Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 154 - Pinakamalakas

Chapter 154 - Pinakamalakas

"Simple lamang…"

Ang tono at kilos ni Zhao Feng ay kaswal habang kaharap ang Core disciple na si Yuan Zhi at ang 3 Elders.

Bahagyang nagulat ang lahat at ang 3 Elders, Elder Xue at Unang Elder ay nagpakita nang maliit na interes. Gaano na katagal simula nang may disipulong sobrang kalmado habang kaharap sila?

Ang mga mata ng tatlong Elders ay tila apoy na susunog sa mga kabulaanan.

"Zhao Feng, ikaw ay kahina-hinala. Kung may tinatago kang kahit ano, mahirap pa rin iyong makatakas sa aming mga mata." Walang ekspresyong saad ni Hai Yun Master kasabay nang paglitaw nang malaking presyur mula sa kanya.

Totoo nga, kahina-hinala si Zhao Feng. Siya ay nasa 1st Sky ng Ascended Realm pa lamang, ngunit isa siya sa mga pumwersa na bumalik ang Protector. Siya lamang ang nakakita nang buong proseso.

Sa sandaling ito, ang kuweba ay sobrang tahimik, na tila nanigas ang hangin.

Nag-aantay silang lahat sa sagot ni Zhao Feng.

Si Quan Chen, na nasa gilid ni Hai Yun Master ay nakatitig. Ang maliit na pagkakamaling magagawa ni Zhao Feng ay maaring makapag paalis sa kanya sa lupain nang walang balikan.

"Bakit tumagal ako hanggang huli? Bakit naharangan ko ang corpse poison? Bakit ko na kontrol ang sitwasyon? Bakit ang lahat ay lubhang nasaktan pero hindi ako… ? Ang lahat ng ito ay may isang sagot."

Ang boses ni Zhao Feng ay kasing tigas ng bakal at puno ng kapangyarihan.

Nahinto ang lahat at hindi sila makasabay dito.

"Dahil ako ang… pinakamalakas!"

Matalim ang mga mata ni Zhao Feng at ginamit niya ang pinaka simpleng paraan upang sumagot.

Bakit? Dahil ako ang pinakamalakas!

Bakit tumagal ako hanggang huli? Dahil ako ang pinakamalakas!

Bakit ko naharangan ang corpse poison? Dahil ako ang pinakamalakas!

Ang lahat ng katanungan ay may 4 na salitang sagot - Dahil ako ang pinakamalakas!

Alam ni Zhao Feng na kahit sagutin niya ang mga kahina-hinalang puntong ito, ang nagtatanong ay gagamitin lamang itong basehan upang magtanong pa nang mas mahirap na mga tanong. Ang simpleng pagkakamali ay mahuhuli ng 3 Elders sa True Spirit Realm.

Dahil ako ang pinakamalakas!

Ang ganoong kasimpleng sagot ay gumulat sa puso ng lahat.

Lalo na sila Xu Ren, Lin Fan at Xiao Sun. Kapag iniisip nila ang ipinakita ni Zhao Feng, wala silang masabi. Bagkus, lalo pa nilang hinahangaan si Zhao Feng.

Mula simula hanggang dulo, si Zhao Feng ang kumontrol sa buong pangyayari. Hindi lang sa kalmado siya ay malinaw mag isip, may isa pang dahilan - lubos na kalakasan.

Ang kalakasan ang pundasyon sa lahat.

Ang kalakasan ay kayang manindigan sa kahit ano.

Kaya iyon ang sinagot ni Zhao Feng.

"Mayabang!" Malamig na saad ni Hai Yun Master.

Hahaha...

Nagkatinginan sina Yuan Zhi at Quan Chen at tumawa.

Nahihilong ekspresyon ang lumitaw sa mukha nina Elder Xue at Unang Elder. Hindi nila naisip na sasagot si Zhao Feng nang diretso at simple. Ngunit sa ekspresyon nila Lin Fan at sa takot ni Xing Chen, marahil ay totoo ito.

Kung si Zhao Feng ang pinakamalakas sa grupo, ang mga kahina-hinalang bagay ay mawawala.

Sa oras na ito, nagtinginan ang 3 Elders.

Sa kanilang lebel, maari silang magpalitan ng mga kaisipan gamit ang Spiritual Sense.

Sa wakas, naglakad si Quan Chen paharap.

"Zhao Feng, balita ko ay ikaw lamang mag-isa ang umantala sa Silver Striped Blood Corpse sa ilang sandali. Totoo ba ito?" Ngumiti si Quan Chen.

