Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 174 - Sky Boundary Island

Chapter 174 - Sky Boundary Island

Kung gaano katagal kang nanatili sa Floating Crest Trial, mas maganda ang score. Dagdag pa rito, ang bilang ng trials na malagpasan, pati na rin ang kanilang pagpapakitang-gilas sa trials ay nakakaapekto rin sa huling resulta, na ang kapalit ay maghuhusga sa huling gantimpala.

Bukod kila Lu Hu at sa ibang dalawang disciples na napatalsik sa unang trial, sa natitirang pito na nakauha ng hangga't maaaring 30 trial points sa matagumpay na pagpasa sa unang trial, at ang mga disciples na nakaabot sa punto ng ito ay nagpamalas din sa trials.

Siyempre, ang mga points na nakuha mula sa kanilang pagpapamalas ay itinago.

Ang bawat kalahok na disciple ay mayroong Floating Crest Token ay nakatatak sa kanilang mga katawan, at kahit si Zhao Feng ay hindi maramdaman ang pag-iral ng Token; subalit, nang pinatay niya ang kaniyang mga kalaban, ang kaniyang kaliwang mata ay nakita ang katiting na paggalaw ng token.

Kahit na wala siyang malay sa kung gaano karami ang kaniyang points, siguro ang score niya ay hindi mababa pagtapos niyang pumatay ng pagkarami-raming paniki.

Sunod ay naglakbay paikot si Zhao Feng ng marahan, ang mapa sa loob ng kaniyang isip ay mas lalo pang naging malinaw. Kahit na mayroon pang ilang natitirang itim na mantsa sa mapa, ang daanan patungo sa labasan ay natagpuan na.

"Tatlong araw na ang nakakalipas mula mag-umpisa ang 2nd trial."

Alam ni Zhao Feng na hindi na siya maaaring magaksaya pa ng oras, kahit na mayroon pang mga kayamanan sa kuweba.

Hindi rin naman siya ganoon kasuwerte, dahil hindi siya nakakita ng magandang kagamitan bukod sa loob ng pugad ng mga paniki.

Sina Bei Moi at Yang Gan lamang ang nakakuha ng ilang Spiritual items pagtapos makapasok sa ilalim na palapag.

Makalipas ang dalawang oras, isang matamlay na kislap ng liwanag ang lumitaw sa unahan at ang materyal sa ilalim ng kanilang mga paa ay dahan-dahang naging kulay asul.

Ang matamlay na kislap ng liwanag ay mas lalong naging mas nakakasilaw hanggang nakita na ni Zhao Feng ang labasan - isang malaki, at asul na tarangkahan ang malawak na nakabukas.

Pagtapos makalagpas sa tarangkahan isang boses ang umalingawngaw sa kaniyang isipan, "50 points ang gantimpala sa pagpasa sa 2nd trial. Pagtapos ng limang araw, ang 3rd trial ay magbubukas na."

Sa loob ng tarangkahan ay mayroong isang asul na bulwagan na naglalaman ng enerhiyang ilang beses na mas malakas kaysa sa enerhiya sa Sky Moon Mountain. Mayroon ng tatlong taong nasa loob nito: Yang Gan, Quan Chen at Bei Moi. Ang tatlo ay nakadekuwatro sa sahig, tinutunaw ang mga halaman na kinuha nila kanina.

Si Bei Moi ang may pinakamabilis na paglago sa kanilang tatlo, ang kaniyang aura ay tumutulak patungo sa 4th Sky ng Ascended Realm.

Si Yang Gan ay umaabante na rin; subalit, kapag paangat ka na ng paangat sa cultivation, mas mahirap ang pagprogreso. Sa level niya, bawat pulgada ng paglago sa cultivation ay nangangailangan ng labis-labis na pagsisikap. Sa kabila ng lahat ng ito, nakarating na si Yang Gan sa mga huling yugto ng 5th Sky, at pagtapos ng trial, mayroon pa siyang pagkakataon na subukang abutin ang 6th Sky.

Makalipas ang isa pang kalahting araw, sina Liu Yue'er at Ran Xiaoyuan ay parehas na naglakad palabas ng tarangkahan at papunta sa bulwagan.

Batay sa alam ni Zhao Feng, ang mga taong huling dumating ay hindi nakakuha ng karagdagang gantimpala.

Ang 2nd trial.

Si Yang Gan ang pinakamabilis at kaya naman nakakuha siya ng karagdagang 30 points.

Sina Bei Moi at Quan Chen ay parehas nakatanggap ng karagdagang 20.

Kailangang malaman na ang mga points para sa pagpasa ng 1st trial ay nagbibigay lamang ng 30 points.

Hindi madaling makakuha ng mga points na ito, at pagtapos ng trials magagamit ito sa maraming bagay.

Marahang lumipas ang oras, at ginamit na ng lahat ang kakaunting oras upang madagdagan ang kanilang lakas.

Sila Zhao Feng, Bei Moi, Ran Xiaoyuan, at Lin Fan ay lahat nakagawa ng lubhang pagbabago sa kanilang cultivation. Lalo na si Zhao Feng, na siyang mas lumago na bago pa man matapos ang 2nd trial.

