Ang apat ay nakaramdam nang panginginig, ito ay tila halimaw na lumabas mula sa ilalim ng lupa.
"Mag-ingat ang lahat! Malamang ay may array setup dito!"
Umaktong kalmado si Huang Yun, ngunit may malamig na pawis ang lumabas mula sa kanyang palad
Mula sa takot, magkaka talikod na bumuo ng bilog ang apat habang sinusuri nila ang paligid.
Patuloy ang pag yugyug ng mga puno, ngunit ang 4 ay naibalik na ang kanilang kahinahunan.
"Hindi talaga gumagalaw ang mga puno, dinala ng array ang ilusyon na ito para sa atin." Matalim ang mga mata ni Xu Ren.
Bilang mga inner disciples, sina Huang Yun at Xu Ren ay parehong nakapunta na sa maraming mga misyon at mayroon na silang kaalaman dito. Ang array na ito ay isang illusion array upang maloko ang mga tao. Ngunit kahit na alam na nila ito, hindi pa rin kumilos ang apat dahil wala silang alam tungkol sa mga arrays.
Sa grupong ito, si Zhao Feng lamang ang may kaalaman tungkol sa mga arrays at misteryoso siyang nawala gaya noon.
"Mga bata! Ang lugar na ito ay ang lugar kung saan kayo ililibing."
Isang malalim na boses ang nangibabaw at ang mga puno ay tumigil sa paggalaw.
Ang mga puno, damo at bricks ay hindi naman talaga gumagalaw - ilusyon lamang ito.
Gayunpaman, bago pa sila makahinga, mga linya nang kulay lilang dugo ang ang pumulupot sa mga puno. Ang kulay lilang dugo ay mayroong kakaibang kapangyarihan, na nagdulot upang sila ay lamigin. Ang mga linya ay tila mga sapot na bumalot sa lahat na nakapaloob sa isang daang radius.
Ang kulay lilang dugo ay lumitaw rin sa sahig.
"Ang aking katawan at True Force…"
Naramdaman ni Xiao Sun pinipigilan ang kanyang pagkilos at ang kanyang True Force ay natatalo.
"Hindi ito maganda! Naka pasok tayo sa poison array!" Kapansin-pansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Xu Ren.
Ang illusion array y kinuha lamang ang kanilang atensyon - ang tunay na killing move ay itong poison array.
"Umalis na tayong lahat sa gubat na ito."
Sigaw ni Huang Yun habang ang malakas na True Force ay dumadaloy sa kanya, na tumungo sa array na parang alon ng apoy.
Ginamit nila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan ang lahat ng kanilang Mortal Skills.
Weng~~
Isang malaking ipo-ipo ang lumitaw sa grupo, na umikot at naglabas ng daloy nang makapangyarihang hangin na pumigil sa kanilang lumilipad.
Plop! Plop! Plop… !
Nakakailang hakbang pa lamang sila mula sa lupa ngunit hinihila sila pabalik ng hangin. Ang poison ng hangin ay tila dagat - walang katapusan.
"Mga bata, matapos niyong pumasok sa Deadly Wind Illusion Poison Array, hindi na kaya makalilipad paalis."
Isang taong payat na naka itim na damit ang lumitaw sa pagitan ng aura at mayabang na ngumiti. Dahan-dahan siyang naglakad at naglabas nang masamang aura na nagdulot sa hangin upang mag-yelo.
Ang puso ng 4 ay agad na sumakit. Si Xiao Sun na may pinaka mababang cultivation ay namutla at hindi maka hinga.
"3rd Sky ng Ascended Realm! Sino ka!?"
Malamig na mga butil ng pawis ang lumabas sa noo ni Huang Yun.
Ang misyon na ito ay 2.5 na mga bituin lamang, na posibleng maging 3 mga bituin at nangyari na ito ngayon.
Kung normal na sitwasyon ito, tiyak na lalaban ang grupo sa isang 3rd sky at mananalo. Ngunit sa oras na ito, sila ay nasa Deadly Wind Illusion Poison Array.
"Xing Chen! Paano naging ikaw ito!?" Sigaw ni Xiao Sun nang makita niya ang taong payat na nakaitim na damit.
Ano!? Si Xing Chen, ang family head ng Xing?
Nagulat sila Huang Yun at ang iba.
Hindi sila naghinala sa mga sinabi ni Xiao Sun dahil siya ay nagmula sa Xiao family na mayroong relasyon sa Xing family.
Nakita na ni Xiao Sun si Xing Chen ilang taon na ang nakalipas at nakikilala niya pa rin ito ngayon, kahit na kapansin-pansin ang pagbabago sa mukha nito.