"Tama iyon."

Alam ni Zhao Feng na dahil naglakad na si Quan Chen paharap, nangangahulugan itong pumayag ang 3 Elders.

Sumunod ay kailangan niyang patunayan ang kanyang lakas.

"Gaano kalakas ang Blood Corpse Protector?" Pagpapatuloy ni Quan Chen.

"Halos 4th Sky ng Ascended Realm, ngunit dahil siya ay may pinsalang malubha, siya ay nasa huling yugto ng 3rd Sky." Kalmadong saad ni Zhao Feng at walang sumagot sa kanya.

Ang mga taong napino sa landas ng mga bangkay ay tumaas ang bilis, opensa at bilis, ngunit ang kanilang liksi at galaw ay parehong bagsak.

Sa katotohanan, ibinaba ni Zhao Feng ang totoong kalakasan ng Corpse dahil ang corpse poison mula sa Blood Corpse Protector ay maaring tumalo sa mga nasa 4th Sky ng Ascended Realm at ang lakas ng mga Corpse noong panhong iyon ay lumagpas na sa limitasyon ng mga 3rd Sky.

"Huling yugto sa 3rd Sky? Haha, tamang-tama. Ang cultivation ni Quan Chen ay nasa huling yugto na rin ng 3rd Sky. Dahil napigilan mo ang corpse, kakayanin mo ring tumagal ng 10 atake laban sa akin.

Kumislap ang mga mata ni Quan Chen. Habang siya ay nagsasalita, malaki ang kanyang kumpyansa.

Noon, natalo niya ang lahat ng mga tao sa Guanjun Palace at natalo niya rin si Lord Guanjun sa harap ni Zhao Feng. Hindi nangamba si Quan Chen, para sa isang taong mas mababa sa kanya ng 2 Skies.

"Ang mga salita mo ba ay para sa lahat? Sa Elders?" Malamig na saad ni Zhao Feng, na tila nang hahamak.

"Oo!" Malamig na saad ni Hai Yun Master, na tila maaring lamigin hanggang buto ang kanyang kausap.

Bahagyang tumango rin sina unang Elder at Lord Guanjun. Halatang sumang-ayon sila sa bagay na ito.

Ang cultivation ni Quan Chen ay nasa huling yugto na ng 3rd Sky, na katulad sa Blood Corpse Protector at mapapatunayan niya kung nag si-sinungaling ba o hindi si Zhao Feng.

"Sige, magsimula na tayo."

Naglaho si Zhao Feng at napunta siya sa tuyong blood pond: "Dito kami naglaban ng corpse."

Ang lupain ay pareho pa rin, na naging dahilan upang mas magmukhang makatotohanan ang sitwasyon.

Tumango ang lahat at naglaan ng espasyo para sa kanila.

Sa oras na ito, parami ng parami ang mga taong dumadating upang manood. Kabilang na dito ang matandang si Zhang ng Clan Mission Division, na nag-aalalang nakatingin kay Zhao Feng.

"Brother Zhao, ang unang atake ay magsisimula na ngayon…"

Pagkatapos matapos ni Quan Chen ang kanyang sinasabi, inatake niya ito gamit ang kanyang palad at mayroong ilaw na nagliwanag kay Zhao Feng.

Ang liwanag ay tila isang ice dagger sa Winter - bago pa man makarating ang atake, dumating na ang kalamigan.

Nakaramdam ng lamig sila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan.

"Gumagamit si Brother Quan Chen ng High-class Mortal Skill, Chilling Moon Manual! Kahit ang atakeng ito lamang ay matatalo na ako."

Sunod-sunod ang paghinga ni Xu Ren, na tila siya si Zhao Feng.

Chilling Moon Manual! High-class Mortal skill!

Ang unang atake ni Quan Chen ay maari nang tumalo sa lahat ng mga mababa sa 3rd Sky ng Ascended Realm.

"Illusion Fish Body!"

Naging maliksi si Zhao Feng gaya ng isda at kahit siya ay mukhang malapit, siya ay malayo talaga.

Sa sandaling gumalaw si Zhao Feng, kumislap ang mga mata ng tatlong elder.

Shua!

Ang chilling moon ay humampas kay Zhao Feng ngunit ito ay hindi tumama, ngunit mukhang hindi gumagalaw si Zhao Feng.

"Isang perpektong movement skill!"

Hindi mapigilan ng mga nanonood ang kanilang masayang sigawan.

