Sa isang itim at gintong kalsada, handang makipaglaban si Zhao Feng sa isang Core Disciple na si Lu Hu.
"Nangangahas ka bang kalabanin ako?" Malamig na sabi ni Zhao Feng habang nililipad ng hangin ang kanyang asul na buhok.
Sa kabilang tabi, nagbago rin ang ekspresyon ni Ran Xiaoyuan nang bahagya at saka tumabi kay Zhao Feng.
Hindi makapagsalita si Sun Yuanhao pero nagsisimula na siyang kabahan.
Biglang naging mabigat ang tensyon sa paligid.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Lu Hu at naalala niyang si Zhao Feng ay disipulo ng 1st Elder. Dagdag pa roon, kakampi rin ni Zhao Feng si Ran Xiaoyuan.
Si Ran Xiaoyuan ay isang disipulo ng Clan Master at kasing lakas niya rin si Bei Moi.
Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng nang malaman niyang gustong makihati ni Lu Hu sa kanyang mga nakuhang pabuya pero wala itong lakas ng loob para umatake.
"Kapatid na Zhao, tutulungan kita."
Isang puro at inosenteng ngiti ang sumilay sa mukha ni Sun Yuanhao.
Sa pagkakataong iyon, parehong si Ran Xiaoyuan at Sun Yuanhao ay nasa panig ni Zhao Feng.
Kahit pa walang background na kahit ano si Zhao Feng, nababahala pa rin si Lu Hu.
"Ibigay mo na ang interspatial bracelet!"
Madilim ang mukha ni Zhao Feng, pero sa isang bigla, nagngitngit ang ngipin niya at tumalon siya patungo kay nila Zhao Feng.
Anong gagawin niya!?
Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng sapagkat hindi niya inaasahang aatake pa rin si Lu Hu sa kabila ng ganitong sitwasyon.
Teka! Parang may mali!
May biglang naalala si Zhao Feng at napatingin siya sa pabilyon. Ang mga mata ng Illusion Fox na nasa loob ng kulungan ay naging lila at isang ngiting mapangkutya ang makikita sa mukha nito…
Ang mga mata ni Lu Hu ay puno ng ganid at tila wala na ito sa tamang pag-iisip. Sakim naman na talaga siya pero nilagyan pa siya ng illusion skill ng Illusion Fox kung kaya ang ganid sa kanyang puso ay tumubo pa ng sampung beses.
"Nakalimutan ko naman 'tong bastardong lobo na ito."
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging taimtim at napagpasyahan niyang salagin muna ang atake ni Lu Hu. Nasa 4th Sky na ng Ascended Realm si Lu Hu at mataas na rin ang antas ng kanyang body strengthening.
Wind Lightning Destruction!
Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Heavenly Wind God Technique at Silver Wall Technique nang walang pag-aalangan at napagtagumpayan niyang salagin ang lahat ng mga atake ni Lu Hu.
Feng!
Pagkatapos makatanggap ng direktang atake, umatras ng iilang yapak si Zhao Feng. Nang hindi ginagamit ang kanyang kaliwang mata at bloodline power, hindi makakalaban nang maayos si Zhao Feng.
"Kapatid na Zhao, ibigay mo na ang interspatial bracelet!"
Isang malamig ng boses ng isang kabatan ang umalingawngaw sa kabilang panig.
Ano!?
Nakaramdam si Zhao Feng ng isang alon ng hangin na patungo sa kanya mula sa likod at biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Ang taong ito ay si Sun Yuanhao.
"Hahahaha…"
Nababaliw na tumawa si Lu Hu habang bumibilis ang kanyang mga atake.
Ngayon, ang mga atakeng natatanggap ni Zhao Feng ay parehong nagmumula sa kanyang harap at likod.
"Tama na!"
Sumigaw si Ran Xiaoyuan at saka naging malabo ang anyo at sinalag ang atake ni Sun Yuanhao.
Peng!
Agad na naitulak palayo si Sun Yuanhao sa isang atake lamang na ginawa ni Ran Xiaoyuan.