"Tama ka, ako si Xing Chen! Ngayon ang araw ng kamatayan mo. Bago kayo, marami nang namatay dito. Sa kanilang lahat, ang grupo niyo ang pinaka malakas at kayo ang magiging huling handog.
Mabangis na ngumiti si Xing Chen, ngunit ang kanyang mukha ay wala sa kondisyon at kulay lila. Halatang hindi na buo ang kanyang pagiging tao.
"Xing Chen! Paano mo nagawang magsanay ng isang Demonic at Wicked skills? Ngayon, tatalunin ka namin!" Sigaw ni Huang Yun at lumitaw ang kulay pilak na espada sa kanyang kamay.
Ang espadang ito ay Low grade Mortal weapon, na nagbibigay sa kanya ng kakayahan na hamunin ang mga cultivators mula sa 3rd Sky kahit siya ay nasa 2nd Sky pa lamang.
"Peng!"
Isang kulay lilang ilaw ang lumitaw at ang head ng Xing family ay lumipad patungo kay Huang Yun at inatake ito.
Paano ito nangyari!?
Halos sumuka ng dugo si Huang Yun. Ang 'Green Moon Blade' ay isang Mortal weapon kaya naman sobrang talim nito, ngunit naharang ito ng kalaban gamit lamang ang mga kamay nito.
Sa isang iglap.
Hawak ni Xu Ren ang kanyang Jinyue Sword kasama nina Xiao Sun at Lin Fan upang atakihin su Xing Chen.
Boom… boom…. boom…
Isang alon nang lila't itim na aura ang lumitaw kay Xing Chen at umikot sa kanya na parang ahas - na humarang sa kanilang mga atake.
Mayroong Mortal Weapon si Xu Ren, ang 'Jinyue Sword', ngunit ang nagawa lamang nito ay maliit na pinsala.
"Ang kanyang katawan ay pinino mula sa landas ng bangkay, kaya ang kanyang depensa ay sobrang lakas. Ang tanging paraan lamang upang matalo ito ay tamaan ang kanyang kalakasan."
Gulat na tumitig si Xu Ren kay Xing Chen. Ang kanilang kalaban ay tila nabubuhay na patay, ang kanyang balat ay maputla at matigas.
"Kahit na hindi makapapatay ng Ascended Realm ang lason sa array na ito, maari rin nitong agnasin ang iyong buhay at pigilan ang iyong lakas. Sa kalahating oras, ang iyong lakas ay babagsak rin nang kalahati." Brutal na ngumiti si Xing Chen.
Lalong pumangit ang ekspresyon ng apat matapos itong marinig.
Ang mapunta sa poison array, ang kanilang lakas ay limitado at habang mas tumatagal ang laban, lalo itong nagiging masama para sa kanila. Ngunit ang depensa ni Xing Chen ay naka lagpas sa mga normal na cultivators sa 3rd Sky.
Ang tanging mabuting bagay lamang ay kahit na mabilis siya, ang kanyang mga galaw ay maliksi sapagkat ang kanyang katawan ay dalisay mula sa bangkay. Nang nagsama-sama silang apat, bihira silang makakuha ng upperhand.
Honggg!
Sa sandaling ito, ang mga puno ay muling nagsigalawan na nag sanhi upang masindak ang apat.
Gumawa ng ilusyon ang Deadly Wind Illusion Poison Array upang guluhin sila.
"Family head! Ang array na iyon ay walang pagkakamali, ngunit may isang nakatakas." Saad ng dalawang taong naka itim na pumasok sa array.
"Ang batang iyon ay aabutin nang pitong araw bago makabalik sa Broken Moon Clan, kaya't hindi na dapat pang mag-alala tungkol doon. Kayong dalawang deputy family heads ay tulungan akong patayin ang mga disipulong ito!" Mas mabagsik na umatake si Xing Chen.
Bumuo ng tatsulok ang family head at dalawang deputy family heads at ginamit ang kanilang kapangyarihang array at sinubukang patayin si Huang Yun.
"Sasanggihin ko ang family head. Subukan niyong tapusin ang dalawa!" Saad ni Huang Yun sa iba.
Siya ang pinaka malakas sa grupo at may kakayahan siyang hamunin ang mga nasa 3rd Sky. Nakalaban niya si Xing Chen gamit ang kanyang Green Moon Sword, ngunit hindi niya ito maharap nang diretso.
Sa kabilang banda.
Nagsimula sila Xu Reb, Xiao Sun at Lin Fan na makipagpalitan ng atake sa dalawa.
