"Brother Zhao!"
"Zhao Feng!"
Sumigaw ang apat ng may kagalakan.
Nakatayo si Zhao Feng sa tuktok ng malaking puno at pumana siya ng dalawang palaso gamit ang kanyang Gonlden Stairs Bow upang patayin ang isang sa mga deputy.
Sa pagkamatay ng isang deputy, matagumpay na nakatakas ang apat.
"Bata! Hindi ba't tumakas ka na? At paanonv hindi ka nila napansin?"
Nagsalita ang family head at tinignan nang masama si Zhao Feng.
Si Huangyun at ang kanyang mga kasama ay nagtataka rin.
Pumasok noon si Zhao Feng sa gubat upang manghuli ng kalaban, ngunit bigla siyang naglaho.
"Mapansin? Gamit ang kanilang wala-pang-begginer-level arrays?"
Malamig na tumawa si Zhao Feng tinapon ang isang supot.
Sa supot na iyon, gumulong ang tatlong duguang mga ulo.
"Mga anak ko!"
Lubos na malungkot at galit si Xing Chen habang nag-aapoy niyang tinitigan si Zhao Feng.
Tinignan ni Hung Yun ang lumabas mula sa supot at nakita niyang pamilyar ang 3 mga ulo. Ang isa dito ay butler, at ang dalawa ay young masters.
"Dahil walang nagkokontrol sa walang kwentang arrays na ito, malapit na itong mapawi." Kalmadong saad ni Zhao Feng.
Magaling!
Sobrang saya nila Huang Yun at ng iba.
Kapag nasira na ang array, wala na silang magiging limitasyon at may pagkakataon na silang baliktarin ang sitwasyon.
"Talagang henyo si Zhao Feng sa arrays. Sa ilang kaswal na galaw ay nabaligtad niya na ang sitwasyon."
Sila Xiao Sun at ang kanyang mga kasamahan ay nagkatinginan at hindi nila mapigilan na humanga kay Zhao Feng. Naglaho ito upang sirain ang Deadly Wind Illusion Poison Array at higit sa lahat, napatay nito ang isa sa mga deputy at niligtas ang grupo.
Masasabing utang nang bawat isa ang kanilang buhay kay Zhao Feng.
Ang mga taong may poot kay Zhao Feng gaya nila Xu Ren, Xiao Sun at Huang Yun, ay mayroong magulong nararamdaman.
"Bastardo! Pagpipira-pirasuhin kita dahil sa pagpatay mo sa aking mga anak!"
Sumigaw ni Xing Chen at naging kulay lilang anino habang mabilis siyang pumunta kay Zhao Feng na isang daang yarda ang layo.
Hindi ito maganda!
Pigilan niyo siya!
Ang ekspresyon nila Xu ren, Siao Sun at Lin Fan ay nagbago habang sinusubukan nila itong pigilan. Sa kanilang pananaw, si Zhak Feng ay isang archer at henyo sa arrays na hindi maaring mapalapit sa kalaban.
Hindi lamang nagsiklab sa galit - alam niya rin ang bagay na iti.
Ang achery skills ni Zhao Feng ay kasindak sindak at matatalo siya dito.
Ding… Peng… Peng...
Ang mga atake nila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan ay tumama kay Xing Chen, ngunit wala itong naging pinsala. Siya ay nasa 3rd Sky ng Ascended Realm at ang kanyang katawan ay pinino mula sa landas ng bangkay, na nagpalakas sa kanyang depensa.
Sa maliit na grupong ito, ang pinunjng su Huang Yun lamang ang makapipigil sa kanya.
"Huang Yun! Pigilan mo siya!" Agad na sigaw ni Lin Fan.
Ang galaw at bilis ni Huang Yun ay mahusay at bilang isang elitista na nasa 2nd Sky ng Ascended Realm, kaya niyang hamunin ang mga nasa 3rd Sky gamit ang kanyang Mortal Blade.
Ding!
Ang blade ni Huang Yun ay tumama kay Xing Chen. Ngunit imbis na matagumpay itong maharangan, umatras si Huang Yun ng sampung hakbang.
Paano ito nangyari?
Galit na tumingin si Lin Fan kay Huang Yun, haabng si Xu Ren at Xia Sun ay malalim na nag-isip.
"Pinahiya niya ang core disciple at nakipaglaban sa Elder… Huwag niyo akong sisihin…"
Malamig ang ekspresyon ni Haung Yun.
Bilang nasa Clan, alam niya ang batas sa mga malakas at mahina. Alam niyang ginagamit lamang siya jina Quan Chen at Yuan Zhi, mas pipiliin pa rin Huang Yun ang mas malakas na panig.
