Isang hinga… Dalawang hinga… Tatlong hinga...
Kalmadong nakatayo si Zhao Feng sa kinaroroonan niya at walang kahit anong senyales ng kahit anong kakaiba.
Ang Silver Striped Blood Corpse ay naghintay ng buong sampung paghinga, ngunit walang nangyari kay Zhao Feng. Sa kabilang banda, ang mukha ng huling nabanggit ay mas lalong naging mapula.
Paano naging posible ito?
Pagkagulat ang nagpakita sa mga mukha ng Silver Striped Blood Corpses. Kahit pa natulog ito ng ilang daang taon at ang lakas nito ay napahina, madali nitong matatalo ang cultivators na nasa 4th Sky ng Ascended Realm.
Ngunit si Zhao Feng ay nakatayo sa harapan nito, walang galos. Sa katotohanan, nang kumalat ang corpse poison sa katawan ni Zhao Feng, ang asul na dugo ay dumaloy sa kaniyang dugo at saglitang sinira ang lason.
Para sa mga natitirang oras, pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang True Force upang pagalingin ang kaniyang sarili.
"Mukhang ang corpse poison ay tama lang."
Maganda ang pakiramdam ni Zhao Feng - ang malakas na lason ng corpse ay tila yelo sa nag-iinit na araw nang makatagpo nito ang asul na dugo.
"Anong klaseng baliw ang batang ito!?"
Nanliit ang mga mata ng Silver Striped Blood Corpse at iba-ibang emosyon ang lumitaw sa mukha nito. Ito ay isang halimaw na nabuhay ng ilang daang taon kung tutuusin at sunod tumawa ito ng parang demonyo: "Bata, kahit pa kaya mong tapatan ang lason ng corpse, sa tingin mo gaano katagal kang makakatagal laban sa'kin?"
Ang laban kanina ang nagpatunay sa lahat. Kahit ang 5 ay pagsama-samahin hindi sila mananalo.
"Kung ganoon tignan natin…" Binulong ni Zhao Feng habang tinatanggal ang takip niya sa mata ng walang ekspresyon.
Takip sa mata?
Napagtanto ng corpse na si Zhao Feng ay gumamit lamang ng isang mata kanina.
Pagtapos tanggalin ang kaniyang takip sa mata, isang asul na mata ang lumitaw. Tila mayroong isang walang hangganang kawalan sa loob nito…
"Ang matang iyon…"
Ang puso ng corpse ay nanginig at tumitig ito sa mata ni Zhao Feng, para bang naakit ito sa kawalan.
Sa himpapawid.
Isang pares ng kulay dugong pulang mga mata ang bumunggo sa isang purong asul na mata.
Ang kapangyarihan ng mental energy ay humawi sa hangin at pakiramdam ng Silver Striped Blood Corpse na para bang nahiwa ang mga mata nito ng kutsilyo, na siyang mabilis nadurog ng sarili nitong mental energy.
Ibig sabihin nito na kahit pa ang corpse ay mayroong tiyak na bilang ng kalamangan, kung mental energy ang pag-uusapan, ito ay kayang labanan ni Zhao Feng.
Napakalakas! Anong kakaibang kapangyarihan…
Pinigil ni Zhao Feng ang kagalakan sa kaniyang puso. Ang kapangyarihan ng kaniyang kaliwang mata ay sa wakas nagpakita na.
Sa pagkakataong ito, ang kaliwang mata ay nagpunta sa enhanced-vision mode.
Nakikita ni Zhao Feng ang hangin, alikabok, piraso at liwanag. Kaya niya ring makita ang mga laman-loob ng Silver Striped Blood Corps.
Ang talim ng kaliwang mata ay kayang makakita tagos sa bato at gamit lamang ang simpleng pagsuri ng lugar ay nagdulot na upang makakita si Zhao Feng ng ilang mahahalagang kayamanan. Ang damit ng Silver Striped Blood Corpse, ang singsing sa hinlalaki ito at ang mga bagay na nakatago sa lalagyan.
Pakiramdam niya ay mayroon siyang kapangyarihan upang kontrolin ang lahat.
Nagbigay ng malamig na sinok ang Silver Striped Blood Corpse. Kahit papaano, bigla niyang naalala ang araw nang makita niya ang Scarlet Moon Patriarch noong ilang daang taon.
Kahit siya ay isang Protector ng isang sub-division, isang beses lamang siyang nakita ang Patriarch. Ngunit hindi niya makakalimutan ang isang pares ng mga mata.
Sa pagkakataong ito, naramdaman na naman niya ito.
Lightning Wind Palm!
Ang anyo ni Zhao Feng ay sumugod at tumutok sa kaliwang bahagi ng dibdib ng Corpses ng mas mabilis, at mas tiyak na kapangyarihan.
"Paano… paano niya nalaman kung saan ako labis na napinsala?"
Ang puso ng Silver Striped Blood Corpse ay nanginig.
