Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 173 - Tagumpay

Chapter 173 - Tagumpay

Nagpakawala si Zhao Feng ng isang napakalakas na determinasyong pumatay habang patuloy niyang ginagamit ang kaniyang mental energy sound attack, na maaaring nagdulot upang ang mga kalapit na paniki ay malaglag ng walang malay o lumipad palayo sa takot.

Ang pinakamalakas na bat emperor ay napigilan ni Yang Gan, at ang kanilang laban ay nagdulot upang hindi makalapit ang ibang paniki at ang mga cultivators.

Tatlo sa mga anim na bat lords ay napatay na, at ang natitirang tatlo ay hindi naglakas-loob na lumapit sa kanila.

Para sa ibang black bats na bumabalot sa alapaap, wala sa kanila ang makalapit kay Zhao Feng at sa mga kasamahan niya; ang mga lalapit ay mahuhulog o mapipilitang tumakas.

Ibig sabihin nito na ang pinakamalaking kalamangan ng mga paniki, na 'number tactic', ay naresolba na ni Zhao Feng.

Hanggang ngayon, wala sa mga natitirang disciples ang namatay o napatalsik palabas.

Ang sitwasyon na ito ay masasabing maganda.

"Kailangan na lamang natin pumatay ng dalawa pang bat lords, at maaari na tayong magtuon sa pag-atake ng bat emperor."

Mungkahi ni Zhao Feng.

Pagtapos gumamit ng labis na mental energy sound attacks, siya ay nagsimulang mapagod, kinuha niya ang pagkakataong ito upang makainom ng katiting sa kaniyang Spiritual wine at mabawi ang ilang enerhiya.

Matapos ang kaunting pag-uusap, napagdesisyunan na sina Bei Moi at Quan Chen ang mamumuno sa opensa samantalang ang iba naman ang puprotekta kay Zhao Feng ang susuporta sa malayuang atake.

Boi! Boi!

Bumuga ng dalawang sound attacks si Zhao Feng upang tulungan sina Bei Moi at Quan Chen upang pumatay pa ng isang bat lord. Kahit ang mga bat lords na ito ay naaapektuhan sa mental energy sound attack ni Zhao Feng, nagdulot upang lubhang mapinsala ito ni Bei Moi sa isang tira lamang.

Nagbubuga si Zhao Feng ng sound attacks paminsan-minsan at inilalabas ang kaniyang Louhou bow.

Hindi kalaunan, isa sa tatlong natitirang bat lords ay napatay, at ang dalawa ay lubhang napinsala.

Naisip ni Zhao Feng na ang resulta ay naitakda na - ang dalawang natitirang bat lords ay lubhang napinsala at hindi na maituturing na banta.

Sa mismong pagkakataon na ito.

Nakarinig si Zhao Feng ng sagitsit na yumanig sa pader, at ang anyo ng bat emperor ay tumulak kay Yang Gan paalis sa daan at sumunggab patungo sa kaniya.

"Hindi maganda!"

Nakaramdam si Zhao Feng ng nakamamatay na pahiwatig ng panganib.

Ang bat emperor ay isang halimaw na Yao na nakarating na sa 6th Sky ng Ascended Realm at nagtataglay ng masidhing katalinuhan - ibig sabihin na natagtanto na nito ang importansya ni Zhao Feng.

Nais nitong kumawala at patayin ang ikalawang nabanggit ng maraming beses ngunit ito ay pinigilan ni Yang Gan.

Sa pagkakita sa isa-isang pagkamatay ng kaniyang mga alipores, ang bat emperor ay nasiraan ng bait at sumunggab patungo kay Zhao Feng kahit na ang ibig sabihin nito ay sasalo siya ng direktang tira mula kay Yang Gan.

"Brother Zhao mag-ingat ka!"

Sigaw ni Yang Gan mula sa likuran.

Maaari ngang malakas si Zhao Feng, ngunit mabilis siyang mapapatay kapag tumapat sa isang bat emperor na nasa 6th Sky ng Ascended Realm.

Boi~~~

Huminga ng malalim si Zhao Feng at pinadaloy ang lahat ng kaniyang True Force at pinagana ang kaniyang asul na dugo sa iisang oras upang makabuo ng isang mental energy sound attack.