Bukod pa rito, sina Ran Xiaoyuan at Lin Fan ay parehas ring nasa punto na ng breakthrough.

Sa wakas.

Isang boses ang umalingawngaw sa kanilang mga isipan, "Ang Floating Crest Trial ay tutungtong na sa 3rd stage, "Sky Boundary Island." Maraming gantimpala dito at walang hangganan ang oras. Kung mas tatagal ka, mas mataas ang score. Ito ang huling yugto ng trial - makalipas ang sampung araw, ang mga Black metal monsters na nasa True Spirit Realm ay magpupunta upang patayin ka. Kung mas makakatagal ka sa kanilang paghabol, mas magiging mahirap ang pagtugis."

Habang naglalaho ang boses, isang kumikinang na asul na pinto ang bumukas sa katabing bulwagan.

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata ayon sa kaniyang pakiramdam, at biglang naging kakaiba ang kaniyang ekspresyon

Marami na siyang nalalaman tungkol sa arrays at gamit ang kaniyang kaliwang mata, agad niyang malalaman ang uri ng array na kaniyang tinitignan.

"Hindi tayo maaring magsama sa huling yugto - ang lahat ay nakasalalay na sa iyo."

Sinabi ito ni Zhao Feng kay Lin Fan at ang ikalawang nabanggit ay sumagot ng may pasasalamat. "Hindi ako makakarating ng ganito kalayo kung hindi dahil kay Brother Zhao. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya hanggang sa huling yugto."

Tumango si Zhao Feng at naramdaman niya na nakamit na ni Lin Fan ang mga kinakailangan upang makatungtong sa 3rd Sky of the Ascended Realm. Kung malalagpasan lamang niya ang yugto na ito makakakuha siya ng magandang score.

Shua! Shua! Shua…

Ang pitong disciples ay naglaho sa isa isa ng pumasok sila sa kumikinang na pinto.

….

Sky Boundary Island - ang huling stage.

Bumaba ang katawan ni Lin Fan sa kuweba at naramdaman na ang enerhiya sa paligid niya ang puro at punong-puno.

"Nandito ang enerhiya ito ay puro na kung saan ang pinagmulan ng bilis ay magiging sampung beses na mabilis bilang Sky Moon Mountain."

Namangha si Lin Fan.

Pagkatapos nito agad niyang minanmanan ang paligid ngunit walang ibang narito.

"Si Brother Zhao ay lubhang misteryoso at matalino. Lahat ng nakapasok sa third stage ay pinadala sa iba't ibang sulok ng Sky Boundary Island."

Huminga ng malalim si Lin Fan at mas lalo pang humanga kay Zhao Feng.

May nakita ng isang bagay ang ikalawang nabanggit bago pa man sila pumasok.

Nakita ni Zhao Feng na ang array sa loob ng kumikinang na pinto ay isang Teleportation array, isa sa mga pinakakomplikadong arrays. Kailangan may alam ang isang tao tungkol sa Spatial laws at magkaroon ng naaayon na Array diagram upang ayusin ito.

Inaangat ni Lin Fan ang kaniyang ulo at nakita na may papalipad na isang anyo ng Yao beast.

Ang mga Yao beasts ay nakakapagcultivate at naglalaman ng katiting na bakas ng Ancient Bloodlines sa loob nila.

Sinabi na maaari lamang silang tugisin ng mga Black Metal Monsters makalipas ang sampung araw ngunit masiyado ng maraming panganib dito.

"Ang enerhiya rito ay naayon upang ako ay makapagbreakthrough"

Nagdesisyon si Lin Fan na pumunta para maghanap ng nakatagong lugar.

Nakabubuti para sakaniya na makarating muna sa 3rd Sky First at ang lugar na ito ang naayon.

Sa sampu-sampung milyang layo, sa tapat ng isang hardin.

"Talagang sinuwerte ako - Nateleport ako sa ancient forgotten garden…."

Tumayo si Bei Moon sa harap ng hardin at naramdaman ang makapal na enerhiyang nakapaligid pati na rin ang mga aura ng makakangpayarihang mga nilalang sa tabi.

Nanginig ng kaunti ang kaniyang puso dahil sa mga aura na nasa ancient forgotten garden.

Ibig sabihin din nito na ang hardin ay totoo at naglalaman ng maraming kayamanan sa loob.

Siyempre ang kayamanan at panganib ay sabay na nakaabang.

Halatang alam ni Bei Moi ang parteng ito at huminga siya ng malalim at humakbang papasok sa hardin.

"Kung hindi ako maaga pumunta ang harding ito ay matatagpuan ng iba…"

Naglaho ang anyo ni Bei Moi nang siya ay pumasok sa loob. Hindi niya alam na ganito kalaki ang Sky Boundary Island at na mayroong maraming lugar na naglalaman ng mga kayamanan sa paligid. Mawawalan ng oras ang iba para labanan siya.

Ngunit kumpara sa iba ang kaniyang suwerte ay mas maganda dahil natagpuan niya na agad ang ancient garden.

