Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 152 - Tagumpay

Chapter 152 - Tagumpay

Tinignan ni Zhao Feng ang samsam ng gyerang nasa harapan niya - blood pills, beast skin map, blood sword. Ngunit hindi niya hinayaang umalis agad ang Silver Striped Blood Corpse at ang pangalawang nabanggit ay halatang alam kung ano ang ibig sabihin ni Zhao Feng.

"Ito ay mga Blood Essence Pills na ginawa mula sa daan-daang cultivators na nasa 7th Rank ng Consolidated Realm o mas mataas pa, 4 na cultivators na nasa Ascended Realm at sampung iba't ibang bihirang mga halaman. Ito ay may tiyak na epekto para sa mga nasa ilalim ng 3rd Sky ng Ascended Realm. Sa iisang oras, kaya niyong tunawin ang lason na nasa katawan ng iyong mga kaibigan." Paliwanag ng Silver Striped Blood Corpse.

Tumingin si Zhao Feng at nakita na mayroong 4 na perpektong pills. Mahirap isipin na ang mga maliliit na bagay na ito ay ginawa ng ilang daang buhay, sa pag-isip pa lamang nito ay nagdulot na upang manlamig ang kaniyang puso.

"Bakit hindi mo kinain ito at bawiin ang iyong lakas?" Naghihinalang tanong ni Zhao Feng.

Nagbigay ng mapait na ngiti ang Corpse: "Ang mga Blood Essence Pills na ito ay nakakaapekto lamang sa mga nasa 3rd Sky ng Ascended Realm. The Great Lord, ako, ay kinakailangan lamang ng ilan pang mga pagkukunan upang makagawa ng Blood Jade Pills, na nasa mas malakas at panibagong level. Ngunit lahat ng ito ay sa'yo na."

Sa pagkarinig nito, nilanghap ni Zhao Feng ang Blood Essence Pill at dali-dali siyang nakaramdam ng pagkasuklam: "Ang refining technique ng Blood Essence Pills ay talagang p******. Kahit na ang pill na ito ay kayang palaguin ang cultivation ng isang tao sa loob lamang ng maikling oras, magdudulot ito ng ilang patagong pinsala sa katawan."

Sana si Zhao Feng sa pill making. Ang paglanghap at paghawak lamang sa mga pills ay sapat na upang mahulaan niya ang mga nilalaman nito.

Tumigil ang Silver Striped Blood Corpse. Hindi nito naisip na ang magulong bata sa harapan niya ay alam kung paano gumawa ng pills at insultuhin ang kaniyang refining technique sa iisang oras.

"Ignoranteng bata! Wala akong mga kagamitan upang gawin ang mga pills na ito. Sila ay lubhang malakas!"

Halos mabaliw na ang Silver Striped Blood Corpse. Kailan pa siya nainsulto ng isang bata? Lalo na't ang forte nito ay ang pill making.

Kayang makagawa ng pills ng walang pugon?

Tumingin si Zhao Feng sa Silver Striped Blood Corpse ng may isang surpresadong ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Ang beast skin map na ito ay hindi pa kumpleto, ngunit ito ay may mga koneksyon sa isang misteryosong kayamanan. Pinag-aralan ko ito ng sampu-sampung taon ng walang resulta, kaya't walang mangyayari kahit ibigay ko ito sa'yo." Pagpapatuloy ng Silver Striped Blood Corpse.

Nakita ni Zhao Feng na ang mapa ay hindi kumpleto at ang nakaguhit dito ay parang isang maze, mahirap hanapin ang totoong daan.

Shua!

Nagliwanag ang kaliwang mata niya at ang mga nilalaman ng beast skin ay nakopya sa kaniyang isipan.

Ang huling bagay ay ang blood coloured broken sword. Ang paghawak pa lamang ng sword ay nagdulot na upang manlamig ang puso ni Zhao Feng at maranasan ang malakas na pakiramdam ng pagnanais na pumatay, at ang pagnanais na iyon ay nagdulot upang halos mawalan siya ng malay.

Sa huling pagkakataon, ang kaniyang kaliwang mata ay nagbigay ng isang malalim, ancient aura na nagpigil sa pagnanais pumatay.

