Pagkatapos masipa ang lobo sa kawalan, nakaramdam ng saya si Zhao Feng, na para bang naaakit siyang gawin ang mga bagay na ito palagi.
Ngunit, nauunawaan niya rin ang mga Elders na nasa labas ay nagkakaroon na ng masamang imahe sa kanya. Pero sa kabutihang palad, nariyan naman si Ran Xiaoyuan na kasama niya para magbigay patunay sa mga naganap.
"Ang lahat ng tungkol sa mundong ito ay nakabatay sa lakas. Kung makakakuha ako ng napakataas na iskor, ano naman ang magagawa ng mga Elders sa akin?"
Ang anyo ni Zhao Feng ay tumalon sa hangin at saka nagbalik sa itim at gintong kalsada.
Pagkatapos tumakbo nang dalawang beses sa hangin, kahit ang mga Core Disciples na nasa 4th Sky ay pagod na rin. Pero si Zhao Feng ay mayroong low grade na Spiritual Wine sa loob ng kanyang interspatial bracelet, kung kaya nabubunuan ang agad ang enerhiyang nawawala sa kanya kasabay ng pagtaas ng kanyang cultivation.
Jiang! Jiang… !
Malalakas at yumayanig na mga yapak ang biglang maririnig mula sa likod at isang malaking anino ang makikita.
"Hindi ito maganda, takbo!"
Nakita agad ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang napakalaking itim na halimaw na may dalawang pakpak at agad niyang sinenyasan si Ran Xiaoyuan na tumakbo.
Agarang tumakbo ang dalawa kung kaya natakasan nila ang itim na anino.
Kahit kakarampot na oras na sayangin nila sa unang pagsubok ay maaaring mangahulugan ng kamatayan.
Pagkaraan ng ilang sandali.
May mga luhang makikita sa mga mata ni Ran Xiaoyuan.
"Kapatid na Ran, anong nangyari?" Agad na pagtatanong ni Zhao Feng.
"Kasalanan ko kung bakit napalabas sa trial ang kapatid nating si Lu Hu at Sun Yuanhao. Tama nga si Sister Yuan, hindi ka mabuting tao!" Umiyak si Ran Xiaoyuan at hindi pinansin si Zhao Feng nang maging isa siyang labing-imahe at nawala sa paningin ni Zhao Feng.
Napailing si Zhao Feng at pinanatili ang kanyang bilis.
Kalahating araw ang lumipas.
Mukhang malapit nang matapos ang metal na daan at mayroon ng berdeng pinto sa dulo.
Sa harap ng pinto ay may lima hanggang anim na tao ang siyang nakaupo habang magkasalubong ang mga paa sa lapag, binabawi nila ang nawalang enerhiya sa kanila. Kahit sino namang disipulo ay talagang mapapagod matapos habulin ng isang halimaw sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
"Kapatid na Zhao, sa wakas andito ka na."
Nagpakawala ng hininga si Lin Fan. Nag-aalala siya kay Zhao Feng habang papunta rito at ngayong nasa harap niya na ito nangangahulugang nakuha niya ang mga pabuya kanina.
"Kainin mo muna itong Purple Spiritual Fruit."
Iniabot ni Zhao Feng kay Lin Fan ang prutas at kinain niya ito, agad niyang naramdaman na nanunumbalik ang kanyang lakas at tumataas ang kanyang cultivation nang bahagya.
Uminom si Zhao Feng ng low grade na Spiritual Wine at kumain ng isang Purple Spiritual Fruit kung kaya ang kanyang cultivation ay umabot na sa peak 2nd Sky.
"Tunay ngang puno ng pabuya ang Floating Crest Trial. Noong una, kinailangan ko pa ng halos isang buwan para maabot ang peak 2nd Sky, pero ngayon narito na ako sa loob ng tatlong araw."
Tuwang-tuwa si Zhao Feng.