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na magpawis at maramdamang swerte siya dahil hindi naaapektuhan ng Illusion Fox si Ran Xiaoyuan. Ang lakas pa naman ng babaeng ito ay katulad ng kay Bei at kung sakaling kalalabanin niya ang tatlong ito nang sabay-sabay, tanging pagtakbo lamang ang kaya niyang gawin kahit gamitin niya pa ang kapangyarihan ng kanyang salinlahi o bloodline.
Ang mga ilusyon ng Illusion Fox ay gumagana lamang kay Sun Yuanhao at Lu Hu dahil sila ay likas nang ganid at mahina ang kalooban, samantalang si Ran Xiaoyuan ay hindi sakim.
Ang pagpigil ni Ran Xiaoyuan kay Sun Yuanhao ay pinapabuti ang sitwasyon, pero ang katotohananang kinahaharap ni Zhao Feng ang isang core disciple na nasa 4th Sky ng Ascended Realm ay isang pagsubok na hindi niya agad na mapapanalo.
"Mukhang ito na lamang ang paraan…" Pag-iisip ni Zhao Feng.
Shua!
Biglang naglaho ang any ni Zhao Feng at nag-iwan ito ng mga labing-imahe.
Ang kanyang katawan ay tila isang isda, maliksi at mabilis habang iniiwasan niya ang mga atake ni Lu Hu.
Kung ang pag-uusapan ay cultivation at body strengthening, mas magaling nga naman talaga si Lu Hu kaysa kay Zhao Feng, pero mas naman si Zhao Feng kung kilos o galaw ang pagbabasehan.
Nangingibabaw sa ganid si Lu Hu kung kaya hindi niya napagtanto na umiiwas si Zhao Feng habang patungo sa direksyon nila Sun Yuanhao at Ran Xiaoyuan.
"Ikaw muna ang uunahin ko!"
Biglang bumilis si Zhao Feng at nawala sa paningin ni Lu Hu.
Bigla siyang lumitaw sa tabi ni Sun Yuanhao. Dinadaig naman na talaga siya ni Ran Xiaoyuan pero mukhang hindi niya rin napaghandaan ang biglaang atake ni Zhao Feng.
Lightning Wind Palm!
Naglabas si Zhao Feng ng isang palm attack na may kasamang kidlat at mabayong hangin.
Wah!
Nakuha namang sumalag ni Sun Yuanhao sa atakeng ibinigay, pero pinupuwersa na siya nito sa dulo ng kalsada at napaubo na rin siya ng dugo.
"Mahulog ka na!"
Sinipa ni Zhao Feng si Sun Yuanhao patungo sa kawalan gamit ang isang sipa lamang.
"Ahhh!"
Sumigaw si Sun Yuanhao habang nahuhulog sa kawalan.
"Kapatid na Zhao, pinatay mo siya…"
Namutla si Ran Xiayuan at hindi niya alam ang gagawin.
Ang plano ni Zhao Feng ay una munang tapusin si Sun Yuanhao dahil mas mahina siya, at saka pwede na rin siyang magpatulong kay Ran Xiaoyuan para malabanan si Lu Hu.
"Mahina ang kanyang loob at naiimpluwensyahan rin siya ng lobo kung kaya kailangan natin siyang unahin."
Hindi nagsisisi si Zhao Feng. Mukha mang mabait at inosente ang mukha ni Sun Yuanhao, napakamapanlinlang nito.
….
Floating Crest Palace, ang tarangkahan.
Ang apat na Elders at ang Clan Master ay nakaupong magkasalubog ang mga paa doon.
Weng!
Biglang umilaw ang asul na pinto at isang anyo ang lumabas.
"Isang tao na naman ang lumabas! Napakabilis!"
Bumilis ang tibok ng puso ni Hai Yun Master pero nagpakawala siya ng hininga nang makita niya kung sino ito.
"Yuanhao!" Napabulalas si Elder Xue habang tinititigan ang maputlang mukha ni Sun Yuanhao.
Hindi alam ng 1St Elder at ng iba pa kung ano ang dapat gawin.