Si Yuan Zhi ay isang core disciple na may kasamang Elder sa kanyang likuran, habang si Zhao Feng ay walang karanasan.
Lagi kang pumanig sa mas malakas, kahit na ito ay tama o mali!
Ito ang napagtanto ni Huang Yun matapos ang ilang taon niya sa Clan. Sa pagitan ni Zhao Feng at ng core disciple, mas pipiliin niya ito, kahit na ito ay nangangahulugan pa na siya ay isang chess piece.
Kaya…
Sa kritikal na sitwasyong ito, sinadya ni Huang Yun na hindi pigilan si Xing Chen.
"Hehe." Misteryosong ngumiti si Zhao Feng habang nasa tuktok ng puno.
Shua!
Ang kanyang pigura ay naging iba't ibang anino at bigla itong dumaop sa dilim.
Matapos matutunan ang Illusion Fish Picture, ang movement skill ni Zhao Feng ay umabot sa panibagong lebel.
Ano!?
Lumundag ang tibok ng puso ni Xing Chen. Hindi niya alam kung anong speed skill ang gamit ni Zhao Feng. Ang nakikita lamang niya ay iba't-ibang anino - at hindi niya alam kung alin dito ang peke at tunay na Zhao Feng. Dahil hindi niya alam kung sino ang susundan, ang tanging nagawa niya lamang ay tignan na maglaho si Zhao Feng.
"Anong klaseng movement skill iyan!?" Gulat ang buong grupo.
Nanlamig ang puso ni Huang Yun - Nakita niya ang malamaig at bigong mga mata ni Zhao Feng bago ito umalis.
Sa kritikal na sitwasyong ito, niligtas ni Zhao Feng ang buhay ng lahat, ngunit hindi pa rin nabago nito ang layunin ni Huan Yun na patayin siya.
Sa muling paglaho ni Zhao Feng ay nagdulot upang mag kulay pula ang mga mata ni Xing Chen at sinimulan niyang atakihin ang apat.
Ang kapangyarihan ng Deadly Wind Illusion Poison Array ay hindi pa nawawala sa maiksing oras na iyon at ang mga atake ni Xing Chen ay hindi inaasahan ni Huang Yun.
"Zhao Feng! Paano mo nagawang tumakas!? Pagtapos ng misyon na ito, magpapasa ko ng aplikasyon sa mga Elder upang patalsikin ka sa Clan!"
Pinalaganap ni Huang Yun ang kanyang True Force at nagbanta.
Matapos mamatay ng isang deputy, ang 4 ay nagkaroon nang kakayahan na kalabanin ang 2 natira. Kapag nasira na ang array, mananalo sila.
Gayunpaman, lumipas na ang oras at ang array ay hindi nagpakita ng hudyat na malapit na itong masira.
Ang lifeforce ng 4 ay patuloy na naagnas at ang kanilang True Forces ay nanghihina.
"Ano ang nangyayari!? Bakit hindi pa rin nawawala ang kapangyarihan mula sa array?"
Bumilis ang paghinga ni Huang Yun kasabay nang paglitaw nang malamig na pawis sa kanyang noo. Siya ang pinaka malakas sa grupo kaya sa kanya naka pokus si Xing Chen.
"Hehe, kahit na walang nangangasiwa sa array, hindi ito mawawala sa maiksing oras."
Isang kabataan sa kagubatan ang bumulong sa kanyang sarili.
Kalahati sa oras nito ang kinakailangan upang makagawa ng tsaa.
Sugatan na si Huang Yun at 60-70% lamang ng kanyang kalakasan ang maari niyang gamitin, habang ang tatlo ay nasa 'di magandang sitwasyon. Ngunit wala ang lubhang sugatan.
Sou! Sou! Sou…
Sa ilalim ng gubat, paisa-isang palaso ang lumalabas upang iligtas si Lin Fan at ang iba.
"Mukhang nagtatago si Brothee Zhao sa gubat upang tulungan tayo."
Puno ng pasasalamat at kagalakan si Lin Fan. Parehong ilang beses na nakatatanggap ng suporta si Xu Ren at Xiao Sun at sila ay sobrang nagpapasalamat.
Tanging si Huang Yun lamang ang hindi naka tanggap ng suporta kay Zhao Feng. Kahit na malapit pa siyang mamatay, walang ginagawa si Zhao Feng.
"Zhao Feng! Walang hiya ka! Gusto mo ba akong mamatay? Kapag bumalik tayo sa Clan, sasabihin ko ito sa Regulation Division!" Sigaw ni Huang Yun.
Regulation Division!
Kumirot ang puso nila Xiao Sun noong marinig ito.
