Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 165 - Black Metal Monster

Chapter 165 - Black Metal Monster

Ang sampung elite disciples ay nakatayo sa isang tuwid na linya sa hagdan at ang Clan Master at ang 4 na Elders ay mayroong mas mahina na auras. Pagtapos magpahinga ng saglit, ang kanilang mga tingin ay lumapag sa 10 disciples na puno ng kagalakan at pag-asa.

Ang Broken Moon Clan Master ay ngumiti at tumango kay Ran Xiaoyuan bilang pampalakas ng loob. Kalmado ang 1st Elder nang siya ay tumingin kay Yang Gan at Zhao Feng halatang umaasa. Sila Elder Xue, Hai Yun Master at Granny Liuyue ay mayroong kani-kanilang disciples na sasali at pakiramdam ni Zhao feng ang Floating Crest Trial ay talagang laban sa pagitan ng mga Elders ng Clan.

Sa grupo, ang mga mata ni Quan Chen ay nagbigay ng malamig na liwanag habang nakatingin siya kay Zhao Feng. Simula ng naging disciple si Zhao Feng ng 1st Elder, pinigil ni Quan Chen ang kaniyang galit at naghintay para sa pagkakataong ito - ang Floating Crest Trial.

Ang trial na ito ay puno ng panganib at gantimpala, at mayroong maraming kaso ng mga taong namamatay. Ang pinakaimportanteng bagay ay ang cultivators ng True Spirit Realm ay hindi nakikita ang mga nangyayari sa loob.

Weng~

Ang pasukan ng Floating Crest Palace ay bahagyang yumanig at isang 'berdeng pinto' ang lumitaw mula sa puting ilaw. Pagtapos ng ilang hinga, ang berdeng pinto ay napanatili.

"Ang pasukan ay napanatili na at ito kusa itong magsasara kapag pumasok na ang 10." Pagbabanta ng 1st Elder.

Shua! Shua!

Lahat silang 10 ay ginamit ang kanilang speed skills at naging malabo nang sila ay kumaripas lagpas sa berdeng pinto.

Shua!

Sa segundong nakalagpas si Zhao Feng sa pinto, nakaramdam siya ng pagkamanhid sa buo niyang katawan.

Sa isang iglap.

Lahat sila ay lumapag sa isang itim na gintong daan na may 10 yardang lawak. Sa madilim na lugar na ito, ang paningin ng lahat ay limitado, kahit sila ay nakarating na sa Ascended Realm.

Ngunit mayroong isang natatangi at iyon ay si Zhao Feng!

Ang madilim na ilaw ay hindi masiyadong nakaapekto sa kaniya.

"Bakit hindi tayo makagalaw?"

Naramdaman ng 10 elite disciples na mamanhid ang kanilang mga katawan o tumigas at hindi nila makontrol ang kanilang mga katawan.

Qiu! Qiu Qiu…

Sa madilim na ilaw, ilang masilaw na liwanag ang lumitaw, na naging 10 malinaw na tokens at sumanib sa kanilang katawan ng may 'shua'.

Sa parehong oras, isang boses ang maririnig sa kanilang mga isip: "Ang Floating Crest Trial ay nagsimula na at ang Floating Crest Token, na siyang sumanib sa inyong mga katawan, ay gagamitin upang itala ang inyong mga score."

Nasabihan tungkol dito ang grupo bago sila pumasok sa Palace, kaya hindi na sila nagulat.

"Kung gaano ka katagal manatili, ganoon din kaganda ang resulta. Ang bilang ng trials na naipasa mo at pati ang iyong pagpapakitang gilas sa trials ay makakaapekyo sa inyong final score at ang final score ang magpapasya ng gantimpala." Isang mekanikal na boses ang muling narinig tila ba inaanunsyo nito ang mga alituntunin.

Sa oras na ito naramdaman ni Zhao Feng ang paglaho ng pamamanhid na nagdulot upang makagalaw siyang muli.

"Ang first trial: Abyss of Death - 3 araw na palugit." Sinabi ito ng robotic na boses, at biglang naglaho.

Lahat ay nakatayo sa itim at gintong daan at hindi nila alam kung ano ang gagawin. Ang daanan ay gawa sa isang matigas na materyal, na siyang nagbigay ng malamig na pakiramdam. Gamit ang lakas ng grupo, hindi man lamang nila ito mapinsala.

Sa parehas na gilid ng daanan ay isang malalim na bangin at ang mga umuungol na hangin ay maaaring magbago sa kahit anong oras.

Tinantsa ni Zhao Feng na bukod pa sa 3 Core disciples na maaaring humadlang sa hangin sa ilang sandali, ang lahat ng tao ay mabilis na malalasog-lasog. Ang tanging ligtas na lugar ay ang itim at gintong daanan.