Ang iisang galaw, iisang True Force, gamit ng iisang tao ay mayroong lubhang kakaibang kapangyarihan.
Pakiramdam ni Zhao Feng nakapasok siya sa isang panibagong level kung saan bawat galaw ay lumakas at naging mas makapangyarihan. Ang mga parte na inatake niya ay siya ring mga lugar kung saan Ang Silver Striped Blood Corpse ay napinsala na kanina.
Boom!
Nakipagbungguan si Zhao Feng sa Silver Striped Blood Corpse. Ngunit sa oras na ito, ang Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay sumunod sa isang direkyon at nagtungo deretso sa lubhang napinsalang puso ng corpse.
Teng! Teng!
Hindi nagtagal ang dalawang anyo ay naghiwalay na. Sa ilalim ng pagkakaiba sa cultivation, si Zhao Feng ay natulak pabalik habang kumukulo ang kaniyang dugo. Ang ekspresyon ng Silver Striped Blood Corpse ay lubhang nagbago, ngunit para bang natalo ito.
Burning Wind Stance!
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang Heavenly Wind God Technique, na bumalot sa kaniya sa isang bola ng nagliliyab na apoy. Enlightenment pa lamang ito, ngunit ito ay para ng pagsabog ng isang bulkan.
Sa pagkakataong iyon, tumaas ang temperatura at ang hangin ay para bang nasiksik sa hangganan nito. Ang kapangyarihan ng Burning Wind Stance ay katumbas ng Lightning Wind Palm. Ngunit mas inintindi ni Zhao Feng ang 'Wind' at nagdulot ito upang makayanan ni Zhao Feng pagbantaan ang mga taong nasa 3rd Sky ng Ascended Realm nang ginamit niya ang Heavenly Wind God gamit nito.
Pah-- Beng~~
Isang malakas na dagundong ang tumunog ay isang airwave ang humawi sa lahat ng bagay sa loob ng sampung yarda at yumanig sa kuweba.
Ang anyo ni Zhao Feng at ng Silver Striped Blood Corpses ay muling naghiwalay.
"Bata, maaari ka ng umalis p**a ka, ngunit ibigay mo ang ibang bata sa akin para sa isang Blood Sacrifice."
Huminga ng malalim ang Silver Striped Blood Corpse at sa wakas umatras na ito. Pagtapos matulog ng ilang daang taon, ang kapangyarihan nito ay lubhang bumaba - wala man lang sa isa-sa-dalawampu ng peak strength nito. Ang katotohanan na ito ay lubha ng napinsala ay nagdulot upang mas lumala ang sitwasyon.
"Umalis ka ng p**a ka dito sa kuweba at iwanan mo ang singsing at ang lalagyan at hahayaan kitang mabuhay."
Isang matalim na asul na liwanag ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng nang siya ay sumagot.
"Singsing? Lalagyan? Nililigawan mo ang kamatayan!!"
Ang Silver Striped Blood Corpse ay unang huminto, sunod ay umungol ito sa gigil at galit nang may isang kulay lilang apoy ang lumitaw sa palad nito. Tumitig si Zhao Feng sa kulay lilang apoy na nasa kamay ng Silver Striped Corpse ng may tulalang ekspresyon.
Maliwanag na, kapag ang isang tao ay nakaabot sa True Spirit Realm, mabubuo nila ang kanilang sariling Origin of Life True Flame, na siyang esensiya ng enerhiya.
Siyempre, ang Silver Striped Blood Corpse ay lubhang napinsala at hinidi nito maaaring mabuo ang True Flame, ginagamit lamang nito ang natitirang enerhiya sa kaniyang katawan.
"Sirain------"
Walang hiyang tumawa ang Silver Striped Blood Corpse at naging malabo ito habang humawi papunta sa ulo ni Zhao Feng.
Ang nakasisindak na kapangyarihan ay nagdulot ng paglukso ng puso ni Zhao Feng.
Burning Wind Stance!
Sumigaw si Zhao Feng nang may isang asul na dugo ang lumabas mula sa kaniyang katawan at sumanib sa kaniyang Heavenly Wind True Force.
Ang kaniyang kapangyarihan, pandama at enerhiya ay lubhang tumaas.
Ang orihinal na Heavenly Wind True Force ay milagrosong umabot sa panibagong level at sa oras na naitulak palabas ang palad, ang isang tao ay maaaring halos makita ang asul na apoy na susunog sa lahat ng nasa daan nito.
Baaaam-----
Ang kulay lilang apoy na nasa palad ng Silver Striped Blood Corpse ay nagtagal lamang ng kalahating paghinga bago ito naglaho!
Teng! Teng! Teng!
Umatras ng pahakbang-hakbang ang Corpse at tumitig sa asul na dugong dumadaloy kay Zhao Feng ng may gulat at takot: "Blood of the Ancient…"
Boom----
Ang asul na apoy ay biglang sumabog at pinatalsik nito ang corpse. Ang corpse ay malakas na humampas sa pader, nagdulot upang bahagyang manginig ito.