Ding!
Sinaksak ni Lin Fan ang kanyang espada sa isang lalaki, ngunit wala itong naging pinsala. Salungat nito, siya ang biglang naitulak.
Siya at si Xiao Sun ay hindi na halos nakakasangga dahil ang mga atake nila ay walang pinsala sa depensa ng corpse body ng kanilang kalaban.
Si Xu Ren ay nasa 2nd Sky at mayroon siyang Jinyue sword, na nagbigay sa kanya nang pagkakataon makalaban nang patas ang deputy head.
Ang totoong nasa panganib ay su Huang Yun.
Ang kanyang kalaban ay kasindak-sindak, ang maliit na pagkakamali ay maaring magdulot nang malaking pinsala o kamatayan.
"Gusto na ba talaga ng kalangitan na mamatay ako…?"
Naramdaman ni Huang Yun na naagnas na ang kanyang life force sa poison array at bumabagay na rin ang kanyang True Force.
Mas malala ang sitwasyon nila Linfan at ng dalawa - kailangan nilang sugpuin ang lason at makipaglaban.
Wah!
Nakatanggap nang direktang atake si Huang Yun mula sa family head at siya ay tumalsik habang sumusuka siya ng dugo sa kanyang bibig.
Sa pinsalang mayroon ang kanilang pinunong si Huang Yun, ang pinsalang mayroon sa grupo ay ganoon din.
Labis na nasaktan si Huang Yun. Sa simula, noong tinanggap niya ang misyon na ito, hindi niya ito sina-puso sapagkat ang kanyang layunin lamang ay patayin sina Zhao Feng at Lin Fan.
Ngunit ang misyon na ito ay mas mahirap sa kanyang inaasahan at hindi lamang ito naka abot sa ikatlong bituin, halos ikaapat na bituin na ito.
Kung iisipin, may pakiramdam si Huang Yun na ito ay kinalkula na. Marahil siya ay isa lamang chess piece nina Yuan Zhi at Quan Chen, isang chess piece na puwedeng itapon nang walang pag-aatubili.
"Kung narito pa si Zhao Feng, maari siyang makipaglaban sa isang deputy gamit ang kanyang Lightning Wind Palm. Narinig kong henyo rin siya sa arrays…"
Punong-puno nang pagsisisi si Huang Yuan.
Ang kanyang layunin ay patayin sina Zhao Feng at Lin Fan, ngunit nagbago na ang sitwasyon. Maari niyang patayin si Zhao Feng ngunit hindi sila makaaalis sa bangungot na ito.
Wala nang pag-asa si Lin Fen nang maalala niya ang sinabi ni Zhao Feng bago sila umalis: "Baka maging mas matagumpay ito kung dalawa lamang kami ni Brother Lin."
Paano makakapag pokus ang sirang grupo?
Kung buo ang grupo sa simula pa lamang, malaki ang tsansa na makabalik sila nang walang nasasaktan.
Peng---
Tumalsik si Lin Fan sa salpukan ng metal at ngumiti ang deputy habang sinunggaban si Lin Fan.
Shua!
Nakita na ni Lin Fan ang kulay lilang lason sa kamay ng deputy.
'Ito na iyon! Matatapos na ang aking buhay!' Naisip ni Lin Fan kasabay nang paghinga niya nang malalim.
Sou-------
Isang gintong liwanag sa hangin ang tumama sa deputy sa isang kurap ng mata.
Ahh!
Ang isang mata niya ay tinamaan ng palaso at ang deputy ay umungol sa matinding sakit.
Hindi naman talaga siya bangkay - pinino lamang siya sa landas ng bangkay, na nagdulot sa kanyang katawan upang maging lakas ng metal, ngunit ang mga parte kagaya ng kanyang mata ay kritikal na bagay pa rin.
"Brother Zhao!"
Sumulyap si Lin Fan sa taong isang daang yarda ang layo na naka sukot sa malaking puno.
Sou--
Gayunpaman, bago pa siya makapagsalita, ang ikalawang pana ay tumama sa lalamunan ng deputy.
"Plop!"
Bumagsak ang deputy sa sahig habang ang kanyang mata at lalamunan ay wasak sa pagkakatama ng pana.
Ang makapangyarihang archery na iyon ay nagdulot sa paglaglag ng panga ng mga nakakita.
Maging ang isang taong kasing lakas ni Xing Chen ay nanigas.
Ang lahat ay tumingin sa may isang mata, asul na buhok na kabataang nakatayo sa tuktok ng puno. Ginulo ng hangin ang kanyang buhok, kaya lalo siyang nag mukhang masama.