Ang likod ni Zhao Feng ay biglang nanlamig nang maramdaman niya ang pagdating ng panganib sa likuran niya.

Dang! Dang! Dang…..

Mula sa malalim na itim sa likuran nila, isang nakakanginig-kaluluwang tunog ang lumitaw. Sa parehong oras, isang katakot-takot na aura ang kumalat.

Ano ito?

Lahat, kabilang na ang 3 Core disciples, ay lumingon ngunit ang nakikita lang nila ay isang malabong anyo.

Diyos ko...

Lumingon si Zhao Feng at siya ay biglang nagulat sa kaniyang nakita.

"Takbo!"

Mabilis na sinabi ni Zhao Feng kay Lin Fan bago kumaripas ng takbo at ang ikalawang nabanggit ay sumunod kay Zhao Feng ng walang pagaalinlangan.

Si Quan Chen at ang iba pa ay naguluhan, ngunit ang mga tila metal na hakbang sa likod nila ay naging palapit ng palapit. Ang aura mula dito ay nagdulot ng kaba sa kanila, naging dahilan upang mamuo ang kanilang dugo.

Sa 10, mayroong ilan na sinundan si Zhao Feng ayon sa kanilang pakiramdam at tumakbo sa unahan.

Dang! Dang…

Sa kadiliman, isang black metal monster na 3 yarda ang laki ang lumitaw at isang pares ng berdeng mata ang bumukas. Mayroon ding isang pares ng maitim na berdeng pakpak sa likod ng black metal monster na 10 yarda ang lawak.

"Ano ang bagay na iyon?"

Ang puso ng bawat isa ay nanginig.

"Tumakbo kayong lahat! Ang aura ng halimaw na iyon ay nasa True Spirit Realm." Sigaw ni Yang Gan.

Kahit ang isang taong kasing lakas niya, na nakarating na sa 5th Sky ng Ascended Realm, ay walang magawa laban sa isang nasa True Spirit Realm.

Ang resulta ng kahit sinong katapat ng black metal monster ay magiging biglaang kamatayan.

Walang makatatanggi rito at ang paningin ni Zhao Feng ang pinakamabisa sa lahat. Pagtapos niyang makita ang black metal monster, mabilis siyang tumakbo ng walang pagaalinlangan.

Takbo sa harap.

Wala ng iba pang daan.

Sa likod nila nandoon ang black metal monster at sa parehas na gilid ay ang bangin.

Sou-- Sou-- Sou--

Ang 3 Core disciples ay ang mayroong pinkamabilis na speed at sa isang kurap ng mata, ay nalagpasan na nila si Zhao Feng.

Nagbago ang ekspresyon ni Lin Fan, ngunit wala siyang magagawa.

Sa 10 sumali, ang 3 Core disciples ang pinakamalakas.

Deng! Deng! Deng…

Ang mga hakbang ng black metal monster ay mukhang mabagal, ngunit hindi ang bilis nito. Kaya nitong makalagpas ng 10 metro sa bawat hakbang.

Ang malalim na tunog ng hakbang at ng aura ng True Spirit Realm ay nagdulot upang lumukso ang puso ng bawat it at mapuno ito ng takot.

"Mamamatay agad tayong lahat kapag tayo ay nahuli ng black metal monster na ito." Naisip ni Quan Chen sa takot.

Sa ganito kadesperadong sitwasyon, paano niya pa iisipin si Zhao Feng?

Pighati! Kamatayan

Lahat sila ay nagsimulang kumaripas sa kanilang pinakamabilis na speed.

"Brother Zhao, bakit hindi ka tumakbo ng mas mabilis?"

Tumakbo si Lin Fan katabi ni Zhao Feng, ngunit nakita niya na ang bilis ng ikalawang nabanggit ay nanatili.

Ang matalim na mga mata ni Zhao Feng ay tumingin sa likod at sinabi niya sa mababang tono: "Hindi mo ba narinig na ang 1st round ay magtatagal ng 3 araw?"

Huminto muna si Lin Fan, sunod ay luhang nagbago ang kaniyang ekspresyon nang siya ay malamig na huminga.

"Kaya mo bang panatilihin ang pinakamabilis na speed mo ng 3 araw?" Kalmadong tinanong ni Zhao Feng.

"Imposible. Kaya ko lang panatilihin ang pinakamabilis kong speed sa loob ng 2 oras." Umiling si Lin Fan.

Kung bibilisan pa niya hanggang sa pinakahangganan ng speed niya, mas mabilis pa siya kaysa sa mga kabayo. Ngunit kokonsumo siya ng masiyadong maraming enerhiya at ang 1st trial ay magtatagal ng 3 araw.

"Ang trial ay hindi magpapadala ng isang buong halimaw na nasa True Spirit Realm upang patayin tayo o kung hindi, sa tingin mo ba ay may pag-asa pa tayong mabuhay?" Nagpatuloy sa pagtatanong si Zhao Feng.