Nagningning ang kanyang mga mata ng makita niyang nakaupo sa malapit si Ran Xiaoyuan nang magkasalubong ang paa sa lapag at binigyan rin ito ng Purple Spiritual Fruit.
Napansin agad ng iba ang kanyang ikinilos.
"Kapatid na Zhao, mukhang nakakuha ka ng mga pabuya sa isang lugar. Hindi lamang Spiritual Fruits ang mayroon ka, pati rin ang isang interspatial bracelet." Wika ni Quan Chen habang nakatitig sa pulseras ni Zhao Feng.
Ang kanyang mga sinabi ay nakakuha ng atensyon ng iba na kahit si Yang Gan ay nagningning ang mga mata nang mapatingin kay Zhao Feng.
"Sinuwerte lang ako nang kaunti."
Napagpasyahan ni Zhao Feng na huwag na itong itago pa dahil magagamit naman niya talaga ang interspatial bracelet. Ngayong wala na ang Illusion Fox, walang kahit sino ang mangangahas na nakawin ito sa kanya kahit gustuhin man nila.
Hindi nagtagal.
Jiang! Jiang… !
Nakasisindak na mga yapak ang umalingawngaw sa kadiliman.
Ang itim na metal na halimaw ay paparating!
Bumilis ang tibok ng puso ng lahat, pero ang berdeng pinto sa likod nila ay hindi pa rin nagbubukas.
Sa pagkakataong iyon.
Sa kanilang mga isip, isang boses ang maririnig: "Ang abyss of death ay tapos na. Ang mga nagtagumpay ay mabibigyan ng 30 puntos bawat isa para sa 1st Trial."
Huang~~~
Ang berdeng pinto sa kanilang likod ay agad na nagbukas at ang itim na metal na halimaw ay napatigil bigla na tila naging isang bato.
"Hindi nakapasa si Sun Yuanhao at Lu Hu sa 1st Trial?" Pagtatanong ni Yang Gan nang may sopresa habang sinusuri ang pangkat.
Wala naman talaga siyang pakialam kay Sun Yuanhao, pero si Lu Hu ay isang Core Disciple na hindi masyadong malayo ang lakas sa kanya.
"Si Lu Hu at Sun Yuanhao ay tinamaan ng ilusyon mula sa Illusion Fox kung kaya nalaglag sila sa kawalan." Biglang sabi ni Zhao Feng.
Puno ng suspetsa sina Quan Chen at Yang Gan; lalo na sa huling sinabi nito: "Nahulog talaga silang dalawa sa kawalan at nakakuha ka ng mga kayamanan at nakabalik nang hindi nasasaktan?"
Malamig na 'hmph' ang isinagot ni Zhao Feng na halos tamad na siyang sabihin pa kung ano ang nangyari.
Ikinaglit ni Quan Chen ang ipinakitang ugali ni Zhao Feng. Kapapasok niya lamang sa Clan at wala siyang karapatan na hindi siya pansinin.
Naalala niya bigla ang mga araw na nagtungo siya sa Guanjun Palace para pulbusin si Lord Guanjun at kunin si Bei Moi, noong mga panahong iyon, wala man lang siyang paki sa langgam na ito.
Kailan pa naging mataas ang antas ng langgam na ito para hindi niya ako pansinin?
"Pag-uusapan natin ito pagkatapos ng Trial. Sa ngayon, sa Trial muna natin ibaling ang ating mga atensyon." Malalim ang tingin ni Yang Gan kay Zhao Feng at saka tinapos ang usapan.
Ceng! Ceng! Sou…
Ang grupo nilang pito ay pumasok sa berdeng pinto sa utos ng boses sa kanilang mga ulo. Ang pangkat ay pumasok sa isang madilim na kuweba. Katulad nang nauna, ang lugar ay madilim at may mga umaalingawngaw na tunog ng mga paniki.
Agad na nakaramdam ang pitong disipulo ng isang malamig na aura at naisip nilang hindi sila ligtas rito.