Ang mental energy sound attack na ito ay nabuo gamit ang lahat ng lakas ni Zhao Feng at naglalaman ng kapangyarihan ng kaniyang bloodline.

Qiu----

Ang sound attack ay halos tumama na sa bat emperor, at kahit isang nilalang na kasing lakas ng ikalawang nabanggit ay bahagya ring huminto.

Natulala si Zhao Feng - ang kaniyang mental energy sound attack ay talagang idinisenyo para sa mga paniki, at ang atakeng ito na kayang dali-daling pumaslang ng mga paniki na nasa 4th Sky ng Ascended Realm ay hindi man lamang makakaapekto sa kalaban.

Ang bat emperor ay nahinto lamang ng kalahating hinga, ngunit ang ikalawang nabanggit ay mas lalo pang sumunggab patungo kay Zhao Feng sa mas mabangis na paraan.

Subalit, maraming mga bagay ang maaaring magawa sa kalating hingahan.

Mabilis na umatras si Zhao Feng ng ilang yarda habang ang kaniyang anyo ay pumihit ng parang isda.

Jiang!

Nilabas ni Yang Gan ang kaniyang mahabang golden sword at hiniwa ito sa katawan ng bat emperor, naging sanhi upang may isang mahaba, at madugong sugat ang lumitaw.

Sou-- Beng~

Umikot si Zhao Feng ng 180 degree habang tumatakbo siya at tumira ng isang palaso na naglalaman ng kapangyarihan ng kaniyang bloodline gamit ang kaniyang Luohou Bow.

Sa oras na inilapat niya ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline, naramdaman ni Zhao Feng ang bahagyang pagyanig ng Luohou Bow at nagpakawala ito ng isang mainit na pakiramdam. Ang palaso ay nag-iwan ng isang asul na linya sa alapaap at umabot sa isang labis na bilis.

Shua!

Ang panang iyon ay tumama direkta sa kung saan nasugatan ni Yang Gan ang bat emperor.

Naintindihan ni Zhao Feng na ang kaniyang mga atake ay hindi maaaring tumagos basta-basta sa depensa ng bat emperor, ngunit ang panang ito ay tumama sa isang parteng napinsala na at bumukas pa lalo sa sugat.

"Quan Chen, Bei Moi, tulungan niyo ako!"

Sinenyasan ni Yang Gan ang dalawa upang tumulong bumawi sa bat emperor at kahit pa si Quan Chen ay lubhang nagdadalawang-isip, nagpunta pa rin siya upang suportahan si Yang Gan gamit ang sandata sa kaniyang kamay.

Kung sila ay harap-harapang makikipaglaban, sina Bei Moi at Quan Chen ay parehas na biglaang mapapaslang ng bat emperor. Subalit, kinakalaban ni Yang Gan ang emperor at ang kinakailangan lamang gawin ng dalawa ay sumuporta.

Boi~

Malamig na humagikhik si Zhao Feng at sumunggab din pabalik sa bat emperor habang nagpakawala siya ng isang mental energy sound attack upang guluhin ang ikalawang nabanggit.

Kahit ang bat emperor ay hindi kayang hindi pansinin ang mental energy sound attack ni Zhao Feng at napilitan itong mapunta sa isang desperadong sitwasyon.

Napanatili ni Zhao Feng ang pagitan nila at nagpakawala ng sunod-sunod na pana, na siyang tumatama sa parteng kanina pa napinsala.

Napilitang umatras ang bat emperor dahil sa grupo at ang mga pinsalang nito ay lalo pang naging mas malala. Labis itong nasiraan ng bait at sinubukang tumakbo palayo ngunit napigilan ito ng grupo kasama si Zhao Feng na nagpapakawala ng isang mental energy sound attack sa mga kritikal na parte.

Makalipas ang kalahating oras na kailangan upang magpakulo ng tsaa, sa wakas ay lumagapak na ang bat emperor sa sahig, patay.

Pagtapos paslangin ang bat emperor, ang bawat isa ay nagpakawala ng napakahabang paghinga at ang mga natitirang paniki ay nagsikalat. Kahit ilan sa kanila ay nais maghiganti, sila ay napilitang umatras sa mental energy sound attack ni Zhao Feng.