Ang napalabas na tao ay isang disipulo ni Elder Xue, si Sun Yuanhao na may Changeable Body.
"Yuanhao, ang bilis mo yatang napalabas?" Malalim na sabi ni Elder Xue.
"Si Zhao Feng! Kinuha niya ang lahat ng kayamanan at itinapon ako sa kawalan."
Mapula pa rin sa galit ang mukha ni Sun Yuanhao. Apektado pa rin siya ng ilusyon sa ngayon at hindi pa rin siya kumakalma.
"Anong kapangahasan ang ginawa niya? Bakit inaatake ni Zhao Feng ang mga kasama niya sa isang clan."
Galit na galit si Elder Xue.
Ang Floating Crest Trial ay binubuksan lamang isang beses sa limang taon at ang bawat disipulo ay nabibigyan lamang ng isang pagkakataon para sumali.
Ang talento ni Sun Yuanhao ay mas higit pa kay Zhao Feng at mas bata rin siya kaysa rito. Kung napagtagumpayan niya ang Trial, ang kanyang cultivation ay lalong tataas nang hindi inaasahan.
Ngunit, ang pag-asang ito ay nasira ng isang tao na may Low Tier Spiritual Body.
"Mukhang may hindi yata pagkakaintindihan?" Malalim rin na bigkas ni 1st Elder.
Alam niya namang aroganteng tignan si Zhao Feng pero napakakalmado ng batang ito.
"Iyang Zhao Feng na iyan ay nakapagsanay ng Lightning Wind Palm, ibig sabihin hindi siya normal."
Isang ngisi ang sumilay sa mukha ni Hai Yun Master.
Nang marinig ito, napatango si Elder Xue, Granny Liuyue at Clan Master.
"Hihintayin ko munang matapos ang trial bago siya kuwestiyunin. 1st Elder, ibibigay ko ang kasong ito sa Regulation Division, para sa ikapapatas ng lahat."
Huminga nang malalim si Elder Xue habang pinipigilan ang nagliliyab na galit sa kanyang puso. Kung hindi lamang master ni Zhao Feng ang 1st Elder, matagal na siyang sumabog.
Weng~ gulu!
Muli na namang nagliwanag ang asul na pinto at isang anyo ulit ang lumabas.
Napakabilis!
Ang limang nasa True Spirit Realm ay nagulantang.
Gaano lang ba katagal simula noong may napalabas?
Ibinaling nila ang kanilang atensyon sa anyo at napag-alaman nilang ang Core Disciple na ito ay si "Lu Hu".
"Ano ba ang nangyayari sa trial at tila pati ang mga Core Disciples ay napalalabas?"
Taimtim ang ekpresyon ng Clan Master at ng iba pa.
"Lu Hu, bakit ka napalabas agad?" Tanong ng Broken Moon Clan Master.
Lahat sila ay kilala si Lu Hu, sapagkat isa siyang Core Disciple at isa ring tagapagsunod ng Regulation Elder.
Sa kanilang Clan, ang Regulation Elder ay may katulad na otoridad gaya ng Clan Master at 1st Elder sapagkat siya ay may kapangyarihang pumatay at magparusa.
"Dahil ito kay Zhao Feng! Gusto niyang angkinin ang lahat ng kayamanan sa kanyang sarili at kaya niya ako itinapon sa kawalan." Wika ni Lu Hu habang nagngingitngit ang mga ngipin.
Katulad rin siya ni Sun Yuanhao na nasa ilalim pa ng Illusion Fox spell.
Si Zhao Feng na naman.
Ang apat na Elders at Clan Master ay punong-puno ng gulat pati na rin galit.
Hindi lamang basta-bastang binabago ng Floating Crest Trial ang tadhana ng mga disipulong sumasali, kundi pati na rin ang tadhana ng Clan.
At ngayon pinatapon lang naman ni Zhao Feng ang isang Core Disciple at isa pang disipulo na may Changeable Body sa labas ng palasyo sa loob lamang ng kalahating oras na kinakailangan para magpakulo ng tsaa.
