Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 149 - Scarlet Moon Demonic Cave (2)

Chapter 149 - Scarlet Moon Demonic Cave (2)

Ang Silver Striped Blood Corpse ay dahan-dahang tumayo mula sa tuyong lawa na parang taong muling nabuhay. Kasabay nito, naglabas ito nang malamig na aura.

Weng~~

Ang buong kuweba ay nagyanig, na parang ang masamang enerhiya ay sobrang lakas.

Hindi magawang huminga nila Huang Yun o kahit maisip na lumaban.

"Patawarin mo ako, Sire!"

Si Huang Yun na nasa pinaka harap ay lumuhod sa takot.

"Huang yun! Paano mo nagawang lumuhod sa demonic spawn!?"

Nakaramdam ng kahihiyan at panlalamig sila Xu Ren.

Sumuko na ang pinuno, na nagpahina sa pwersa ng grupo.

Lumuhod si Huang Yun upang mag makaawa sa kapatawaran ng Silver Striped Blood Corpses at hindi na niya pinansin ang mga sinasabi ng ibang kasama niya.

Laging pumanig sa mas malakas - ito ang batas ni Huang Yun.

Narinig niya ang tungkol sa Scarlet Moon Demonic Religion at sino mang nasa mababang klase na miyembro nito ay maari silang patayin. Gayunpaman, ang tono at aura ng Silver Striped Blood Corpses ay tila may mataas na awtoridad sa Relihiyon. Sino man na mayroong mataas na awtoridad sa Demonic Religion ay kayang wasakin ang isang clan gaya ng Broken Moon Clan.

"Hahahaha… ang Sire na ito ay isa sa 108 Protectors ng Blood Corpse Sub-Division. Kung susuko na kayo ngayon pa lamang, may maliit na tsansa kayong mabuhay."

Ang brutal na ngiti ni Xing Chen ay lumitaw mula sa gilid.

"Binabati ni Huang Yun ang Lord Protector at handa itong maglingkod sa kanya."

Galak ang lumitaw sa mukha ni Huang Yun habang niyuko ang kanyang ulo na nagpapakita ng kanyang katapatan. Mayroong 12 Division at 108 Sub-Divisions sa Relihiyong ito na halos kumokontrol sa kontinente.

Sino man sa Sub-Division ng 108 Sub-Division ay maaring sumira sa labintatlong mga bansa, maging ang dalawang malaking bansa ay hindi kayang lumaban. Mula fito, makikita kung gaano kalakas ang Sub-Division.

At ang Silver Striped Blood Corpse ng Blood Corpses' Protector, mas mababa lamang sa isang antas sa pinuno ng Sub-Division. Ilang daang taon na ang nakalilipas, maging ang Broken Moon Clan ay kailangan na makinig sa kanya.

"Anong gagawin natin?"

Nataranta si Xu Ren at tumingin siya kay Zhao Feng. Hindi niya alam kung bakit niya tinatanong ang batang may isang mata at kulay asul na buhok.

Mula sa simula ng misyon hanggang sa ngayon, tanging si Zhao Feng lamang ang kalmado, na naging dahilan upang hangaan siya ng iba. Siya ang dahilan kung bakit ligtas pa rin ang grupo hanggang ngayon at nakapasok sa Scarlet Moon Demonic Cave.

Sa kanilang lima, si Zhao Feng lamang ang nanatiling kalmado.

Sa loob na dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Ang ancient aura ay sumama sa asul niyang dugo na humarang sa presyur.

Pah!

Biglang lumapit si Zhao Feng at hinampas ang balikat ni Lin Fan.

Nagulat at bumilis ang tibok ng puso ni Lin Fan, malamig na True Force ang dumaloy sa kanyang katawan at tumulong na harangin ang presyur. Tinignan niya nang may pasasalamat si Zhao Feng at dahan-dahang tumayo. Pinatay niya ang takot sa puso ni Lin Fan.

"Tumayo ka na!"

Tinapik rin ni Xu Ren si Xiao Sun upang tumayo. Ngunit kahit na tumayo na sina Lin Fan at Xiao Sun, hindi pa rin sila maka hinga dahil sa kaba sa Silver Striped Blood Corpse.

Sa grupo, tanging si Huang Yun lamang ang nanatiling nakaluhod at hindi nag tangka na tumayo, habang ang apat ay naibalik na ang ilang lakas nila.

"Mga bata, paano niyo nagawang hindi yumuko sa Lord Protector!? Gusto niyo na bang mamatay?" Sigaw ni Xing Chen nang nakita niyang tumayo ang apat.

Wu~

Ang Silver Striped Blood Corpse ay bahagyang binuka ang kanyang bibig at isang mababang huni ang kanilang narinig na naging dahilan upang matakot ang lahat.

