Ang kabuuan ng pitong mga disipulo ang nagsama sa malaking pasukan. Ngunit sa hindi inaasahan ng lahat, wala sa kanila ang natanggal, sa kabila ng labis na paghihirap.
Ang kakaiba ay tila labis na kalmado si Zhao Feng, Lin Fan at Liu Yue'er. Hindi sila makikitaan ng tanda ng pagod, at sa halip ay puno pa ng lakas.
Brother Zhao… nakalagpas ka na?"
Naramdaman ni Yang Gan ang pagbabago sa aura na nanggagaling sa katawan ni Zhao Feng. Dahil nakalagpas na siya, ang kaniyang aura ay malupit at magulo, wala sa karaniwang kontroladong kalagayan.
Nang makaramdam ng puwersa dahil sa bilis ng pagcultivate ni Zhao Feng, bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Bei Moi at Quan Chen nang nagpalitan sila ng hindi maintindihang reaksyon.
Ang bugso ng kagustuhang lumaban ay mababakas kay Bei Moi nang maisip na isa itong magandang pagkakataon para kalabanin si Zhao Feng sa isang patas na laban. Malakas ang loob ni Bei Moi sa kaniyang kakayahan — ni hindi nga niya ginamit ang buong kakayahan niya sa paligsahan.
"Hindi ko siya hahayaang umalis nang buhay sa Floating Crest Palace.."
Ang ekspresyon ni Quan Chen ay madilim at hindi mapakali. Ang kaniyang natural na pakiramdam ang nagsabi sa kaniyang kung hindi niya tatapusin si Zhao Feng, magiging malaking hadlang ito sa kaniya.
"Mayroong maraming mga bagay sa trial na ito na nakakatulong sa aking pagcultivate," kaswal na sabi ni Zhao Feng.
Ang pitong disipulong nakaabot sa ganito kalayong punto sa trial ay naging mas mahusay, at hindi lang si Zhao Feng. Ngunit siya ang pinakahumusay, na sinunda naman nila Lin Fan at Bei Moi.
"Sige, kapag nagsama tayong pito, mapapasok natin ang kuwebang ito. Nararamdaman kong kapag nalagpasan natin ang puntong ito ay mas madadalian na tayong tapusin ang trial na ito.
Nagsimula na si Yang Gan na bumuo ng plano.
Alam ni Zhao Feng na mayroong libo-libong mga paniki sa loob ng kuweba ng mga paniki, at ang bawat isa sa kanila ay nasa First Sky of the Ascended Realm.
Sinabi ni Bei Moi sa lahat: "Ayon sa napag-alaman ko, mayroong Bat Emperor sa loob ng kuweba na nakaabot na sa Sixth Sky of the Ascended Realm. Bukod sa Emperor, mayroon ding anim na Bat Lords na may cultivation na nasa Fourth hanggang Fifth Sky of the Ascended Realm. Sa kabutihang palad, ang mga Bat Lord na ito ay magkakalayo sa gitna ng napakalaking kuweba ng paniki.
Nang marinig ito, nagulat ang iba.
Ang balita ay nalaman ni Bei Moi, na nakapasok na sa mga kuweba kasama si Yang Gan, na nakakakuha ng atensyon ng mga paniki.
Sa pangkalahatan, ang lakas ng mga paniki ay lagpas pa sa mga kasali sa dami at kalidad.
Kapag hinaharap ang human sea tactic, kahit ang malakas na si Yang Gan ay napapatakbo, habang ang mga mas mahinang mga disipulo ay wala man lang lakas para protektahan ang kanilang mga sarili.
"Halata namang hindi naming sila kalabanin nang harapan… Kailangan nating patayin ang ilang mga bat lord bago pa dumating ang bat empreror. Kung magagawa natin ito, makakakuha tayo ng ilang kayamanan sa daan. Kung hindi naman, ang magagawa lang natin ay ang lumaban hanggang makalabas. Ang pinakamalalang mangyayari ay ang pagkakahiwa-hiwalay ng direksyon ng lahat…"
Sinabi ni Yang Gan ang kaniyang plano sa lahat at may kabuuan na tatlong magkakaibang maaaring masamang mangyari.