"Grabeng nakakasindak na aura."

Hindi masukat ni Zhao Feng kung ano ang grade ng weapon. Ang Silver Striped Blood Corpse ay bahagyang nanlumo. Hindi nito naisip na si Zhao Feng isang bata lamang na nasa 1st Sky ng Ascended Realm, ay makakayang labanan ang aura mula sa isang Spiritual weapon.

"Ito ay isang broken Spiritual Grade Weapon. Kapag kumpleto, ito ay malapit sa High grade. Ngunit ngayon ito ay isang Low grade weapon lamang at kaya lamang itong magamit ng mga nasa True Spirit Realm o mas mataas pa."

Nagdadalawang-isip na tumingin ang Silver Striped Blood Corpse sa blood coloured sword.

Spiritual Weapon? Malapit sa High grade!?

Nagulat si Zhao Feng dahil alam na niya ngayon kung nasaang grade ang weapon. Batay sa kaniyang nalaman, ang Broken Moon Clan ay mayroong Spiritual weapons ngunit ang mga ito ay maaaring Low grade Spiritual weapons lamang at sila ay iniingatan ng Clan.

Sa mundong ito, ang mga bagay ay nahahati sa iba't ibang grades: Mortal, Spiritual, Earth at Sky.

Ang Spiritual weapons ay talagang ang pinakamataas na kategorya ng sandata na maaari lamang makita sa kontinenteng ito at mayroong nakakawasak na kapangyarihan.

Ang Sword ni Xu Ren ay isa lamang Low grade Spiritual weapon, ngunit lubhang pinatataas nito ang kaniyang battle power.

Ang Golden Stairs Bow na mayroon si Zhao Feng ay isa lamang half Mortal weapon. Ang mga Mortal Weapons ay mga iniingatang weapons at ang mga Middle grade or higher weapons ay hindi matatagpuan sa mga pamilihan.

"Sa kasamaang palad, isa itong Spiritual weapon…"

Bahagyang nagsisisi si Zhao Feng ay wala siyang kahit anong kasakiman o kaligayahan sa kaniyang puso. Ang isang Spiritual weapon ay masiyadong mataas na level para sa kaniya at makikitang ito ay walang kuwenta. Kahit na kaya niya itong gamitin, hihigupin lamang ng sword ng ito ang lahat ng kaniyang kapangyarihan.

Dagdag pa ito, hindi simple ang sword na ito; kaya nitong higupin ang kamalayan ng mga tao.

Kung may pagpipilian si Zhao Feng, mas pipiliin niya ang isang whole low grade Mortal weapon o kaya't kahit isang Middle grade Mortal weapon na lang.

....

Pagtapos matipon ang lahat ng spoils of war, mabilis na sinundan ni Zhao Feng ang Silver Striped Blood Corpse. Nang ang ikalawang nabanggit ay naglakad lagpas kay Lin Fan at sa kaniyang mga kasamahan., isang nakakatusok na liwanag ang lumabas sa kaliwang mata ni Zhao Feng.

Naisip ng Silver Striped Blood Corpse na ang kapangyarihan ng ancient bloodline ay tiyak ngang nakasisindak; kahit anong maliit na galaw na gawin nito ay nahahalata.

Mayroon itong lumang mga pinsala at mga bagong pinsala, na nagdulot upang maging lubhang mahina ito. Takot ito na mapatay ni Zhao Feng, kaya't hindi ito gumawa ng basta-bastang paggalaw.

Sinundan ito ni Zhao Feng hanggang makarating ang corpse sa pasukan ng kuweba.

"Bata, ikaw ba ang nakasira ng array na ito?" Biglang tinanong ng Silver Striped Blood Corpse dahil sa nakita niyang broken array sa labas.

"Tama iyan, ano pang gusto mong sabihin?"

Sa pagharap niya sa Silver Striped Blood Corpse, nakaramdam si Zhao Feng ng labis na kaba sa kaniya at hindi siya naglakas-loob ibaba ang kaniyang proteksyon. Ang kalaban ay isang halimaw na namuhay ng daan-daang taon at ito ay isang Protector ng Scarlet Moon Demonic Religion, na maaaring pumatay sa kaniya sa pamamagitan ng hawi ng mga kamay nito sa itaas nito.

