Naging taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng - anong klaseng kapangyarihan mayroon ang lawa upang awtomatikong pukawin ang defensive measures ng aking kaliwang mata at bloodline power.
Sigurado siya na maging mga tao na nasa ikalima o ika-anim na antas ng Sky ng Ascended Realm ay mababalisa sa lamig nito.
"Mukhang ito na ang 'pinagmulan'."
Pakiramdam ni Zhao Feng ay na ang sikreto ng Dragon Snake Ice River ay nandito dahil sinuri niya ang ibang lugar gamit ang kanyang kaliwang mata at wala siyang nakita.
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakikita lamang ang tatlong yarda sa nagyeyelong lawa. Kung normal na ilog ito, makikita niya ang sampung yarda dito, ngunit ang tubig sa lugar na ito ay sobrang kakaiba at lubhang malamig.
Sa madaling salita, hindi niya makita ang ilalim ng ilog gamit ang kanyang kaliwang mata.
"Mahalaga ba na malaman ang sikreto nv Dragon Snake Ice River? Kailangan kong lumusod sa lawa upang makita ito."
Ang mga saloobin ni Zhao Feng ay lumalabas.
Kung ibang disipulo ng nandito, hindi nila ito susubukan sapagkat ang lamig mula sa nagyeyelong lawa ay maaring magpayelo sa mga tao mula sa Ascended Realm bilang bloke ng yelo.
"Ang aking Silver Wall Technique ay umabot na sa pinaka mataas nitong lebel at may mataas na panlaban sa lamig. Maliban dito ang aking bloodline power ay mukhang kaya rin na lumaban sa lamig."
Ilang sandali itong pinag-isipan ni Zhao Feng at tiniim ang kanyang ngipin at napag pasyahan na sumugal.
Ang kanyang likas na pakiramdam ay nagsabi sa kanya na ang Dragon Snake Ice River ay sobrang misteryoso, at ang kanyang kaliwang mata ay naakit sa antigong aura sa loob nito.
Isa pa, marami siyang mga kalamangan na maaring magbigay sa kanya ng tsansa upang ligtas na makabalik.
Plop!
Ang pigura ni Zhao Feng ay tila isang isda na tumalon sa lawa.
Sa sumunod na sandali, bumalot sa kanyang katawan ang lamig.
Kung ito ay ibang tao na kapareha niya ng cultivation, mabilis silang magyeyelo sa lamig at agad na mamamatay kung hindi sila agad na babalik sa lupa.
Gayunpaman, sinanay na ni Zhao Feng ang Silver Wall Technique na nagpalakas sa kanyang katawan.
Sa sumunod na sandali, pinadaloy niya ang kanyang True Force upang bumuo nang kulay pilak na liwanag sa paligid ng kanyang katawan.
Tuluyang binuksan ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mta at sumisid pa nang mas malalim.
Isang yarda….. Dalawang yarda…. Tatlong yarda…..
Hindi na kayang tiisin ni Zhao Feng ang ikatlong yarda, mabuti na lamang at ang asul niyang dugo na dumadaloy sa kanyang katawan ay nagsimulang kumulo at ang mainit na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang katawan.
Ang kapangyarihan ng bloodline ay may ms malakas n panlaban kaysa sa Silver Wall Technique.
Apat na yarda… Limang yarda…. Anim na yarda….
Habang mas lumalalim siya ay mas kasindak-sindak ang lamig.
Sa kalamigan ay mayroon ding kapangyarihan ito na pinsalain ang kanyang kaluluwa at kamalayan, mabuti na lamang at ang liwanag mula sa kanyang kaliwang mata ay mabilis na umikot at nilabanan ang atake sa kanyang kaluluwa.
Maging ang pinaka malakas na si Yang Gan ay titigil na sa ikatlong yarda ngunit si Zhao Feng ay umabot na sa anim na yarda, na halos sukdulan niya na.
Pinag-igting niya ang kanyang mga ngipin at nagpatuloy.
Anim na yarda…. Pitong yarda.. . Walong yarda….
Ito na 'yon!
Naramdaman ni Zhao Feng ang pagyeyelo ng kanyang katawan at halos hindi na siya makabalik sa lupain.
"Bangon!"
Sigaw ni Zhao Feng sa kanyang puso kasabay nito ay nagsimulang mag-apoy ang kanyang bloodline power at True Force.
Huala!
Nagsimulang gumalaw si Zhao Feng gaya ng isda at lumangoy siya pataas.
"Muntikan na."
Bumuntong-hininga si Zhao Feng sa ginhawa.
Hindi walang nakuha si Zhao Feng mula dito.
Bago lumangoy si Zhao Feng pataas, nakita niya ang asul na crystal tear na kasing laki ng pakwan.
"Ano ang istorya ng asul na kristal na ito?"