"Sa inyong lima, dalawa lamang ang dapat mabuhay at maging alipin ko. Ang iba ay dapat maging blood sacrifice." umalingawngaw ang boses ng Silver Striped Corpse at kapansin-pansin ang pagbabago sa ekspresyon ng lima.

Lalo na kay Huang Yun na may lumitaw sa kanyang mga mata na kagustuhang pumatay habang pinadaloy niya ang kanyang True Force.

"Hehe, Leader Huang Yun, kahit na patayin mo kaming tatlo, ang dalawang matitira ay mamatay din."

Ang mapang-asar na boses ni Zhao Feng ay umingay at si Huang Yun naman ay natigilan. Ngunit hindi niya alam kung ito ba ay dahil sa nalaman ang kanyang plano o dahil nagbabago na ang kanyang isip.

"Tama iyon! Ang demonyong ito ay gusto lamang na mahati ang ating lakas, huwag kang magpaloko." Sigaw ni Lin Fan.

Sa pagharap sa kamatayan, kalmado at hindi naapekyuhan si Zhao Geng sa Silver Striped Blood Corpse.

"Ako na Great Protector, ay bagong gising at kailangan ko ng mga tao. Anong karapatan niyong mag-alinlangan!? Gusto niyo bang mamatay?" Ang boses ng Silver Striped Blood Corpse ay puno nang kalamigan at kagustuhang pumatay.

Naramdaman ng lahat na nanlamig ang kanilang mga puso - walang duda ang kagustuhang pumatay ng Silver Striped Blood Corpse.

Kumalma ang puso ni Huang Yun at naisip na: "Kung susuko ako, mayroon pa akong pag-asa. Ngunit kung hindi, wala na."

"Lord Protector! Kung talagang may kapangyarihan ka, bakit hindi mo kami patayin lahat sa iyong kamay? Bakit kailangan mo pa mag salita?" Kumislap ang mata ni Zhao Feng at malamig itong sinabi.

Matapos niya itong sinabi, nanigas ang lahat. Sila Xu Ren, Lin Fan at Xiao Sun ay matalinong mga tao kaya naintindihan nila ang ibig sabihin ni Zhao Feng.

Walang duda, ang Corpse sa kanilang harapan ay mahina kung hindi ay bakit niya kailangan ng blood sacrifice upang bumalik ang kanyang kalakasan. At kung may kapangyarihan ang Corpse na ito, mapapatay sila nito sa isang wagayway lamang ng kanyang kamay.

Ang totoo, ang Silver Striped Blood Corpse ay gumagawa lamang ng ikakatakot sa kanya upang mabawasan ang lakas ng grupo.

"Ikaw…."

Nanigas ang Silver Striped Blood Corpse at naging malamig ang kanyang ekspresyon: "sa tingin mo talaga ay wala akong kapangyarihan!?"

Sa sandaling natapos niya ang kanyang pangungusap, isang malamig na dugong aura ang kumalat sa kuweba, na naging dahilan upang magyanig ang mga bundok.

"Haha, metal energy mo lamang iyan Lord Protector. Hindi ito nangangahulugan na mayroong malakas na kapangyarihan ang iyong katawan."

Ang matalim na mata ni Zhao Feng ay kalmado. Simula nang makaabot siya sa Ascended Realm, ang kanyang kaliwang mata ay nagkaroon ng kapangyarihan sa metal energy area at ang Silver Striped Blood Corpse ay ginamit lamang ang kanyang metal energy, na mas malakas lamang sa mga normal na cultivators sa 7th Sky. Gayunpaman, nakita rin ni Zhao Feng ang kahinaan nito.

Ang aurang ito ay maaaring makapagpagalaw ng mga bundok, ngunit iyon ay isang metal energy illusion trick lamang. Sa kasamaang palad ay mayroong kakayahang lumaban ang kaliwang mata ni Zhao Feng sa mga laban sa mga illusions.

"1st Sky ng Ascended Realm… Paano ito nangyari?"

Kawalang-paniwala at taranta ang nakita sa mga mata ng Silver Striped Blood Corpse.

Ayon sa kanyang plano, matatakot sila sa kanyang metal energy at mag lalaban laban sila hanggang sa dalawa na lamang ang buhay.

Ngunit hindi niya inaasahan na may magbabago ng laro kagaya ni Zhao Feng.

Noong una ay natakot sila sa Corpse. Ngunit matapos nitong kumalma, nakita lalo ni Zhao Feng ang mga kasiraan nito.

"Hahaha! Nagpapanggap ka lamang!"

Tumawa si Xu Ren at bumuga ng hinga ang iba.

Lahat sila ay matalino upang maging inner disciples, ngunit tanging si Zhao Feng lamang ang naka pagpanatili ng kakalmahan.