Sa Broken Moon Clan, ang Regulation Division ang pinaka malakas. Mayroon itong lubos na kapangyarihan at bangungot ito sa mga hindi sumusunod sa Clan.
"Aye, mali ang mga sinasabi Brother Huang. Tatlong tao lamang ang kaya kong protektahan kagaya nang pagsubok ni Brother Huang ngunit hindi ako na protektahan." Nangibabaw ang boses ni Zhao Feng.
Natigil si Hung Yun nang marinig ito. Hinayaan niya si Xing Chen na atakihin siya at sinasadya ni Zhao Feng na hindi siya tulungan.
Hindi makapag salita si Huang Yun at siya ay nag-aapoy dahil sa gulat. Sa kabilang banda, ang Xing family head ay tumawa, sa kabutihang palad, ang grupong ito ay hindi makasarili kung hindi ay magiging mahirap ito…
Habang iniisip niya ito biglang nagbago ang sitwasyon.
Sou---
Ilang mga gintong palaso ang lumitaw sa hangin. Dumiretso itong tumama kina Xing Chen at sa natitirang deputy.
Toook!
Ang hita ng deputy ay natamaan ng palaso at bumagsak siya kasabay nito ang pagtanggap niya ng mga atake na Xu Ren.
Ang archery skill ni Zhao Feng ay mas mahusay pa sa kanilang inaasahan - ang punto na tinamaan ng palaso sa hita ng deputy ay acupuncture point.
Shuuuuuu---
Ilan sa mga palaso ang tumama sa takip-mata ni Xing Chen, na nagdulot sa kanya upang pagpawisan nang malamig.
Sa sandaling ito, nabigla ni Zhao Feng ang mga kalaban sa kanyang paghuli.
Shua!
Lumipad ang isang tao pababa.
Lighting Wind Palm!
Nakaramdam sina Xing Chen at ang deputy nang dagundong sa kanilang tainga.
Pah!
Dahil sa sugatan ang hita ng deputy, bumagal ang kanyang paggalaw at ang kanyang palad ay direktang tumama sa kanyang ulo.
Kraaaak!
Kahit ang pagkakataon na sumigaw ay nawala sa deputy nang sumabog ang kanyang ulo at nagpira-piraso.
Noong bumagsak siya sa lupa, na patay, naririnig pa rin ng iba ang dagundong.
Ang kapangyarihan ng palad na iyon ay nagdulot sa pagbabago ng ekspresyon ni Xing Chen.
Pewww~
Sa oras ding iyon, ang kulay lilang dugo na bumalot sa lugar ay bumagsak kasabay ng ipo-ipo na nasira..
"Nasira na ang array! Magtulong-tulong ang lahat at patayin si Xing Chen!" Sigaw ni Huang Yun.
Lumipad ang lima papalapit kay Xing Chen.
Takbo!
Nataranta si Xing Chen at alam niya na wala siyang magagawa upang baliktarin ang sitwasyon.
Kung wala ang array upang pigilan sila, ang kapangyarihan ng lima ay lalong lalakas. Bilang nasa 3rd Sky ng Ascended Realm, lubhang mabilis si Xing Chen at tanging sina Huang Yun at Zhao Feng lamang ang makahahabol sa kanya.
Nagulat si Huang Yun, hindi niya naisip na si Zhao Feng na nasa 1st Sky ay magiging sobrang bilis. Si Huang Yun ang pinaka mabilis sa mga 2nd Sky disciples.
Sou! Ceng!
Sa isang iglap, si Xing Chen ay lumitaw at naglaho sa burol.
Ang grupo ay pinanood na maglaho sa hangin ang kanilang kalaban.
"Mayroong array dito na may tinatago, marahil ay lihim ni Xing Chen." Kumislap ang mata ni Huang Yun sa kasabikan.
Kumislap ang ilaw sa mata ni Zhao Feng nang maintindihan niya ito.
Mula sa impormasyon na nakuha nila, si Xing Chen ay nasa 2nd Sky pa lamang, katulad ng kay Lord Guanjun, at hindi na siya naka alis dito sa mahabang panahon.
Kung kaya, paano siya nakaabot sa 3rd Sky nang mabilis at natutunan ang wicked skill?
Saan nanggaling ang salot na bumabalot sa Xing family?
Sa hula ni Huang Yun ay mayroong 'Wicked Inheritance' doon.
Sila Xu Ren at ang dalawa ay nakarating na sa burol at nagsimula silang hulaan kung ano ang laman nito.
Ang sagot ay nasa harap na nila
"Brother Zhai, ibibigay ko sa iyo ang 30% nang lahat ng naroon kung sisirain mo ang array na ito."
Ngumiti si Huang Yun habang sinasabi niya ito sa may isang mata at asul na buhok na kabataang katabi niya.