Sa mga oras na ito, mayroong ilang daang paniking napatay sa kuweba, at 75% sa kanila ay napaslang ni Zhao Feng.

"Brother Zhao, malaki ang naiambag mo. Kung wala ka rito, sinong nakakaalam kung ilan ang maaaring makalabas ng buhay. Kapag natapos ang trial, iu-ulat ko ito sa Clan."

Sambit ni Yang Gan ng may pasasalamat at paghanga.

Kailangang malaman na ang 2nd trial ay mas lubhang mahirap kaysa sa una, at sa ilalim ng mga normal na pangyayari walang magiging higit pa sa tatlo ang makakapasa sa trial na ito.

Subalit, si Zhao Feng ay isang taong kayang magpabago ng resulta na siyang tumapat sa 'number tactic' ng paniki at walang napatalsik sa trial.

Pagtapos patayin ang bat emperor, ang grupo ay nagpunta sa mas malalim na parte ng kuweba, na mayroong napakaraming kayamanan sa loob.

Palihim na binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata at sinuri ang kuweba. Hindi siya basta-bastang kumuha ng mga kayamanan, ngunit mayroong tiyak na magagandang kagamitan nang siya ay kumuha.

Pagtapos maglakad sa isang tiyak na lugar, isang kulay dugong pula na pader ang nagpakita.

Magaling! Ito ang spiritual fruit na 'Scarlet Blood Fruit' na kayang labis na magpalakas ng katawan!"

Nakakita si Quan Chen ng isang prutas na tumutubo sa isang sulok.

Shua!

Isang anyo ang biglang nagpakita sa harapan niya at kinuha ang Scarlet Blood Fruit.

"Brother Zhao, ako ang unang nakakita ng Scarlet Blood Fruit na ito!"

Madilim na pagkakasabi ni Quan Chen.

"Kung ikaw unang nakakita nito, bakit ako ang nakakuha nito?"

Pang-aasar ni Zhao Feng.

Nakikita ng kaniyang kaliwang mga mata ang mga kagamitan sa paligid, subalit kahit ganoon ay kaya lamang niyang makakuha ng ilan mula sa mga ito.

"Huwag na kayo magtalo, si Brother Zhao ang gumawa ng halos lahat na trabaho kaya't siya ang unang prayoridad. Dagdag pa rito, mayroon pang higit sa isang Scarlet Blood Fruit."

Sambit ni Yang Gan.

Lubhang naagrabyado si Quan Chen, ngunit wala siyang ibang magagawa kundi maghanap pa ng ibang kayamanan.

Ang Scarlet Blood Fruit ay isang spiritual fruit na naglalaman ng esensya ng araw at pati na ng dugo ng mga hayop, na labis makadadagdag sa mga attributes ng katawan.

Mayroong malaking pagkakataon na makatungtong ang isang tao sa susunod na Sky kung sila ay nasa ilalim ng 4th Sky ng Ascended Realm.

Mayroong lima hanggang anim na mga prutas tulad nito sa paligid at si Zhao Feng ay mayroong dalawa, si Yang Gan ay isa, Bei Moi isa at si Ran Xiaoyuan ang nakakuha ng huli.

"Hmm?"

Biglang napatingin ang mga mata ni Zhao Feng sa isang sulok ng tiyak na lugar. Mayroong isang matamlay na kulay pilak/pulang klase ng prutas na tumutubo roon na nagbigay ng isang malamig na aura.

"Chilling Yin Frui! Isang spiritual fruit na mayroong tiyak na kabaligtarang nilalaman kumpara sa Scarlet Blood Fruit."

Lumabo ang anyo ni Zhao Feng nang siya ay kumaripas patungo sa direksyon iyon, ngunit sila Yang Gan, Bei Moi at ang iba pa ay nahanap din ang Chilling Yin Fruit sa iisang oras. 

Dalawa sa limang Chilling Yin Fruit ay inagaw ni Zhao Feng samantalang ang ibang tatlo ay pinaghatian nila Yang Gan, Bei Moi, at Lin Fan.

Ang huling nabanggit ay palaging malapit kay Zhao Feng, kaya naman nakatanggap din siya ng ilan sa gantimpala.

Napagtanto ni Lin Fan ang isang tiyak na paraan: kapag may nais makuha si Zhao Feng, magagandang kayamanan ang magpapakita.