"Bata, ang iyong talento ay masiyadong magaling para sa Clan mo. Kung interesado ka, maaari kang pumasok sa Scarlet Moon Demonic Religion. Naniniwala ako na ang Religion ay muling hahawi sa kontinente…"

"Salamat na lang, paalam!"

Pinutol ni Zhao Feng ang mga salita ng Silver Striped Corps. Ngunit ang nabanggit ay hindi man lamang nagulat at ito ay naging isang pulang anyo habang ito ay kumaripas palabas sa kuweba at sumanib sa gabi.

"Zhe zhe… Batang may apelyidong Zhao, ang Great Lord, Ako, ay natatandaan ka."

Bago ito umlis, isang malagim na natawa ang maririnig.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Ngunit kung iisipin na ang Silver Striped Blood Corpse ay ang unang makakita ng pagtataguan , hindi ito magpapakita sa mahabang panahon. Dagdag pa rito, ito ay nasa teritoryo ng Broken Moon Clan at kapag natagpuan ang Corpse, papatayin ito ng mga 13 Clans ng sama-sama.

...….

Nagbalik si Zhao FEng sa kuweba at nagpunta kay Lin Fan at sa kaniyang mga kasamahan.

Lumaban sa matitinding laban ang tatlo ay lahat sila ay pagod na. Dagdag pa ang corpse poison na nagdulot upang himatayin sila.

Binuhat sila ni Zhao Feng at nilagay sila sa pader upang makasandal.

"Brother Zhao, saan na nagpunta ang corpse na iyon?"

Si Lin Fan ang unang nagising. Sa pagkakataong ito, binalik na ni Zhao Feng ang takip niya sa mata at siya pa rin ang dating, mayroong isang mata at asul na buhok na bata.

"Ang lumang mga pinsala ng Silver Striped Blood Corpse ay nanumbalik sa gitna ng laban at tumakas ito." Simpleng sinabi ni Zhao Feng.

Malalim siyang tinignan ni Lin Fan, ngunit wala siyang sinabing kahit ano. Naalala niya ang isang batang may asul na buhok na nagtatagal ng takip niya sa mata kaharap ang isang corpse bago siya hinimatay. Kahit pa hinimatay na siya, nararamdaman niya pa rin ang pagyanig sa labas. Dagdag pa rito, mayroong mga senyales ng labanan sa paligid.

Alam ni Lin Fan na ang nangyayaring labanan nang siya ay nahimatay ay hindi lamang basta-basta.

Hindi nagtagal, nagising na rin sina Xiao Sun at Xu Ren. Kung gaano kalakas ang will mo, ay ganoon ka rin kabilis magigising at si Lin Fan ang may pinakamalakas na will. Pagtapos magising, ang corpse poison ay kumalay pa rin sa kanilang mga katawan at ang tatlo ay sinubukang kainin ang Detoxificiation pills mula sa Clan. Ngunit walang nangyari.

"Masiyado ng huli para tawagin ang Clan upang humingi ng tulong. Kailangan natin ng hangga't maaari, ilang araw upang makabalik sa Sky Moon Mountain… at tayo ay naapektuhan na ng poision, nagdulot upang mahirapan tayong makagalaw…"

Ang tatlo ay puno ng kapighatian at takot.

"Brother Zhao! Kung hindi tayo makakahanap ng paraan upang maligtas kami sa loob ng 3 araw, patayin mo na ako!" Kinayod ni Lin Fan ang kaniyang sariling ngipin.

Sa oras na magpunta ang corpse poison sa kanilang mga buto, sila ay magiging zombies na walang malay at aatakihin nila ang lahat ng kanilang makita.

"Brother Zhao, bakit hindi ka nalason?" Nagtatakang tanong ni Xu Ren.

"Siguro dahil iba ang katawan ko."

Kumuha si Zhao Feng ng tatlong essence pills at inabot ito.

Ano ito?

Kinuha nila Lin Fan, Xiao Sun at Xu Ren ang mga pills ng walang pagsisisi.