"Lahat kayo mag-ingat, ang mga panganib na nasa loob ng kuwebang ito ay higit na mas mataas kaysa sa 1st Trial." Pagbababala ni Yang Gan habang pinamumunuan ang grupo sa harap.
Agad na sinuri ni Zhao Feng ang paligid gamit ang kanyang kaliwang mata at agad niyang nakita ang mga sinasabing panganib.
"Ang 2nd Trial ay tinatawag na Lost Bat Cave, Lost…"
Ibinaling ni Zhao Feng ang kayang atensyon sa salitang 'lost'. Inanalisa niya ang heograpiya ng 2nd Trial at nalaman niyang napakakomplikado nito ganoon rin ang mga dala nitong panganib. Si Yang Gan ang may pinakamataas na cultivation sa kanila kung kaya siya ang may pinakamalakas na pakiramdam at malamang ay alam niya na ang mga panganib na nag-aabang sa kanila.
"Huwag kang aalis sa tabi ko at huwag mo ring hahayaan na malayo ka sa akin ng isang yarda." Bigkas ni Zhao Feng kay Lin Fan.
Agad naman itong tumango; dama niya rin ang mga panganib na maaari nilang kaharapin. Ang grupo nila ay nagtungo sa kailaliman ng kuweba pero hindi pa sila nakaaabot ng isang daan yarda at may dalawang daan na ang dapat tahakin.
Aling daan ang dapat nilang landasin?
Sumakit bigla ang ulo ni Yang Gan. Sa ganitong pagkakataon napakahirap na o halos imposible pang makaalis sila sa kuweba.
Isang ngisi ang masisilayan sa mukha ni Zhao Feng. Iang mapa ag nabuo sa kanyang isipan, na siyang lipon ng mga tinahak nilang daan. Katulad ito ng isang tunay na mapa, kung saan ang lahat ng mga daang nadaanan nila ay nasuri na ng kanyang isip.
Sa mga lugar naman na hindi pa nila nasisilayan, may mga itim ito na mantsa.
Gamit ang kapangyarihang ito, kahit ang mga pinakamalalaki na labirinto ay madaling masosolusyunan ni Zhao Feng. Kung kaya hindi siya nag-aalala at tila isang turista pa siya kung kumilos. Ang kakaibang ikinikilos ni Zhao Feng ay misteryoso at makapangyarihan sa paningin ni Lin Fan.
"Napakamisteryoso ni Zhao Feng. Tila ba ang Floating Crest Palace ay ang kanyang hardin sa bahay."
Hindi na makapagsalita si Lin Fan sa paghanga.
Nang makakita muli ng mga naghihiwalay na daan, inirekomenda ni Yan Gan: "Bakit hindi na lang tayo bumuo ng magkahiwalay na pangkat at mag-iwan ng mga bakas sa ating mga daraanan."
Wala namang kahit sino ang tumutol at sa pamamagitan ng diskusyon, ang mga pangkat ay:
Yang Gan, Bei Moi at Liu Yue'er.
Quan Chen, Zhao Feng, Lin Fan at Ran Xiaoyuan.
Wala namang kahit ano na sinabi si Zhao Feng, pero nanlamig bigla ang mga mata ni Quan Chen.
Nang maghiwalay na ang dalawang pangkat, mga tunog ng paniki mula sa kuweba ang maririnig kasabay ng paglipad ng mga ito. Nakitani Zhao Feng na may mga kakaibang pulang linya sa mga paniking ito at ang kanilang mga mata ay namumula. Ang palahaw ng mga itim na paniking ito ay nakapagpanginig ng kanilang mga mata.
Mula sa isa sa mga entrada ay may lumabas na sampung itim na mga paniki na siyang umatake kay nila Zhao Feng.
"Attack!"