1. Ang pinakamagandang sitwasyon ay kukuha ng ilang kayamanan ang grupo sa kanilang daan papunta sa susunod na lugar.
2. Magsasama ang grupo para lumaban hanggang makalabas, na tanging pinipiling protektahan ang kanilang mga sarili.
3. Mapupunta ang grupo sa isang desperadong sitwasyon, kung saan hindi na nila matutulungan ang bawat isa.
Pagkatapos sabihin ni Yang Gan ang kaniyang plano ay nagbuntong-hininga siya. Ayon sa kaniyang pag-analisa. ang pagkakataong mangyari ang unang plano ay mas mababa pa sa sampung porsyento, at ang ikatlong plano ang may pinakamataas na pagkakataong mangyari.
Ito ay dahil sa napakaraming mga paniki, kasama na ang mga bat lords. Ang pagdadalawang-isip ay nangangahulugang panganib.
"Ang planong ito ay hindi na masama, ngunit may pag-asa bang manalo tao laban sa bat empreror?" tanong ni Zhao Feng.
Ang cultivation ng bat emperor ay nakaabot na sa Sixth Sky, katumbas ng sa ilang mga Deacon sa Clan.
"Wala akong gaanong pag-asang manalo, ngunit kaya ko namang lumaban," sagot ni Yang Gan matapos saglit na mag-isip.
Bahagyang nagulat si Zhao Feng nang marinig ito. Mukhang mas malakas pa si Yang Gan kaysa sa inaasahan niya.
Pagkatapos magpulong muli ay naghanda na sa pag-alis ang grupo.
"Brother Yang, sa tingin ko ay may nakalimutan kang isang posibilidad."
Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.
"Anong posibilidad?"
Labis na nagulat si Yang Gan. Sa kaniyang isip, ang pinakamasamang maaaring mangyari ang nahulaan na.
"Padanakin ang dugo. Sa. Pugad. Ng. Paniki."
Sinabi ni Zhao Feng kay Yang Gan nang isa-isang salita. Mababakas ang gulat sa kaniyang mga mata bago nainis na umiling si Yang Gan, "Brother Zhao, maaari ka nang tumigil sa iyong panunukso."
Matapos nito ay pinangunahan ni Yang Gan ang grupo at bumuwelo sa himpilan ng kuweba ng paniki.
Ang lahat sa kanilang pito ay may kapangyarihan sa labanan na maikukumpara sa Third Sky of the Ascended Realm , at maraming mga maikukumpara sa Fourth Sky o mas mataas pa.
Samakatuwid, ang mga nagkalat na paniking umiikot sa paligid ay madaling napatay.
"Lahat kayo, panatilihin lang 'yan, kung makaharap tayo ng isang bat lord, magsasama-sama tayo ay papatayin ito nang sabay," utos ni Yang Gan.
Ang grupo ay naghanap nang mabuti at hindi nagtagal ay nakaharap ang nasa 100 paniki na pinapangunahan ng isang bat lord, na may cultivation na malapit sa Fifth Sky of the Ascended Realm.
Flipping Cloud Palm!
Itinulak ni Yang Gan ang kaniyang kamay sa mga papalapit na paniki, na nakapatay ng lima hanggang anim nang sabay.
Sa isang galaw, napinsala ni Yang Gan ang bat lord.
Hindi maiwasang mamangha ni Zhao Feng, si Yang Gan ay mas malakas na kaysa sa kaniyang inaasahan. Hindi nakakapagtakang nasa ikalawang antas siya ng mga core disciple, at nmay pagkakataong makipaglaban para sa head disciple.
Beng Sou~~~
Isang matingkad na asul na liwanag ang limitaw sa lalamunan ng bat lord.
Plop!
Ang malaking bangkay ng bat lord ay bumagsak sa lupa.