Wah!
Dumura ng maraming dugo ang Silver Striped Blood Corpse dulot sa parehas na pinsala habang nakatingin ito kay Zhao Feng ng mayroong tulalang ekspresyon: "Bloodline ng Ancient, asul na mata… saang bloodline ng ancient siya nagmula?" Kailan pa nagkaroon ng ganitong pure ancient na bloodline ang Azure Continent?"
Ancient Bloodline?
Ang asul na dugo sa paligid ng katawan ni Zhao Feng ay marahang nagbalik sa loob ng kaniyang katawan.
"Ang kapangyarihan na ito ay tinatawag na Bloodline ng Ancient?"
Sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang mata, madaling nakokontrol ni Zhao Feng ang kapangyarihan na ito at nang ito ay sumanib sa Burning Wind Stance at sa Heavenly Wind God Technique, ito ay kasindak-sindak.
Natitiyak ni Zhao Feng na ang galaw kanina ay nagdulot upang lubhang mapinsala ang Silver Striped Blood Corpse.
Ang kinailangan niya lamang gawin ay tipirin ang kaniyang lakas.
"Ignoranteng bata, mukhang wala ka paring alam tungkol sa kapangyarihan ng kayamanan na mayroon ka sa katawan mo. Ang Bloodline ng Ancient ay isa sa mga malalakas na bloodlines."
Nakuha ng Silver Striped Blood Corpse na bumangon mula sa pader.
"Kapangyarihan ng bloodline… kung ganoon bakit ang tanging binabanggit lamang ng Clan ay ang talentong may 'spiritual bodies' at hindi 'Bloodlines'?" Binulong ni Zhao Feng ng may pagtataka.
"Alam mo ba kung gaano kahalaga ang mga bloodlines? Kahit ang mga pinakamahina, pinakabasurang bloodline ay maaaring maikumpara sa isang Peak grade Spiritual Body at walang birtwal na paraan upang sukatin o subukin ang isang bloodline bago ito magising." Pang-asar na ngumiti ang Silver Striped Blood Corpse.
Hindi nakapagtataka.
Dahan-dahang pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang True Force at ang kaniyang asul na dugo, naghahandang atakihin muli ang corpse.
"Bata, tigil! Kahit gamitin mo pa ang kapangyarihan ng iyong bloodine, ang kaya mo lang gawin ay mamatay kasama ako."
Pagkadesidido ang lumitaw sa mga mata ng Silver Striped Blood Corpses.
Kung talagang pinilit ni Zhao Feng ang corpse na mapunta sa isang desperadong sitwasyon, ang nabanggit ay maaaring gumamit ng ilang hindi inaasahang galaw.
"Ikaw ay lubhang napinsala at hindi mo ako kasing bilis. Kung tayo ay maglaban paunti-unti at sayangin parehas ang ating mga enerhiya, ang mga pagkakataon mo na mamatay ay mas malaki kaysa sa akin. Dagdag pa rito, tayong dalawa ay nasa teritoryo ng Broken Moon Clan." Kalmadong sinabi ni Zhao Feng.
Nanatili ang Silver Striped Blood Corpse ng isang segundo bago kinayod ang sarili niyang mga ngipin. Kung si Zhao Feng ay walang hiyang sasayangin ang kaniyang lakas, talagang mamamatay siya.
"Bata, ano bang gusto mo?" Galit na sambit ng Silver Striped Blood Corpse.
"Iwan mo ang singsing sa kamay mo at ang mga laman ng lalagyan."
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay kasing talim ng kutsilyo dahil kaya nitong makita ang lahat ng sikreto ng Corpse. Napagpapasiyahan niya kung aling mga bagay ang pinakamahalaga sa kuweba.
"Kunin mo na ang lahat, ngunit ang singsing na ito ay isang pagkakakilanlan ng isang Protector. Kahit na kunin mo pa ito, ang mga kagamitan nito ay limitado at papatayin ka ng iba para rito."
Pinigil ng Silver Striped Blood Corpse ang galit sa puso nito. Nang siya ay mapilitang mapunta sa ganitong sitwasyon dulot lamang ng isang langgam sa 1st Sky ng Ascended Realm? Ngunit kung iisipin, ang kalaban ay mayroong bloodline ng Ancient at isa siyang suwerteng anak ng Heavens, siya ay magiging isang Prodigy sa hindi katagalan.
Nagdulot ito upang gumaan ang pakiramdam ng corpse.
Naisip ni Zhao Feng kung walang tiyak na lakas, hindi niya kailangang puwersahin ang kalaban. Kaya't tumango siya sa pagpayag.
Hindi kalaunan, naglabas ang Silver Striped Blood Corpse ng isang lalagyan na naglalaman ng ilang crystal blood coloured pills, isang beast skin map at isang broken blood coloured sword.
Nang i-abot ng corpse ang mga bagay na ito, pagdadalawang-isip at sakit ang makikita sa mukha nito.