"Nalaglag ito ng Blood Corpse Sub-Division Protector nang tumakas ito. Nasuri ko na ang mga nilalaman at maaari nitong mapawalang-bisa ang lason at kaya rin nitong pataas ang inyong cultivation." Paliwanag ni Zhao Feng.

Sa pagkarinig nito, sina Xu Ren at Xiao Sun ay parehas nagdalawang-isip, maglalakas-loob ba silang kainin ang mga pills na mula sa Corpse?

"Naniniwala ako kay Brother Zhao! Kung mamamatay din naman tayo, bakit hindi pa natin subukan ito!?"

Napagdesisyunan ni Lin Fan na kainin ang blood essence pill. Hindi kalaunan, isang ragas ng pure energy ang lumitaw mula kay Lin Fan.

"Tunay ngang epektibo ang pill na ito! Hindi lang nito napapawalang-bisa ang lason, kaya rin nitong pataasin ang aking cultivation!" Sambit ni Lin Fan at siya ay labis na nagagalak.

Sina Xu Ren at Xiao Sun ay parehas natulala. Dali-dali nilang kinain ang blood essence pills at napatunayan nilang ito nga ay talagang nakapagpapawalang-bisa ng lason.

"Ang Blood Essence Pill na ito ay maaaring isang true Spiritual pill at ito ay lubhang mas maganda kaysa sa Marrow Cleansing Pills."

Tahimik na kinuha ni Zhao Feng ang huling pill. Alam niya ang tungkol sa blood essence pill. Kahit napapataas nito ang cultivation ng isang tao sa maikling panahon, ang pundasyon nito ay hindi solido kaya't hindi magandang pangunahan ito. Dagdag pa rito, ang Silver Striped Blood Corpse ay hindi gumamit ng pill furnace kapag sa pag-refine nito, kaya ang basehan nila ay hindi mataas. Kaya naman, mapagbigay na inabot ni Zhao Feng ang 3 para mapawalangbisa nila ang lason.

Si Xu Ren at ang mga kasamahan niya ay lubhang nagpapasalamat kay Zhao Feng at ang kanilang pag-aaway noon ay naglaho na. Kung wala si Zhao Feng sa misyon na ito, malamang sila ay namatay na ng ilang beses.

Makalipas ang kalahating araw.

Napawalang-bisa na ng lahat ang mga lason sa kanilang katawan at ang malakas na medicinal energy mula sa blood essence pill ay nagpataas ng mga body attributes nila.

Tinantsa ni Zhao Feng na kakailanganin niya ng ilan pang mga araw upang makaabot sa 2nd Sky ng Ascended Realm.

"Ang misyon na ito ay maaaring tumaas hanggang 4 stars. At, nakakita rin kami ng isang kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion!"

Lubhang nasasabik na si Xiao Sun, para bang nakikita niya na ang labis na paggantimpala ng Clan. Tumatawa silang lahat at hindi sila nagpakita ng simpatya sa pagkamatay ni Huang Yun.

"Kung maayos niyang matatapos ang misyong ito, sa tingin ko ay dapat nating dakipin si Xing Chen." Suwestiyon ni Lin Fan.

"Simple lang 'yan."

Labis na malakas ang loob ni Zhao Feng dahil alam niya na ang pinuno ng pamilya ng Xing ay lubhang napinsala at hindi siya makakatakbo ng malayo.

Nang matapos niya ang kaniyang pangungusap, dali-daling umalis si Zhao Feng sa kuweba.

Makalipas ang kalahating oras.

Binalik ni Zhao Feng si Xing Chen, na siyang nasa huli niyang mga paghinga, pabalik sa kuweba.

Ang eksenang ito ay nagdulot upang mapanganga ang lahat.

Masiyadong mabilis iyon!

Mahirap isipin kung anong kasing tracking skills ang mayroon si Zhao Feng.

Sa katotohanan, nakabisado na ni Zhao Feng ang buong pagkakaayos ng pamilya ng Xing bago siya pumasok sa lugar. At gamit ang kaniyang kaliwang mata, nakita niya ang mga bakas ng nagmamadaling mga hakbang ni Xing Chen.