Bahagyang nagulat si Yang Gan kay Zhao Feng. Ang kaniyang Luohuo Bow ay makapangyarihan, na kayang hadlangan ang mga nasa Fourth Sky–lalo na kung ito ay isang patagong atake.
Pagkatapos patayin ang bat lord, nagkalat ang mga paniki sa takot, at halos kalahati sa kanila ang namatay o napinsala.
"Brother Zhao, mayroon kang mahusay na archery skills. Maaari tayong makapatay ng mas maraming bat lord nang magkasama at bibigyan kita ng mas malaking hati ng pabuyang makukuha natin.
Si Yang Gan ay ngumiti.
"Sige," tumango si Zhao Feng bilang pagsang-ayon. Ngunit ang kaniyang layunin ay hindi lang ang ilang resources na pinagsama sa pagmamadali – gusto pa niya ng iba.
Nagpatuloy ang grupo at isa pang bat lord ang lumitaw, ngayon ay pinapangunahan ang nasa 100 hanggang 200 paniki, na ang ilan ay ang nagsitakas kanina.
Ang bat lord ay nakaabot na sa Fifth Sky, at ngayon, makakalamang lang si Yang Gan nang hindi pinapatay ito sa loob ng maiksing oras.
"Northern Dark Heavenly Water – Heavy Wave Slash!"
Sumigaw si Bei Moi nang tumalos sa hangin, pagkatapos ng ilang mga imahe at nagbigay siya ng rippling palm na mukhang nasa 5000 kilong bigat papunta sa bat lord.
Boom!
Ang bat lord ay nadurog sa lupa dahil sa pinagsamang atake ni Bei Moi at Yang Gan.
Tila tumigil ang tibok ng puso ng lahat–hindi nila inasahang malakas si Bei Moi.
Lihim na nasuri ni Zhao Feng ang Northern Dark Heavenly Water Skill ni Bei Moi ay katumbas ng kaniyang Lightning Wind Palm, kung hindi mas malakas.
Ang grupo ng pitong disipulo ay nagsama at pinatay ang bat lord.
"Tagumpay. Dalawa na ang napatay natin. Kailangan lang nating tapusin ang dalawa pa at magiging maayos na ang lahat."
Si Yang Gan ay tmawa.
Sandali!
Kapansin-pansing nagbago ang ekspresoyon ni Zhao Feng," Ang mga natitirang paniki ay hindi tumatakas."
Pagkatapos niya sabihin ito, isang nakakakilabot na matinis na tunog ang maririnig nang isang magulong hangin ang lumitaw, na nakakapagpagalaw sa mga pader at lumabas ang isang bat emperor na may tatlo at kalahating metro ang lapad ng pakpak.
Agad na naglabas ng matinis na tunog ang mga paniki bilang pagsagot, na nagkaroon muli ng pag-asa sa pagdating ng kanilang pinuno.
"Hindi ito maganda! Ang bilis nating nakuha ang atensyon ng bat emperor."
Huminga nang malalim si Yang Gan at naglabas ng makaluma at mahabang gintong espada nang lumipad sa hangin. Pagkatapos ay iwinasiwas ito sa bat emperor, na nakahati sa maraming mga paniki.
Ang mahabang gintong espada ay isang Middle class Mortal weapon, at kasama ng kaniyang cultivation, maaari pa niyang hadlangan ang mga nasa Sixth Sky.
Hu! Sou~~
Naglabas ng malakas na matinis na tunog ang bat emperor at lumipad palayo sa espada, na matagumpay na napawalang-bisa ang atake dito.
Sou! Sou! Sou…
Daan daang mga paniki ang nag-umpisang magsama-sama mula sa lahat ng direksyon dahil sa pagtawag ng kanilang emperor.
Bukod sa daan daang mga karaniwang paniki, ang iba pang apat na bat lord ay pumalibot din sa grupo.
Ganap na silang napalibutan!