Bukod pa roon, parehong paraan lamang ang ginamit niya – parehas niya lamang na isinipa ang dalawa tungo sa kawalan.
"Napakasama naman ng Zhao Feng na ito!"
Ang mga Elders ay nagtinginan sa isa't isa nang may galit sa mga mata.
"Paano ka naman nadaig ng Zhao Feng na iyon?"
Sa tingin ng 1st Elder, may kakaiba at dapat siyang magsuspetsa.
Ang lakas ni Lu Hu ay kaunti lamang ang diperensya kay Yang Gan.
"Dahil ito sa… Nakababatang si Ran!" Galit na sabi ni Lu Hu.
"Anong kinalaman nito kay Xiaoyuan?"
Napataas ang kilay ng Clan Master. Sa kanyang mga mata, si Ran Xiaoyuan ay isang napakasunuring bata.
"Tinulungan niya ang bastardong si Zhao Feng. Kung hindi, hindi rin sana ako matatalo." Sumigaw si Lu Hu habang humihigpit ang kanyang kamao.
Paano ito naging posible!?
Nagbago bigla ang mukha ng apat na Elders at ng Clan Master.
Totoo ngang ang lakas ni Ran Xiaoyuan ay katulad ng kay Bei Moi at kaya niyang makipagpalitan ng atake sa mga nasa 4th Sky. Kung makikipagkampihan siya kay Zhao Feng, mayroon nga siyang tsansang matalo si Lu Hu.
Pero bakit naman makikipagsabwatan si Ran Xiaoyuan kay Zhao Feng?
"Hindi kaya…?"
.
Biglang naalala ng Clan Master kung paano sinadyang magpatalo ni Zhao Feng kay Ran Xiaoyuan sa Floating Crest Competition at saka idinugtong ang sinabi ni Sister Yuan.
Ang ekspresyon ng Broken Moon Clan ay siyang nagpaalala kung ano ang nangyari noong naglaban sila.
"Ang Zhao Feng na iyan… kahit si Xiaoyuan na isang dalisay at inosenteng bata…"
Ang mukha ng Clan Master ay malamig habang dumadaloy sa kanyang banal na mukha ang galit.
Sa pagkakataong iyon, hindi makapagsalita ang mga Elders.
Sa huli, nagkaroon rin sila ng desisyon: "Kailangan nating parusahan si Zhao Feng!"
….
Sa itim at gintong kalsada.
Peng!
Pinalipad ni Zhao Feng si Lu Hu sa isang sipa at saka pinunasan ang pawis sa kanyang noo: "Napakalakas nga talaga ni Lu Hu. Salamat sa iyo Ran, natalo natin siya."
"Sila… Silang lahat ay…"
Namula ang mga mata ni Ran Xiaoyuan habang umiiyak.
Gusto niyang tulungan si Zhao Feng dahil inaapi ito noong una. Pero ngayon, parehong si Lu Hu at Sun Yuanhao ay napatilapon sa kawalan.
Bahagyang nagsisisi si Zhao Feng dahil kasalanan niya kung bakit siya tinulungan ni Ran Xiaoyuan.
"Ayos lang iyon, may kakaibang array dito na kapag nahuhulog sa kawalan ang isa ay hindi ito mamamatay at mapapalabas lamang ng palasyo." Paninigurado ni Zhao Feng.
Gamit ang kanyang kaliwang mata, may kabuuang kontrol siya sa kanyang kapaligiran.
Teng!
Muling tumalon ang anyo ni Zhao Feng sa hangin at saka lumapag sa pabilyon.
"Ano ang gusto mong gawin!?"
Sumigaw ang Illusion Fox sa takot at galit na nadarama.
"Gustong gawin? Ang lahat ng ito ay dahil sa'yo."
Binalewala lamang ni Zhao Feng ang mental energy attack at saka dinabog ang kanyang paa paharap.
Booom!
Pagkatapos ni Sun Yuanhao at Lu Hu, muli na namang sumipa si Zhao Feng ng isang nilalang, isang halimaw, sa kawalan.