Subalit, hindi lamang siya ang nakapagtanto nito, sila Yang Gan ay ang kaniyang mga kasama ay mayroong parehas na pakiramdam.

"Bakit sinusundan niyo akong lahat?"

Biglang sinabi ni Zhao Feng.

Nagbigay ng nakakailang na tawa ang iba at nanatili sa isang tiyak na distansya mula kay Zhao Feng. 

Matapos ito, hindi na kumuha ng maraming kagamitan si Zhao Feng at kukuha lamang ulit kapag sila ay nakaabot na sa Spiritual grade dahil alam niyang maghihinala ang iba at magiging sakim kung marami ang kaniyang kinuha.

Mayroong maraming kayamanan sa loob ng kuweba, ngunit isa sa sampu lamang sa mga ito ang nakarating na sa Spiritual grade. Sa oras na makaabot sila sa level na iyon, makakuha sila ng maraming enerhiya mula sa kanilang mga loob.

Mabilis na tinantsa ni Zhao Feng na ang sampung Spiritual grade plants na nakuha niya, ang Chilling Yin Fruit at Scarlet Blood Fruit ay ang may pinakamalaking halaga at ang iba ay mayroong isang mas mabisang epekto kapag ginawang pills kaysa makain biglaan.

Makalipas ang kalahating araw, ang mga kagamitan sa loob ng kuweba ay nilooban.

Mayroong ilang mga taong mabilis na kumain ng kanilang mga kayamanan upang pag-isahin at palakasin ang kanilang cultivation.

Halimabawa si Bei Moi, ang Chilling Yin Fruit na kinain niya ay mayroong parehas na mga elemento gaya ng kaniyang Northern Dark Heavenly Water, na ibig sabihin ay maitataas nito ang kaniyang cultivation.

Hindi na binigyang pansin ni Zhao Feng kung anong mga elemento mayroon ang mga prutas dahil ang skill na inensayo niya ay makakahigop sa parehas, ngunit dahil kakakaangat lamang niya, hindi matalinong pagpili ang paggamit ng kayamanan upang pataas ang kaniyang cultivation ngayon.

Kumain si Lin Fan ng isang Chilling Yin Fruit at umupong nakadekuwatro sa sahig, nagcucultivate.

Makalipas ang dalawang oras.

Si Yang Gan ang unang umalis. Nais niyang maging ang unang taon makalabas sa 2nd trial upang makakuha pa siya ng mas maraming gantimpala mula sa trial na ito.

Sunod-sunod na umalis ang iba, ngunit sina Zhao Feng at Lin Fan ay sabay na umalis.

Pagtapos kainin ang Chilling Yin Fruit, si Lin Fan ay malapit sa peak 2nd Sky ng Ascended Realm at ang kaniyang True Force ay mayroong elemento ng yelo rito, na nagdulot upang labis na tumaas ang kaniyang kapangyarihan.

Ang iba gaya nila Quan Chen, Ran Xiaoyuan at si Liyu Yue'er ay nagkaroon din ng mga magagandang pagbabago.

Ang layunin ng trial ay upang pigain ang potensyal ng isang ta at gamitin ito sa kaniyang mga pinagkukunan upang palakasin nag cultivation ng isang nilalang.

"Brother Zhao, bakit hindi ka nakikipaglaban para sa titulo na "unang makalabas"?"

Biglang tinanong ni Lin Fan.

Nang magsimula na ang 2nd trial, nabanggit na rin na kung gaano kaliit ang oras na ginugol mo upang kumpletuhin ang trial, mas mataas ang gantimpala mo.

"Hindi ako makikipaglaban para rito."

Umiling si Zhao Feng.

"Kung ganoon, Broher Zhao, ikaw…"

"Nabanggit ng mga patakaran a ang pagpapakitang gilas sa sky castle at pati na rin ang bilang ng mga trials na naipasa ay makakapekto sa resulta."

Matamlay na ngumiti si Zhao Feng.

"Ang bilang ng trials na naipasa at pati na rin ang pagpapakitang gilas mula sa kanila… pagpapakitang gilas!"

Nagliliwanag ang mga mata ni Lin Fan nang maintindihan niya na sawakas.