Nagbago ang mga ekspresyon ng lahat. Ang pinakamasamng maaring mangyari ayon sa sinabi ni Yang Gan ay nangyari nga. Ngunit mas masama pa ito kaysa sa naisip nila. Mayroon ding daan daang mga paniki ang nasa Ascended Realm ang nakapalibot sa grupo.
Ang lugar ay napuno ng matinis na tunog, na nakapagpahirap sa lahat na gumalaw maliban kay Yang Gan.
Ang hindi matinag na bugso ng tunog ay isang mental energy attack na maaaring makaapekto sa kanilang mga isip.
"Kekeke, masyadong maraming mga paniki ang nagsama nang sobrang lapit."
Si Zhao Feng ay puno ng mga ngiti.
Si Quan Chen at mga kasama, na nakaranas na ng matinding labanan, ay walang magawa kundi tingnan siya nang may galit. Paano siya nakakatawa sa ganitong sitwasyon?
Boi~~~
Ibinukas ni Zhao Feng ang kaniyang bibig at isang mental energy sound wave ang bumulusong palabas.
Tok! Tok! Tok…
Isang grupo ng mga paniki ang bumagsak sa lupa.
Sa isang saglit, 20 hanggang 30 paniki ang bumagsak sa lupa habang ang hindi mabibilang na mga paniki ang lumitaw sa harap ni Zhao Feng.
Ang kakaiba ay ang sound attack ay tila nakakaapekto lang sa mga paniki, at hindi nasaktan ang mga tao sa paligid. Sa kabilang banda, tila napapawalang-bisa nito ang mental energy attack ng mga paniki.
Boi! Boi! Boi…
Patuloy na ibinukas ni Zhao Feng ang kaniyang bibig at isa isang bumabagsak ang mga paniki mula sa langit, habang ang iba naman ay tumatakas na palayo sa takot.
Nagulat ang iba dahil sa kanilang nasaksihan.
Tila nalabanan ng mental energy sound attack na ito ang mga paniki at kahit ang bat lord ay mapupuno ng takot kapag nilapitan nito si Zhao Feng.
Sa totoo lang ay nagbago ang sound attack ni Zhao Feng ayon sa mga katawan ng mga paniki at nagkaroon ng pinakamalaking epekto sa kanila.
Sa pandinig, may malaking pagkakaiba ang sa tao at sa paniki. Kaya walang naramdaman ang ibang mga cultivators.
Sou~ Beng—
Kinuha ni Zhao Feng ang kaniyang Luohou Bow at isang matingkad na asul na liwanag ang lumitaw sa isang bat lord na nasa Fourth Sky of the Ascended Realm.
Napanganga ang mga tao sa paligid.
Si Zhao Feng ay tila isang mamamatay-paniki na perperktong kinalaban ang mga paniki gamit ang kaniyang archery at sound energy skills.
"Brother Zhao, magaling!"
Lubhang natuwa si Yang Gan na lumalaban sa bat emperor.
Boi~ Boi~ Boi…
Ipinagpatuloy ni Zhao Feng ang paggamit ng kaniyang bibig at paglabas ng mental energy sound attacks nang sunod-sunod, na tila mga along pumapatay sa mga paniki.
Sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, ang asul na kalaliman ay pabilis nang pabilis na umikot, na nagbibigay ng mental energy kay Zhao Feng.
Sa loob lang ilang hininga, nakapatay at nakapagpaatras si Zhao Feng ng nasa 100 hanggang 200 na mga paniki.
Ang mga paniking napilitang sumuko ay napinsala ang mga isip, at hindi sumasagot sa pagtawag ng mga bat lord.
Ang lahat ay tumingin kay Zhao Feng sa takot at gulat.
Ang natitirang tatlong bat lord ay hindi mapakaling tumingin kay Zhao Feng at hindi nangahas na lumapit pa.
"Lahat kayo, tulunga ako at padadanakin natin ang dugo sa kuweba ng paniki!"
Ang boses ni Zhao Feng ay puno ng umaalingawngaw na layuning pumatay, na nagpadma sa iba ng pagragasa ng intensyong lumaban at pagkatuwa.