Ang pitong disciples ay ipinadala sa mga sulok ng Sky Boundary Island.

Katamtaman ang suwerte ni Lin Fan at ang kay Bei Moi naman ay lubhang maganda.

Mayroon pa ring ilang malas. Halimbawa si Yang Gan - siya ay naiteleport sa tabi ng grupo ng Green Spotted Hyena na lahat ay nasa 2nd Sky ng Ascended Realm o mas mataas pa.

Pagtapos ang isang matinding labanan nakatakas na si Yang Gan.

"Muntik na akong mapigilan ng Green Hyena King na iyon at kung ako nga ay napaligiran..."

Bumuntong hininga si Yang Gan sa ginhawa.

Ang cultivation ng Green Hyena King ay halos makaabot na sa 7th Sky ng Ascended Realm, mas malakas pa kaysa sa Bat emperor.

Pagtapos tumakbo ng ilang sandali ang anyo ni Yang Gan ay biglang tumigil nang tumingin siya sa isang toreng isang daang tampakang taas sa gitna ng gubat.

"Ang mataas na tore na ito ay hindi basta-basta ngunit…"

Si Yang Gan ay kalahating puno ng galak at kalahating puno ng kalungkutan dahil ang tore ay nasa ginta ng gubay kung saan nanggagaling ang ungol ng mga halimaw at ilang mga aura sa loob nito ay isang banta para sakaniya.

Hindi siya kasing suwerte ni Bei Moi na siyang lumitaw kasunod ng isang ancient forgotten garden.

Sa iisang oras.

Ang mga disciples na nasa Sky Boundary Island ay lahat nakatagpo ng isang bagay na maaaring maganda o masama.

Sa tuktok ng isang bundok ilang libong metrong taas ay may nakatayong bata.

Ang batang ito ay mayroong asul na buhok at isang mata lamang, na nagbigay ng masamang pakiramdam.

"Sa wakas nakarating na ako rito… Ang lugar ng huling stage ay talagang napakalaki. Hindi ko man lamang makita ang dulo nito gamit ang kaliwa kong mata na ibig sabihin ay ang sakop ng lugar na ito ay hangga't maaari nasa 400-500 miles lawak."

Bumulong si Zhao Feng sa sarili niya.

Naghihinala siya na hindi ito nasa Sky Moon Mountain o kahit sa Cloud Country.

Hindi niya maaaring mairesolba ang palaisipang ito ngayon - kahit ang mga Elder ng Clan ay hindi makakayang magbigay ng isang tama at tiyak na sagot. Kung tutuusin, ang Floating Crest Palace ay nagmula pa sa sinaunang panahon at sa yugtong iyon maraming taong nasa Origin Core at Void God Realm ang mayroong abilidad na makatagos sa mga dimensyon at mabuhay mula sa isang patak ng dugo…. Katulad ng mga totoong diyos.

Malamang walang nakaabot sa ganoong level sa lugar na ito bukod sa Apat na Great Inheritances kung saan ang Scarlet Moon Inheritance ay isa sa mga ito.

Maraming oras na ang nakalipas simula pumasok si Zhao Feng sa Sky Boundary Island at sa segundong pumasok siya rito binuksan niya na ang kaniyang kaliwang mata upang makahanap ng ilang lugar na mayroong kayamanan.

Sa ganitong paraan mayroon siyang pagpipilian kung saang lugar siya magpupunta. Kaya naman kumunsumo si Zhao Feng ng maraming enerhiya sa pag-akyat sa tuktok ng bundok para sa isang mas maganda at mas malawak na pananaw.

Sa pagtayo sa tuktok lubhang malawak ang kayang makita ni Zhao Feng gamit ang kaniyang kaliwang mata dahil walang humaharang dito kabilang na ang mga katiting na mga bagay isa layo ng isang daang milya.

Mayroong isang mataas na tore sa gitna ng gubat diretso sa Hilagang direksyon. Sa tingin niya ay mayroong magagandang gantimpala roon ngunit maraming mga Yao Beasts ang nagkukubli rito, kabilang na ang mga nasa 7th Sky ng Ascended Realm at kahit ang mga nasa True Spirit Realm.

Sa Hilagang-Kanlurang direksyon ay mayroong isang misteryosong hardin na napaliligiran ng tubig.

"Ang bandang iyon ay maaaring ang ancient forgotten garden."

Bumilis ng kaunti ang pagtibok ng puso ni Zhao Feng.

Mula sa tanawin at sa aura na mayroong ang hardin maaaring mo ng maisip ang mga kayamanan sa loob nito ngunit sa kasamaang palad ang hardin ay nasa gitna ng lawa at mayroong maraming halimaw doon na nagdulot upang mas maging mapanganib pa ito kaysa sa mataas na tore.

Dagdag pa rito ang paglalakbay patungo sa hardin ay kokonsumo ng maraming oras hindi pa kasama ang katotohanang mayroon din panganib sa daan papunta rito.

Umiling si Zhao Feng nang may isang matamlay na asul na liwanag ang lumitaw mula sa kaniyang kaliwang mata habang sinusuri niya ang paligid…..