"Ang batang iyan ay naaral ang Illusion Fish Picture sa ganyang lebel. Siya ay tila liwanag sa tubig. Kahit na mukha siyang malapit, ang totoo ay hindi…" Ang matandang si Zhang ay nagulat. Siya lamang ang may alam kung saan nakuha ni Zhao Feng ang kakayahan niyang iyon.

Shua! Shua!

Umatake muli si Quan Chen at sunod-sunod na liwanag ang humabol kay Zhao Feng.

Naging maliksi siya tulad ng isda at ginamit niya sa pinaka mahusay na galaw ang kakayahan niyang ito.

Ang unang tatlong atake ay madaling naiwasan ni Zhao Feng.

Paano ito nangyari?

Nagulat si Quan Chen. Hindi siya makapaniwala na ang langgam, na ang taong nasa ikawalong antas ng Consolidated Realm noong mga nakaraang buwan, ay kaya siyang harapin.

"Huwag kang masyadong mayabang! Ginamit ko lamang ang 60% ng aking lakas." Saad ni Quan Chen.

At siya ay naging anino, na tila isang sinag ng buwan, at lumusob kay Zhao Feng.

Heavenly Wind Air Technique - Wind Destruction Palm!

Gumalaw si Zhao Feng na tila isda at pinadaloy niya ang kanyang Heavenly Air Wind Technique. Ang kanina ay ang simpleng bersyon lamang ng Heavenly Wind God Technique at nang ginamit na ito ni Zhao Feng, umabot ito sa mataas na lebel.

Boom…

Tila isang isda si Zhao Feng na lumalangoy sa tubig, umiiwas sa mga atake habang ginagamit ang Heavenly Wind Air Tecnique upang palihisin ang mga natitirang atake.

4 na atake… 5 atake… 6 na atake….

Kalahati sa 10 atake na ang dumaan.

Ang movement skill at True Force ni Zhao Feng ay naging mas makinis at ang kanyang aura ay umabot na sa peak ng 1st Sky.

"Ang movement skill ng batang iyan ay kakaiba, parang naglalaman ito ng arrays."

Tumaas ang kilay ng unang Elder at hindi siya maisip kung saan galing ang movement skill ni Zhao Feng.

"Unang Elder."

Ang matandang si Zhang ay naglakad papunta sa tabi ng Unang Elder at may sinabi siya sa mababang tono.

"Hindi na kataka-taka, ang batang iyan ay mayroong mahusay na pang-unawa, upang mapagsama ang arrays at martial arts."

Tumango ang unang Elder at sinabing: "Kalma, magiging patas ako sa lahat."

Sa pangako ng unang Elder, huminga ng malalim nag-isip ang matandang si Zhang: "Zhao Feng, ito na lamang ang magagawa ko para sa iyo. Tingnan natin kung makagagawa ka pa ng mga milagro."

"Zhao Feng, talagang mahusay ang iyong movement skills. Ngunit ayon sa aking kaalaman, ang totoong cultivation ng corpse at True Spirit Realm, kaya paano mo kami naloko?"

Biglang sumabat si Hai Yun Master.

Ayon sa kasunduan, kailangan lamang tumagal ni Zhao Feng ng 10 atake mula kay Quan Chen. Maari siyang umiwas o lumaban.

Ngunit ngayon, Nais ni Hai Yun Master na lumban si Zhao Feng kay Quan Chen. Kahit na ang Blood Corpse sub division Protector ay nakita nila mula sa movement skill ni Zhao Feng, wala itong magagawa sapagkat ang liksi nito ay mababa.

Tumaas ang kilay ng unang Elder, bakit ginugulo ni Hai Yun Master si Zhao Feng?

Sa mga oras na ito, mayroon na lamang tatlong atake upang matapos ang 10 atake.

"Bilang kahilingan ng Elder!" Malamig ang boses ni Zhao Feng habang pinapalaganap niya ang Heavenly Wind True Force sa kasagaran nito.

Lightning Wind Palm!

Ang tunog ng kidlat ay lumakas.

Baaam!

Matagumpay na naharang ni Zhao Feng ang isang tira ng atake ni Quan Chen at ang dalawang pigura ay na-paghiwalay.

Ang senaryong ito ay gumulat sa lahat.

"Magandang pagkakataon upang pataasin ng aking cultivation!"

Naramdaman ni Zhao Feng na mas gumaling ang natitirang enerhiya niya mula sa blood essence pill ilang araw na ang nakalilipas bago niya ito tuluyang matanggap, na naging dahilan upang tumaas ng kaunti ang kanyang cultivation."