Isang pilak na linya ang makikita sa palad ni Quan Chen nang bigla niyang patayin ang tatlong panik. Ang mga ito ay nasa 1st o 2nd Sky ng Ascended Realm at tanging isa lamang sa kanila ang nasa 3rd Sky. Nagbuga ito ng isang sonic wave na siyang sumira sa kanilang mga kamalayan.
Kumulo ang dugo ni Lin Fan nang hindi niya halos kapusin siya sa pagsalag sa mga isa nito pero napatay rin naman niya ang isang paniki na nasa harap niya. Dalawang palm attack naman ang inilabas ni Zhao Feng at nakapatay siya ng iilang paniki.
Hindi nagtagal, ang mga paniki ay napuksa na nila maliban sa isang nasa 3rd Sky na nakatakas.
Beng~ Sou-
Isang madilim na berdeng palaso na kasimbilis ng kidlat ang siyang tumusok sa tiyan ng paniki.
Plop!
Ang katawan ng paniking ito ay nahulog at ang mga kasama niya ay napatingin sa Luohou bow na hawak ni Zhao Feng. Ang kapangyarihan nito ay talagang hindi nakadidismaya; nakapatay ito ng isang paniki gamit lamang ang kakarampot na True Force.
Ang bilis ng paniki ay napakataas ng antas. Kung ginamit niya ang Golden Stairs Bow, ang bilis ng palaso ay hindi makakaabot dito ay agad itong maiiwasan ng paniki.
Matapos mapagtagumpayan ang pagpuksa sa pugad ng mga paniki, agad nang ipinagpatuloy ng grupo ang paglalakbay, habang lumalawak sa isip ni Zhao Feng ang mapang binuo niya. Ganoon pa man, ang mga hindi nila nalalamang lugar o mga itim na mantsa sa mapa ay lalong dumadami.
Taimtim ang mukha ni Zhao Feng nang madiskubre niyang ang laki ng bat cave na ito ay mas malaki pa kaysa sa kanyang inaasahan. Matapos maglakad nang sandali, isang pangkat na naman ng mga paniki ang nagpakita at nasa 1st o 2nd Sky ang mga ito.
"Ang 2nd Trial ay nangangailangan ng limang araw na paglalakad ng mga kalahok. Sa ganitong sitwasyon, mamatay tayo sa pagod." Pag-aanalisa ni Zhao Feng.
Sa loob lamang ng isang oras, ang grupo nila Quan Chen ay humarap ng napakaraming atake mula sa halos isang daang paniki.
"Magpahinga muna kayo nang saglit." Magkasalubong ang paa na umupo si Quan Chen habang sinusubukang panumbalikin ang kanyang lakas.
Si Zhao Feng, Lin Fan at Ran Xiaoyuan ay mukhang maayos pa naman sapagkat nakakain sila ng Purple Spiritual Fruit, ibig sabihin ang enerhiya sa kanilang mga katawan ay medyo puno pa.
Ang kanilang natitirang enerhiya ay magtatagal pa ng isang araw o kaya dalawa.
Si!
Isang maliit na pigura na kasing nipis ng linya ang biglang nagpakita sa kuweba at pinag-isa ang paligid.
"Ano na naman ito!?"
Naramdaman ni Quan Chen na sumasakit ang kanyang baywang na tila nakagat siya.
Shua!
Isang kulay abo na ahas ang umiwas sa True Force ni Quan Chen at tumakas.
"Hindi ito maganda! Ang isang 'yun ay Yao snake, na nakalalason…"
Napaungol sa sakit si Quan Chen at nagsimulang maging kulay-ube at mamanhid ang parte niyang nakagat. Sa pagkakataong iyon, malamig na pawis ang tumutulo sa kanyang noo.
Agad na nanlamig sina Lin Fan at Ran Xiaoyuan.
"Ito ba ang ahas na iyon?" Ngumiti si Zhao Feng habang hawak sa kanyang dalawang daliri ang isang nanlalaban na nakalalason na kulay abong ahas.