Nakaramdam ng ginaw si Zhao Feng sa pag sulyap lamang dito. Mabuti na lamang ay gamit niya ang kanyang kaliwang mata; kung ito ay normal na mata, ang lamig nito ay maaring agad na magpayelo sa katawan.
Ang pakiramdam ni Zhao Feng ang nagsabi sa kanya na ang bagay na ito ay hindi maaring hawakan o angkinin.
Ang bagay na ito ay mas mahirap pa sa ordinaryong Spiritual-grade weapons.
Gayunpaman, ayw ni Zhao Feng na pakawalan ito ng hindi sinusuring maigi.
Sa ikalawang pagkakataon.
Kumain muna siya ng Scarlet Blood Fruit dahil ito ay mayroong purong enerhiyang Yang.
Matapos utong lunukin, naramdaman ni Zhao Feng na parang nag-aapoy ang kanyang puso, na nagpasiklab sa kanyang bloodline power at True Force.
Ginamit niya na ang isa sa Scrlet Blood Fruit upang malabanan ang lamig mula sa nagyeyelong lawa.
Plop!
Sa muling pagpasok, madaling naabot ni Zhao Feng ang ikawalong yarda. Ang kanyang buong katawan ay nag-aalab dahil sa Scarlet Blood Fruit.
Sa ikawalong yarda, mayroon na lamang tatlong yarda ang natitira bago ang malinaw na asul na kristal. Ang asul na kristal ay tila isang yelong lotus, maganda at agaw pansin, ngunit kapag tiningnan, nagbibigay ito nang malamig na pakiramdam.
Magagamit lamang ni Zhao Feng ang kanyng kaliwang mata upang suriin at hangaan ito.
Walong yarda… Siyam na yarda….
Ramdam ni Zhao Feng ang pagtaas ng kalamigan sa bawat hakbang niya.
Halos nasa sampung yarda na siya, isang yarda na lamang ang kanyang layo sa asul na kristal.
Sa sandaling ito, magyeyelo n ai Zhao Feng kung muli pa siyang hahakbang.
Sa pagsusuri nito mula sa malapit na pagitan, napagalaman ni Zhao Feng na ang kristal ay hindi eksaktong "solido" dahil ang ibabaw nito ay may mumunting alon, gaya ng patak ng luha.
"Malas naman…. wala na bang ibang paraan?"
Alam ni Zhao Feng na hanggat hindi niya gustong mamatay ay walang ibang paraan.
Huala!"
Lumagoy siya pataas at habang ginagawa niya ito ay isang plano ang nabuo.
Kumuha siya nang manipis na kulay pilak na silk string.
Ang kulay pilak na string ay sobrang nipis, imitasyon mula sa chilling metal na nagbibigay sa laman nito ng yelo at isang half-mortal grade weapon material.
Kinuha ni Zhao Feng ang kanyang Luohou bow at binalot ang isang gilid ng string sa palibot ng pana habang binabalot ang kabilang gilid ng asul na palaso.
Sa ganitong paraan ang tira ng palaso ay maaaring bumalik.
"Hehe. Susubukan ko."
Bahagyang tumawa si Zhao Feng . Dahil hindi naman matigas ang asul na kristal na luha. Upang masiguradong walang aksidenteng mangyayari, handa si Zhao Feng sa kanyang pagbalik hanggang maramdaman ni Zhao Feng na ang palaso ay tumama na sa target.
Shua----
Ang madilim na asul na palaso ay naglalaman ng kapangyarihan ng kanyang bloodline at True Force, at ang tama patungo sa asul na crystal tear na mayroong bilis na kalahati ng tunog.
Gayunpaman, ang palaso ay biglang bumagal at naging yelong palaso bago pa ito dumikit sa alon na nakapalibot sa asul na kristal.
Ang mga alon ay parte talaga ng asul na luhang kristal.
Boiwoo~~~~~
Isang nakahihilong ingay ang tumunog mula sa taas ng nagyeyelong lawa, ang tunog na dumiretso sa kanyang kaluluwa.
Sininok si Zhao Feng dahil dito at agad na lumangoy pa itaas nang maramdaman niya ang isang maka-agaw buhay na panganib.
Sa parehong pagkakataon, isnag kasindak-sindak na lamig ang tumagas mula sa Louhou bow.
"Hindi ito maganda!"
Naramdaman ni Zhao Feng ang pamamanhid ng kanyang katawan at agad niyang hinagis sa hangin ang Luohou Bow.
Ceng!
Ang kanyang katawan ay tumalon ng ilang yarda sa himpapawid at nagsimulang umikot sa hangin. Noong nasa ilang daang yarda n ang layo niya ay tsaka lamang siya bumalik sa lupa.
Ngunit na ilang daang yarda na ang layo ni Zhao Feng sa nagyeyelong lawa, ramdam niya pa rin ang kasindak-sindak na lamig.
