mabilis kumita ng pera doon…"

Tumawa ang isang gangster.

Sa pagtingin ni Zhao Feng, alam niya na ang nangyayari.

Kahit sa realidad, walang pag-aatubili siyang nakikialam. Isa pa, malaki ang tsansa na parte ito ng paglilitis.

Ang pinaka mahalaga sa lahat ay ito ay isang Righteous Inheritance na pagsusulit at ang pagtulong sa mahina at pakikipag laban sa masama ay kailangan.

"Kayong tatlong p*ta ay tumigil na!"

Lumapit si Zhao Feng at pinalipad sa sipa ang isang gangster.

Sumigaw sa galit ang dalawa at lumapit sa kanyang kaliwa't kanan.

Ang cultivation ni Zhao Feng ay ganado, kahit hindi niya gamitin ang kanyang True Force, madali niyang matatalo ang dalawang gangster.

Ang tatlong gangster ay lumipad sa sipa niya at hindi agad na naka tayo.

"Maraming salamat!"

Ang magandang babae at ang bata ay sobrang nagpapasalamat kay Zhao Feng, ngunit nakikita pa rin ni Zhao Feng na nag-aalala ang babae.

"Little brother, anong pangalan mo?

Tanong ni Zhao Feng.

"Ako si Li Luan. Big brother, ang galing mo kanina."

Humahangang saad ng bata.

"Li Luan…. Floating Crest Trial…."

Bulong ni Zhao Feng at hindi siya nakapag-isip habang tinitignan niya ang bata.

Upang siguraduhin ang kanyang hula, napagpasiyahan ni Zhao Feng na maging mabuting tao hanggang huli at tulungan ang pamilya ni Li Luan sa problema nito.

Ang mga gangster sa nayon ay binugbog ni Zhao Feng at nagsulat siya ng ilang martial arts mula Core level techniques hanggang High level techniques para kay Li Luan.

Gayunpaman.

Matapos gawin lahat ng ito, hindi pa rin makuha ni Zhao Feng ang nangyayari.

Bumuntong-hininga siya, ang gantimpala kaya ay hindi nakalaan para sa kanya.

Laging nararamdaman ni Zhao Feng na ang nayon na ito ay hindi kasing simple ng itsura nito, ngunit limitado ang kanyang oras kaya nagpasya siya na umalis matapos ang isang araw.

Sa ikalawang araw, nagpaalam na si Zhao Feng kay Li Luan at sa pamilya nito.

"Brother Zhao, salamat sa lahat ng tulong mo. Ito ang aking mahal na 'maliit na kutsilyo', at ibibigay ko na ito sa iyo ngayon."

Iniabot ni Li Luan ang isang bagay.

Kumislap ang mata ni Zhao Feng, ngunit ang 'maliit na kutsilyo' ay isang luma, gulanit na piraso ng metal na mayroong berdeng ilaw na naka ukit.

Sa pagkuha ng maliit na piraso ng metal, nakaramdam si Zhao Feng ng kalmadong aura na bumalot sa kanya. Matapos niyang isama ang kanyang kamalayan sa loob, nahuli niya ang sulyap sa senaryo kung saan ang berdeng ilaw ay kumislap sa hangin at sinira ang buong bundok sa isang atake.

Kasabay nito, isang impormasyon ang lumitaw sa kanyang isipan:

"Floating Crest Lightning Seal."