Ngayon isang bagay na ang sigurado - ang Corpse ay bagong gising pa lamang at ito ay malubhang napinsala, kaya ang kalakasan nito ay limitado.

Wala itong sapat na kakayahan upang patayin sila, kaya ang lima ay maari pa ring lumaban. Maliban kay Huang Yun, na hindi alam ang gagawin, ang kagustuhang makipaglaban ay dumaloy na sa apat at si Zhao Feng ay bumuntong-hininga.

Kung siya lamang, hindi niya kayang talunin sina Xing Chen at ang Silver Striped Blood Corpse. Ngunit kapag nagkaisa ang grupo, may malaking tsansa na manalo.

"Mga ignoranteng kabataan! Dahil sinuko niyo na ang pagkakataon niyo upang mabuhay, ako, ang Great Lord Protector ay papatayin kayo."

Malamig na liwanag ang lumitaw sa mga mata ng Silver Stripes Blood Corpse at isang lilang aura ang lumabas sa kanya at ito ay nakatatakot.

Shua!

Sinalakay ng Silver Striped Blood Corpse ang lima habang sinusundan siya ni Xing Chen sa kanyang likuran.

P***!

Gumulong si Huang Yun pabalik habang sinusubukan niyan bumalik kila Zhao Feng. Gayunpaman, minaliit niya ang bilis ng Silver Striped Blood Corpse. Ang bilis nito ay mas mabilis pa kay Xing Chen at malapit na ito sa 4th Sky ng Ascended Realm.

Shuuu!

Ang kulay-abong kuko ng bngkay ay humiwa sa balikat ni Huang Yun.

"Ahh!"

Sumigaw si Huang Yun sa sakit habang ang kanyang siko ay bumagsak habang ang lason ng Corpse ay pumasok sa kanyang katawan.

"Tulungan niyo ako!" Sumigaw si Huang Yun at nagmamakaawa sa tulong nila Zhao Feng.

Ang apat ay huminga nang malamig. Ang Silver Striped Blood Corpse ay mahina na ngayon, ngunit mayroon pa rin itong kasindak-sindak na kalakasan.

"Ililigtas ko si Huang Yun at susubukang pigilan ang Corpse. Kayo namana y tapusin na ang Xing family head." Kinuha ni Zhao Feng ang Golden Stairs Bow at sinabi ito sa tatlo.

Malalim na tinignan nila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan si Zhao Feng bago sila tumalon patungo kay Xing Chen habang binubuhay ang kanilang mga makapatay na atake.

Simple lamang ang plano ni Zhao Feng - ituon ang kanilang firepower kay Xing Chen at tapusin siya, at mag pokus naman sa Corpse.

Ngunit bago ito, kailangan na pigilan muna ang Corpse. Kaya ba itong pigilan ni Zhao Feng?

...….

Beng~ Sou-- Sou-- Sou--

Ilang mga gintong palaso ang tumungo sa Silver Striped Blood Corpse.

Ding… Ding… Ding…

Ang mga palaso ay tumama sa target ngunit kumislap lamang ito. Ang Silver Striped Blood Corpse ay bumagal lamang sandali dahil sa mga palaso.

Nagulat ang puso ni Zhao Feng, ang kalakasan ng Corpse na ito ay tunay n kasindak-sindak kapag ito ay nasa rurok. Sa oras na ito, kahit na mahina ito, ang katawan nito ay malakas pa rin at kaya nitong magtiis mula sa mga atake ng True Spirit Realm.

"Tulungan niyo ako…."

Nawala na ang isang braso ni Huang Yun at sinubukan niyang tumakas gamit ang mga atake ni Zhao Feng.

"Huang Yun! Kung gusto mong tumaks, mamatay ka talaga. Tulungan mo ako at pigilan siya!"

Hinila ni Zhao Feng ang kanyang Golden Stairs Bow's string pabalik at nagpalaya ito ng mga palaso habang kinakausap niya si Huang Yun.

Sa kabila ng lahat, Si Huang Yun ay isang elitista mula sa 2nd Sky ng Ascended Realm at siya ay mayroong Mortal Weapon na nagbibigay sa kanya nang kakayahan na hamunin ang mga nasa 3rd Sky. Kung tutulungan niya si Zhao Feng, marahil ay makalaban sila. Ngunit masyadong takot si Huang Yun at tumungo na siya sa labasan ng kweba.

Craaaaaack!

Isang kulay lilang liwanag ang kumislap at ang katawan ni Huang Yun ay nahati sa gitna at ang sigaw ay tumigil.

Lumamig ng puso ni Zhao Feng at napailing habang bumuntong-hininga: Mukhang hindi talaga mapagkakatiwalaan si Huang Yun.