.....
Sa loob ng mataas ba tore sa katbing gubat.
"Anong nangyayari? Bakit biglang kumamig?"
Si Yang Gab ay nasa ikasiyam na palapag ng gusali ngunut ramdam niya pa rin ang lamig.
Hindi lamang siya ang apektado.
Sila Bei Moi at ang ibang mga disipulo ay naramdaman din ang lamig.
Bilang ang Dragon Snake Ice River ang nasa gitna, ang lamig ay kumalat sa buong Sky Boundary Osland, na nagdahilan upang bumaba nang malaki ang temperatura.
Sa ilang sandali lamang, ang temperatura ng Sky Boundary Island ay bumaba ng sampu at patuloy na bumababa sa tuwing sampung hinga.
Sa ganitong pagbaba ng temperatura, maaring magyelo ang buong Sky Boundary Island.
Sa harap ng nagyeyelong lawa.
"Putaaaaa!
Naramdaman ni Zhao Feng ang pagyeyelo ng kanyang paa.
Siya ang taong gumawa nito at ang pinaka malapit sa lawa, ibig sabihin ay siya ang dumaranas ng pinaka malakas na lamig, mabuti na lamang, ang lamig ay sumabog bago ito agad na mawala.
Ang tingin ni Zhao Feng ay hindi nawala sa nagyeyelong lawa, at ang kanyang Luohou Bow ay bumagsak mula sa hangin habang dala pa rin nito ang silver silk string na ngayon ay kulay asul na, habang ang palaso sa kabilang gilid ay nagpira-piraso na at napalitan na nang asul na alon.
Ang asul na alon ay parte ng asul na luhang kristal mula sa nagyeyelong lawa.
Si si---
Ang kapangyarihan ng asul na alon ay umabot sa Luohou Bow gamit ang tali, na hindi nagpira-piraso dahil mayroon na itong mga katangian ng yelo.
Matapos ang ilang sandali, ang asul na alon ay naglahi sa Luohou Bow at bumuo nang kakaibang simbolo dito.
Ang simbolo ay katulad ng isang yelong lotus na namukadkad.
Hula!
Ang pilak na tali ay nagpira-piraso.
Napatalon si Zhao Feng dahil sa takot ngunit nakita niya na hindi napinsala ang Luohou Bow. Ito ay middle-grade Mortal weapon, ito ay katumbas na ng high-grade weapon kapag ginamit kasama ang palaso.
Bumagsak sa lupa ang Louhou Bow.
Matapos mawala ang lamig, tahimik na naglakad si Zhao Feng papunta sa Louhou Bow. Maingat niya itong hinawakan, naramdaman niya ang makalamig-buto mula sa pana, ngunit nanatili lamang ito sa pana at hindi pumasok sa kanyang katawan.
"Mabuti at hindi pa rin sira ang pana."
Huminga nang malalim si Zhao Feng kasabay nang maingat niyang pagsusuri sa Luohou Bow, at natuklasan niya na maliban sa pagbabago ng pana dahil sa kapangyarihan ng asul na crystal tear, walang ibang nagbago.
Ang kapangyarihan ng asul na crystal tear ay kasindak-sindak, sa kaunting kapangyarihan lamang nito ay nagdulot na ng malaking pagbagsak ng temperatura sa buong Sky Boundary Island.
Mula sa kanyang kawag ay kanyang kinuha ang palaso, ngunit nagbago bigla ang kanyang ekspresyon. Lahat ng palaso mula sa kanyang kawag ay naging kulay asul, na tila sila ay nabago dahil sa lamig mula sa nagyeyelong lawa.
Sou-- Beng~
Hinila ni Zhao Feng ang kanyang pana at tinira ang palaso sa malaking puno.
Peng!
Ang palasi ay tumama sa puno ngunit hindi ito dumiretso.
Ang bawat bulaklak at puno sa Sky Boundary Island ay hindi simple, at kung ito ay puno mula sa labas na mundo, ito ay mabubutas.
"Mukhang walang nagbago sa kapangyarihan nito?"
Bahagyang nadismaya si Zhao Feng. Mali kaya ang likas niyang pakiramdam?
Ang palaso ay hindi tumaas ang kalakasan; salungat nito, nagkapira-piraso ito matapos tumama sa target, ibig sabihin ang kagamitan nito ay nagbago dahil sa sobrang daming yelo.
Ngunit, sa sumunod na sandali.
Si-- Si---
Isang makapal na yelo ang bumalot sa puno na tinamaan.
Sa isa o dalawang hingahan, ang sampung metrong taas na puno ay binalot ng yelo at tila isang istatwang yelo, makapigil-hininga sa araw.
"Binalot ng yelo…."
Malalim na huminga si Zhao Feng, gulat na gulat.