"Hindi maaari." Sambit ni Lin Fan ng walang paga-alinlangan.

Kaharap ang isang nilalang na nasa True Spirit Realm, talagang hindi sila makakapalag. Kahit silang 10 ay magsama-sama, mamamatay pa rin sila sa isang tira lang.

"Ang bilis ng black metal monster sa likod natin ay nasa 2nd Sky lamang ng Ascended Realm. Ang kailangan lamang nating gawin ay panatilihin ang bilis na ito at hindi mahuli sa loob ng 3 araw. Kung ganoon, makakapasa tayo sa 1st trial." Binigay ni Zhao Feng ang kaniyang kasagutan.

Ang kaniyang paningin ang pinakamalakas sa lahat at alam niya ang bilis ng black metal monster.

Lahat ng tungkol dito ay nakarating na sa True Spirit Realm bukod sa bilis nito dahil ang bilis nito ay mas mababa kumpara sa kahit kanino sa kanila.

Ganoon pala!

Dali-daling kinontrol ni Lin Fan ang kaniyang bilis upang tipirin ang kaniyang enerhiya. Sa iisang oras, hindi niya mapigilan ang kaniyang sariling kundi mas lalo pang humanga sa batang nasa tapat niya. Ang pagkakalmado ni Zhao Feng at ang kontrol nito ay nakarating na sa isang hindi kapani-paniwalang level.

Dang! Dang! Dang…

Ang tunog ng tila metal na mga hakbang ay mas lumiit pa.

Pinanatili nina Zhao Feng at Lin Fan ang kanilang bilis at dahil sila ay medyo mas mabilis kaysa sa black metal monster, ang distansya sa pagitan nila ay mas lalaki pa sa paglipas ng oras.

Makalipas ang ilang oras.

Hu! Hu!

Sina Liu Yue'er at Sun Yuanhao sa harapan ay nagpapahinga sa sahig, binabawi ang kanilang enerhiya. Sa bilis ng pagtakbo nila, malaki ang enerhiyang kinonsumo nila.

"Kayong dalawa ay hindi nahuli ng black metal monster kahit ganiyan kayo kabagal tumakbo?"

Ang mga kilay ni Liu Yue'er ay kumunot habang gulat na gulat niya itong sinabi.

"Haha, ang bilis namin ay katiting na mas mabilis lang kaysa sa black metal monster. En, kaunting oras pa at ang gunggong na iyon ay makakahabol." Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Pagtapos ng maiksing paghinto, siya at si Lin Fan ay marahang tumakatakbo pa rin, para bang tumigil lang sila upang tingnan ang paligid.

"Iyan… ay posible?"

Sina Liu Yue'er at Sun Yuanhao ay tumingin sa isa't isa ng may pagdududua, ngunit ang tunog ng metal na mag hakbang ay biglang lumitaw.

"Takbo!"

Nakita ng dalawa ang malaking itim na anino sa likuran nila na nagpakawala ng isang katakot-takot na aura, na halos magdulot ng paninigas ng kanilang dugo.

Ang unang trial - Abyss of Death - oras: 3 days.

Nakalipas na ang kalahating araw at ang mga disciples sa harapan ay hindi na masiyadong nakatakbo bago nila makonsumo ang lahat ng kanilang enerhiya. Kahit na mayroon silang pills, na pambawi ng kanilang enerhiya, hindi ito maganda para sa katawan kung patuloy itong gagamitin.

Sina Zhao Feng at Lin Fan ang unang nakaalam kung paano gumana ang black metal monster at gumamit sila ng katiting na enerhiya para sa pinakamalaki nilang natamo.

Siyempre, hindi sila lahat baliw at 'di nagtagal, ang bawat isa ay nakatagpo ng pinakamabisang paraan upang harapin ang halimaw.

Sa ikalawang araw.

Ilan sa mga disciples ang nakaramdam ng pagod, ngunit ang black metal monster sa likuran nila ay hindi dahil isa itong mekanikal na makina at hindi gawa sa mga buto at dugo.

Sa oras na ito, ang paligid ng dalawang gilid ng daanan ay nagsimulang magbago. Sa una, hindi naintindihan ni Zhao Feng kung ano ang nangyayari hanggang makakita siya ng isang kalansay na nakahiga sa isang sirang silid.

Ang kalansay ay para bang naroon na sa silid na iyon ng matagal na panahon na, ngunit ang mga buto ay mayroon pa ring matamlay na liwanag. Katabi nito ay ilang mga kagamitan: isang bungkol sa primal crystal stones, isang sirang bamboo sword, isang jade ornament at ilang ancient books...

Ang 3 core disciples ay naririto at nakatingin dito.